Lucy's Pov
Vagabond Academy, 11:11
Matirik ang araw. Naglalakad akong mag-isa sa hallway ng seniors. Dadalawin ko ang best friend kong si Luke sa section nito.
Inutusan ako ng papa nito, ang principal ng academy na tawagin siya. Hindi niya sinasagot ang tawag ng papa niya at ilang beses narin itong tinawag sa speaker ng buong campus.
Nakita ko si Elle, ang pinsan nito. Kumaway ako nang magtagpo ang paningin namin. Nagpaalam siya sa kausap at tumungo sa akin.
"Napadpad ka yata rito?" aniya. "Hinahanap mo ba si Luke?"
"Oo," sagot ko. "Kanina pa kasi siya pinapatawag sa principal's office at pinage. Alam mo ba kung nasaan siya?"
"Nakita ko siya kanina papuntang gymnasium."
Napasandal ito sa pader at napansin ko ang biglang pagtahimik nito.
"Salamat, Elle. Sige pupuntahan ko lang siya." ani ko at naglakad na. Pero hindi pa man nakakalayo ay tinawag niya ako.
"Lucy,"
"Hmm?"
Napahinto ako at napalingon sa kanya. Napailing ito at ngumiti.
"Nevermind. You should go." aniya at pumasok na ito ng kanilang silid.
Naguguluhan man sa inakto nito ay hindi ko na lamang ito binigyang diin. Mainit ang sikat ng araw na dumadampi sa balat ko. May kalayuan rin ang gymnasium dito sa campus. Malapit kasi ito sa oval at sa dry forest na hindi masyadong binibisita ng kapwa ko estudyante, maliban na lamang kung foundation day ng academy.
Naririnig ko ang tunog ng bolang paulit-ulit na binabato sa sahig at ang tunog na nanggagaling sa sapatos at pagpasok ng bola sa basket. Nang makalapit sa nakawaang na pintuan ng gym ay nakita ko ang pawisang si Luke suot ang kanyang varsity tee na may numero uno na nakaimprinta sa likod at Vagabond sa harap nito.
Papasok na sana ako nang may lumapit sa kanya galing sa benches at may dalang tumbler at pamunas.
She's familiar. Of course she is.
Her long blond wavy hair, that sweet smile and a body to die for. Valentina Valentine, the campus queen bee at captain ng cheering squad.
Perfect match.
Hindi ko sadyang matulak ang pintuan kaya napalingon silang dalawa sa akin.
"Lucy," pagtawag ni Luke sa akin habang nakasabit ang tuwalya sa ulo nito.
"Hi," bati ko pabalik.
Muntik na akong masubsob sa sahig. Nakakahiya.
"What are you doing here? Wala ba kayong klase?" tuloy-tuloy na tanong nito nang makalapit siya sa akin.
Luke is 180cm and I'm just 160cm. Kailangan ko pang tumingala para kausapin siya. Pinagpala talaga sa tangkad ang isang kumag na 'to gayong ako naman 'yong mas mataas pa sa kanya noong elementary pa lang kami.
Unfair.
"Hindi mo ba narinig na pinapatawag ka sa principal's office?" panimula ko.
Vagabond Academy is owned by Luke's family. It was on its third generation actually, and now ang papa naman niya ang nagmamanaged nito. Hindi gusto ni Luke na tawaging papa ang principal kapag nasa loob sila ng academy. Hindi niya gusto na isipin ng iba na bias ang principal pagdating sa kanya 'cause he's his son.
No. He doesn't like free passes.
Kapag may gusto siya, like pagiging basketball captain for the past three years, he make sure na dahil 'yon sa hardwork, perseverance, talent and discipline niya since day one and not about his relation with the principal and school in general.
"Narinig ko, but I lost track kaya hindi ko napansin ang oras. Sorry." wika nito at napakamot ng batok.
"Ba't sa akin ka nag-sosorry?" tanong ko. "Anyway, pumunta ka na lang mamaya pagkatapos mo. I'm just here to inform you."
Napasulyap ako kay Valentina na bumalik na sa pagkakaupo sa bench. Tumango ako rito at ganun rin naman siya. Pero kaagad niya ring binaling ang tingin sa hawak nitong selpon.
"Thanks," aniya Luke sa tabi ko sabay ngiti.
"Small things."
Pareho kaming napatawa sa sinabi ko. Ginulo nito ang buhok ko na parang tuta pero kaagad ko itong tinabig dahil masisira ang munti kong bangs. Hirap pa naman i-maintain 'to.
"Arte," aniya sabay ngisi. "I'll cook you something later. Ja."
Tumango na lamang ako at lumabas na ng gym.
Luke has been my best friend since kindergarten. Sobrang tagal na ng samahan namin at marami na kaming pinagdaanang dalawa. Sa tuwing dadalaw siya sa bahay ay magluluto ito ng paborito kong ulam, ang adobong manok at ampalaya with egg.
Napangiti ako.
-
Sincerely's Residence, 7:45.
Pinapanuod ko lamang si Luke sa island counter habang nagluluto ito ng paborito kong ulam. I was home alone. Nasa business conference si papa at isang linggo rin siya doon sa New York while sobrang busy rin sa hospital si mama kaya madalas sa kanyang office na ito natutulog. She's a surgeon at simula nang ipamana sa kanya ni lolo ang Lucy's Medical Co. ay dumoble ang trabaho nito.
Nag-iisang anak lamang ako at matanda na ang mga magulang ko para bumuo pa ng isa. Alam kong greatest wish nila 'yon para hindi ako malulungkot sa tuwing mag-isa lang ako sa bahay.
But everytime maiisip nila 'yon, I'll always dismiss the topic right away. I don't wanna pressure them anymore by thinking and worrying about me, instead palagi kong sinasabi na hindi ako malungkot at naiintindihan ko na hindi kami masyadong nagsasama because of their hectic schedules at para rin iyon sa kinabukasan ng pamilya.
"Ma, I also have Luke here. So, I'm not really alone." wika ko sabay ngiti sa aparato kung saan kasalukuyan kaming nag-vivideo call ni mama.
She's worried about me kasi mag-isa na naman ako.
"Good evening, Tita Margareth." wika ni Luke sa may likuran ko. Hinawakan niya ang balikat ko at sinigurado kay mama na maayos lang ako at nagluto siya sa kusina nito.
Napatingin ako sa kamay ni Luke sa balikat ko. Kumikirot na naman ang puso ko kagaya sa nangyari kanina sa gym. Tumayo ako na ikinagulat ni Luke. Ngumiti lamang ako sa kanya.
"Ma, tapos na yatang magluto si Luke. Kain muna kami. Kumain narin ho kayo. Huwag magpapalipas ng gutom, okay?" tuloy-tuloy kong sambit kay mama. "I love you, ma. See you. Take care."
Nagpaalam na kami sa isa't isa at pinatay ko na ang selpon ko. Nasulyap ako kay Luke na kasalukuyang hinahanda ang hapagkainan.
Ba't ba ako kinakabahan?
Napaubo ako at inayos ang sarili.
"Smells delicious," komento ko at naupo.
"Taste delicious," ani naman nito sabay upo rin sa harapan ko at ngumisi.
-
Hinatid ko lamang ng tingin si Luke at pumasok narin ng bahay. Luke and I are also neighbours. Napabuntong-hininga ako at itinapon ang sarili sa kama ko. Muli na namang bumalik ang nangyari kanina.
Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko everytime Luke touches me. Napahawak ako sa ulo ko at pinamulahan ng pisngi nang sumagi ang mukha ni Luke na nakangiti sa isipan ko.
Luke is really the hottest man na kilala ko sa campus. Nonetheless, he hasn't been into a relationship once. Sobrang nagkakandarapa ang halos lahat ng babae sa campus, mapansin lang nito.
Minsan ako naman ang ginagawang pulutan ng mga ito kapag hindi sila pinansin ni Luke. They're jealous of me dahil nakakalapit ako kay Luke ano mang oras kung naisin. Kaya nga wala ako masyadong babaeng kaibigan kasi hindi naman talaga pakikipagkaibigan ang habol nila sa akin. Pinapansin lang nila ako kasi gusto rin nilang makalapit sa best friend ko.
Hindi naman ako malungkot kasi nandyan pa naman si Luke.
Biglang bumalik ang eksena kanina sa gym. Valentina and Luke are smiling with each other. They look like a couple.
Napabangon ako at tinampal ang sarili ng dalawa kong kamay. Napailing ako at tinanggal ang salamin na suot.
"No, Luke and I are just best friends. Kung saan siya sasaya, handa akong sumuporta." I chanted.
-
Kinabukasan.
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. I grunted at lumipat ng pwesto.
Why is mom so early in the morning? Tapos na ba ang trabaho nito?
"Ma, kindly close back the blinds." sabi ko habang siniksik ang sarili sa kumot.
To my dismay, hindi sumagot si mama at patuloy lang siya sa pagbubukas ng blinds. Sumulyap ako at napansin ang pamilyar na bulto ng tao.
"Bigla ka yatang tumangkad ma?" tanong ko pa.
Narinig ko ang pinipigilang pagtawa nito. Ibinuka-sara ko ang mga mata nang mapansing lalaki pala ang nakatayo sa harapan ko. Nang maaninag ang mukha ay napadilat ako ng mga mata.
Ibinalibag ko ang nakapulupot na kumot at dagling yumakap sa may malaking tyan na lalaki sa harapan ko.
"Papa, you're home." nagagalak kong wika.
Niyakap ako ni papa at hinalikan sa noo. "I'm home, Lulu."
Umalis ako sa pagkakayakap at hinarap si papa. "I thought one week ka pa po sa New York?" tanong ko.
Ginulo ni papa ang magulo kong buhok saka ngumisi. "Baka miss mo na 'yong luto ko at bigla kang magtampo sa akin. Kaya si Jitter 'yong pina-sub ko at nag-book agad ako ng first flight kagabi."
Si Jitter 'yong bagong intern ni papa sa negosyo. Papa is a chief at siya ang nagmamay-ari ng Caza de Lulu.
"Mind reader ka ba, pa?" pagbibiro ko.
"Oh, siya. Magbihis ka na at baka ma-late ka pa sa school mo. Ipagluluto kita ng paborito mong almusal." aniya.
Tumango ako at giniya palabas si papa sa aking kwarto. Huminga ako ng malalim at tinalian ang buhok ko into a messy ban.
I started my day with a beautiful wake up call and a mouthwatering breakfast made by papa.
Lumabas ako ng kotse at yumuko para magpaalam kay papa.
"Thanks pa."
He nodded and smiled.
I waved goodbye at papasok na sana pero napatigil ako sa paglalakad nang mapansin si Valentina kasama ang kaibigan nito na masama ang titig sa akin.
Pumasok kaagad sila nang mapansin ako at patuloy lang ang pag-uusap hanggang sa loob na parang walang nangyari.
Nagkit-balikat na lamang ako at inayos ang suot kong salamin.
Yes, I'm the nerd on the campus.
I swiped my school i.d. at pinakita kay manong guard ang loob ng bag ko.
"Mabuti pa 'to puro aklat at kwaderno, hindi katulad nung dalawa." bulong ni manong.
"Po?" Hindi ko kasi masyadong narinig ang sinabi ni manong. Ngunit ngumiti lamang ito bilang tugon kaya hindi ko na lang rin ito pinilit.
I saw Elle and Luke talking seriously near the fountain of the school. Mukha silang mga artista na may shooting kasi napapaligiran sila ng mga kapwa estudyante. Even Valentina with the cheering squad ay nanunuod sa magpinsan.
Seriously?
Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad at hindi pinansin ang mga bulungan sa paligid. I saw Kitty on her desk, reading silently.
"Good morning," bati ko at nilapag ang backpack sa katabing upuan nito. Napaangat ito ng tingin at ngumiti.
"Good morning, Lulu."
Kitty is my cousin and one of the few closest friends that I have. I am a year ahead of her.
"Did mama tell you about the reunion?" She asked at sinarado ang libro. Kitty and I call each other's mom, mama. They're siblings.
"I still haven't heard about it." sagot ko at kinuha ang libro na pinapabasa sa akin ni papa. Actually, binigay niya 'to sa akin kanina at kailangan kong basahin kung wala akong ginagawa.
"I see," she sighed at napaangat lamang ang kilay ko. "I don't really wanna go." pagpapaliwanag nito.
"And why is that?"
"I'm sure he's gonna come. I don't wanna see that jerk." mapaklang aniya at binuksang muli ang libro.
Nagpatuloy kami sa pagbabasa ng tahimik hanggang sa mag-umpisa ang unang klase ng araw.