Prologue
The names, characters, businesses are all work of fiction. Some places exist but not entirely fit in the description. Any resemblance to persons living or dead are entirely coincidental. The opinions expressed are those of the characters and should not be confused with the author's.
-
Macimilian #2
akalain mo yon
Hope you support this one!!
Note:
This is the unedited version. Lots of grammatical error
--------
Prologue
Family
My hand caresses the daisy as it softly stood from the vase. They say that daisies symbolize purity and innocence that somehow, they relate to me. Nasanay na ako sa ganoong tingin nila sa akin dahil hindi ko naman maitanggi.
Ngumiti ako nang ilapag sa table ko ang isang iced tea juice. I was waiting for someone inside a café, and I can feel my heart harshly slamming against my chest. Muli ay napatingin ako sa bulaklak sa aking harapn. Nakalagay sa vase, at nasa gitna nang lamesa.
I read that daises also symbolize new beginnings, making me happy because people refer to me as a beautiful and symbolic flower.
Napa angat ako nang tingin nang tumunog ang chimes sa pinto nang café. Pumasok doon ang isang babae. She has strong features, sharp eyes, and a defined jaw; her dark auburn hair is straight, sliding in her back and shoulder resting below her chest. My hair is shorter than her and a bit curly, sa kulay, dark brown iyong sa akin kaya mas hindi halata ang naiibang kulay na hindi itim.
Nang tumama ang mata niya sa akin ay muling nagtambol ang aking puso. Ni hindi na ako nakatayo at siya na ang naunang naupo sa aking harapan. I blinked and tried to smile at her. Nanatili ang seryoso at halos walang emosyon niyang mata sa akin.
"Did you saw what I send you?" she spoke in a very defined way.
Bahagya akong tumango. Inaalala ang mga bagay na ipinadala niya sa bahay na hanggang ngayon ay nakakapagpabigla sa akin.
She sent pictures of me when I was a child. Kasama ang isa pang mas nakakatandang babae, at hindi kilalang lalaki at babae na hula ko ay ang tunay kong magulang. I was aware since I was a child that I am an adopted child of my parents.
Hindi na ako umasa na mahanap pa ang tunay na magulang dahil wala akong maalala sa mga nangyari noon. I was very young back then, three years old, I guess, when I was adopted. Natatandaan ko ang ilang imahe na nasa ampunan ako pero hindi malinaw at hindi lahat.
Kaya ang nangyari sa akin at tunay kong pamilya ay mas lalong hindi ko matandaan.
"How did you find me?" I asked softly.
She blinked and tilted her head. Parang hindi manlang siya natitinag sa akin, o kinakabahan kagaya ko. Her strong personality is opposite to mine. With my soft features, gestures, and talks, kaibang kaiba sa kanya.
"I have ways. Ang mahalaga ay nakita kita." Diretso niyang sagot at wala akong nagawa kundi ang magbaba nang tingin.
After all these years, it is something that I did not expect. Masyado nang matagal ang lumipas na panahon at hindi ko na inasahan pang makita ang isang bahagi nang nakaraan ko. I'm fine with where I am and how I live now.
But that doesn't mean I am not glad to see and know her.
"I'm Penrose." She said. Napaangat ako nang tingin. Oo nga pala at hindi ko manlang tinanong ang pangalan niya.
Nahihiya akong ngumiti. "I'm Azalea-"
"I know." Putol niya sa akin. Nakita ko ang bahagya niyang pag ngiti at para naman akong nabunutan nang tinik. Marunong siyang ngumiti.
I nodded, "You can call me Aio." Mahina ko muling sabi.
"Okay, Aio. How are you doing here?" pinasadahan niya nang tingin ang buong café at pati narin ang labas.
"I'm fine." Nakangiti kong sabi.
Somehow, I feel light. Hindi katulad nang kaba kanina.
"That's good. Your adoptive parents?"
"They are good to me..."
She nodded. Napansin ko ang kaniyang pagiwas nang tingin at sandaling natigilan.
"How about you? Are you... living with our parents or?" hindi ko madiretso ang tanong.
I wanted to ask to many questions but I am so shy to ask her. Hindi ko mabuka ang bibig dahil baka mamaya ay mairita siya sa akin sa dami nang tanong ko. Nakakatakot pa naman siya.
Umiling siya sa akin. "Our parents are murdered."
Napadiretso ako nang upo sa narinig. Murdered? She's looking at me straightly in the eyes, and that made me more anxious. My heart race once again. Nakita ko ang pagsuri niya sa aking reaksyon.
Napakurap ako at bahagyang nagiwas nang tingin, hindi alam ang sasabihin.
"We're both young when it happened. I'm just five, and you're three. Hindi ko alam paano tayong nagkahiwalay pero kasama tayo nang mangyari iyon."
Hindi ko na alam kung paano hihimayin ang kaniyang sinabi. Nakakunot na ang aking noo habang nakikinig sa kaniya. Why would someone kill our parents? At nandoon kami. Hindi ko alam kung maniniwala ako pero bakit naman niya ito sasabihin sa akin ngayon?
"Why would someone do that?"
She shrugged immediately. "I don't know. I would find that out. That's what I'm doing right now."
"That's dangerous. If someone killed them..." hindi ko na maituloy. "Who's our parents?"
Matiim niya akong tiningnan. Pinagaaralan ang aking mukha pati ang aking kilos. Hindi na ko nagabalang umiwas nang tingin o mailang.
"I can't say that yet. Like you say, it's dangerous. Mainam nang wala kang alam. I just need you to be always careful."
Nabuga ako nang hangin. Hindi ko alam kung kukulitin ko ba siyang sabihin o hayaan siya sa gusto niya. This is making me more curious. Ni hindi ko alam kung may iba din na nagampon sa kaniya? At kung anong apelyido niya o namin.
"I'll visit you from time to time. Kapag maayos na, sasabihin ko sa'yo lahat."
Her tone is very convincing. Tila inaalo ako pero ayaw tuluyang mawala ang malakas niyang personalidad. Napatango ako kahit marami akong gusto pang malaman. She nodded too. Tingin ko ay aalis na siya.
"What should I call you?" tanong ko.
"Call me anything you want."
"I'll call you Ate." Dahil mas matanda siya sa akin, ay dapat lang iyon.
Nakita ko ang pagngisi niya kaya napangiti na rin ako. I never have someone to call Ate. Nagiisang anak ako nang umampon sa akin kaya wala akong ibang kapatid.
Umalis din siya nang matapos kuhanin ang number ko. Tatawagan niya daw ako. I think our meeting went okay. Kahit hindi ako makapaniwala sa nangyari sa totoo kong magulang ay masaya akong makita ang isang taong kaugnay ko sa dugo.
I am delighted with my parents now. That's why I never think of finding my biological family. Isa pa, wala akong maalala kahit pangalan ko noon. Binigyan ako nang bagong pangalan nang maampon ako.
Ernesto and Paloma Escribaño adopted me when I was four because they had a miscarriage. Hindi na sila magkaanak pagkatapos dahil sa komplikasyon. And I am happy that they are my parents.
"Saan ka galing hija?" Mama greeted me when I walked inside the house.
Malambing akong ngumiti sa kaniya at yumakap.
"Nakipagkita ako sa kaniya Mama." Pag amin ko. I never hide anything from them.
I was very fond and happy with them that I just can't seem to lie with anything. Alam kong ganoon rin sila sa akin kaya dapat ay ganoon din ako. Nakita ko ang pagkagulat sa kaniya at bahagyang takot.
Ito na ang sinabi nila sa akin noong nakaraan nang matanggap ko ang mga pictures na binigay ni Ate Penrose. Sinabi ko kaagad sa kanila at parehas silang gulat at alam kong nangangamba.
"Anong nangyari?" parehas kaming naupo sa sofa sa sala.
Nginitian ko naman siya nang makita na nagaalinlangan siya.
"Hindi po kami gaanong nakapagusap pero patay na daw po ang tunay na magulang namin." Mabagal kong sabi.
Nakita ko nag pagkabigla niya at malungkot na tumingin sa akin.
"Natatakot akong kukunin ka nila pero hindi ganito ang gusto kong mangyari."
I shook my head, "Sinabi po sa akin ni Penrose na may pumatay sa kanila pero hindi ko po alam kung anong tunay na kwento."
Napahawak siya sa kaniyang bibig. Napayuko naman ako dahil hindi ko rin alam ang iisipin sa mga nangyari kanina. I don't know what to feel, sila ang aking tunay na pamilya at ang malaman kong may pumatay sa kanila ay nakakalungkot, kahit ni hindi ko sila maalala. Sila parin ang dahilan kung bakit ako nandito.
"Ano?" nabibigla nyang tanong, "Anong nangyari?"
"Hindi ko din po alam. Ang sabi niya ay sasabihin niya sa akin ang lahat kapag nahanap na niya iyong pumatay..." kumalabog ang aking puso sa kaba sa hindi malamang dahilan.
Everything about my past is not what I'm expecting. Minsan naisip kong baka naaksidente kami dahil sa kwento noon nang mga nasa ampunan na sobrang dumi ko daw nang matagpuan nila.
Inisip ko rin na baka patay na nga ang pamilya ko dahil wala rin namang naghanap sa akin. Pero ang malaman na sinadya silang patayin ay hindi sumagi sa aking isip.
"Kinakabahan ako sa'yo!" medyo napalakas ang sabi ni Mama kaya napangiti ako. Hinawi niya ang aking buhok at pinagmasdan ako.
"Okay lang ako Ma. Matagal na ang nangyari at kahit kailan ay wala namang ibang naghanap sa akin kaya huwag kayong matakot..."
"Mas nakakatakot dahil pagkatapos nang ilang taon saka may nagpakita sa iyong ganito."
Naiintindihan ko sila. Ako man ay natakot noong nakita ang mga larawan na ipinadala sa akin. Pero nang makita ko ang tunay na kapatid kanina, mukhang wala naman akong dapat ikatakot. She seems harmless kahit na parang nakakatakot ang itsura niya sa akin.
"My sister is pretty..." pagiiba ko nang usapan.
Tumitig sa akin si Mama bago bumuntong hininga at ngumitin ang kaunti.
"Maganda ka anak kaya nasisigurado kong maganda nga ang kapatid mo." Napabungisngis ako sa kaniya ay tuluyang yumakap.
"I miss you." I utter. Natawa naman siya sa akin.
"Naku ka talagang bata ka!" natatawa si Mama kaya natawa din ako.
Sakto naman na pumasok si Papa at naabutan kami sa ganoong posisyon. Masama itong tumingin sa amin na parang nagtatampo.
"Akala ko ba ako ang paborito mo?" tanong nito sa akin na lalo kong ikinatawa.
"Papa! Sali ka dali!" napailing ito sa akin at lumapit.
Nakapagluto na si Mama kaya tumulong akong maghain nang hapunan. Si Papa ang nasa kabisera at magkaharap kami ni Mama. Our house is not big and not also small. Tama lang para sa aming tatlo. May kwarto dito sa ibaba at dalawa sa taas.
My adaptive mother is soft spoken, siguro ay namana ko iyon sa kaniya. Malambot siya magsalita kahit noong bata pa ako kaya siguro lumaki rin akong tahimik at mahiyain. Si Papa naman ay mas matikas at medyo strikto.
Sa akin lang iyan malambing kaya natatawa ako kapag sinasabi nang iba na nakakatakot daw si Papa. Hindi naman ako maka relate dahil mabait siya sa akin. Hindi pa yata ako nasisigawan niyan kahit minsan.
Ang mga kasamahan namin sa lupain sa maliit naming flower farm ay takot sa kaniya lalo na kapag nagagalit. We owned a two hectares flower farm. Iyon ang pinagkukuhanan namin nang pangunahing pangangailangan.
Nag p'part time job din ako kapag wala akong pasok para naman makatulong. Ayaw nila Papa pero hindi naman ako pumapayag lalo na kapag hirap sa farm. Hindi naman kasi laging maganda ang tubo ng bulaklak. Minsan nasasalanta nang masamang panahon at mga peste, at sa maliit na lupain ay nahihirapan kami.
Ang isang hektaryang greenhouse ay mas maganda ang lagay kaysa sa isa pang hektarya na hindi. Balak iyon pagawan din nang greenhouse pero hindi palang sa ngayon dahil masyadong malaki ang gastos.
"Dapat ay isinama mo dito Aio, para nakilala namin." Sabi ni Papa habang kumakain dahil nasabi ko ang tungkol kay Ate Penrose.
Nabigla din siya sa totoong nangyari sa magulang ko pero hindi nalang nagsalita.
"Mukha po siyang busy na tao. Nahihiya din po ako kaya baka sa susunod nalang po." Nagumiti ako sa kaniya at napailing nalang si Papa.
I slept late that day that's why I woke up a little late the next day. Linggo at walang pasok kaya naman hindi ko kinailangan magmadali. Isang linggo nalang ang pasok bago mag christmas vacation kaya hindi narin masyadong madami ang gagawin sa school.
Isa pa, OJT na ang aatupagin ko next year. Inaantok akong bumaba nang makapagayos. Naabutan ko si Mama na kapapasok lang nang bahay. Ngumiti ako sa kaniya habang pababa nang hagdan.
"Good morning!"
"Good morning anak. Mag almusal ka na. May lakad ka ba ngayon?"
Umiling ako at dumiretso sa dining.
"Wala po."
Kumuha ako nang tasa at nagtimpla nang gatas.
"Pupunta po ako sa farm pagkatapos ko dito. Ang tagal ko na pong hindi iyon nasisilip dahil sa school." Dugtong ko habang kumakain.
Nilagay naman ni Mama sa kitchen iyong pinamili niya na siguro ay sa palengke. Tumango ito sa akin.
"Nandoon na ang Papa mo. Malapit nang anihin ang mga rose kaya matutuwa ka sa kulay nito ngayon."
Na excite naman ako kaya binilisan ko ang pagkain at mabilis na naligo at nagayos. Nagsoot ako nang simpleng pants at shirt at iyong sneakers ko. Simula noong nagdalaga ako ay ayaw na akong pinapasoot ni Papa nang shorts kapag bumibisita sa farm.
Mas marami kasi ang lalaking trabahante na kahit puro naman sila mababait ay talagang protective si Papa. Hindi naman ako nagreklamo dahil alam kong iniingatan niya lang ako. Hindi naman na mababago iyong pananaw na maraming lalaki ang bastos kaya mabuti na ang nagiingat.
Ang farm ay nasa likod lamang nang bahay pero medyo mahaba ding lakarin. Hindi naman ako naiinip dahil sa malawak na field doon ay naeenjoy ko ang tanawin. Halos ganito ang tanawin dito sa Siraya kaya gustong gusto ko itong town namin.
"Aio, magandang umaga! Ang tagal mong hindi bumisita ah?" napalingon ako kay Ronald sa bati niya.
Nahihiya akong ngumiti dahil na tingin din iyong kasamahan niya. Ang lakas kasi nang boses.
"Magandang umaga din sa inyo..." mahina kong sabi saka ngumiti.
Kumaway ang iba kaya ganoon din ako. Pagkatapos ay lumakad na ako ulit. Nauna kong natanaw ay ang malawak na lumapin na walang bubong o kahit ano. Nandoon ang ilan sa mga tauhan.
"Nasa greenhouse si Papa?" tanong ko kay Louie nang makita siyang naglalakad sa greengrass sa harap nang flower farm.
Iyon ay lakaran talaga para malayang makaikot sa buong lupa. May kakaonting puno na nakapalibot doon at ang mga huni nang ibon ay parang tugtog sa pandinig.
"Oo Aio, nasa loob." Nakangiti niyang sagot.
She's the same age as me. Mas malaki lang siya nang tangkad at parehas kami nang escuelahan na pinapasukan. Nagp'partime siya dito kapag walang pasok at medyo close din naman kami.
"Salamat!"
Naglakad ako palapit at nang nasa harap nang pintuan ay itinulak ko iyon. Different flowers and different colors greeted me. Napangiti ako habang pinagmamasdan iyon. Yumuko ako at pinagmasdan ang ilang chrysanthemum na hindi pa naaani.
Books say chrysanthemum was cultivated in China centuries ago. It was used as an herbal remedy, and its petals are even eaten in salads. Masarap kaya ito? Ang alam ko lang ay sa tea ito ginagamit. I caress it with my index finger. There's many meaning and symbolism in this flower. Bawat kulay may iba't ibang mensahe.
The yellow ones, like what I am holding, symbolizes neglected love and sorrow. It was such a beautiful and full bloom flower, kaya ang isipin na kalungkutan at matinding sakit ang ibig niyang sabihin ay hindi makatarungan.
Napanguso ako at malungkot na ngumiti.
"Aio." Nag angat ako nang tingin nang makita si Papa na papalapit.
"Papa, bumisita lang ako."
"Kumain ka na?"
Tumango ako, "Opo."
"Marami pa ang hinaharvest na chrysanthemum kaya matatagalan ako dito. Sa susunod na mga linggo ay yung mga roses naman."
Masaya akong napalinga doon. The flower farm looks like okay this year. Hindi gaanong na peste ang mga bulaklak at naalagaang mabuti.
"Magiikot lang ako Papa. Ayos lang kung may gagawin kayo..."
Nalingat ako nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa aking bulsa at hindi kilalang numero ang tumatawag. Napatingin ako kay Papa na kuryosong nakatingin sa akin.
"Wait lang Pa." nginitian ko siya at sinagot ang tawag.
Nakita ko naman siyang tinawag nang ibang trabahante kaya naglakad ako at lumabas doon.
"Hello?" I greeted.
"Good afternoon. Is this Azalea Iolanthe Escribaño from Cebu Technological University?" a girl with a stern voice said.
Bahagya akong kinabahan at napatango kahit hindi niya nakikita.
"Yes po..."
"This is from La Granja de Flores. I'm calling for your OJT. You can submit your final requirements on Friday and start your internship on the first week of January."
Napatakip ako sa bibig sa narinig. I wanted to scream, but I won't do that.
"Really? Uh... Thank you po! I'll report on Friday immediately." I feel like I chose all the wrong words.
"Okay. We'll see you on Friday."
Pinatay nito ang tawag at nakangiti padin ako. I just got in, in the most prominent flower farm here in Visayas! I'm so excited. Lumingon ako sa may greenhouse at nakita si Papa na naka tingin sa akin.
"Sino kausap mo anak?" nakakunot ang noo nito habang pinagmamasdan akong nakangiti.
"Papa! I just got a call from La Granja de Flores doon ako mag o'OJT!" masayang sabi ko at saka tumakbo sa kaniya at yumakap.
Sa bewang lang ako dahil matanggad si Papa. Natawa ito sa akin.
"Madumi ako Aio."
"I'm so happy!" I replied.
Natatawa ito sa akin kaya nagtaas ako nang tingin.
"Congratulations anak. Magaling ka kaya walang duda na makakapasok ka doon."
I narrowed my eyes, "Binobola niyo naman po ako."
He laughed, and I saw some men looked at us. Nahihiya akong ngumiti sa kanila. Ang ingay kasi nang tawa ni Papa.
"Matutuwa ang Mama mo,"
Humiwalay ako sa kaniya at napatango.
"Sasabihin ko po kay Mama."
Nakangiti siya habang tumango sa akin. Naglakad na ako palayo. Lumingon ulit ako at nakitang nakatingin parin sa akin si Papa.
"Take care Papa. Huwag po kayong magpapagod."
He nodded and motioned me to go. Lumakad naman na ako paalis. Nang makarating pabalik sa bahay ay ni kwento ko iyon kay Mama at tuwang tuwa nga siya. La Granja de Flores is a big flower farm. Dito iyon sa Siraya pero medyo malayo dito sa amin at pagmamay ari nang mga Buenavides.
Sikat iyon dahil halos sila exports. Ang alam ko ay isa sila sa malalaking kompanya na nag e'export ng bulaklak sa Japan at Taiwan. Kilala sila dito sa bayan namin noon pa man bago maging kilala ang kompanya nila.
Matagal na ang flower farm na iyon sabi ni Papa. Hindi lang gaanong napagtuunan nang pansin noon dahil naiwan ang farm sa nagiisang anak na lalaki nang tunay na may ari. Paul Buenavides, ang anak na naiwan ay hindi hilig ang pagtatanim.
Kaya pumasok siya sa AFP at iyon ang naging trabaho. Naiwan sa mga katiwala ang farm kaya medyo napabayaan. Muli lang lumago nang nagretired ito at nag asawa, iyon ang muling bumuhay sa farm.
Madami akong pinag apply'an para sa OJT pero ito talaga ang gusto ko. Ngayong nakapasok ako ay wala yatang makakapawi nang saya at excitement ko.
Pumasok si Papa sa bahay na may dalang pale pink rose. Hindi pa ito full bloom pero napako ang tingin ko kasi ang ganda nang kulay. Lumapit siya sa akin at inabot iyon.
Kinuha ko kaagad at tumingin sa kaniya.
"Pale pink, for joy and happiness..." he uttered. "I know you're happy. Kaya masaya din ako. Nasisimbolo rin niyan ang gentleness na bagay na bagay yata sa anak ko."
Natawa ako sa sinabi ni Papa. "Thank you, Papa!"
Inamoy ko ang rose at ibinalik ang tingin sa kaniya. He smiled at me, and I never been this grateful. By blood or not, this is my family.