Wedding Bells
Chapter 1
*****
I held the bouquet of white rose tight. My head was still giddy and I feel like I am on cloud nine. Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid ng simbahan, may mga taong nakatayo na at pilit na tumitingin sa direksyon ko.
Nauna nang lumakad sa gitna ng simbahan ang mga entourage ko at susunod na ako. "Ready ka na hija?" Tanong ni Lolo Ruben. Umangkla ako sa braso niya para sa suporta dahil baka mamaya ay madapa ako. Marahan kong inihakbang ang isa kong paa at sa oras na maglakad kami ay siya namang pagpuno ng isang napakagandang musika sa loob ng simbahan.
Lahat ng tao na madaanan namin ay tinitignan ako mula ulo hanggang paa. 'Yung iba naman ay pinagbubulungan ako nang makatalikod ako sa kanila.
Bago kami makapunta sa harap ng altar ay may isang babae na naka-upo at pinagmamasdan ang bawat kilos ko-- Kiana. Ramdam ko ang galit niya sa 'kin kaya inilihis ko na lamang ang tingin ko.
"Here apo, take care of your wife."
"I will Lolo,"
Nadoble ang bilis ng puso ko dahil sa sinabi ng mapapangasawa ko. Kahit na alam ko na labas sa ilong ang mga sinabi niya ay wala akong pakealam. I love him, that's all I know.
He took my hand and guided me to the altar.
Ngumiti sa amin ang Pari at ginantihan ko rin siya ng isang ngiti. Samantalang si Damien naman ay malayo ang tingin at mukhang malalim ang iniisip.
I know na magiging front page news na naman ito sa isang buong linggo. Knowing the family of the man that I am going to marry. They're one of the most powerful entrepreneurs in the country at inaabangan rin ng media ang kasal ng isang Tejares.
"Do you, Yasmine Rasiel Juano, take Damien Zachary Tejares as your lawfully wedded husband. In sickness and in health, for richer and for poorer 'till death do you part?"
"I do."
Tumingin ako kay Damien na nakatulala pa rin. Kanina ko pa gustong tanungin kung ano ba ang problema niya pero hindi ko magawa. I might make some scene instead.
The priest turned to Damien.
"Do you, Damien Zachary Tejares, take Yasmine Rasiel Juano as your lawfully wedded wife. In sickness and in health, for richer and for poorer 'till death do you part?"
Silence.
Everyone was anticipating for his answer. Kahit ako, literal na napigilan ko ang hininga ko dahil sa isasagot niya. Lahat nag-iintay, nag-aabang.
Mas lalo pang nadoble ang t***k ng puso ko nang oras na tumingin siya sa 'kin. He looked me straight in the eyes then he looked at the crowd. Pero alam ko kung sino ang tinitignan niya, si Kiana.
Kahit masakit sa akin ay kailangan kong tanggapin na hindi naman talaga ako ang laman ng puso ni Damien. Siya pa rin, si Kiana pa rin.
He looked at me again, this time ay puno na ng galit ang kanyang mga mata. It's like he's welcoming me, to hell.
"I do." He said.
Nang sabihin ng pari sa puwede na niya akong halikan ay wala na siyang inaksayang oras. He unveiled me and kissed me, sa gilid lamang ng labi ko pero para sa akin ay espesyal iyon.
Everyone clapped. Unang-una na si Lolo Ruben at nagsisabayan na ang iba, they stood up habang panay ang flash ng camera. Medyo nakakahilo pero ayos lang.
Sa kabila ng masigabong palakpakan ay may narinig akong isang hikbi. I think I know who's crying. I looked at her place at tama nga ako, umiiyak siya habang nakatingin sa amin. What is she doing here? Lingid sa aking kaalaman ang pagbibigay sa kaniya ng imbitasyon.
I gazed at Damien.
Walang ekspresyon ang mukha niya, ang mga mata niya ay sobrang lamig. He's not looking at Kiana but I know that his heart is longing to be with her again, and it made my heart fill with pain.
With so much unbearable pain.
Pero kahit na nasasaktan ako, kahit na para nang pinipiga ang dibdib ko ay mas nangingibabaw pa rin ang saya at galak sa isipin na makakasama ko na panghabang buhay ang lalaking mahal na mahal ko. And I am willing to do everything just to make him stay in this marriage.
Reception.
Magarbo ang handaan na ginanap sa mansyon ng mga Tejares. Mas lalong dumami ang tao sa isang garden party. May mga reporters din na kumukuha ng mga litrato para sa kanilang ibabalita kinabukasan.
"Hija anong ginagawa mo rito? Hindi ba't dapat ay nagsasaya ka. Nandoon sa loob ang party at hinahanap ka na rin ng mga bisita ninyo,"
Hinarap ko si Manang Elma. Ngumiti ako at muling pinagmasdan ang mga bituin sa langit. Napakaganda nila. Madalas sabihin sa 'kin ng Lola ko noon na isa raw sa mga bituin na 'yun ang Papa ko, binabantayan ako.
"Bakit ka ba nagkukulong sa kuwarto mo hija? Hinahanap ka na ng Lolo mo, dapat nagsasaya ka ngayon dahil araw ng kasal niyo ni senyorito Damien."
"Dapat masaya ako ngayon Manang pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit nasasaktan ako sa t'wing nakikita ko ang galit sa mga mata ng asawa ko?"
"Hija..."
Hinagod ni Manang ang likod ko samantalang ako naman ay pinahid ang luha na mabilis umalpas sa mga mata ko. Hinarap ko si Manang at huminga ng malalim. I even managed to plastered a fake smile.
I looked at her, "Sige po. Pupunta na po ako sa garden."
Bumaba na ako at doon nakita ko si Lolo na kinakausap at masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kasosyo niya sa negosyo. Bawat isa sa kanila ay may hawak na kopita at may lamang mamahaling alak. Halos hindi nagkakalayo ang mga edad nila sa isa't isa.
Lolo Ruben isn't my real grandfather. Siya lamang ang naging taga-pangalaga ko nang iwan ako sa kaniya ng tunay kong Mama. And he treats me like his real granddaughter, that made me feel loved. Kahit na wala na akong tunay na pamilya ay nagkaroon naman ako ng pangalawang pamilya sa katauhan niya.
He looked at me at kinon-gratulate naman ako ng mga kaibigan niya. "Nakita mo ba si Damien, hija?" Tanong nito sa akin at saka ko lamang napagtanto na wala nga si Damien sa party. Marahan akong umiling at malambing na ngumiti sa kaniya.
"Sige po Lolo, hahanapin ko lang po siya." Paalam ko. Tumango naman ito sa akin at bumalik sa pakikipag-usap niya. Nagsimula na akong hanapin si Damien.
I roamed around the mansion. Maya't maya namang may humihila sa akin na kakilala namin na gustong mangumusta at magpapicture. Hindi ko naman sila matanggihan dahil mga kaibigan namin sila. Sometimes they would ask about Damien's whereabouts pero kahit na ako ay hindi ko alam kaya't pinagtatakpan ko na lang ang asawa ko
"Dina, I have to go to the powder room muna," paalam ko sa mga kaklase ko na masayang nagpi-picturan sa isang table.
Tumingin muna si Dina sa hawak niyang camera bago lumingon sa akin at tumango. "Sure Yara. Balik ka kaagad ha, tsaka isama mo na rin si Damien para may picture tayo?"
"Okay." I said then smiled sweetly at her.
Nagmamadali akong umalis sa crowd at nagtungo sa loob ng mansion. Sa likod na ako dumaan kung saan naroon ang dirty kitchen at may maliit na hagdan patungo sa ikalawang palapag ng mansion. Pagka-akyat ko ay naririnig ko pa ang tawanan ng mga lasing kong kaibigan. Napapailing na lamang ako dahil nangingibabaw doon ang tawa ni Abby na kahit kakikilala pa lamang ang mga kaibigan ko noong high school ay talaga namang in na in na siya.
Nagsimula na akong maglakad sa mahabang pasilyo kung saan madalas akong maligaw noon. Nalampasan ko pa ang aking dating kuwarto bago tumungo sa dating kuwarto ng aking asawa.
Bahagyang nakabukas ang pinto at may liwanag na nanggagaling sa loob.
Marahan at mabibigat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Bigla na lamang kumabog ng malakas ang aking dibdib na para bang sasabog na ito. Kung anu-anong bagay ang pumapasok sa isip ko at parang nanlalambot ang mga tuhod.
Hinawakan ko ang malamig na doorknob as I pray silently na hindi magkatotoo ang kung anumang iniisip ng aking utak.
I opened the door and went to his room withou knocking at hindi nga ako nagkamali, he was there and he wasn't alone. He was with Kiana and they were kissing! Pareho silang nasa kama habang nakapatong siya sa babaeng iyon. Hindi man lamang nila naramdaman ang pagpasok ko ng silid.
Ang kaninang nanlalambot na mga tuhod ko ay tuluyan nang nanghina. I held my breath at hindi na napigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha. Ang kaninang malakas na kabog ng dibdib ko ay nawala na at para na itong naging bato. Nagkaroon ng kusang isip ang aking mga paa at humakbang papalayo sa aking asawa.
Marahan kong sinara ang pinto at nanlulumo na pumunta sa may pool malapit sa garden. May mangilan-ngilan pa akong kakilala na nalampasan at tinatanong kung anong nangyari pero hindi ko sila masagot. Nagdire-diretso na lamang ako sa lugar na kung saan alam kong walang makakahanap sa akin.
Alam ko naman na hindi ako ang mahal niya at kahit kailan ay hindi ko mapapalitan si Kiana sa puso niya pero, umaasa pa rin ako at sa pag-asa kong iyon ay lihim naman akong nasasaktan.
I am silently loving so I am silently hurting.
Pero bakit ganoon. Bakit hindi ko matanggap sa sarili ko na hindi niya ako kayang mahalin? Bakit patuloy pa rin ako na umaasa na balang araw ay malilimutan niya rin si Kiana at ako na ang pipiliin niya.
"Yara?"
Iniangat ko ang ulo ko to found out that it was Jake who called me. Jake is Damien's bestfriend and also my friend during my high school days.
I smiled at him.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat kasama mo si Damien? Why are you crying?" Sunod-sunod na tanong niya at lumapit sa akin. He handed me his handkerchief na kaagad ko namang tinanggap at pinunas sa basa kong pisngi.
"Ah ano kasi, busy siya." I lied. Tumango-tango naman ito at tinabihan ako sa bench. I looked at the stars and sighed. Ganun din ang ginawa niya kaya I looked at him with suspicion.
"Are you mocking me?"
"Are you mocking me?" Ulit niya sa tanong ko. So he is mocking me. Natawa na lamang ako dahil sa kaniya at kahit papano ay nakalimutan ko ang nakita ko kanina.
I looked at him and raise my eyebrow, nabigla na lamang ako nang marahan niyang hinawi ang hibla ng buhok ko na nasa pisngi ko.
"You're really pretty---"
Jake wasn't able to continue what he was saying nang bigla na lamang siyang bumulagta sa damuhan. I saw blood in his lips pero pinunasan niya rin iyon.
I saw Damien's in rage.
Dahan-dahang tumayo si Jake "What the hell dude?!" He asked habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng kaniyang labi.
"Next time, touch someone else's wife!" Damien shouted at kinaladkad niya ako papasok sa loob ng mansiyon. I was struggling to keep up with him at medyo masakit na rin ang braso ko dahil sa pagkakahatak niya.
Tumigil kami sa kuwarto niya ang he pushed me against the wall, it hurts. He started to kiss me hard pero iniiwas ko ang mukha ko sa kaniya. I was struggling hard.
"Damien ano ba!"
He held my neck at bakas ang galit sa mga mata niya, I was trembling with fear dahil hindi na siya si Damien na nakilala ko. He was now a different man.
I was trying my best to hold back my tears but I couldn't seem to succeed. My eyes began to blur and hot liquid started to stream on my cheeks. I whimpered in pain trying to gasp some air into my lungs. Kahit na masakit pa ang pagkakasakal niya sa akin, no pain can beat the pain I am feeling from a broken heart. He might as well kill me.
A few more seconds and I can feel his grip slowly loosening. I slump on the floor while catching my breath.
"You're mine b***h, kaya subukan mong makipaglandian sa iba. I'll kill you." He threatened then left.
Damien...
*****