Memories
Chapter 12
*****
It's been five months nang malaman namin ang kalagayan ko. We were both dancing in joy. Pero kapalit noon ay ang panlalamig ni Damien sa kaniyang sariling Lola. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na bumalik na sa Paris si Lola Esperanza.
Limang buwan na rin mula nang maging extra sweet sa 'kin ang asawa ko na ultimo lamok ay hindi niya hinahayaang dikitan ako. Sa ilang buwan na 'yun ay nakasanayan ko na ang pagaasikaso niyang ginagawa sa 'kin.
Sometimes I wonder kung bakit niya ginagawa ang lahat ng iyon, minsan ay iniisip ko na may nililihim sa 'kin si Damien pero sabi naman ng OB ko ay normal daw talaga iyon sa mga buntis.
"Yarang maganda!" Napalingon ako kay Anton na nakahalukipkip sa tabi ko. Nakakunot din ang noo nito na para bang may kung anong nangayayari.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Kung hindi pa kita tatawagin na maganda, hindi ka pa lilingon. My ghad!"
I giggled, madalas din kasi akong mag-space out lately at 'yon ang kinaiinisan ni Anton.
"Kaya mo bang pumuntang mag-isa?"
"Oo naman, keri ko 'to 'no!"
"Hay basta buntis I'm just one call away ha?"
Tinanguan ko si Anton at tumayo na dala ang bag ko at ang isang folder. Pupuntahan ko ang isa sa mga estudyante ko para malaman ang dahilan sa sunod-sunod na pagliban nito sa klase. Sabi kasi ng Principal na alamin ko raw.
My phone beeped at mas lalong lumiwanag ang araw ko nang makita ang text message ni Damien.
From: Damien
Message: Hi babe, lunch later okay? At your favorite. I love you!
Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil sa mga simpleng bagay na ginagawa niya. Ganoon naman talaga kapag mahalaga sa 'yo angbisang tao. They don't need to do more for you, little things are enough to complete your whole day.
~*~
I sighed bago tuluyang pumasok sa loob ng isang magarbong bahay malapit sa eskuwelahan na pinapasukan ko. Pagpasok ko pa lamang sa front door nila ay kaagad na akong sinalubong ng kanilang mga katulong.
"Si Mrs. Arcelia po?" I asked one of the maids.
Tinuro nito ang itaas na bahagi ng bahay, "May inaayos lang po pero pababa na rin po siya." Aniya at matalim akong tinitigan na para bang may kung anong mali. Kumunot naman ang noo ko pero pinagwalang bahala ko iyon.
Ilang minuto ang lumipas ay bumalik 'yung maid na may dalang tray ng juice. Inilapag niya ang baso na may laman nang juice sa harapan ko at muli na naman akong tinitigan.
"Ikaw ba ang teacher ni Angel, hija?" Muling tanong ng kasambahay nila.
"Opo, may problema ho ba?"
"Wala naman, may naalala lang ako. Para kasing may kamukha ka e."
Tumango-tango ako at nginitian na lang siya kahit na nawi-weirdohan ako sa kinikilos niya. Pati na rin ng ibang mga katulong na kanina pang pasulyap-sulyap mula sa kusina.
Napatayo naman kami nang may marinig kaming tunog ng heels mula sa taas na bahagi ng hagdanan. Siguro ay iyon na ang nanay ni Angel. Gusto ko na rin siyang maka-usap para magawa ko na ang trabaho ko at makauwi na.
I am feeling exhausted.
Parang na-drain ang energy ko pero hindi naman ako gaanong kumilos.
"Manang pakiready naman si Angel."
"Ay Ma'am akala ko po si Ma'am Angelique kayo,"
"Ako na muna ang makikipag-usap sa teacher ni Angel, nasa mall pa si Angelique."
I froze.
Pinikit ko ang mga mata ko at tumungo, pilit na inaalala kung saan ko narinig ang boses na iyon. I tried to recall that tone, 'yung way ng pagsasalita niya.
"Hija?"
O my ghad!
Lalo akong natulos sa kinatatayuan ko at pakiramdam ko na nasa isa akong bangungot. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa, nanatili lamang na nakayuko ang aking ulo.
Ilang taon ko na nga bang hindi narinig ang boses na 'yun? Fifteen years, seventeen years or more? Parang kailan lang nang mga sandaling huli ko siyang nadinig, ang mga sandali na ayoko nang balikan pa. Pero heto't nagsisimula na namang umagos ang mga alaala na kailanmay hindi na mabubura sa isip ko.
Naramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko, "Ayos ka lang ba?" Ayan na naman ang boses niya. Pero lalo akong hindi makagalaw nang hawakan niya ako sa balikat.
This kind of touch. Kilalang-kilala ko kung kanino.
All those years. Ngayon ay talagang pinaglalaruan ako ng tadhana. The woman I detested the most, the woman who caused all my miseries, nandito siya ngayon at inaalala ako?
That's not how I remembered her.
She's a heartless monster. She's a gold digger. A selfish woman na kayang sirain ang lahat para lamang umayon iyon sa lahat ng pinaplano niya.
She even sold her only daughter for money.
I remember her. I remember that night, na kahit magmakaawa ako ay hindi niya ako pinapakinggan. She didn't even bid me goodbye. Ibinenta niya ako matapos malugi ang kumpaniya ni Papa.
My mother whom I loathe so much.
Hindi ko akalain na darating ang araw na makikita ko siyang muli. Though I never dream na magkita kami. To me, she's dead. That's how I hate her.
Huminga ako ng malalim at tinabig ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko. She was shocked pero mas minabuti na maupo sa sofa na katapat ko.
"Okay lang po ako," I answered trying not to break my voice. Marahan kong iniangat ang ulo ko to see how surprised she was. Kahit ako ay nasorpresa rin sa itsura niya.
She grew old...alot!
May mga kulubot na siya sa mukha, though hindi pa masyadong obvious. She got some gray hair that was a little visible, lalo na kapag naiilawan. Pero hindi pa rin nagbabago ang pananamit niya.
She still loves to wear expensive jewelries, especially the pearl ones. Katulad na lamang ng pearl na kuwintas na nakasabit sa leeg niya.
Pero ang lalo kong kinagulat at kapansin-pansin ay kung gaano kami magkaparehas ng itsura. I am the younger version of her. Simula sa mata hanggang sa labi, all facial expressions na mayroon siya ay kuhang-kuha ko.
No wonder masyadong nabigla ang mga katulong.
"Y-Yassie ko?"
Yassie, that's how she used to call me...used to.
Madalas niyang sabihin noon nakaya raw Yasmine ang pangalan ko ay galing daw sa pangalan niya na Yasmina Angelique. It was a name given by her grandmother.
I breathed in, trying to compose myself.
I smirked at her, "Excuse me po, but I do not know you Ma'am." I said plainly. Gumuhit naman ang lungkot sa kaniyang mga mata. Hindi kalaunan ay ngumiti siya at lumapit sa akin. Naupo siya sa tabi ko.
Bakit ba ako naupo sa napakahabang sofa!?
My heart was beating eratically na para bang anomang oras ay hihimatayin ako. I felt this way before, noong kinausap ako ni Lola Esperanza. Noong gabi na muntikan nang mapahamak ang anak ko.
Flashbacks came rushing through my mind at awtomatikong napahawak ako sa aking tiyan. Silently mumbling a prayer na sana'y walang masamang mangyari sa anak ko. 'Cause I couldn't forgive my self kapag nawala ang anak ko.
"Anak ko..." she whispered.
She gently rubbed my hair that sends shiver to my whole system. Lalo na nang tawagin niya akong anak, bigla na lamang akong kinilabutan na para bang may mali.
I was steady the whole time, hindi makagalaw at parang nauupos na sigarilyo.
Mayamaya pa ay naramdaman ko na ang mga bisig niya na bumalot sa 'kin. Narandaman ko rin ang pagkabasa ng balikat ko. I don't know what to do...I don't know what to feel.
"Excuse me lang po, pero hindi ko kayo kilala." I exclaimed at kumawala sa pagkakayakap niya. Marahas akong tumayo at naglakad papunta sa upuan na nasa tapat niya.
Inayos ko rin ang folder na hawak ko.
"Ma'am I'm here as your granddaughter's teacher. I don't really know you." I said straightly. Walang emosyon ang bakas sa aking mukha. But her's, I saw how hurt was drawn all over her face.
Umayos siya ng upo at pinunasan ang mga luha niya.
"I'm sorry, it's just that, kamukha mo kasi ang isa ko pang anak. Si Yassie ko, I lost her when she was eight." She apologized. Pinigilan ko ang pag-irap ng mga mata ko.
How come she lied?
Lost? You mean sold.
Umiling na lang ako at binuklat ang files ni Angel.
"Uhm ano po bang problema ni Angel, nag-aalala na po kasi ang Principal namin."
"Nagkaroon kasi ng family problem, but it's okay na. Makakapasok na siya bukas."
That's it.
Tumango na lamang ako at sinara na ang folder. At tumayo na. I saw how she gazed at my belly. Kitang-kita pa man din iyon dahil naka-maternity dress na ako. Aby was the one who designed it.
Nang tumayo ako ay nagmamadali rin siyang tumayo at lumapit sa 'kin.
"Uhm hija dito ka na mag-lunch. Masamang nalilipasan ng gutom ang mga buntis." She offered. Sunod-sunod naman akong umiling at humakbang palayo sa kaniya.
"No, thank you. Nag-iintay na ang asawa ko sa 'kin. And I know how to take care of my baby, how to take good care." I emphasized those last words bago ako tuluyang tumalikod sa kaniya.
"Thank you for your time, and I hope this is the last time that we'll see each other again." I walked straight to the door pero bago ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang mahina niyang pag-iyak.
I just shrugged it off at tuluyan nang lumabas.
Nakasakay na ako ng taxi nang biglang mag-ring ang cellphone ko. I picked it up para makita ang caller I.D pero unregistered ito. Wala naman na akong nagawa dahil kumukunot na ang noo no Manong Driver, siguro'y naiingayan sa ring tone ko.
"Hello?"
"Oh hey b***h! This is Kiana,"
I frowned.
"How did you get my number? Puwede ba tigilan mo na ako!"
Narinig ko ang malademonyo niyang pagtawa sa kabilang linya. Pero kinalaunan ay bigla rin itong nawala at narinig ko na ang bulong niya.
"I know something about you, Yassie. Alam ko rin ang sikreto ni Damien."
"What the heck?! Ano bang kailangan mo Kiana?!"
"Simple, meet me tomorrow. Sa address na itetext ko sa 'yo. Pagkatapos ay titigilan na kita."
I was about to answer back pero na disconnect na. She ended the call and left me hanging with questions. What are you really up to Kiana? Ano ba ang ibig mong sabihin sa sikreto na 'yun
Should I trust her?
Napahawak na lang ako sa tiyan ko nang maramdaman ang marahang pagsipa ng baby ko. I smiled, maybe wala namang mangyayari.
Maybe...
*****