Kristine’s POV Saktong alas-7 ng gabi nang matapos ang ipinaluto kong kare-kare. Mabuti na lang at mayroon sa kanila ang marunong magluto ng putaheng ito. Nangingiti ako dahil naalala kong ayaw daw ni Charles ng bagoong. Pero maganda ang pagkakagisa nito kaya I’m sure magugustuhan niya ito. Bago ko pa man siya ipatawag ay nasa kusina na ito at mabilis na yumakap sa akin saka ako ginawaran ng halik. Namula agad ang mukha ko dahil nagkatinginan ang mga kasama namin sa bahay saka sabay-sabay na naghagikgikan kasama si yaya Madel. “Naku ha, napaka-sweet naman ng batang ito. Maupo na kayo nang makakain na tayo,” bigla ay sabi ni Yaya Madel. “Ew! I really hate bagoong!” naghihimutok na saad nito nang mamataan ang ginisang bagoong-alamang sa lamesa. “It’s good, I promise!” natatawang sabi k

