Hell Weekend
Chapter 10
*****
"She's awake! Gosh, gising ka na!"
Marahan kong minulat ang mga mata ko pero maliwanag na ilaw ang sumalubong sa 'kin kaya't napapikit ulit ako. I tried to open them again at mukha kaagad ni Anton ang nabungaran ko.
Nasa kabila namang parte ng higaan si Shiela at si Joyce. "What happened?" I asked habang tinutulungan nila akong makatayo. Inayos ni Anton ang isang unan sa likod ko para may masandalan ako dahil para bang nanghihina ako.
Joyce coughed, "Nahimatay ka kaya dinala ka agad namin dito sa hospital. Okay ka na ba?"
"Yeah, bakit daw ako nahimatay?"
"Over fatigued. Girl masyado kang masipag e!"
I looked at them. Over fatigued? Maybe I worn out myself a little.
"Alam ba ni..." I was worried that they told Damien dahil alam ko kung ano ang mangyayari. Magiging O.A na naman 'yun at baka pati mga doktor ay madamay.
Shiela cut me off. "No! Siyempre hindi, natatakot kami sa asawa mo 'no! Baka ipa-salvage pa kami nun! Haha!" She tried to fake laugh pero bigla rin siyang tumigil nang magbukas ang pinto.
Halata itong kinakabahan at kagat-kagat ang ibabang labi habang nakatungo. Anton was patting her shoulders signaling her to calm down.
They were all silent when Damien entered the room. Together with that dark aura of his and that eyes that could kill you in just one stare. The typical Damien.
Joyce tugged the side of my bed.
"Sorry friend, nataranta na rin kasi kami kaya si Damien ang tinawagan namin. Sorry talaga friend," she apologized. Tinanguan ko lang siya at hinarap ang asawa ko na diretso lamang ang tingin sa 'kin at nakapatong ang mga braso sa dibdib.
Damien scoffed, nagulat naman sina Shiela. "Iwan niyo muna kami," he commanded them. Kaagad na tumalima ang tatlo at nagmamadaling umalis.
When the door closed, he faced me. Nagulat pa ako sa kaniya dahil ang akala ko ay sisigawanniya ako at papagalitan. But when he face me, I saw how his expression softened.
"Damien, sorry. I-I was so careless..."
I was shocked when he stepped forward and then hugged me. My heartbeat became erotically fast. Ramdam ko rin ang mabilis na t***k ng puso niya and after sometime ay yumakap na rin ako sa kaniya.
Kumawala siya sa pagkakayakap sa 'kin at tumingin sa 'kin. He cupped my face the kissed my forehead. Pinagdikit niya ang mga noo namin as his eyes were both shut off.
"Don't do that again," he whispered "You scared the hell out of me." napahagikgik na lamang ako sa mga sinasabi niya. I didn't know that Damien has this cheesy bones inside his body.
I smiled.
"I 'm glad you felt that way." Komento ko. Ngayon ay nakatingin na siya sa 'kin ng diretso at seryoso. Nabigla ako nang pinitik niya ako sa noo kasabay ng mahinang pagtawa.
"Of course, asawa mo 'ko. Obligasyon ko ang mag-alala." Aniya na nagpabagal ng mundo ko. Parang may kung anong kuryente ang bumalot sa buo kong katawan at nagpapainit ng puso ko. Iba talaga kapag si Damien na ang nagsasabi ng mga salitang iyon.
"I love you," I whispered.
"I-I love you t-too."
Matapos iyon ay inasikaso na niya ang mga hospital bill at nakalabas na ako ng hospital. Sina Shiela ay nagpaalam na dahil gagawa pa raw sila ng lesson plan at magko-compute pa ng grades.
Anton insisted on accompanying me hanggang sa condo namin ni Damien pero hinila na siya ni Joyce at magpapasama sa paghunting sa boyfriend nito na nangangaliwa.
"Are you sure you're okay now?" He asked, palinga-linga sa puwesto ko. Natawa na lang ako sa kaniya dahil hindi maintindihan kung anong gagawin.
One second he would look at me then the next one he would focus on the road.
I giggled. "Okay na po ako! Sa daan ka na tumingin, okay?" Hindi na siya nakipagtalo pa sa 'kin at nagdrive na lang. Tumigil muna kami para bumili ng pagkain.
Si Damien na lang ang bumaba at dumiretso sa fast food chain, he demanded, dahil daw pagod na ako at baka kung ano pang mangyari sa 'kin.
He even commanded me to stay put dahil kagagaling ko lang daw sa ospital. Nakita ko ang pagpasokniya sa loob ng restaurant kaya nakatingin lang ako sa labas habang iniintay siya.
Napatingin ako sa gawi ng isa pang restaurant, nakita ko si Nadine na may kasamang lalaki. Is that her fiance? No, I guess hindi. Ang pagkakaalam ko ay iniwan na siya ni Jacob. Maybe she found someone better than that bastard.
I felt sorry for Nadine, dahil sa walanghiya niyang ex ay hindi sana siya nagkakaganoon. She lost her self. Ilang araw niya kaming hindi kinausap at nag-leave rin siya sa pagtuturo. She even threatened the girl para lang hiwalayan nito si Jacob.
"Okay na ba 'to?"
Napatingin ako kay Damien na pumasok ng sasakyan na may dala-dala na dalawang plastic bag. He put it at the back seat.
"Ano-ano ba ang binili mo?"
"Spaghetti, hotdog burger, fries, salad and juice." He proudly said. Napaawang na lang ang bibig ko nang marinig kung ano-ano ang binili niya.
We went home later that night.
~*~
"Ano?! What did you just said?!"
Nailayo ko ang hawak na cellphone sa aking tainga nang biglang sumigaw si Aby sa kabilang linya. She was getting hysterical when I told her about the news.
Kahit naman ako ay kinakabahan at parang gusto ko nang hindi matuloy. I was planning on faking some disease para lang hindi kami makapunta.
I sighed.
"You heard me. Nagiimpake na nga ako ngayon, you know I don't have any choice Aby."
"You have! Hiwalayan mo si Damien! It's easy, ako na ang magbabayad ng annulment niyo!"
Napatayo na ako nang wala sa oras kaya't naglaglagan ang mga damit na kaninang tinitiklop ko. I groaned, uulitin ko na naman 'yun. I don't even feel like moving today. Para akong lalagnatin, maybe I can use that as an excuse.
"Are you out of your mind? That's not even a choice! I love my husband so much Aby, kaya kong magtiis."
"Iyon naman pala e, 'di magpakamartir ka! Go, sugod sa pugad ng kalaban."
I sighed.
"You know what? I'll talk to you when we come home."
"Fine. Basta siguraduhin mo na makakauwi ka ng buo ha!"
I ended the call at tinapon ang telepono ko sa kama. Dahan-dahan akong yumuko at pinulot ang mga damit na kaninang nagulo. I am nervous.
I am scared.
Hindi ko naman masisisi si Aby kung bakit ganoon ang reaksiyon niya. She's just scared too. Ni hindi ko nga alam kung makakauwi pa ako ng buo.
My husband knocked gently, I looked up and saw his face all radiant. Mukhang good mood siya, I know he's excited. At doon, masaya na 'ko.
"Are you ready?"
"Yeah," I lied.
Lalo namang lumawak ang mga ngiti niya.
"I'll get the car," tumango ako. Nang makalabas na siya ay saka naman ako napahinga ng maluwang. No, I 'm not ready. I am not even excited.
Dahil sa kaba at pagka-buwisit na nararamdaman ko ay basta ko na lamang nilagay ang mga damit sa maleta at padabog na zinipper iyon. Pagkatapos ay bumaba na ako nang may mabigat na pakiramdam.
The whole ride papunta sa mansiyon nila ay hindi ako kumikibo. Hindi rin ako nagsasalita pero nakikita ko ang pamaya't-mayang sulyap ni Damien.
After a few hours ay natatanaw ko na ang malaking gate ng mansiyon. Naroon ang mga kasambahay na sumalubong sa amin at nagbukas ng gate. Pagkapasok pa lamang namin ay nakita ko na ang isang pulang kotse na nakaparada sa harapan. Lalo lamang bumaliktad ang sikmura ko.
"C'mon," he snapped out.
Inalalayan niya akong bumaba ng kotse papunta sa loob ng mansiyon. Parang tuko ako kung makakapit kay Damien, I was even tugging his shirt.
I was startled when a familiar voice echoed all through the entire household. "Hijo! Welcome back!" Isang boses ng babae na nanggaling sa itaas.
Pagkatapos ay ang sunod-sunod na tunog ng mga takong na dumadaan sa bawat mamahaling tiles ng mansiyon. Napapikit na lang ako habang pilit inaalis ang isip sa tao na nagmamay-ari ng mga lakad na iyon. Hanggang sa makalapit na siya nang tuluyan sa amin.
Pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi siya tignan.
"Rasiel," she commented. Hindi pa rin nagbabago ang gawain niya susuriin ako mula ulo hanggang paa at tataasan ng kilay. Atubili na tinignan ko rin siya.
I was shocked when suddenly she stepped forward at niyakap ako. Ilang sandali na tumigil sa pagtibok ang puso ko. She even squished me.
"Welcome to the family hija,"
"S-salamat po."
Binalingan niya naman si Damien na malawak ang mga ngiti na pinagmamasdan lamang kami. Katulad ng ginawa niya kanina ay niyakap niya rin si Damien.
Damien hugged her back. "Lola! I 'm so glad to see you." Buong galak na sabi ni Damien, humalakhak naman ang matanda.
Siya si Lola Esperanza. Ang Lola ni Damien at asawa ni Lolo Ruben. Siya ang dahilan kung bakit gustong-gusto ko nang maglayas noon. She hates me so much! Hindi ko alam kung bakit pero sa t'wing nakikita niya ako ay kung anu-ano ang sinasabi niya.
Alam ni Aby kung ano ang kaya niyang gawin kaya't ayaw niya akong papuntahin sa mansiyon.
The whole day ay ayos naman ang pakikiasama sa 'kin ni Lola Ezperanza. Si Lolo Ruben ay tuwang-tuwa dahil naroon kami ni Damien.
Nagaayos ako ng gamit nang biglang pumasok si Lola Ezperanza sa kuwarto namin. Nabigla pa ako nang makita ang pamilyar niyang mga kilay na mapagmataas.
"Lola!" I tried to smile at her pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Sinasabi ko na nga ba. Palabas lang lahat ng kanina, asa pa naman ako na tatanggapin talaga ako ni Lola Esperanza. Alam ko naman na botong-boto siya kay Kiana.
"Tatapatin na kita Rasiel. Makipaghiwalay ka sa apo ko, I don't like you for my apo." Literal na napanganga ako nang sinabi niya 'yun.
Parang nanikip ang dibdib ko pero pinilit ko pa rin iyong hindi indahin. Alam ko naman na hangga't narito siya ay hindi niya ako titigilan.
"Excuse me po," I said politely atsaka nilampasan siya. Bigla ko na lamang naramdaman ang marahas na pagkapit niya sa buhok ko at ang pagtilapon ko sa gitna ng kuwarto. Mabuti na lamang at naituon ko ang mga kamay ko kung hindi ay malamang tumama na ang ulo ko sa lamesa na naroon.
"Hiwalayan mo si Damien! Kung hindi ay ako ang gagawa ng paraan para mawala ka sa buhay niya!" Pananakot niya pero hindi ko pa rin siya pinapansin.
Sinubukan kong tumayo pero nanghihina ako. Kumapit na lang ako sa lamesa para suportahan ang bigat ng katawan ko. Nang makita ko siya ay nabigla ako nang hindi siya sa 'kin nakatingin kundi sa sahig.
Dahil sa kuryosedad ay napatingin na rin ako at laking gulat ko nang makita ko ang mga dugo. Sinundan ko iyon ng tingin at napagtanto na sa akin nanggagaling ang mga iyon. Then reality hit me. Naramdaman ko na lang ang sakit na nanggaling sa puson ko.
Napatingin ako sa kaniya, mukhang gulat na gulat rin siya. I tried to call Damien's name pero walang boses na lumabas sa lalamunan ko. My vision became blurry hanggang mawalan na ako ng ulirat.
*****