Simula
Partner in Crime
It's a disaster. Nagkarambulan na ang mga papel na hawak-hawak ko habang naglalakad sa building na ito para sa next class ko.
I spent the entire summer preparing myself. Hindi ko nga ramdam ang bakasyon nila rito sa America dahil sa sobrang bilis ng panahon.
Halos dalawang taon na rin nang magpunta ako rito sa New York para mag-aral ng journalism. Akala ko magiging panaginip ko lang ang lahat ng ito. Mabuti na lang ay napilit ko si Dad na mag-aaral ako sa abroad.
Kaya ginagawa ko ang lahat, hindi para sa sarili ko kundi para sa Dad ko. He’s not a big fan of failure. His expectations soar higher than the clouds.
“Oh, Jesus Christ,” naisambit ko nang mahulog ang ilang papel sa sahig.
Ewan ko ba nasaan ang paper clip nito. Pinasa ko itong naka-paper clip tapos binalik sa aking wala. Ang mahal-mahal pa naman ng school materials nila rito, hindi tulad noong nag-aaral pa ako sa Pilipinas.
Sa hometown ko, sa La Isla de Amore, napapamura ako sa lahat ng bilihin. Pero rito sa ibang bansa ay literal akong mapapamura sa mahal ng bilihin.
May pares ng sapatos ang biglang sumulpot sa harapan ko habang pinupulot ko ang ilang nahulog na papel.
“You look worse. Are you sure you don’t need help?”
Napangiti ako nang mapagtanto ko kung sino ito. “Nina, I thought you weren’t going to school today. Don’t tell me your commercial modeling got canceled?”
Niviana Anderson, Nina for short, is my first-ever friend here. Journalism din siya at medyo kilala sa campus dahil sikat sa Instágram.
Sakto lang ang closeness namin. Russian ang mom niya habang American naman ang dad niya.
Siya ang tunay na mayaman sa amin. Siguro ganiyang buhay ang hihilingin ko sa next life ko.
“It's been rescheduled for next week,” sagot niya.
Hinintay niya akong mapulot ang mga papel ko bago kami sabay na naglakad patungo sa next class.
Hindi namin na-meet last week ang professor namin sa Investigating Journalism. May seminar kasi ito sa California ngunit nagpagawa naman ng research paper.
Ngayong second week lang talaga namin siya makikilala. Usap-usapan din sa campus na bukod sa mabait siya ay matipuno rin.
“Did you hear anything unusual today?” biglang bulong ni Nina.
Napakunot-noo ako. Pero mukha ngang may kakaiba ngayong araw dahil medyo napahiran ako ng kamalasan.
Planado ko kasi palagi ang araw ko. Hindi ko naisip na pauulitin ako sa paper work ko at hindi ko rin inisip na papasok si Nina dahil na-imagine ko ang buong araw ko na mag-isa lang.
“I’m not sure whether what I heard will make your day or will destroy it,” alanganing dagdag niya.
Pero lahat naman dito ay ginagawan nila ng isyu. Lagi rin talaga akong suki ng tsismis. Kahit noon pa man, palaging may kuwento tungkol sa akin na hindi ako nag-abala na klaruhin.
“What the heck?!” naisambit ko sa gulat. “Tell me you’re not serious!”
Sakto pa kaming napahinto pagpasok sa room nang magulat ako. Nabigla ako sa pinabatid niya hanggang sa natauhan ako sa paligid ko.
Napatikom ako ng bibig nang mapagtanto kong nakatingin na pala sa amin ang ibang estudyante lalo na ang professor namin. Si Professor Ian Kellan Carson.
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Nina kanina lang. Alam ng ilan daw na romantically interested ako sa professor namin ngayon.
“Let’s talk about it later, Mish.”
Dinaanan ko lang ng tingin si Nina nang sabihin niya ‘yon. Iniwan niya akong nakatayo mag-isa habang siya ay pasimpleng umupo agad.
“Good morning, Miss Misha,” bati ng professor namin.
Naiwan ako sa ereng natuliro. Hindi ko gustong nasa akin ang atensyon ng lahat. Ayokong mas pag-isipan ng masama lalo pa ngayong kausap namin ang isa’t isa.
“You don’t have a plan to sit down?” tanong niya na ikinapaumanhin ko agad. “Why are you so late, Miss Misha?”
Natigilan ako sa pag-upo nang magtanong siya ulit. Umiwas ng tingin si Nina na para bang hindi rin siya late.
“I-I’m sorry, we got lost.”
“Don’t be late next time,” ngiti niyang saad.
Tumango ako saka humingi ulit ng paumanhin. Pero sobrang kabog ng dibdib ko ngayon na para bang pinatotohanan ko lang sa sarili na totoo ang usap-usapan.
Nilabas ko na lang ang panulat at sulatan ko nang mag-discuss siya tungkol sa rules at subject niya.
“I also dislike tardiness. If you show up after the 10-minute grace period, you’re counted as absent.”
Natigilan ako sa pagsusulat nang marinig ko si Nina at ang katabi niyang nag-uusap.
“It’s already been 10 minutes since you arrived in class. But why weren’t you asked to leave?”
“Maybe because I’m with his favorite student,” mahinang tawa ni Nina.
Napabuntong-hininga na lang akong napailing sa narinig ko. Minsan hindi ako natutuwa sa ugali ni Nina dahil may mga biro siyang hindi ko nagugustuhan.
“So, you disagree, Miss Misha?”
Agad akong napatingin sa professor ko. Nagtaka ako dahil hindi naman ako nagtaas ng kamay para sagutin ang anumang tinanong niya.
“I-I don’t know,” kinabahan kong tugon.
Hayop na araw ito. Kapag minalas nga naman ay isahan at halos buong araw pa. Kanina lang kasi ay may problema ako sa previous class ko tapos pati rin sa class na ito!
“But you shook your head which means you disagree,” saad niya. “Are you not with us, Miss?”
Napalunok ako. “I’m sorry, what’s the question again?”
“I’ve heard enough apologies from you today,” natatawa niyang sambit. “But my question is… should journalists be advised to go undercover just to get what they need?”
Palaisipan akong umiling habang iniisipan ng makatuwirang sagot ang pag-iling ko.
At teka lang, bakit ba ako ulit ang napapansin niya? Pwede namang si Nina na lang. Mamaya isipin ng iba na nagpapapansin ako!
“I don’t think so. Doing undercover is high risk for us and for those people we’re supposed to protect. As journalists, we must not cross ethical boundaries. Truth is important and without it, we can’t be credible.”
“Ethics and credibility are the foundations of journalism. Great point, Miss.”
Hindi ko mapigilang ngumiti na para bang maisasalba na agad ng sagot na ‘yon ang grade ko sa buong semester.
Maaga kaming pina-dismiss sa klase. Pero naantala ang pag-alis namin ni Nina nang lumapit si Professor Ian at nanghihingi ng permiso.
“Miss Misha, may I talk to you for a moment?”
Pasimple kaming nagkatinginan ni Nina na para bang may ibang iniisip siya habang ako ay iniisip ko kung ano ang sasabihin nito.
“Uhm, sure, why not?” sang-ayon ko. “Nina, you should go ahead, I’ll be right up.”
Palipat-lipat ang tingin niya sa amin saka tumango na lang din. “Alright, I’ll wait for you in the cafeteria.”
Napalibot ang tingin ko sa room nang kaming dalawa na lang ang nandito matapos lumabas ng iba.
Sure na hindi ito tungkol sa pagka-late dahil ako lang ang gusto niyang makausap at hindi kasama si Nina na late rin.
“I know you’ve been through a lot lately,” panimulang aniya. “But I’m so confused about you…”
“About what?” nagtataka kong tanong. Hindi ko maiwasang kabahan. Mamaya ay tungkol ‘yon sa kumakalat na tsismis na wala namang katotohanan.
I’ve never fallen in love, not even had a crush. My dad's strict rule is no relationships.
Siguro kung masisilip lang ng iba ang buhay ko. Sasabihin nilang nakakasakal ang ganitong mundo, pero normal na lang ito sa isang tulad ko.
“Your earlier answer was a little bit different from what you did last week,” sumeryoso niyang sambit.
Hindi ko alam ang sinasabi niya. Wala akong matandaang nagkita kami nakaraan dahil ngayon pa lang kami nagkaroon ng klase sa kaniya.
Mahina siyang tumawa nang mapansin niyang naguluhan ako. Pero bahagya akong natuliro nang lumabas ang dimple niya sa pagtawa.
“I received your work in an emáil, and I have no idea what kind of effort you put in to make it so perfect,” papuri niya.
Pero imbes na magpasalamat ako ay nakakutob ako. May gusto siyang iparating na hindi ko alam kung ano.
“I mentioned to the class that I was in California for a seminar,” nakangiti niyang dagdag. “That’s why we’ve only met today. This is your first class with me…”
“Actually, you can tell me directly what you're trying to say,” mabilis kong sambit.
Natigilan siya at nagkatinginan kami ng ilang minuto hanggang sa nainip ako saka nagpaalam na lang.
“I saw you in California last week, on Saturday afternoon,” mabilis niyang saad na ikinatigil ko. “I’m sure it was you, the girl standing in front of the bar.”
Alanganing akong umiling. Sapagkat busy ako sa pag-aaral, malayo ang California mula rito sa New York.
At ano namang gagawin ko ro’n? Sure na ibang babae ang tinutukoy niyang nakita niya. Marami naman tayong mga kamukha.
“I-I don’t know what you’re talking about,” tanggi ko.
Mabilis siyang lumapit sa akin saka nag-aalala akong tinapik sa braso. Para bang ipinaparating niya na mapagkakatiwalaan ko siya.
“What are you doing there, Miss Misha? I’m sure you saw me there too,” giit niya na ikinatuliro ko. “I know you were confused about the rumor going around, but I want to apologize. It was my fault.”
“You’re the one who spread the issue?”
“I’m so sorry. I told my student assistant last time that I wanted to know more about you,” paliwanag niya. “I already knew you before I saw you at the bar. We actually keep a photo roster to familiarize ourselves with our students.”
Mas naalarma lang ako nang bigla siyang magpaliwanag. Kinuyom ko ang parehong palad ko upang huwag magpadala sa anumang sinasabi niya.
“I suspected my student assistant was the one who told other students about my interest in you. But I want to clear the air, I was only paranoid that you might tell others or report that you saw me at the bar. You know what I mean, as a professor, we shouldn’t be seen in places like that.”
Gusto kong magpanggap na wala akong narinig dahil mamaya ay maging kargado ko pa ang nangyayari. Hangga’t maaari ay kailangan kong lumayo sa gulo.
“I will forget everything you told me today, Professor. You approached the wrong girl.”
Nagulat siya sa sinabi ko. Bumaba rin tuloy ang tingin ko sa magkabilang kamay niyang humawak sa bisig ko.
Sa kagustuhan niyang may mapatunayan ay hindi niya na napansin ang distansya na dapat sa pagitan ng guro’t estudyante.
“My eyes can’t lie. You were there to do your research work. I don’t mind if you disagree with going undercover, but you were still doing it when I saw you.”
“But I never went to California, I have no reason to go there,” mabilis kong paliwanag.
“So, you were there for another reason? I heard you were looking for Amelia.”
Natigilan ako sa paglisan nang magbanggit siya ng pangalan. Sunod-sunod akong napalunok habang tuluyan na akong nakaramdam ng pangamba.
Pero hindi ako nagsisinungaling, ngayon ko pa lang siya nakita kaya walang rason para ma-paranoid siya.
“I’ll just think that none of this ever happened. I’m willing to forget it all and keep myself from getting involved,” pangako ko.
“I appreciate it, Miss Misha,” sambit niya. “But beyond that, I want to help you.”
“Help me with what?” pilit na tawa kong tanong. “I don’t need help.”
Hindi na ako dumiretso sa cafeteria para sundan pa si Nina. Umuwi na ako agad dahil after ng vacant ay program lang naman.
Kasalukuyan akong nakahiga habang napabalik-tanaw noong Sabado ng hapon.
Pero wala akong pinagsisihan na nagsinungaling ako at ‘di tinanggap ang alok niyang tulong.
Kailangan kong gawing mag-isa ito. Dapat maintindihan kong walang nakakaintindi sa akin. Hindi nila alam kung anong kayang gawin ni Dad sakaling malaman niyang hinahanap ko ang nawawala kong kapatid.
Pabalik-balik ang tingin ko sa hawak kong pirasong papel. Maraming beses na akong napadpad dito sa California para lang hanapin si Amelia.
Simula dumating ako rito sa America ay palihim akong bumibisita sa ibang lugar. Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang mahanap siya’t makasama ulit.
“Excuse me, are you working here?” salubong kong tanong sa babae. Dito sa bar ako dinala ng address na nakuha ko noong nasa Pilipinas pa lang ako.
One in a million lang ang ganitong oportunidad. Malaki ang pasalamat ko sa adopted parents ko, subalit hindi pa rin nila maaalis sa aking mangulila sa kapatid ko.
“What do you need?” giit niyang tanong. Medyo iritado siya marahil sa nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bar na kakabukas lang.
Kung titingnan ang hapit na suot niya at kolorete sa mukha niya ay masasabi kong nagtatrabaho siya rito.
Binalewala ko na lang ang pagkasuplada niya. Maingat akong sumusulyap sa paligid na nagsisimula ng dayuhin ng mga tao na karamihan ay kalalakihan.
“Uhm, I’m looking for someone,” kinakabahan kong sagot.
Malakas siyang tumawa. “Oh, are you looking for your husband? Well, you’ve come to the right place.”
“I don’t have a husband. I’m not married.”
“So you’re looking for your boyfriend? Fiancé?” panghuhula niya. “Tell me his name, maybe he’s one of my clients tonight.”
“I’m looking for a girl. Her name is Amelia.”
Natigilan siya habang ako ay umaasang kilala niya ito. Pero may kung ano sa isip ko na sana ay hindi naman sa ganitong lugar ko matagpuan si Amelia.
“Do you know her?” mabilis kong tanong matapos siyang abutan ng pera. Nilahad niya kasi ang palad kaya nag-abot na lang din ako kapalit ng matinong sagot niya.
“Sorry, but who the f*ck is Amelia?” naguguluhan niyang sambit.
Dismayado akong umiwas ng tingin. Pero hindi ko siya masisisi dahil unang pangalan lang ang alam ko. Wala akong ideya sa posibleng apelyido niya ngayon. Hindi ko rin alam ang apelyido namin noong nasa bahay-ampunan pa kami.
“There’s no Amelia working here. I’ve never heard that name.”
Natuon ang atensyon ko sa lalaking lumabas sa bar. Pero binalik ko agad ang tingin sa kausap ko nang tumingin pabalik ang lalaking ‘yon.
Hangga’t maaari ay inoobserbahan ko lang ang paligid. Mamaya ay mamukhaan ko ang kapatid ko kahit na hindi ko maalala ang itsura nito. Umaasa na lang din ako sa lukso ng dugo.
“But it's possible that she existed before the bar raid years ago,” dagdag niya. “Do you know the model Aurora Porter? I heard she used to work here before.”
“How can I meet her?” tanong ko agad.
“You can’t. She’s technically a celebrity star now.”
Sinuhulan ko na lang ulit siya. Para tuloy akong gumagawa ng masama dahil sa pag-aabot ng suhol.
“But you can leave me your number so I can call you once I have information about Amelia,” suhestiyon niya.
Umatras na ako matapos kong ibigay sa kaniya ang name at number ko. Kahit papaano ay may saysay ang pagpunta ko rito sa California, hindi tulad sa mga nakaraang lakad ko na nganga talaga.
“Rebekah, who are you talking to?”
“She was just looking for someone I don’t even know either,” sagot ng babaeng kinausap ko sa lalaking lumabas sa bar kanina.
Hindi ko na nilingon pa sila. Hindi na rin ako pumasok sa loob ng bar. Nagmadali na akong bumalik bago pa ako gabihin.
Sariwa pa sa isipan ko ang nangyaring ‘yon na pati sa panaginip ko ay nauulit ito.
“Miss Misha, are you busy? Do you mind if I ask you for assistance?” tanong ni Professor Ian na sumulpot bigla rito sa tambayan namin ni Nina sa lounge.
“Uhm, I’m sorry,” tanggi ko.
Ilang araw na ang lumipas simula noong unang klase namin sa kaniya at ilang araw na rin niya akong ginugulo. Sinusundan niya ako sa kahit saang parte ng campus kaya mas umingay pa ang isyu tungkol sa amin.
Pero wala akong pakialam sa tsismis, mas problemado akong iwasan siya dahil kinukulit niya ako tungkol sa paghahanap ko kay Amelia.
“Alright, I’ll let you talk,” biglang sambit ni Nina saka nagmadaling tumayo at umalis.
Wala akong nagawa kundi kausapin ulit ang professor. Pangatlong subok niya na yata ngayong araw na lapitan ako.
“Listen. I received a message from Rebekah Gillies,” panimula niyang sabi. “It’s possible that Amelia changed her name when she arrived here in the United States.”
“You got in contact with Rebekah about things that aren't your business?” nainis kong tanong. “Please, mind your own business.”
“But you agreed to keep things about me. I’m just returning your kindness.”
“Sorry for my attitude, but I’m not running a returns or exchange policy here. You appreciated what I did for you, and that’s enough for me. There’s no need for you to repay me…”
Napahinto ako sa pagsasalita nang tumunog ang phone niya. At ngayon ko lang din napansin na pinagtitinginan na pala kami ng ilang estudyante.
“Rebekah texted me,” sambit niya. “She had a conversation with Aurora about girls working in the bar who usually go by stage names.”
Kinuha ko sa bag ko ang phone ko nang tumunog din ito. Pero hindi ko na binasa nang buo ang text ni Rebekah dahil mukhang copy-paste niya lang ‘yon.
“That’s why you can’t find Amelia, maybe she is using her stage name,” dagdag niya. “How about this coming Saturday? Let’s meet Aurora together in California...”
“I have Saturday classes,” tugon ko.
“Then, how about on Sunday?” pangungulit niyang tanong.
“Sunday is church day. I have a date with God,” tanggi kong tugon. “And I’ll meet Aurora without you.”
“Okay, great, I’ll see you next Monday!” hibang niyang sigaw na ikinataranta ko.
Maingay tuloy na nagbulungan ang ilang estudyante na kesyo tama raw ang haka-haka nila na dina-date ko si Professor Ian.
“Make sure you don't mess up your paper work this time, Miss Misha!” dagdag niya bago umalis.
Napailing akong nagmadaling umalis sa area na ‘yon. Alam kong palabas niya lang ang sumunod niyang sinabi para maalis ang maduduming isipan ng mga estudyanteng nakarinig.
Hinanda ko ang sarili sa darating na Monday. Sinabihan ko agad sila Mom na busy ako next week dahil sa school events.
At tulad ng ginagawa ko ay ino-off ko muna ang phone ko bago umalis sa hotel. Sa airport na kami nagkita at siya ang sumagot ng ticket.
Hindi ko maipaliwanag ang araw na ito. Sobrang daldal niya kumpara kapag may class discussion siya. Pero hindi ko itatanggi na masaya siya kasama lalo pa para siyang tour guide.
Sinasabi niya kasi ang kaalaman niya tungkol sa California. Tapos sinasamahan niya pa ng mga personal na karanasan marahil para mas magkakilala pa kami.
“What happened? Where is she?” tanong ko. Kanina pa kami nandito sa counter ng bar para hintayin si Rebekah na magdadala sa amin ngayon kay Aurora.
“I’m trying to call her again.”
Napahinga ako nang malalim na inilibot ang paningin sa paligid. Gabi na kaya marami ng tao rito na inaaliw ang sarili sa babaeng nagsasalita sa stage.
Mukhang nagtatayaan sila kung sino makakaangkin sa babaeng ‘yon. Wala akong ideya sa ginagawa nila sakaling may manalo nga.
“She’s not answering her phone,” biglang sambit ni Professor Ian na ikinabahala ko.
Hindi pwedeng wala kaming mapala rito. Kailangan kong makita si Aurora para malaman ko kung may kilala siyang Amelia.
Napailing na lang din ako sa sobrang wild din ng mga tao rito. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit nakiusap si Professor Ian na huwag ipagsabing nakita ko siya sa ganitong lugar.
“Excuse me, we’re looking for Rebekah Gillies,” saad ni Professor Ian sa bartender.
Nakaraan lang ay si Amelia lang ang hinahanap ko tapos ngayon ay pati na rin sina Rebekah at Aurora. Ilang tao pa ba ang kailangan kong lapitan para lang makita ang kapatid ko?
“Is she who you’re looking for?”
Mabilis kaming napalingon sa likuran. Nilapitan namin agad si Rebekah na kakarating lang. Subalit pinagtabuyan niya kami at nag-iba na ang desisyon niyang tumulong.
“Leave me alone. I don’t want to get into trouble with both of you.”
“But I paid you for helping us,” paalala ko. “I need you to bring us to Aurora right now.”
“My help ended last week when I sent you a message about Aurora. It’s your problem to find her now.”
“So you know where she is? You actually met her in person?” sabat ni Professor Ian.
“How much did she pay you for doing this?” napagtanto kong tanong.
“I don’t know what you’re talking about. In fact, you tricked me because you two know each other!”
Napatingin ako kay Professor Ian nang ipaliwang niya na hindi namin kilala ang isa’t isa noong una. Pero kahit ano pang paliwanag, mukhang ayaw na ni Rebekah na madawit pa.
Binantaan niya kaming tatawag siya ng bouncer kapag hindi pa kami umalis. Kaya wala kaming nagawa kundi lisanin ang lugar.
Balisa akong naglalakad matapos mabigo. Naghahanap din kami ngayon ng matutuluyan.
“Don’t lose your hope. We’ll find your sister soon, just hold on a little bit longer.”
Hindi ko siya pinansin na sinabayan akong maglakad. Sinusubukan niya akong i-comfort kahit na ang gusto ko sa ngayon ay manahimik siya.
“Misha.”
Natigilan ako nang higitin niya ang bewang ko. Pinunasan niya ang luha ko habang ako ay nagtataka sa ikinikilos niya.
“What the heck are you doing?” Halos mapalaki ang mata ko nang ilapat niya bigla ang labi niya sa akin.
Natigilan ako sa gulat. Paulit-ulit akong napakurap habang pinoproseso sa isip ko na hindi na ito panaginip lang.
Pero wala akong gusto sa kaniya. Sadyang parang mga bomba lang na tumanim sa isip ko ang isyu sa aming dalawa kaya minsan napapanaginipan ko siya.
“Are you crazy?” giit ko matapos ko siyang sampalin nang malakas. Mamaya ay nahihibang o naaawa lang siya kaya niya ako hinalikan.
“Mahal kita,” seryoso niyang sambit.
Natigilan ako ulit. Hindi ko alam kung saan ba ako nagulat, kung sa inaral niya ang wika ko o sa ibig sabihin ng salitang ‘yon.
“That’s why I keep interfering in your business. I want to help my favorite student, the girl I love,” pag-amin niya.
Hinayaan ko siyang halikan ako ulit. Bumagsak sa lapag ang bitbit niyang gamit para lang mahawakan ako sa magkabilang pisngi.
Nag-stay kami ng isa pang araw sa hotel bago umuwi. Pero walang nangyari sa amin kahit na sa iisang room lang kami nanalagi.
He’s such a gentleman. Nilaan namin ang buong araw para pumasyal na parang date na rin.
Isang linggo na ang lumipas. Iniiwasan ko hangga’t maaari si Nina dahil makakahalata ‘yon.
Maaga akong umuwi ngayon matapos ang klase ko. Dumaan muna ako sa store para bumili ng pagkain bago umuwi.
“Ian?”
Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko siya sa entrance. May kausap siyang lalaki na hindi ko maaninag masyado.
“Who is he talking to?” palaisipan kong tanong.
Pero agad akong umatras nang mapagtanto kung sino ang kausap niya. Hindi ako makapaniwalang pinagmukha niya akong tanga!
“What the heck?” nagpanik kong bulong saka tumakbo palayo.
Kitang-kita ko kung paano sila mag-usap ni Dad. Parang mas kilala pa nila ang isa’t isa kaysa sa aming dalawa.
Kinuha niya lang pala talaga ang loob ko para pagkatiwalaan siya. Wala akong nagawa kundi i-block siya sa lahat pati na sa phone number niya.
Inabutan na ako ng hating gabi bago bumalik sa hotel. Halos walong oras akong nawala matapos kong tumambay sa Central Park sa Manhattan.
“And here you are. You’re late as always.”
Sarkastika akong ngumisi matapos kong isara ang pinto. Pero pilit akong ngumiti nang hinarap ko siya.
“Dad, what are you doing here? Wala akong natanggap na abisong bibisita ka po.”
“Sapagkat ino-off mo parati ang cellphone mo,” giit niya. “Ganiyan kapag may tinatago ka sa mga magulang mo.”
Palihim kong ikinuyom ang mga palad ko. Tanging siya lang ang kayang magpaduwag sa akin.
“Who’s Amelia?” biglang tanong niya sabay taas ng folder.
Ayon ang pinaglalagyan ko ng mga impormasyon para mahanap ang kapatid ko. Hindi ako makapaniwala na kinalkal niya ang gamit ko.
Alam kong siya ang gumagastos sa lahat. Pero wala siyang karapatan na pakialaman ang personal na gamit ko!
“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na itigil mo ang paghahanap sa kapatid mo!” galit niyang sigaw na ikinaatras ko sa takot. “Nagbabalak ka bang tumakas, Misha? Sinabi ko na sa’yo, kung nais mong lisanin ang buhay na pinahiram sa’yo ay bayaran mo lahat ng ginastos ko!”
“G-Gusto ko lang po malaman kung nasaan na ang kapatid ko…”
“The problem is that we don’t want you to find her! Wala kang kapatid simulang ampunin ka namin ng Mom mo, naiintindihan mo ba?!” malakas na boses niyang sabi. “Magpasalamat ka na sa dami ng bata sa bahay-ampunang ‘yon ay ikaw ang pinili naming mag-asawa!”
Napayuko akong umiiyak. Dumating na ang kinatatakutan ko. At hindi ko na kailangang kumpirmahin pa kung sino ang dahilan ng pagkalantad.
“Dapat nga po ba akong magpasalamat?” mahina kong tanong. “Alam n’yong dalawa kaming magkapatid, sana hindi n’yo ako inampon kung hindi n’yo rin aampunin ang kapatid ko…”
Isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi ko. Napahagulgol na lang ako. Pero mabuti ng alam niyang hindi ako grateful na inampon nila ako.
“I trusted you. Pumayag akong mag-aral ka rito ng journalism kahit na iba ang pangarap namin para sa’yo. Ginastusan kita mula sa pangangailangan mo hanggang sa luho mong hanapin ang kapatid mo.”
Kasalukuyan akong nakaupo sa sopa habang nileleksyunan ni Dad na galit na galit habang palakad-lakad sa harapan ko. Pinagpupunit niya ang lahat ng papel sa loob ng folder at ngayon ay nakakalat na ito sa sahig.
“Nagtiwala ako sa’yo na hindi mo hahanapin ang kapatid mo. Baka nga patay na ‘yon. Ang gusto ko lang ay pahalagahan mo ang buhay ng dapat sa anak ko.”
Wala ako sa sariling nakatungo lang. Hindi ako sa sampal niya nanghina kundi sa mga sinasabi niyang parang balisong na bumabaon sa dibdib ko.
Limang taong gulang noong mamatay ang nag-iisa nilang anak. Nag-ampon lang sila nang hindi na sila nabiyayaan ng isa pa.
“I hate it when you try to destroy your life, because that’s my daughter’s life,” giit niya. “You are the most ungrateful person, Misha Samara.”
Malungkot akong ngumiti. Hindi ako makalaban dahil may punto siya. Siguro nga dapat masanay na akong sinasakal.
“I read your journal. Balak mong mabuhay kasama ang imaginary sister mo. Tingin mo magagawa mo ‘yon sa amin ng Mom mo? Hahanapin kita kahit saang sulok ka pa ng mundo magtungo!”
Pinunasan ko ang pisngi ko. Alam kong wala akong kakayahang tumakas at tanga lang kung tatakasan ang ganitong marangyang buhay.
But not everything is about money, sometimes it’s about freedom and peace.
At alam kong wala akong kakayahan na bayaran siya sa lahat ng ginastos sa akin, kahit na kayanin ko ngang isulat ito sa papel para lang makwenta.
“I’m really sorry. Pangakong hindi ko na ulit hahanapin ang kapatid ko. Kakalimutan ko na lang po ang buhay ko noon,” labag sa loob kong ani. “Magpopokus na po ako sa pag-aaral ko hanggang matapos at babalik agad sa Pilipinas.”
“Ngayon ka na uuwi sa Pilipinas,” utos niya na ikinataranta ko. “I want you to pack up your things right now.”
“N-No! Please change your mind!”
“You changed my mind after what you’ve done. Nagmakaawa ka sa akin noon na mag-aral dito pero iba ang inaatupag mo.”
Mabilis kong kinuha ang phone sa upuan. Sinabi kong kakausapin ko muna si Mom pero hinablot niya agad ang phone ko.
“I texted her already. Ito ang makakabuti sa’yo. I’m sure magtatanda ka na ngayon sa paglilihim mo sa amin.”
Hinulog niya ang phone ko sa sahig saka inapakan ‘yon hanggang sa mabasag. Napahikbi na lang din ako sa ginawa niya.
“Wala ring magagawa si Patricia, alam mo ‘yan,” dagdag niya. “Wala kang choice kundi sumama sa akin pabalik ngayon. Hindi ka rin makakapag-aral dito or, worst case, hindi ka mabubuhay kapag nagdesisyon akong hindi ka na sustentuhan.”
“Dad, please! Maawa ka naman po!”
“Stop begging. If you also want me to trust you again, then earn it.”
Kulang na lang ay lumuhod ako sa kaniya subalit matigas na ang puso niya. Hindi na siya nadala sa pakiusap.
Hindi man lang ako nabigyan ng tiyansa na magpaalam kanila Nina. Para akong kriminal na ilulusot sa security para lang makaalis ng bansa.