Nagtungo agad ako sa kusina upang maghanda para sa kailangan kong tapusing order. Ilang sandali pa ay naroon na rin si Marie para tulungan ako. “Uy, sorry talaga kanina, ah,” nahihiyang paumanhin nito. “Wala iyon, ano ka ba! Ako nga ang dapat mahiya dahil nakalimutan kong hindi lang pala ako ang nakatira rito,” sabi ko. Ngumiti lang ito sa akin at bahagyang umiling. “Tin, ano pa bang bumabagabag sa iyo para makipagbalikan sa asawa mo? Mukha namang mahal na mahal ni’yo pa rin ang isa’t isa. Kaya dapat huwag na kayong mag-aksaya ng panahon. Kung puwede naman kayong maging masaya ulit, bakit hindi ‘di ba?” seryosong payo nito. At aaminin kong tinamaan na naman ako sa sinabi niya. “Hindi naman niya ako tinatanong tungkol diyan,” saad ko. At totoo iyon. Oo ilang beses na kaming naghalikan a

