Chapter 2

2552 Words
Heartless Man Chapter 2 ***** Halos ilang buwan na ang nakararaan nang ikasal kami ni Damien. Halos ilang buwan na rin nang huli akong makatulog ng maayos. Gabi-gabi ko siyang iniintay sa trabaho niya at pinaghahanda ng hapunan. It wasn't a normal set up at all, nandoon pa rin ang pagiging cold niya pero kahit papaano ay alam kong nababawasan na. There are times when he would talk to me about trivial matter like asking me the time or he'd ask me if I have somewhere to go. I would reply with a beam and a cheerful story but as usual he would just ignore me or decide on not to answer back. Even with small talks I am happy.  Ang sabi ni Lolo ay doon na lamang daw kami sa mansiyon pero nag-insist si Damien na sa condo na lamang niya sa Makati kami mag-stay dahil malapit ito sa main company nila. Kahit na ayaw kong iwanan si Lolo na mag-isa sa mansyon ay wala na rin naman akong magawa. Ang asawa ko na ang nagdesisyon. Of course, I wouldn't want to anger him further. Ayoko namang i-push siya sa limits niya. I have my goal, and that is for my husband to love me back.  He asked me to make hard decisions too. Katulad na lamang ng pag-quit ko sa trabaho ko bilang elementary teacher. Ayoko man gawin pero nangibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kaniya. Kahit na isang linggong nagalit sa akin si Anton na aking baklang kaibigan ay ginawa ko pa rin. Teaching is my first love, I am happy being surrounded with kids but if quitting is the only way to make my husband happy and a slight chance of him loving me back, than I'll gladly take the risk. "Yara! Yara!" Muntik ko nang mabitawan ang hinuhugasan kong baso dahil sa biglaang pagsigaw niya. Mabilis na inilagay ko ito sa gilid ng lababo at tinuyo ang aking kamay. I almost trip nang sumabit ang paa ko sa dustpan na natumba na sa sahig. Nagmamadali akong pumasok sa kuwarto niya at naabutan ko siyang nakakunot ang noo habang may hinahanap sa cabinet niya.  He looked at me, galit na galit siya. Again with those cold and piercing eyes of him. "Bakit Damien, m-may nangyari ba?"  "Nasaan na ang mga papeles ko dito sa lamesa?!" I flinched. Hindi pa rin ako sanay sa tuwing nagtataas siya ng boses.  "Ni-nilagay ko sa briefcase mo. M-makalat kasi." Natakot ako sa sigaw niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa 'kin at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. Masyadong mahigpit iyon. Namilipit naman ako sa sakit. Sinubukan kong kumawala pero lalo niya lamang hinihigpitan ang pagkakahawak sa wrist ko. I flinched in pain. Alam ko na magpapasa na naman iyon kaya hindi ko na muna ulit imi-meet si Aby sa susunod na araw. I don't want to give her any reasons to have me agree on leaving my husband. Dahil sa simula pa lamang ay hindi na payag ang kaibigan ko na maikasal ako kay Damien. She hates my husband, though alam ko na medyo nawawala na iyon.  I looked at his eyes at galit lang ang nakita ko.  "Sa susunod na pakealaman mo ang gamit ko, you'll pay. Got it?" Marahan akong tumango dahil sa takot at pagkaraan noon ay binitawan niya ang kamay ko kasabay ng pagtulak niya sa 'kin palabas mg kuwarto.  Halos mapa-upo ako sa sobrang lakas niyon pero pinilit kong ibalanse ang sarili ko. The last time he did that ay nagkaroon ako ng malaking pasa sa aking hita at halos hindi makalakad ng ayos sa loob ng ilang araw. May luha na kumawala sa mata ko pero agad ko rin itong pinunasan. I don't want him to see me cry. I don't want him to see me hurting dahil baka kapag nakita niya ako sa ganoong sitwasyon ay baka tuluyan na siyang magdesisyon na hiwalayan ako. And I couldn't afford to lose him, not anymore. Kaya kahit masakit ay tititiisin ako just to stay by my husband's side.  That's how much I love him.  I silently picked up all the papers that scattered on the floor and carefully placed them in the drawer just under the coffee table in our living area. Habang inaayos ang mga iyon ay may nakita ako na lumang litrato. I smiled as I looked at the picture and memories from my childhood came rushing in.  It was a picture of me and Damien building sandcastles. We were ten. I remember it clearly. 'Yung araw na nag-celebrate kami ng birthday ko. Lolo planned a simple and intimate celebration sa isa sa mga villa niya sa Bali. Damien's parents came with us and I remember Lola Esperanza cursing behind the maids dahil wala siyang nagawa kundi ang pumunta.  Knowing that old lady, she hates my guts. I don't even know why. Kinuha ko ang picture and decided to put it in a frame. Ilang buwan matapos ang kasal. Ilang buwan na rin na ganito ang pakikitungo niya sa 'kin. Napaka-lamig niya at kung minsan ay sinasaktan niya ako. Para siyang isang robot na walang emosyon. Parang hindi na siya si Damien na minahal ko. Nagtungo ako sa kuwarto ko at naupo sa gilid ng kama habang hinahayaan ang pag-agos ng mga luha. Hindi ko naman masisisi si Damien dahil una sa lahat, hindi ako ang mahal niya. Sino nga naman ang lalaki na magpapakasal sa isang tao na hindi niya naman gusto. Isang sampid sa pamilya niya at ang turing niya ay karibal sa lahat ng bagay. Kung hindi lamang sa utos ng Lolo niya na iwanan si Kiana at pakasalan ako ay sana'y nasa mansiyon pa rin ako, wala sa impyernong lugar na ito. Pero, kaya kong mag-tiis. Para kay Lolo Ruben, at para na rin kay Damien dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko maikakaila na mahal ko siya. Mahal na mahal. I carefully placed on the table the new found treasure that I got. Kinuha ko mula sa lamesa ang isa sa mga picture frame na naroroon. Laman nito ang litrato namin ni Damien noong walong taong gulang pa lamang kami. Isang taon matapos akong ipamigay ng nanay ko. "Apo closer pa, lumapit ka pa kay Rasiel." Utos ni Lolo Ruben. Wala namang nagawa si Damien at lumapit sa 'kin. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata ni Lolo pati na rin sa photographer na kinuha niya para sa espesyal na araw na ito. Birthday ngayon ni Damien, narinig ko sa mga katulong. Naramdaman ko ang braso niya nang tumabi ito sa kinauupuan ko. "Rasiel, smile hija. You're pretty you need to show your smile." Puri naman sa 'kin ng photographer. Nahihiya na ngumiti ako kasabay ng nakakasilaw na liwanag galing sa camera. "Nako bagay na bagay talaga kayong dalawa." Sabi naman ni Yaya Meding, ang nagaalaga sa amin ni Damien. Sumang-ayon naman lahat ng nakakinig at maraming nabuo na komento. Biglang lumapit sa amin si Lolo, "Itong dalawa ang magiging tagapagmana ng negosyo na 'tin. Ngayon pa lamang ay sinasabi ko na sila ang magpapatuloy ng nasimulan ng ating angkan." Litanya niya. Dahil sa bata pa kami ay hindi ko iyon pinansin, hindi ko rin naman maintindihan. Nabigla ako nang biglang may masigabong palakpakan at may mga maliliit at makukulay na papel ang lumilipad at pumapatak sa paligid. Masyado akong namangha at hindi pinansin ang mga mapanuring mata sa paligid. Kahit na si Damien ay naabutan kong nakatingin sa 'kin...nakangiti. "What happened to us? Masyado na ba akong selfish?" Mahina akong humikbi, pilit na pinipigil ang pag-iyak dahil sa takot na baka marinig niya. Wala akong magawa kahit na nasasaktan na ako nang sobra-sobra. Mahal ko si Damien, mahal ko siya at gagawin ko ang lahat dumating lamang ang araw na ibalik niya sa 'kin ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. Hihintayin ko ang panahon na iyon. Kinaumagahan ay maaga na naman akong gumising para asikasuhin ang asawa ko. Pinagluto ko siya ng paborito niyang mixed vegetable fried rice at scrambled eggs. Tinimplahan ko na rin siya ng coffee.  Nakahanda na ang lahat, ultimo ang tie na susuotin niya at ang coat na maingat kong inilapag sa couch. Inilagay ko na rin ang dyaryo sa ibabaw ng lamesa. Naging hobby na kasi niya ang pagbabasa simula pa noong nasa mansiyon pa kami ni Lolo. I doubled check lahat ng gagamitin niya bago ako kumatok sa kuwarto niya. I knocked gently, "Damien, nakahanda na ang almusal. Kumain ka na, baka ma-late ka pa sa meeting niyo." Malumanay na pagkakasabi ko. Lumipas ang halos isang minuto ay wala pa ring sumasagot kaya't napagpasyahan ko na na pasukin ang kiwarto niya. Marahan at puno ng ingat na pinihit ko ang doorknob. "Damien nakahanda na---" napahinga na lamang ako ng malalim at hindi na tinapos ang dapat ay sasabibin ko nang maabutan ang kuwarto niya na walang laman.  Maaga pala siyang umalis. Heto na naman ako, nasasaktan. Umaasa na masasayahan siya sa effort na ginagawa ko para sa kaniya. Pero, isa talaga akong dakilang asyumera. Sinarado ko na ang pinto ng kuwarto niya pagkatapos ayusin ang kama niya. Iniligpit ko na rin ang coat na inihanda ko. Ako na rin ang kumain ng hinanda kong breakfast para sa kaniya dahil baka masayang. Hayaan mo na Yara, mayroon pa namang bukas. Nang matapos na akong maglinis ng buong condo ay kaagad kong kinuha ang cellphone ko para i-text siya. Panigurado na nasa office na siya ngayon dahil pagkakaalam ko ay kanina pang alas-nuwebe ang meeting niya. To: Damien Message: Maaga ka bang uuwi mamaya, I'll cook dinner. :) I hit send at inantay ang reply niya. Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya. Tumalon ang puso ko habang nangangatal na binuksan ang read. From: Damien Message: Okay. Hindi na ako nag-abala pa ng oras at naghanda na ako ng lulutuin para mamaya. Gagawin kon espesyal dahil birthday ko ngayon. Kahit na hindi niya na naalala okay lang, sabay naman kaming magdi-dinner. Nag-prepare ako ng steak at mashed potato naman sa side dish. Sinamahan ko na rin ng favorite niyang homemade meatloaf. Madalas lutuin iyon ni Tita Marga, ang Mommy niya, binigay niya sa 'kin ang recipe noon. Lumungkot ang ekspresyon ko habang inaalala ang mga sandaling panahon na nakasama ko si Tita Marga at si Tito Augustus. Ang mga magulang ni Damien. Parang isang tunay na anak ang turing nila sa 'kin. Silang dalawa, kabilang na si Lolo ang tumanggap sa akin ng buong-buo. Until that tragic day na dapat ay masaya kami. "Yara come here." Utos sa 'kin ni Damien habang pinapalapit ako. Kaagad naman akong lumapit sa kaniya na may ngiti sa mga labi. Inayos niya ang pagkakatali ng toga ko habang nakangiti. "Dapat ayusin mo 'to para sa picture taking mamaya." Aniya. Magiliw naman akong tumango at kinalaunan ay bumalik sa puwesto ko. Nagsimula na ang graduation ceremony at palinga-linga kami ni Damien sa likod, pareho ng hinahanap. I bit my lower lip. Bakit wala pa sila? They promised that they will be here for our graduation. I gazed at Damien then smiled at him, he also smiled back. Nakita ko naman si Lolo at Lola Esperanza na kapwa natataranta. Nagtataka akong sinundan sila ng tingin papunta sa mga teachers namin. Hanggang sa nilapitan kami ng mga katulong para pasunurin sa kanila. Walang nagsasalita sa amin kahit isa. Ni hindi ko naman nagawang magtanong dahil natatakot ako sa bilis ng patakbo ng driver sa sinasakyan namin. Si Lola ay pilit na inaalo ni Lolo para mapatahan sa pag-iyak nito. I felt his hand squeezed mine and then he smiled at me. Nabawasan anh takot na nararamdaman ko dahil doon. Hanggang sa makarating kami sa ospital at kinausap nila ang doktor. Ilang sandali pa ay nag-iiyak na si Lola habang nagwawala. Ganoon din si Lolo na napakapit ng mahigpit sa dibdib niya. Pumasok sila sa loob ng isang kuwarto at naiwan kami ni Damien sa labas na naka-upo. Hanggang sa nag-umpisa nang umiyak si Damien sa tabi ko. Malakas iyon at ramdam ko ang sakit. Kahit na gusto kong umiyak ay hindi ko magawa. Kailangan niya ako ngayon. I need to be strong. "Damien. . ." I called to him then hugged him. Sa unang pagkakataon ay nagawa ko siyang yakapin. Ilang segundo pagkatapos ko siyang yakapin ay unti-unti kong naramdaman ang pagganti niya ng yakap hanggang sa pahigpit iyon nang pahigpit. Iyon ang una at huling pagkakataon na nakita ko si Damien na umiyak ng ganoon. Simula noong maaksidente ang mga magulang niya at mamatay ay nagbago na siya. Naging ilag na siya sa lahat. Maski sa akin. Hanggang sa tumuntong kami ng high school ay mas lalong lumayo ang loob namin sa isa't isa.  Inamoy ko ang bagong labas na meatloaf sa oven. Tama lamang ang pagkakaluto ko. I looked at the wall clock at sakto lamang ang tapos ko. Alas-siyete na, alam kong pauwi na iyon ngayon kaya't nagpalit na ako ng damit at inihanda na ang table. Naupo na ako at iniintay na lamang siya. Ten O’clock. Napatingin ulit ako sa wall clock, past ten na. Matamlay na tinignan ko ang mga nakahandang pagkain. Malamig na ang mga ito. Dahil sa wala na akong gana ay nilagay ko na lamang ang mga ito sa ref at naupo sa sala. Siguro busy lang siya ngayon at kailangang mag-over time. Masyado na kasing madami na shareholders at kaibigan ni Lolo ang gusto siyang ma-meet. Dahil magaling ang asawa ko. Magtu-twelve na ay wala pa rin si Damien. Papasok na sana ako ng kuwarto nang bigla na lamang may nag-doorbell. Nagmamadali akong tinakbo ang pintuan at laking gulat ko nang makita kung sino ito. "Damien!" "Ma 'am pasensiya na po sa istorbo. Kayo po ba ang asawa ni Sir? Nagwala po kasi siya sa bar dala ng kalasingan." Inalalayan namin si Damien hanggang sa maihiga namin ito sa kama. "Salamat nga pala," "Walang ano man po Ma'am Kiana." Natigilan ako sa sinabi ng kaharap ko. Nanlalaki ang mata na hinarap ko ito. "A-anong sabi m-mo?" Maang na tanong ko. "Ah walang ano man po Ma'am Kiana. Ikaw naman po siya 'di ba? Kanina pa po kasi niya binabanggit ang pangalan niyo." Tumango lang ako at sinamahan siya sa may pinto. Muli akong nag-pasalamat sa kaniya at bumalik sa kuwarto ni Damien. Kumuha ako ng pantulog niya at kaagad siyang pinalitan ng damit. Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Stay, please." Aniya na nakapikit pa rin. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pabalik pero mas lalo niyang hinigpitan at nilapit ako sa kaniya. Naramdaman ko na lamang na parang kumawala ang kaluluwa ko sa katawan ko nang halikan niya ako. "I love you," he said between our kisses. Para akong nanalo sa lotto nang sabihin niya ang mga salitang iyon, lalo na nang halikan niya ako. Hindi ko alam na ganito pala kasaya. Pero, panandalian lamang pala talaga ang lahat. Hanggang sa sabihin niya ang salita na muling pumunit sa kaninang nabubuo kong puso. "Kiana." Aniya at tuluyan nang nakatulog. Unti-unti kong naramdaman ang marahang pagdaloy ng mga luha ko sa pisngi. Naupo ako sa gilid ng kama niya and caressed his face. Then I slowly leaned forward then kissed his forehead. "Kelan ba magiging Yara naman, Damien?" I whispered. "Good night, I love you." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD