Chapter 6

1746 Words
I'm sorry, babe Chapter 6 ***** Nasa mall kami ni Alexa kasama si Liza at ang kambal. Naiwan naman sina Damien sa bahay dahil may pinag-uusapan pa silang dalawa. Business as usual. Ang gusto kasi ni Lolo ay i-seal na ang business sa pagitan ni Damien at kuya Dawson dahil may kaniya-kaniya na raw na pamilya. Lolo wants to merge the two company but Kuya Dawson wants to start on his own. Si Damien naman ay dinahilan na naka-seal na ang kontrata between our company and the Del Valle's. Lolo even suggested na tutal daw ay may anak na lalaki ang may ari ng kumpanya ay kailangan daw na maging babae ang anak namin. Now that's where I got totally uneasy kaya umalis kami at nag- mall. Pawisan na si Alexa dahil hindi katulad ng mga mall sa Manila, ang mall dito sa Villa Tejares ay hindi gaanong malaki at wala pang air conditioning system. Ang mga stall na sunod-sunod ay electric fan lamang ang gamit. Wala pa kami sa kalahati ng mga stall ay drained na ang energy namin dahil sa sobrang init. Medyo marami pa ang tao kaya medyo masikip. Naramdaman ko ang paghigit ni Alexa sa laylayan ng palda ko. I looked at her at nakikita ko na sobra na siyang nahihirapan. "I'm hungry na po Tita-Mama." Tumango ako atsaka dinala siya sa kaisa-isang chain ng McDo dito. Ito lang ang restaurant na may aircon. Bukod sa dati kong botique ng mga jewelries. Simula kasi nang ikasal kami ni Damien ay ibinenta ko na iyon. Utos na rin ni Lolo para raw hands on ako sa pagaasikaso sa asawa ko. Si Liza ay kanina pang sinasaway ang dalawa niyang anak na minayat-maya nang mag-agawan sa mga damit at laruan na makita. And now Crest wants almost everything on the menu, "Crest behave okay? Go with your ate Frey, check out niyo ang toys." Crest was stomping her feet at wala nang nagawa kundi sumunod sa ina. We ate, barely, dahil na rin sa kakulitan ng tatlo. Laging natatapon ang kinakain ni Alexa kaya sinubuan ko na lang siya. Crest and Frey almost started a food fight, mabuti na lamang at napigilan ni Liza. "Be careful Alexa!" Kumaway lang sa 'kin si Alexa at nagpatuloy sa pag-slide sa palaruan sa loob ng McDo. They decided na maglaro muna, to kill time. "Kelan ba ang plano niyo na mag-anak ni Damien, I mean 'yung inyo talaga." Liza asked. Medyo nako-confuse kasi siya kanina kung talagang anak ko raw si Alexa, iyon kasi ang pakilala ni Damien. Of course, I told her the truth. Hindi ko naman kaya na angkinin ang anak ng best friend ko. I know na grabe ang paghihirap ni Aby just to save her child. Napailing na lang ako sa tanong niya, "I don't know. If ever na magkaroon, then it will be both a blessing and a miracle." I told her. Nangunot naman ang noo niya. "Well, may problema kasi sa ovaries ko. It was detected a year ago. And it was a seventy-thirthy chance." "Seventy-thirthy?" "Thirty percent chance na magka-anak pa ako." Biglang natahimik si Liza sa sinabi ko. Kahit ako ay natahimik na rin. It's true, at mas lalo lamang akong nasasaktan. It was so unfair. Bakit sa dinami-rami ng babae na ayaw magkaroon ng anak ay sa 'kin pa na halos gawin ang lahat magkaroon lang ng anak. The whole ride pauwi ay tahimik lamang kami. Sympathy was written all over Liza's face. Kahit ako man ay naawa sa sarili ko. That's my worst nightmare. Knowing that maybe, I can never have a child. Na baka ay hindi ko mabigyan ng anak si Damien. Nang makarating kami ay agad na tumakbo ang mga bata papunta sa playroom kasama si Lolo at kami naman si Liza at nagprepare para sa lulutuin namin. "Ikaw lang pala ang makakapagpatino sa pinsan ko Yara, good job!" Nag-thumbs up pa sa 'kin si kuya. Nginitian ko lang siya at binalik na ang atensyon sa pag-iihaw ng barbecue. Nasa may pool side kami, sina Damien at kuya Dawson ay nag-simula nang mag-inom samantalang kami naman ni Liza ay nagiihaw ng pulutan nila at snacks ng mga bata. Si Lolo ay busy sa pag-aalaga at pakikipaglaro sa mga bata na ngayon ay nanunuod ng cartoons. Crest and Frey were really fond of Alexa. Tinatawag na nga nilang pinsan si Alexa. They were doing all kinds of games at laging natataya si Frey. Laging pinagkakaisahan nina Crest at Alexa. May pagka-maldita kasi ang dalawa at si Frey naman ay sunod lang sa gusto nila. Since she's the ate raw, kasi mas matanda siya ng five minutes kay Crest at mas matanda ng one year kay Alexa. I picked up the barbie doll na nasa tabi ng ihawan at nilagay iyon sa may bench. "Kelan niyo ba balak mag-anak? Alam niyo bang si Lolo ay pinilit kami kaya ngayon ay kayo naman ang kukulitin nun, tapos sunod si Divina." Oo nga, si Lolo kasi kapag ginusto niya ay masusunod. But he's gonna have a hard time to dictate Divina. Bihira lang kasi itong sumunod sa kaniya. Damien gulped his beer, "We're working on it." He said. Napatingin sa 'kin si Liza kaya't nginitian ko na lamang. Si Kuya Dawson naman ay nakipag-apir pa kay Damien saying how great their genes are. Inilagay ko sa isang plate ang mga hotdog na luto na. "Liza dalhin ko lang 'to sa mga bata," I said. Tumango naman ito. Pagkapasok ko ay nandoon sila at umiiyak si Alexa. Si Lolo naman ay pilit itong pinatatahah. Lolo looked at me na parang humihingi ng tulong kaya lumapit na ako sa kanila. "Hindi ko alam pero bigla na lamang umiyak. Ayaw tumahan," plaiwanag ni Lolo. "Ganiyan po talaga siya kapag pagod na," binuhat ko na si Alexa at kaagad naman na tumahan. She was still sobbing gently while I was saying her back and forth. "Lo, patulugin ko lang po." Um-oo naman siya at inasikaso sina Crest na nagaagawan sa hotdog. Inilabas ko muna si Alexa sa garden para maaliwalas at mabilis na makatulog. "Anong nangyari?" Salubong agad ni Liza nang makita kami. "Antok na kaya nag-tantrums." Lalo lamang siniksik ni Alexa ang sarili niya sa 'kin. She was still sobbing pero medyo kumalma na. Hindi katulad kanina na kaawa-awa ang itsura. Makalipas lang ang limang minuto ay himbing na himbing na si Alexa. Lumapit sa amin si Damien at kinuha sa 'kin si Alexa. He was humming softly while carefully carying the child. Nakasunod lang ng tingin sa amin si kuya at alam ko na nahihiwagahan din katulad ko. Isang malawak na pasilyo pa ang dinaanan namin bago makarating sa silid ni Damien. Ako na ang nagbukas ng pinto dahil karga niya si Alexa. "Careful," paalala ko habang inihihiga niya ang bata sa kama. Sinunod naman iyon ni Damien at marahang ibinaba si Alexa. Tumabi pa ito sa bata then he commanded me to sit beside the sleeping toddler. Agad ko naman iyong sinunod. Nasa pagitan namin si Alexa, nakahiga na kami. Damien was looking at me, facing me. Ganoon din ang ginawa ko and we were like that for a couple of minutes. Ang dating malalamig na mata ni Damien ay napalitan na. He became warm and welcoming. Unti-unti nang bumabalik ang lalaki na minahal ko ng buong puso. I smiled at him. "Yara..." "Damien," Umayos siya ng upo at mariin na napapikit habang hinihilot ang sintido niya. Muli siyang nahiga pero sa pagkakataong iyon ay nakatingin na lamang siya nang diretso sa kisame. Ramdam ko na kumakabog na naman ng malakas ang dibdib ko. "Yara, Je suis désolé." My heart automatically stopped beating. Parang isang confetti na sumabog. Joy and fear are the emotions that I can best desctibe what I felt. Tumingin lang ako kay Damien at hindi makapagsalita. Muli siyang napapikit ng mariin at tumingin sa ibang direksyon. "Who am I kidding, of course she can't understand me." He whispered. Lihim akong napangiti nang marinig iyon. It was something that he doesn't know about me. I can speak French. Nag-aral ako sa New York dahil na rin sa kagustuhan ko noong sundan si Damien sa France. Pinipigilan pa ako noon ni Aby dahil aksayado lang daw sa oras ko. Mas maganda raw pag-aralan ang salotang Korean at German pero I insisted na French ang pag-aralan ko. And I never thought na darating ang araw na magagamit ko rin ang napag-aralan ko. Para akong marahan na tinatayon sa isang duyan. Ang sarap sa feeling. He just said sorry. Ngayon naman ay lumabas na ang soft spot ni Damien. Noon kasi ay madalas siyang mag-sorry dahil sa mga bagay na nagawa niya. Nabigla ako nang bigla siyang tumingin sa 'kin, seryoso ang mukha. I was quiet, not breaking our eye contact. "I 'm sorry. For everything. Sa lahat ng ginawa ko sa 'yo. I have no excuse, but please forgive me." Sincerity. That's what I saw in his eyes. He tried to reach for my hand. "Damien..I-I," napahinga ako nang malalim at hinarap siya. I gently squeezed his hand and gave him a warm smile. "I forgive you," "I 'm sorry babe, I promise I' ll be a good husband from now on. Just please don't leave me. Let's start anew. Alam ko na marami akong nagawang kasalanan sa 'yo" "Ayos na 'yon sa 'kin." "But not for me. You managed to capture my heart all over again. Like how you did when we were just kids. I am so sorry." He slowly caressed my face and I closed my eyes. Maybe this is the start. Maybe God answered my prayers. Siguro ito na ang simula ng maganda naming pagsasama ni Damien. Kahit na there's a possibility na masasaktan ulit ako and probably end up with a broken heart again, I am willing to take the risk. If it means having a perfect family with Damien as my husband and the father of my children. Magkakatabi kami na natulog sa iisang kama. Sa pagitan si Alexa. She was hugging my waist at si Damien naman ay nakasiksik sa leeg ko. Pinalipat niya kasi ako sa gitna. Gusto niya raw kasi na mayakap ako. Nagyon ay niyayakap na nila akong dalawa ni Alexa. He was already snoring smoothly. Mukhang napagod dahil sa layo ng binyahe namin. I smiled at my self and silently whispered before I dozed to sleep, "Je t 'aime Damien. Merci." (I love you Damien, thank you.) *****  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD