Catherine’s POV Halos manigas ako sa kinauupuan ko dahil ramdam ko ang mga kakaibang tingin ng mga miyembro ng board sa akin. Some of them are mocking me and already insulting me with their stare. Nagbubulong-bulungan pa sila na tila sinasadyang buwisitin ako kaya lalong kumukulo ang dugo ko. Ang kakapal din ng mga pagmumukha ng mga ito, akala mo hindi nakinabang nang malaki sa kumpanya ko. “I think we should get to business now. Let’s not wait for our company to be a disaster before we take an action,” Mr. Aragon – the vice-president started. This man is a greedy one, too. He has 20 percent share while I have 30 and Charles have 30 as well. At alam kong masaya siya sa mga kinakaharap kong problema ngayon dahil matagal na niyang gustong agawin ang posisyon ko. Pero kahit ano’ng gawin niy

