Chapter 8

1852 Words
Welcome back Chapter 8 ***** Maingat kong inilagay ang bag ko sa desk at naupo. It' s just eight in the morning at ang simula ng klase ko ay mamaya pang nine. I scanned the names of my students. It's been three days since I started teaching again, at first ay medyo hindi pa ako komportable sa schedule ko. Simula pagaayos sa asawa ko hanggang sa pagtuturo sa mga bata. Noong una ay nangangapa pa ako pero habang tumatagal ay nakakasanayan ko na rin. Padabog na pumasok ang isa kong co-teacher at the same time ay dati kong block mate na si Nadine. Isunubsob niya ang ulo sa lamesa niya. Tahimik lamang siya doon hanggang sa pumasok ang isa pa naming co-teacher na bading. Ka-block mate rin namin siya dati, "Anong nangyari diyan?" Tanong ko sabay turo sa nakaubob pa rin na si Nadine. Nagtaas lamang ng balikat si Anton at tumabi sa 'kin. Palibhasa'y magkatabi lang kami ng table. "Yasmine Rasiel Juano-Tejares," pagbuo niya sa pangalan ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "May pa-blow out daw si Shiela, birthday kasi kaya nagyayaya. Sama tayo ha?" "Ha? E 'di naman ako invited." "Gaga! Invited ka kaya, pinasabi niya sa 'kin. Nahihiya raw kasi siya sa 'yo, you know sa nangyari nang isang araw." Tumango ako sa sinabi ni Anton. What happened last time was behind me. Hindi ko na 'yun inaalala, I think I made my point clear naman and she's really sorry. It was after my second class, pumasok ako sa faculty para magkape at sakto naman na naroon din siya. I know that she was intimidated by me simula pa lamang noong pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng faculty. She hates my guts and all so tumabi siya sa 'kin noong nagtitimpla ako ng kape. She raises her eyebrow atsaka aksidente na naibuhos sa 'kin ang mainit na tubig na kinuha niya. The hot water splashed right into my hand and it caused my hand to swell. Namula iyon at medyo mahapdi. She said sorry but Anton said sarcastically that she intented to do it. Muntikan pa nga na magkaroon ng world war three sa loob ng clinic. Later that night ay napansin iyon ni Damien. I told him the truth and that was the first time na nakita ko siya na ganoon na lamang ang galit. Kahit na sabihin ko na aksidente lang. Kinaumagahan ay naabutan ko siya sa school na kausap si Shiela. Shiela was so frightened at him, kahit na 'yung mga guards. He even threatened her that he will file a case against Shiela and the school if something bad happened to me. Mukha namang natakot ang mga co-teachers ko kaya medyo mailap sila sa 'kin. Kahit na ang school director ay hindi ako pinapagalitan t'wing nalelate ako. That very day, I felt great. Napakasarap sa pakiramdam ang makita na mag-alala sa 'yo ang asawa mo. "So ano sasama ka na?" "Sige. Ite-text ko na lang si Damien." "Yes! Magpa-party tayo mamaya ha?" Tumipa na ako sa keypad ng cellphone ko at tinext si Damien. Nagpasabi rin ito na hindi makakauwi ngayong gabi dahil may meering sa isa sa mga bigating investors. Tumango ako atsaka kinuha ang mga libro na nasa ibabaw ng desk ko. Nagpaalam na ako sa kanila at dumiretso sa isa ko pang klase. Nakasalubong ko pa ang iba kong mga kapwa guro pero hindi sila makatingin ng diretso sa 'kin. Sa kanilang lahat ay si Nadine at Anton lamang ang ka-close ko. "Hi teacher ganda!" Ngumiti ako sa isang bata na nag-aabang sa 'kin sa tapat ng pinto. Siya si Cholene, anak ng isang sikat na super model. She 's a very bright kid and always active. Pagkapasok ko ay agad na nagsitahimik ang mga bata at naupo sa kani-kanilang respective seats. Inilabas ko ang mga brush at hinarap sa kanila ang canvas ko. Gayun din ang mga paints na kakailanganin namin. "Okay class wear your aprons na. Then ready your materials ha? For now, you're going to use water color since hindi pa puwede sa inyo ang pangpinta talaga." They obediently follow my instruction at nilabas ang mga mamahalin nilang water color. Lahat ng gamit nila ay nagsusumigaw na 'imported' at 'yung iba ay galing pa talaga sa ibang bansa. "Ready na kayo?" "Yes teacher!" "Okay, ang ipe-paint natin ngayon ay isang garden. Kahit anong klase ng garden, basta may flowers. You have to do your best okay?" Lahat sila ay bibong sumunod at nakatuon ang buong pansin sa kani-kanilang canvas. Ang iba pa ay may nakapasak na headphone sa kanilang tainga habang nagpipinta. I roamed around, hanggang sa mapadaan ako sa isang bata na walang ginagawa. Hindi siya nagpipinta, nakatingin lamang siya sa blanko niyang canvas. Lumapit ako sa kaniya pero kaagad namna itong yumuko nang makita ako. "Jaycee what's wrong?" I asked, Much to my panic, he started to sniff. "I don't have paint po. My mom said that he will buy me pero wala daw siyang money so I couldn't paint." Nakaramdam ako ng lungkot sa mga sinabi niya. He is Jaycee Morales. Nakapasok siya sa institution na ito dahil sa mga scholarships na kinuha ng nanay niya. Gustong-gusto niya na dito mag-aral dahil dito raw nagsimula ang Daddy niya. Until one day ay ma bankrupt sila then the unfortunate happened, his Dad decided to kill himself at ngayon ay mag-isa na lamang siyang itinataguyod ng nanay niya. Panandalian akong umalis para kuhanin ang extra kong water color sa desk. I could always buy one. "Here Jaycee. 'Wag ka nang mag-cry ha? Iyo na ito." Umiiyak pa rin siya na humarap sa 'kin. "Talaga po?" "Oo. You have a gift Jaycee, malayo ang mararating mo. You have passion for painting and I don't want it to go to waste." True, may kakayahan ang bata na magpinta. He can see in different angles. He has this amazing eyes that can see right through your soul. He has potential at naniniwala ako roon. He gladly took it at niyakap ako. Matapos iyon ay nagsimula na siyang magpinta while I roam around the room. May mga bata na nag-aaway dahil mas magaling daw silang magpinta. Typical kids. Nabaling ang atensyon ko sa pinto nang may biglang kumatok. Nagpalinga-linga ito at ngumiti nang tumigil sa 'kin ang mga tingin niya. Nakaramdam ako ng kaba pero pinilit ko pa rin na harapin siya. Pilit akong ngumiti, "Ah, hello po. May hinahanap po ba kayo?" Tanong ko. Tumingin muna siya sa hawak niya at tumingin ulit sa 'kin. "Ikaw po ba si Mrs. Yasmine Tejares?" "Yes, why. May problema ho ba?" "Wala naman po Ma 'am may nagpapabigay lang po." May iniabot siya sa akin na boquet ng pink rose. Nginisian niya ako atsaka kinuha ang papel para pirmahan ko. Inilapag ko muna sa lamesa ko ang mga dala niya at muling hinarap 'yung delivery guy. "Sino pong nagpabigay?" "Asawa niyo po, 'yung guwapo!" "Si Damien?" "Ay bakit po Ma 'am, may iba pa po ba kayong asawa?'' Nangunot ang noo ko sa sinabi ng kausap ko at sinamaan ko siya ng tingin. Napangiti na lamang ito kasabay ng pagkamot sa batok niya. Binigay ko sa kaniya ang papel at binalikan ang mga rosas sa table. I took out the small note na nasa mga bulaklak. I smelled it at nagkaroon ng biglaang kakaibang pakiramdam. It smells just like his perfume. To my babe, Next week will be our anniversary, I like to surprise you everyday up until that week. Cheer up my lovely wife. Love,  Your handsome hubby I gently folded the piece of paper habang nakangiti. Parang may kung anong galak ang bumalot sa puso ko at nagsimulang magliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko. Nakabalik lamang ako sa reyalidad nang biglang mag-ayiee ang aking mga estudiyante. Lahat sila ay tinutudyo ako. They were asking what my husband looks like. Pero kunwari ay nagalit ako at pinabalik sila sa pagpipinta. Nang matapos ang pagtuturo ko ay dumiretso ako sa faculty para intayin ang mga kasama namin na makikiparty. Ang iba naman ay kaya lamang sasama ay para makalibre ng pagkain. Maingat kong ibinaba ang boquet na kaagad namang hinablot ni Anton. "How sweet!" He shrieked as he scanned the flowers. Binasa rin niya ang sulat at pinaghahampas ang katabi na si Glorie. May pagka-payat pa naman si Glorie kaya napapa-aray na lamang sa t'wing hinahampas siya ni Anton sa sobrang kilig. "Mother Earth gravity na ang papabols mo! Akin na lang siya ateng!" Paglalabas ng dugong berde ni Anton sabay yakap sa bugkos ng mga bulaklak. Inagaw ko iyon sa kaniya at nilapag sa lamesa. "Che! Tigilan mo'ko Anton! Halika na nasa labas na sina Shiela!" Nauna na akong lumabas at sumunod naman si Anton na pakembot-kembot pa. Nang makarating kami sa van ay bigla silang natahimik at mukhang hindi maipinta ang mga ekspresyon. Tahimik lamang akong naupo sa tabi ng bintana at sa kanan ko ay si Anton. He fake coughed para mawala ang awkwardness sa loob ng sasakyan. But unfortunately, nothing happened. Buong biyahe ay si Anton lamang ang kinakausap ko habang siya naman ay panay ang lagay ng kolorete sa mukha. "Uh Yara?" Napatingin ako sa likod ko at nakita si Shiela na nakatingin sa 'kin at mukhang natataranta. "Yes?" I asked. She gulped at muling tumingin sa 'kin. "I 'm sorry. Sorry sa inasal ko. Nainggit lang talaga ako sa 'yo." She confessed. Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat, ang mga usyusero na mga co-teacher namin ay naroon lang at nakikinig. "Okay lang 'yun. You' re forgiven. Thank you nga pala sa pag-invite sa 'kin ha? Happy birthday na rin!" "Salamat Yara, and you're very welcome!" Mayapos iyon ay bumalik na sa dati ang pakikitungo nila sa 'kin. Naging warm na sila at nakikipagtawanan na rin kasama ako. Everything's back to normal, just better than the way they were before. Tinignan ko lahat ng tao sa sasakyan at napansin na wala roon si Nadine. "Hinahanap mo si Nadine?" Untag sa 'kin ni Anton as he pursed his lips and formed a duck face in front of his pink compact mirror. I nodded. "Ayun nagdisapper na. Hindi ko alam kung saan pumunta, sabi niya may gagawin pa raw siya. Hay hayaan mo na siya girl!" May halong pagtatampo ang boses ni Anton. Nang makarating kami sa venue na isang fancy restaurant ay agad na pumasok sa loob ang iba naming kasamahan. Si Shiela naman ay natatawa na lamang na kasabay ko. "Shie, punta lang ako sa comfort room ha?" Pagpaalam ko. Tumango naman siya at sumama na sa iba naming mga kaibigan na hawak-hawak na ang menu. They were all laughing at nagbabalak pa na after dinner ay pupunta kami sa isang club para uminom ng kaunti. Hindi naman daw kami magpupuyat dahil magtuturo kami kinabukasan. "Hey watch it! Stupid," I flinched nang marinig ang boses na iyon. It sounds danger at bigla na lamang akong kinilabutan. I looked up to confirm it at mukhang nagulat din siya nang makita ako pero nag-smirk lang siya. She scanned me from head to toe, "Kiana..." I mumbled. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD