"R-Rain?" May pangambang usal ni Judith. "I-Is that you?" "Oo, ako 'to..." Dumiretso ako ng tayo nang marinig na tumunog ang lock sa loob. Dahan-dahang bumukas ang pinto at napasinghap ako nang makitang namumugto ang mga mata ni Judith habang nakasiksik sa sulok ng cubicle. "What happened?" Nag-aalalang tanong ko. Humagod ang tingin ko sa kabuoan niya. Basang-basa ang palda ng uniform niya. Magulo ang buhok at nasa likod ang mga kamay na tila may itinatago roon. I took a step forward. Na-rattle si Judith. Nagmamadaling nilampasan niya ako at lumabas ng cubicle. "I need to go!" I cant ignore this anymore. She needs help. Kung hindi iyon magawa ni Fatima at ng pamilya niya, I'll do that! Mabilis akong pumihit paharap at hinawakan ang braso ni Judith hindi pa man siya nakakalayo.

