Lisa Nagkaroon kami nang masinsinang pag-uusap ni Lothaire kagabi. Hindi kasi ako matahimik dahil biglaan ang lahat ng mga nangyayari sa pagitan ni Vanessa at Haines na siya namang ipinagtataka hindi lang ako maging ng iba pa naming kaibigan. Even Bryar and Isabelle are worried but I just told them na mas maiging si Vanessa ang tumawag sa amin kaysa kami, dahil posibleng may dahilan ang pahirapan sa pag-contact sa kaniya at ang paggamit niya ng ibang numero. Sinabi ko sa kaniya na kailangan naming magusap-usap dahil tingin ko at sigurado ako na kailangan ni Vanessa ng tulong namin, hindi lamang siya nagsasabi. Nang makausap ko kasi si Vanessa, naramdaman ko kaagad na may pinagdadaanan siya. Iba kasi ang sigla kapag si Vanessa ang pinaguusapan. Unang bigkas pa lang niya ng salita, alam

