Kristine’s POV The next three weeks were so hectic for me because of many events that we have to cater. Nakapapagod man ay satisfied naman ako dahil malaki-laki na rin ang naiipon ko para sa kinabukasan ng mga anak ko. I want them to study in prestigious schools, too, kaya todo-kayod ako sa pagtatrabaho. Ngayon talaga naiintindihan ko na iyong nararanasan ng mga single parents. Lalo sa akin doble ang kailangan kong buhayin at bigyan nang magandang kinabukasan. Madalas ko rin maisip ang mommy at daddy ko dahil wala na akong balita sa kanila mula noong umalis ako. Maging sila ay hindi man lang yata ako hinanap. Dahil nga siguro isa lang akong kahihiyan sa kanila kaya ipinagpalagay na lang din nilang patay na ako. Kasalukuyan akong nakaupo sa mini office ko at naglilista ng iba pang kailang

