Pregnancy
Chapter 11
*****
Mariin kong pinikit ang mga mata ko habang pinipilit ang sarili ha h'wag ituon ang atensiyon sa nangyayari sa labas ng kuwarto. Nakasuot pa rin sa 'kin ang dextrose na hindi ko namalayan na nakakabit na sa 'kin.
"Apo it was an accident! Believe me!"
"Accident? Aksidente ba sa tingin niyo ang muntikan nang mapahamak ang asawa ko, and worst idadamay niyo pa ang anak ko!"
My heart was beating fast habang iniinda ang lahat ng nangyayari. Ngayon ko lang nakita na ganoon kagalit ang asawa ko. Dahil noon, kahit na anong gawin ni Lola Ezperanza sa kaniya ay nananatili siyang kalmado, pero ngayon...
I rubbed my tummy kung nasaan naroroon ang anak namin ni Damien. Sabi ng doktor na tumingin sa 'kin ay tatlong linggo na raw akong buntis. Masuwerete na raw na naagapan kaagad ang pagdurugo dahil malaki ang posibilidad na mawala sa amin ang munting anghel na nasa sinapupunan ko.
"Hi little one," I whispered as I gently rubbed my belly "Hang in there okay? Magpakalakas ka para sa amin ni Daddy. We love you so much." A tear fell at sakto na pumatak iyon sa umuumbok kong tiyan.
Ganito pala ang pakiramdam ng mga babae na malapit nang magkaroon ng sarili nilang supling. Pinaghalo-halo ang lahat ng emosyon. Napakagaan sa pakiramdam ngunit naroon panrin ang takot na baka biglaan siyang kunin sa amin.
Hindi ko pa siya pinapanganak pero ramdam ko na ang pagmamahal ko sa kaniya. Tunay na hindi matatapatan ng kahit na anomang materyal na bagay ang pagmamahal ng isang ina.
I never thought that I can live on this moment, now I am finally a Mom. Magagawa ko na ang mga bagay na hindi nagawa sa 'kin ng sarili kong ina. Hinding-hindi ko ipaparanas sa anak ko ang pakiramdam na lumaki sa isang wasak na pamilya.
I heard Damien's footsteps at ang pagpihit ng hawakan ng pintuan. Bumukas ng kaunti iyon na naghatid ng liwanag sa madilim na kuwartong kinaroroonan ko.
"Hey beautiful," he said as he smiled.
Parang walang nangyari. Para bang hindi sila nag-away ng pinakamamahal niyang Lola. But there's something about him this past few days.
Lumakad siya palapit sa 'kin at nang makarating na siya sa harap ko ay lumuhod siya. He rubbed my belly at tumingin sa mga mata ko. I saw how his eyes sparkled, I can't believed it, he's crying!
I was in awed sa mga nasasaksihan ko ngayon.
I am seeing a different side of Damien.
He lean closer palapit sa tiyan ko.
"Hi son," he whispered.
Napangiti naman ako at hinampas ng mahina ang braso niya na nakapatong sa gilid ng kama. "Ano ka ba! Hindi pa natin alam ang gender ni baby, the baby might be a girl, silly." I said kasabay ng mahinang pagtawa.
Napatawa naman siya at muling itinapat ang mukha sa kinaroroonan ng bata.
He faked cough, sign that he's nervous. "Kahit na ano ka pa, mamahalin ka namin ng Mommy mo. Hang in there little buddy. I promise that I will be a good father to you..." I saw how a tear fell from his eyes. I smiled dahil ramdam ko ang pagmamahal niya sa anak namin. He reached for my hand and squeezed it, "And a good husband to your Mom,"
My heart melt when he suddenly kissed my belly. Matapos iyon ay naupo siya sa tabi ko habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
He lifted my chin using his left hand, "Please be strong okay? Ayokong may nangyayari sa inyo, lalo na sa 'yo." He said then hugged me.
Words can't explain what I am feeling right now. Everything's perfect, just like what I always dreamt they would be. Damien's by my side and we are expecting a little one.
I fell asleep inside his arms, giving me comfort and strength to carry on. Kapag kasama ko siya hindi ako nakararamdam ng kahit na anong takot at lungkot. Alam ko na nariyan siya para i-comfort ako. He's always there to make me strong.
~*~
Kinaumagahan ay naabutan ko na nasa ibabaw na ng kama ang mga gamit namin at nakaempake na. Tinotoo nga ni Damien ang sinabi niya kay Lola Esperanza na bukas na bukas pa lamang ay aalis na kami.
Naamoy ko ang pamilyar na amoy ng kaluluto pa lamang na sinangag at ang bagong timpla na kape. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at bumaba na sa kusina.
Tahimik ang buong mansiyon at naabutan ko si Manang Remy na nagluluto sa kusina. Nang mapansin niya ang presensiya ko ay lumingon siya sa akin at nginitian ako.
"Magandang umaga hija, heto't pinaluto ni Senyorito para sa iyo. Maganda 'yan para sa mga buntis." Aniya at nilapag ang isang baso na puno ng juice.
Naupo na ako at nagsimulang kumain.
"Manang si Damien po?"
"Nasa taniman, kasama si Don Ruben."
Inubos ko na ang pagkain na nakahain dahil pakiramdam ko ay sobra akong napagod at gutom na gutom na para bang ilang linggo akong hindi kumain.
Pagkatapos ay naglibot-libot muna ako sa kabuuan ng mansiyon. Nakakapagtaka lang na tila ba walang presensiya ni Lola Esperanza. Siguro ay tulog pa 'yun hanggang ngayon. Alam ko na buong magdamag 'yung umiyak at hindi makatulog. Ganoon siya kapag galit sa kaniya si Damien.
Nagi-guilty tuloy ako.
Matanda na si Lola Esperanza kaya dapat ay wala na siyang iniintindi pa. Kung hindi ko lang sana siya tinalikuran kagabi siguro'y maayos ang pakikitungo sa kaniya ng asawa ko ngayon.
"Senyorita nandiyan po pala kayo," nginitian ko si Gesca na nagwawalis sa hardin. Bata pa si Gesca at pagkakaalam ko ay hinire siya ni Lolo para makatulong sa bata. Kailangan kasi nito ng panggastos para sa mga kapatid nito.
Naupo ako sa isang upuan sa ilalim ng puno kung saan mahilig akong pumunta noon. Dito ako madalas magpinta at gumuhit, kapag nalulungkot ako o 'di kaya ay naalala ko si Lola at si Papa.
Magandang pagmasdan ang paligid ng hardin. Naroon pa rin ang mga bulaklak na tinanim ko na nagpatingkad sa buong paligid. May mga paru-paro rin na nagliliparan. Nagpapalipat-lipat sa mga bulaklak.
Ang ihip ng hangin ay tama lamang at nagpapagaan ng pakiramdam. Tahimik sa lugar na iyon at matatanaw ang bulubundukin na sinisikatan ng araw.
Iba talaga ang kapayapaan na naidudulot ng probinsiya. It makes me suprisingly calm. I unconsciously rubbed my tummy. Sana kapag lumabas na ang anak namin ay sa ganito kaming lugar tumira. Ayoko siyang palakihin sa magulong lugar ng Maynila.
"Senyorita hinahanap na po kayo ni Senyorito, nasa balkonahe po siya kasama ang Don at Donya." Naputol ang pagmumuni ko nang sumulpot sa harapan ko si Gesca.
Tumayo na ako at dumiretso sa balkonahe. Nandoon din pala si nurse Arcie na chinecheck ang BP ni Lolo. Si Lola Esperanza ay masama akong tinignan at kinalaunan ay inirapan ako.
"Hey,"sinalubong ako ni Damien at pinulupot ang mga braso sa bewang ko. Si Lolo naman ay nakatingin sa akin na para bang maiiyak.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Talaga bang aalis na kayo? Kararating niyo lang dito kagabi." Sambit ni Lolo habang pinipigilan ang sarili na umiyak.
"Sorry po Lo, next time po tatagalan na namin ang pagbisita."
"Sige, mag-iingat kayo."
Humiwalay na ako ng yakap kay Lolo at sinulyapan si Lola Esperanza na wala pa ring imik at mataman lamang na pinagmamasdan ang bawat galaw ko.
Inalalayan ako ni Damien papunta sa sasakyan namin. Hindi niya pa rin pinapansin ang Lola niya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Lola Esperanza nang mga sandali na tumalikod na sa kaniya si Damien.
He held my hands before starting the engine looking straight into my eyes telling me that it's gonna be alright. I just nodded, trusting him.
Tumigil kami panandalian dahil sa traffic. Hanggang sa may tumawag sa kaniya. Ilang segundo niya ring tinitigan ang telepono niya hanggnang sa mapagpasyahan niyang sagutin ito.
"Hello! What do you want?" He paused. Nakikinig lamang ako sa usapan nila. Must be some client. Pero mukhang galit siya. "f**k! Don't you dare! Look, I 'm gonna kill you right now! I don't care, my wife is pregnant! Stop it!"
I flinched when he shouted. Ibinato niya sa backseat ang telepono niya at mahigpit na nakahawak sa manibela habang sunod-sunod ang malakim na paghinga.
I can see how his jaw clenched in anger.
Hindi ko alam kung anong nangyayari pero seeing my husband in that kind of state, I 'm worried. Hinawakan ko ang kamay niya then he looked at me.
I smiled at him habang siya naman ay unti-unti nang kumakalma. He sighed at tuluyan nang humupa ang galit niya.
"What was that about?"
"Wala. Just some prank call." He said.
Magtatanong pa sana ako nang bigla nang umusad ang mga sasakyan na nasa unahan namin. He focused again on driving while I looked at him suspiciously.
I know my husband's hiding something, maybe I 'm just being a paranoid housewife...pero I can feel it. Maybe, just maybe, it involves me and Kiana.
Maybe it's just my pregnancy acting up or my jealousy or my wifely instinct. Whatever it is, malalaman ko rin 'yun. In the right time.
*****