He Lied
Chapter 13
*****
Nakaupo ako sa sofa habang ninanamnam ang dried mangoes na dinala ni Abygail galing Cebu. Madalas ko rin itong i-dip sa asukal, minsan naman ay sa catsup. Kung saan-saan kasi ako nagke-crave.
"Babe, what are you doing?"
Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni Damien sa bewang ko. He sitted beside me at pinatong ang chin niya sa balikat ko. He sniffed my perfume na para bang aso, those small things that he does for me makes me giggle and filled my heart with so much love.
I tried to push him, "Babe ano ba? I 'm trying to watch." I said at nilakasan pa ang volume ng T.V namin. Ngumuso naman siya na parang bata at umayos ng upo.
He faced the T.V at parang nandidiring tumingin sa 'kin.
"You're enjoying that kind of show huh? Really," he commented na hindi maibalik sa screen ang mga mata. Nagliwanag naman ang mga mata ko at galak na tinanguan siya.
I was trying to hold my laughter dahil sa itsura niya habang pinagmamasdan akong manood at kumain. He looks disgusted and at the smae time, amused. Kulang na lamang ay sumuka siya sa harapan ko dahil sa tindi ng pandidiri.
I handed him a piece of mango with a little catsup on it, "Here have some, masarap." He took it with hesitation. He knows that I would cry and throw tantrums kapag hindi niya tinanggap ang offer ko.
It happened a few weeks before. Inalok ko siya ng isang siopao, 'yung asado. He gladly took it at naka'dalawa pa siya, until I told him about the ingredients. Na 'yung ibang naggagawa ng siopao ay gumaganit ng karne ng pusa para makatipig. He puked all night at pakiramdam ko ay naisuka niya lahat ng kinain niya that day.
Kinaumagahan ay inalok ko ulit siya ng siopao. Hindi niya na tinanggap. I don't know what came into me pero bigla na lamang akong pumalahaw ng iyak at hindi tumigil hangga't hindi niya kinukuha ang in-offer ko sa kaniya.
"Babe are you all right?" I asked him. Kanina pa niya kasi nginunguya ang mango na bigay ko. Butil-butil na rin ang pawis niya sa noo and his eyes were starting to water.
He clutched his fist at tinapat iyon sa kaniyang bibig. He looked at me na mukhang nakikiusap na siya. Hanggang sa nagmamadali na siyang tumayo papunta sa sink. I followed him to see what's happening.
Naabutan ko siya na sumusuka at pagkatapo ay kinuha ang pitcher sa ref and drank the whole water inside the pitcher. Hindi pa siya nakuntento at kumuha pa ng ice cubes at nginuya-nguya iyon.
His face was red.
"What did you put on that sauce?" Malumanay pero halata ang galit sa tono ng boses niya. Kinuha ko naman ang homemade catsup na nakalagay sa ref. It was inside a container.
"Ahm, some heinz catsup and pepper...and oh! 'Yung pulang sili na bigay ni Priston from U.S, what was that called again?"
"Habañero?"
"Yes! That's it,"
He checked the cabinet kung saan tinago niya ang mga sili na bigay ni Priston. He got it at pinakita sa 'kin, napakagat na lamang ako ng labi.
"Out of three, isa na lang ang natira? Really Yara, hindi pa ba sapat ang anghang ng isang sili para sa 'yo?"
"Hindi ko malasahan e," I whined as I stomped my foot. Napailing na lamang siya at binalik na ang sili sa cabinet. Masyadong maanghang ang ganoong klaseng sili pero dahil nga sa nagiiba ang panlasa ko ay ganoon na lamang ang pagkahilig ko sa maaanghang.
Maybe this little fella's gonna grow feisty.
"Come here," he said.
Nabigla ako nang hapitin niya ang kamay ko at hilahin ako palapit sa kaniya. He's taller that I am kaya hanggang balikat niya lang ako. He hugged me tight as he lean on the sink. I placed my ears onto his chest at naririnig ko kung gaano kabilis ang t***k ng puso niya.
It's beating loud and fast, just like mine.
~*~
"Dito muna tayo sa toys, mamaya na lang diyan sa mga damit." Hinila ko si Damien papunta sa loob ng Toy Kingdom para mamili ng mga laruan ni baby. Damien cancelled all his meetings para samahan akong mamili ng mga gagamitin ni baby, atsaka para magpa-ultrasound.
I know he's excited as much as I am.
"Good morning Ma'am and Sir," bati sa amin ng store clerk. Naglibot-libot ako sa loob ng store, si Damien naman ay nakatayo lamang sa gilid at tinitignan ang iba pang teddy bears.
I was planning on buying those soft toys, since hindi niya pa naman kayang laruin ang mga laruan na above his or her age. I bought a pink stuffed bear named Carla and a blue one named Mark.
'Yun kasi ang nakalagay sa tag. Human size ang mga 'yun at binabalak ko na i-display sa sofa sa loob ng nursery. My child would love them, especially kapag toddler na siya. They will keep my baby company.
"Tapos ka na?" Tanong niya nang lapitan ko siya. Hindi pa rin ito umaalis sa puwesto niya. Mula nang maglibot ako hanggang sa makabalik ako ay ganoon pa rin ang puwesto niya.
I nodded.
Ibinigay ko na lamang ang address namin para mapadeliver ang mga binili ko. Simce hindi namin kayang pagsabay-sabayin ang mga 'yun na bitbitin papunta sa kotse. It wont fit either.
Sunod naman naming pinuntahan ay isang fast food chain. Nagrereklamo na kasi siya na sobra na siyang gutom. Simce hindi siya nakakain ng agahan dahil damaged pa ang dila niya, well because of the catsup I made.
He ordered a lot at ako naman ay tama nang rice and chicken. He even insisted for me to have a salad, para naman daw healthy.
"Excuse me?"
We're in the middle of eating when someone rudely interrupted us. I looked at the girl na nasa harapan namin, mukhang may pupuntahang party.
She's wearing a beaded dress, may mga golden sequence rin ito sa part ng hem. She was wearing a three-inched heels. Her make up na kumakalat na sa buo niyang mukha, making her look like a clown. She managed to put on some face powder on her face pero hindi niya nagawang lagyan ng leeg.
Katulad ng madalas kong marinig noon kay Aby kapag inaaway niya ang mga fangirls ng asawa niya. She would just ask them questions like, 'Choco na gatas, or gatas na choco'. Pertaining to the girl's make ups.
"Excuse me," ulit niya nang walang pumansin sa kaniya. She even batted her eyelashes pero hindi na sa akin nakaharap kundi sa asawa ko na.
Todo pacute 'yung girl but Damien, on the other hand ay patuloy lamang sa pagkain.
"Saan po ba dito 'yung Kix',?" The girl asked, full of sweetness in her tone.
Kumunot naman ang noo ko. Mukhang nagpapacute lang sa asawa ko. Can't she read the big signage sa labas bago siya pumasok ng restaurant na 'to.
"Miss ito na 'yun," I butted in.
Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay. "Excuse me, hindi kita kinakausap."
I gritted my teeth nang tinalikuran niya ako at lumapit kay Damien. Wala pa ring reaksiyon si Damien. How could he! Inaaway na nga ang asawa niya wala pa rin siyang reaksiyon!
The girl touched Damien's hand para makuha ang atensiyon nito. Pero ang kinabigla ko ay ang marahas niyang pag-alis ng mga kamay ng higad na babaeng 'yun. Nabigla rin 'yung babae.
"Don't talk to my wife like that. You don't know me, I'll kill you. And how dare you touched me? You w***e,"
Parang tinakasan ng kulay ang babae dahil sa pamumutla. Nakatingin lang siya kay Damien na wala pa ring ekspresiyon. She looked at me pero nginitian ko lang siya. Tinalikuran niya na kami pero bago 'yun ay nahuli ko ang pag-irap niya sa 'kin.
I looked at Damien na tuloy lamang sa pagkain na para bang walang nangyari. Don't ever make Damien hungry dahil kung anu-ano ang nagagawa niya. He can't even control his patience.
"Washroom lang ako," paalam ko. He just nodded at muling binalik ang pansin sa pagkain.
Pagkapasok ko pa lamang sa washroom ay nakasalubong ko na agad si May. Damien's secretary. Nagulat pa siya ng makita ako, she looks like she have seen a ghost.
I smiled at her, "Kamusta na May? What are you doing here?"
Natataranta siyang sumagot at para bang may tinitignan sa labas, "Ano po, may binili l-lang po." She answered.
"O, ganoon ba? C'mon sabay na tayo. Join us, kasama ko si Damien."
"Ah! 'Wag na po, thank you na lang po."
Mabilis na umalis si May ng restroom na walang paalam. Sumunod naman ako sa kaniya, I saw her walking papunta sa isa pang chain ng store sa mall.
Binalikan ko na si Damien at naaubatan ko ito na may kausap sa phone. Naupo ako at tinignan siya.
"Sino 'yang kausap mo?" I asked. Halos pabulong para hindi siya madistract, tinakpan niya ang speaker ng cellphone at lumingon sa 'kin.
"Si May, nay sinabi lang." Aniya at muling nakipag-usap kay May sa kabilang linya.
Napatingin ako sa labas ng restaurant at nakita si May na naglalakad na may bitbit na dalawang plastic bag sa kanan at kaliwang kamay. Ni wala rin siyang hawak na cellphone o nakakabit na earphone sa tainga niya.
I looked at Damien again at patuloy pa rin siya sa pakikipag-usap. Then Kiana's voice echoed in my mind, what is my husband hiding from me?
What is it?