Chapter 5 Age

3286 Words
Chapter 5 Age Huminto na ang ulan nang makarating kami sa bahay. He stopped the car in front of our house. Lumingon ako sa kaniya at nakitang nagmamasid siya sa akin. Nagiwas ako at inayos na ang bag. "Thank you. Mauuna na ako." Mahina kong sambit. He shifted in his seat. Binuksan ko na ang pinto at hindi na hinintay kung may sasabihin pa siya. I closed the door and walked faster. Nang buksan ang pinto nang bahay ay nandoon si Papa sa sala. "Ang aga mo yata?" tanong ni Papa. Naupo naman ako sa tabi niya at ngumiti. "Baka abutan po kasi ulit ako ng ulan Pa. Kaya umuwi na ako." Tumango naman siya sa akin. Buti nalang hindi nagtanong kung paano ako nakauwi. Tumayo ako at nagpuntang kusina dahil nandoon si Mama. "Oh, nandiyan ka na pala." "Tutulong na po ako sa inyo..." sabi ko nang makitang busy siya sa pagluluto. "Ayos na ako dito Aio. Sige na at magbihis ka na." I chuckled and nodded. Pumanhik ako sa taas at nagpunta sa aking kwarto. Nilagay ko sa kama ang laptop at nahiga sa tabi noon. Hindi pa nga pala ako tapos sa ginagawa ko. Nagbihis ako at naupo ulit sa kama pagkatapos. I opened my laptop and continue what I'm doing. Napatingin ako sa bintana nang bumuhos na naman ang ulan. I can hear raindrops from here. Unti unti ako tumayo ay tumingin sa bintana. Ang harapan nang bahay ang tanaw doon at ang malawak na lupain sa harap. Hindi ko alam kung kanino dahil wala naman nakatira sa harap namin. I opened the window and harsh wind welcomed me. Natawa ako at sinara iyon ulit. Kinabukasan ay mas maganda ang panahon. Sumikat ang araw at unti unti ay natuyo ang basang daan. Pagdating ng tanghali ay naging malulam ngunit hindi naman maitim ang ulap. Nagpresinta akong bumili ng kailangan ni Mama sa pagluluto sa mga susunod na araw. Wala naman na akong gagawin kaya ako na ang nagprisinta. I wore high-waisted fitted faded jeans and a white shirt. "Sigurado ka bang ikaw na?" tanong ni Mama ng bumaba ako sa hagdan. I smiled at her. Si Papa ay nasa farm kaya si Mama lang ang nandito. "Kaya ko na Mama..." Inabot niya sa akin ang lista ng kailangang bilin at ang pera. "Magingat ka." Sumakay lang ako nang tricycle hanggang makarating ng kabayanan. Kaagad kong pinuntahan kung saan mabibili ang mga binilin sa akin. Marami parin tao kahit maghahapon na, marahil dahil weekends. Napalingon ako sa nakakatandang babae na nagpipilitan sa pagtawad. Nangiti nalang ako. Halos gulay ang pinabili ni Mama at koting prutas. Walang karne dahil madami pa daw kaya hindi naman ako nahirapan at konti lang ang bitbit. Nang matapos ay napatingin ako sa relos. Maaga pa naman kaya pwede pa naman siguro akong maglakad lakad. Total hindi rin naman mainit dahil nagtatago ang araw sa mga ulap. Sa kabilang dako ng palengke ay may maliit na parke. Madaming puno kaya mula dito ay hindi tanaw ang palengke. Maraming nagtitinda ng street foods at marami ding tao doon. Mga nakaupo sa benches at nag k'kwentuhan. I decided to sit on the bench near the river. Malapit sa river wall. Dito sana lulubog ang araw kung hindi lang siya nagtatago ngayon. Aalis na sana ako nang may maupo sa tabi ko. I looked at him, and he's not familiar. Nagiwas ako at tumayo na. I got startled when he holds my wrist. "Aalis ka na agad?" I tried to pull my wrist and watched him with narrowed eyes. Hindi ko naman siya kilala. "H-Hindi naman kita kilala..." Natawa siya. Mas lalong humigpit ang hawak sa akin. Kinabahan na ako kaya luminga ako sa paligid. "Kaya nga magpapakilala?" Tumayo siya at halos mapaupo ulit. Is he drunk? My heart hammered. Lumayo ako pero hindi niya ako binibitawan. I don't want to cause any scene, but I'm so nervous right now. "Bitiwan mo 'ko..." He laughed like crazy. Some people looked at us and narrowed their look as their eyebrows knotted. I pulled harder, and his face dimmed. Hawak ko sa isang kamay ang pinamili habang hinihila ko sa kaniya ang isa ko pang kamay. Someone pulled my hand harshly. Nabitawan iyon nang lalaki. Kita ko ang pamumula nang aking palapulsuhan pero mas inintindi ko nag kaba at ang tingin ng mga tao. "Anong problema mo?" sigaw noong lalaking humawak sa akin kaya mas naka agaw kami ng atensyon. "You're clearly harassing her, dumbass." The guy who helped me stated. Natatakot din akong lumingon sa kaniya dahil sa lakas ng boses niya. Hawak niya padin ang kamay kong hinila niya at hindi ako tinatapunan ng tingin. "Ang yabang mo ah? Sino ka ba?" sigaw pabalik noong lalaki. I bit my lip, and my heart race for calling so much attention. Hindi ko kilala itong tumulong sa akin kaya hindi rin ako mapalagay. I hear my savior gave a violent sigh, "Asshole." He hissed. Napalunok ako kasi puro siya bad words. Kung hindi niya lang ako tinulungan matatakot na din ako sa kaniya. "Romulus." A familiar voice called. Lumingon ako sa pinanggalingan nang boses at nakita si Javier doon. Nakakunot ang noo niya nang balingan ako nang tingin. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong hawak nung lalaking tumulong sa akin. Lumakad siya palapit. "Kuya." This guy beside me said. Bahagya pang nanlaki ang mata ko. Bago pa ako maka angal ay hinila na si Javier ang kamay ko upang makawala sa hawak nitong si... Romulus? Nakita ko ang pagkagulat din kay Romulus na kala unan ay ngumisi. "Kilala mo? Binabastos 'yan nito." Sabi niya kay Javier. This is getting so much attention. Nakayuko na ako at ayaw sagutin ang mga titig ng sino man. Mula sa naglalakihang lalaki sa harap ko, mukha akong sisiw na inapi. "S-Sir Javier." dinig ko ang takot doon sa lalaking lumapit sa akin. Tiningnan ko siya at nagbabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Javier. "What did you do?" Javier's voice is low but serious. Napalunok iyong lalaki at umiling. "Nakikipag kaibigan l-lang." sagot nito. Lumingon sa akin si Javier na parang nagtatanong. I lowered my head. It's not true. He shouldn't hold me like that if his motive was pure. "Get lost before I get angry." He stated. Nagkukumahog naman ang takbo noong lalaki. Hindi ko na alam ang gagawin ngayon. "You okay?" Romulus asked as he stepped closer to me. Nag angat ako ng tingin. Nakita ko ang naiinis na mukha ni Javier at dinirekta iyon sa kapatid. Romulus raised his both hands. "She seemed shocked." Seryoso nitong sabi. "Tinatanong ko lang." Javier sighed and looked at me. Napalunok ako. Ang daming nakatingin. Halos itago ko na ang mukha sa buhok ko. Mahigpit kong hawak ang plastic bag at hindi ko magawang tumingin ng matagal sa kaniya. "Uh..." I tried to speak, "Thank you..." sambit ko at nag angat ng tingin kay Romulus. Hindi ko siya kilala. Alam kong dalawa ang anak ng Buenavides pero kung hindi ako interesado noon kay Javier kahit kilala siya, ito namang si Romulus ay madalang kong marinig ang pangalan. Kaya mas lalo akong walang alam. He nodded at me and looked at his brother. I looked at Javier too. His face seems pissed. Napasimangot ako dahil mukha siyang galit. Bakit siya galit? "Aalis na ako." Paalam ko. Hindi ko na siya hinintay sumagot at naglakad na. Hindi pa ako nakakatatlong hakbang nang harangan niya ang dinadaanan ko. Nagtataka akong tumingin. Romulus is pursing his lips while watching us. "Are you okay?" Javier asked while watching me closely. I nodded slowly. "Oo. Uuwi na ako." I'm breathing hard. Nabibigla kasi ako dahil ngayon lang nangyari sa akin iyon. Buti nalang may tumulong. I looked at Javier, and he the looks unconvinced. Pilit niyang pinagmamasdan ang mukha ko. "A-Ano?" mahina kong tanong. He sighed and looked at his brother. "Mauna ka na. Ihahatid ko muna siya." Nagtataka akong tumingin, umaangal. Hindi naman kailangan iyon. "Ayos lang ako..." sambit ko. Tiningnan niya ako ng masama. Like saying, "oh really?". Puno ng sarcasm. Gusto kong pumadyak pero pinigilan ko nalang. I heard his brother chuckled. "Okay." "Tara na." his voice is serious. Sinubukan kong tumingin sa kaniya ng masama. In a swift second, his facial expression change. Nangingiti na siya ngayon pero pilit pinipigilan. Lalo naman akong nainis dahil hindi niya ako sineseryoso. "Kaya ko na ngang umuwi mag isa." Pilit ko. "Ihahatid kita Azalea." I sighed loudly. Nauna na akong maglakad kaysa sa kaniya. Napansin ko ang pagsunod ng tingin ng mga tao. Iniisip ko palang na tatanungin na naman ako ng girlfriend niya, nahihiya na ako. Baka kung ano na naman ang isipin noon. Naramdaman ko ang paghila sa palapulsuhan ko. Hinila ako ni Javier sa kabilang banda at doon ko nakita ang Raptor niya. Wala na akong nagawa. Hinila niya ako sa shotgun seat at binuksan ang pinto doon. Tumingin ako nang may pagtutol. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Kaya kitang ipasok diyan mag isa." Banta niya. My lips protrude. Masungit akong umiwas ng tingin at sumakay na doon. Nananakot pa e. Para namang lalaban ako. Nakasimangot ako at hindi tumitingin sa kaniya. "Anong ginagawa mo doon?" he asked after a while. "May binili lang." "You shouldn't go there alone." "Kaya ko naman..." Naramdaman ko ang pagbaling niya. Hindi ako lumingon. "Really?" he sounds sarcastic. Naainis pa. "Nauna lang iyong kapatid mo. Ang dami tuloy nakakita." I heard him sighed heavily. Hindi siya umimik kaya tumingin nalang ako sa labas. Kung hindi dumating iyong si Romulus, makakaya ko naman siguro iyon dahil madami namang tao. Nauna lang talaga iyong kapatid niya kaya parang lumaki iyong g**o. "Kung ibang babae, baka maniwala pa akong kaya nila." Nabaling na ako sa kaniya. Sa harap lang siya nakatingin at ako ay nakakunot na ang noo. Ano ang ibig niyang sabihin doon? I bit my lip thinking what to say. "Minamaliit mo ba ako?" mahina ngunit may pagkainis kong tanong. I saw him hiding his smile, "Maliit ka naman talaga." I got stunned by his word. Lalo nang nalukot ang mukha ko. Alam ko naman na maliit ako pero nung sa kaniya nang galing... nagdadabog akong umayos ng upo at umiwas ng tingin. Napapikit ako ng feeling ko para akong bata. Iniisip niya kayang para akong bata? Pero ganito talaga ako? Nakakainis naman e. "Malaki ka lang." bulong ko. I heard him laughed. Lalong kumunot ang noo ko. My lips are in thin line now, pinapakitang hindi ako natutuwa. "Matanda ka na kasi." Dugtong ko pa. He stopped laughing, and I can sense that he's looking at me. Agad din namang lumingon sa daan pagkatapos. "Did you just say I'm old?" "Yes." "I'm not old!" I narrowed my eyes. "You're old for me." I heard him groan. Hindi ko na pinansin. Nang makarating kami sa bahay kaagad kong binuksan ang pinto. Napatigil naman ako nang makita si Papa sa bakuran at nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo at nagtataka. Kinabahan ako bigla. "Papa..." I utter. Mabilis akong lumingon kay Javier na nakamasid sa akin. I swallowed hard and closed the door immediately. Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto niya kaya lalo akong kinabahan. Bakit siya bumaba? Lumapit ako kay Papa at ang mata niya ay nagtatanong. "Bakit ngayon ka lang?" he asked, and his eyes darted on my back. Naramdaman ko na ang prisensya ni Javier sa aking tabi. Hindi ko talaga alam bakit siya bumaba? Lalo akong kinabahan sa matang ibinigay ni Papa. "Good afternoon po." Javier greeted. Tinapunan siya ng nagtatakang tingin ni Papa na kalaunan ay parang medyo nagalit. "Saan ka galing Aio? At bakit kasama mo si Javier?" hindi na ako nagtakang kilala siya ni Papa. Napanguso ako. Hindi alam ang sasabihin. Pwede naman kasing umalis nalang bakit pa bumaba e. "Nakita ko po siya sa kabayanan. May humaharass pong lalaki-" "Ano?" my father's voice boomed. Nakakunot ang noo at may galit nang tumingin sa akin. I sighed and looked at Javier angrily. He shrugged at me. Bakit kailangan pang sabihin iyon? "Hindi naman Papa. Ano lang... uh..." I bit my lip. "Ano Aio?" I gulped, "Lasing kasi Papa... wala namang ginawa-" "He holds your wrist!" singit ni Javier na gusto ko nang sikuhin. Hindi naman siya nakakatukong. "Hinawakan ka?" "Papa, sa palapulsuhan lang. Wala naman nang ginawa." "Hindi ka na uulit doon magisa." "Papa!" nanlaki ang mata ko. Kita mo na? Maliit na bagay lang ito. Nakasimangot akong tumingin kay Javier. Natatawa naman ito sa akin. "Salamat sa pagtulong sa anak ko." Lumingon si Papa kay Javier. "It's nothing Sir." "Dito ka na kumain nang hapunan. Ayos lang ba sa'yo?" Napakunot na ang noo ko. Sa akin Papa hindi. "Marami siyang gagawin Papa..." singit ko nang mahina. Lumingon silang dalawa sa akin. Napansin kong ang ilang trabahante na papunta rito pero napapatigil dahil sa nakikita. "Ayos lang po Sir. Wala naman akong gagawin..." Nadidismaya akong tumingin kay Javier. Sabi ni Romulus, may gagawin sila. Iyong ngiti ni Javier ay mapanginis. Parang natutuwa siya na hindi ako natutuwa. "Hintayin niyo dahil sandali nalang at matatapos na sa pagluluto ang Mama mo." Tumalikod si Papa pagkatapos niyang kuhanin ang dala ko. Nakasimangot ko namang hinarap si Javier. "Why?" he innocently asked. "Bakit ka bumaba? Ayan tuloy. Tapos ang daldal mo pa. Bakit mo sinabi kay Papa? Hindi na ako papayagan noon umalis!" para akong nagmamaktol. He looks at me intently. Parang sinusuri ako at nangingiti dahil sa sinabi ko. "Ang dami mong sinabi. Hindi ko alam kung bakit nagugulat ako kapag nagsasalita ka." "Seryoso ako!" "Nagagalit ka na niyan?" Gusto ko siyang hampasin dahil wala siyang kwenta kausap. Iniinis niya lang ako. Si Casimiro lang ang gumagawa sa akin ng ganito. At kapag ganoon, komportable akong hampasin siya pero dahil boss ko ito, ang unfair. "Nakakinis ka naman e." Malakas siyang tumawa dahil doon. Mas lalo akong nadismaya. Hindi ko talaga alam kung bakit niya ako kinakausap at iniinis lagi. Lumakad ako at pumunta sa likod nang bahay. Mapuno doon at may rattan swing na pandalawahan. Umupo si Javier sa aking tabi at umusong naman ako para malayo sa kaniya. I heard him cleared his voice. Nagpipigil pa ng tawa, para namang bago iyan. "Sorry... I don't mean to laugh..." Masungit ko siyang tiningnan. Namumungay ang kanyang mata. May ngiti sa labi at nakatingin sa akin. "Don't say sorry for the things you don't mean." He coughed to hide his laughter. Gusto ko na talaga siyang hampasin kasi lalo lang akong naiinis. Feeling ko, ang sama sama na ng mukha ko. "Nakakainis ka na talaga..." mahina kong bulong, nakasimangot, nakanguso at masamang nakatingin sa kanya. He chuckled as he looked at me properly. "Damn..." he caresses his face as his elbow rest on his knee. Tila naaaliw pero sumeseryoso dahil sa iniisip. He looked seriously at me. Kahit nakikita ko ang ngisi niya, hindi ko nalang talaga pinansin. Nailang ako sa titig niya kaya umiwas ako ng tingin. Kinakain na ng dilim ang kulay bughaw na kapaligiran. I heard the rustling of the leaves as the wind blows. The cold wind permeates the surroundings, and I can't seem to move from where I sit. I crossed my arms as I looked at him. Hindi parin iniiwas ang tingin. "Ano?" I asked. He pursed his lips. "I'll be damned." He whispered. Hindi ko naman maintindihan. Nakakunot na ang noo ko kasi para na siyang tanga. Nakangiti pero parang may iniisip na seryoso. Hindi ko maintindihan. "Aio!" I heard Mama shouted. Napalingon ako, "Kakain na! Bakit hindi mo pinapasok iyang bisita mo?" Tumayo na ako at nagpunta papasok ng bahay. Sa likod na ako dumaan at nakita ko sa mama sa may pinto doon. "Magandang gabi po..." Javier said. "Magandang gabi din hijo. Hindi ko inaasahan na malapit kayo ng anak ko." Hindi naman Mama. "Boss ko siya Mama." Natigilan sila pareho. Alam naman ni Mama iyon pero siguro akala niya ipapakilala kong kaibigan. "Ah, oo nga Aio..." alanganing sagot ng Mama ko. Tumingin ako kay Javier na parang galit sa sinabi ko. Totoo naman? Iginaya na kami ni Mama papasok. Nakahanda na ang pagkain at naroon na rin si Papa sa kabisera. I'm sure our house is smaller than what he used to. Kahit papaano, nagalala naman ako. Kumakain naman siguro siya ng ordinaryong pagkain? Umupo siya sa tabi ko. Kaharap namin si Mama. The foods are all local. Karaniwan naming kinakain. Lumingon ako ng bahagya kay Javier. "Kumakain ka ba niyan?" mahina kong bulong. Nagtataka naman siyang tumingin at kalaunan ay ngumiti. "Ano naman akala mo sa akin?" Napanguso nalang ako at umiwas na. Naabutan kong nakatingin si Papa at napaiwas kaagad ako ng tingin sa kaniya. Wala naman akong ginagawang masama pero para niya akong hinuhusgahan. Nagsimula na kaming kumain at wala akong sinasabi kahit isang salita. Panaka naka ang tingin ni Mama sa amin. Feeling ko gustong magtanong pero nilulunok nalang ang sasabihin. Mas okay iyan Mama. "Hinatid mo ang anak ko dahil naabutan mo siyang muntik mapahamak hindi ba?" my father's voice filled the room. Napakagat ako sa labi. Hindi naman ito ang unang beses na hinatid ako ni Javier. Kung alam iyon ni Papa, feeling ko magagalit siya. Mukha kasi siyang galit. Ang tono pa niya, dapat iyon nga lang ang dahilan kung bakit napadpad dito si Javier. "Opo Papa..." ako na ang sumagot bago pa may sabihing kakaiba ang katabi ko. I saw him looked at me. Hindi ko siya nilingon at nanatili kay Papa ang mata. Sinuri niya ako kaya nagiwas ako ng tingin. Well, Papa, totoo naman. Hindi naman po ako nagsisinungaling. Kung hindi niya ako nakita kanina, hindi naman kami magkasama ngayon. "Nagkikita kayo sa farm niyo?" tanong pa ni Papa. "Minsan lang Papa." Ako ulit ang sumagot. I heard Javier sighed. "Kapag nasa farm po ako ay nagkikita kami. Pero madalas ako sa opisina." Dugtong ni Javier sa sinabi ko. Papa nodded and continued eating. Buti nalang wala na siyang tanong. Konti lang ang nakain ko kasi parang may mabigat na hangin habang kumakain kami. Payapa parin naman kaming natapos. Siguro, kinakabahan ako dahil ngayon lang ako nagkabisita maliban kay Casimiro at lalaki pa. Minsan naman nang napunta dito ang mga dati kong kaklase pero kung may group work lang at mabibilang ko sa daliri kung ilang beses lang iyon. "Ihahatid ko lang sa labas Papa..." sambit ko nang natapos ang hapunan at nagtagal kami sandali sa sala. My father nodded his head. "Mauuna na po ako. Salamat sa pagkain..." "Walang anuman hijo. Magiingat ka sa daan." Ngumiti si Javier at nauna nang maglakad. Hindi ko na nilingon sila Mama at sumunod na sa kaniya sa labas. Nang makarating sa harap ng sasakyan ay nilingon niya ako. "Salamat kanina and... uh, ingat ka..." mahina kong sabi. Tumango naman siya. I heard him sighed and look down. When he looked at me, he plastered a smile. "Hindi pa din tayo friends?" mahina niyang tanong na ikinagulat ko. I blinked, "B-Bakit?" kinakabahan kong tanong. "Pinakilala mo ako bilang boss. Mukha akong matanda noon Azalea. Isa pa, bosses don't go in their intern's house." "Matanda ka naman ah?" inosente kong tanong. Ano naman kung pinakilala ko siyang boss? Hindi naman bad iyon. His head fell dramatically. "Do you have problem with ages?" nakakunot ang noo niyang tanong sa akin. Umiling ako, "Wala naman." Inosente kong sagot. Bakit naman niya natanong? Sinasabi ko lang iyon dahil matanda siya sa akin. Feeling ko kasi sa tingin niya, mag kasing edad lang kami kahit hindi naman. Napakurap ako dahil tinitingnan niya ako na parang pinagaaralan ang nasa isip ko. In the end, he chuckled like he was so amused. "Can I get your number, then?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD