bc

Ruined : College Girls Series 1

book_age18+
3.0K
FOLLOW
26.0K
READ
HE
curse
playboy
badboy
lighthearted
small town
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Campus Princess meets the Campus Badboy. . .

Rainbow Emmeline Montero, is known for having an angelic face, a voice that could capture even the coldest heart and excellence in acadamics. She is called the Campus Princess. Everyone’s held her in high esteem.

.

In contrast to the new boy in town, Leo Ezequil Villamonte III, the governor’s son. His rebellious reputation and switching girls as easily as changing clothes made him the infamous Campus Bad-boy. No one ever dared to challenged him.

.

Two different people.

.

Two different perspective in life.

.

Two different paths.

.

What will happened if their world collides?

.

Will they attract each other?

.

Or that differences can ignite inevitable collisions, threatening to leave both equally RUINED...

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
MALAKAS na bumuhos ang palakpakan ng mga bisita dito sa garden sa mansion ng mga Villamonte. The family that everyone's have been waiting for, arrived. Lumingon ang lahat sa direksyon ng mansion kung saan lumabas sa nakabukas na malaking double door si Governor Leo Ezequil Villamonte II, kasunod ang tatlong matatangkad na binatilyo at ang babaeng panganay na anak. Nagsalita ang host na may hawak ng microphone sa pagdating ng pamilyang Villamonte. "Everyone, let's all welcome Governor Ezequil and his beloved children!" Mas lumakas ang mga palakpakan. Ang mga press na inimbatahan ay kumuha ng mga larawan. Ganoon rin ang ibang bisita. Mula sa pakikipagdaldalan kay Judith, tumingin ako sa platform. May limang katao na roon. I was familiar with Ate Leanne, ang panganay na anak ni Gov. Madalas na nakakasama namin siya ni Judith noon kapag summer at umuuwi siya rito sa Valeria. Judith is also a Villamonte. Magkapatid ang daddy niya at si Gov. We've been friends since our elementary days, kaya familiar na ako sa mga family member ng Villamonte. Kilala ko rin ang dalawang binatilyo sa tabi ni Ate Leanne. Si Kuya Silas, ang isa doon. Nag-aral siya sa Valeria National High School noong Grade 9 ako. Isang taon lang siya doon, If I'm not mistaken. Ang balita ko, umalis siya at pumunta ng America. Then the other one was Kuya Aaron. Dati siyang nag-aaral sa Valeria community college. Ngayon ay sumusunod siya sa hakbang ni Gov. Nanalo si Kuya Aaron na konsehal sa huling eleksyon. Lumipat ang tingin ko sa nag-iisang mukha na hindi familiar sa akin. Katabi siya ni Gov. He sported a semi-shaved hairstyle, complementing his nice bronze skin tone. His tall stature added to his striking appearance. Nasa genes ng mga Villamonte ang pagiging matangkad. Kahit si Judith matangkad din. Hanggang ilalim lang ng tainga niya ang height kong five feet and three inches. Ang pagiging matangkad ang di ko namana kay daddy. Si Rumble ang nagmana niyon. The new boy looks bored though. He hands were lousily, inside his pocket. Pinipilit niya lang ang ngiti kapag tinatawag ng cameraman. Lumipat sa tabi niya si Kuya Silas. He whispered something to him. Ngumuso yung lalaking 'di ko kilala. Then the side of his lips rose up, murmuring something to Kuya Silas. Ilang taon na akong pumupunta-punta rito sa mansion ng mga Villamonte. Nag-s-sleepover pa ako kapag may kailangan kaming tapusin na project ni Judith. Kahit minsan 'di ko nakita ang lalaking 'to. Naririnig ko lang ang usap-usapan ng mga kasambahay at kamag-anak ni Judith na darating ang bunsong anak ni gov. I'm not sure kung sa states or sa Manila siya galing. "Gwapo rin pala ang bunsong anak ni Gov, ano?" Pasimple kong sinulyapan ang dalawang may edad na babaeng nag-uusap sa table namin. Nakatingin sila sa platform. Their eyes were glued on the new boy. "Syempre naman! Nasa lahi nila 'yan. Tingnan mo nga si Don Pañello, matanda na pero matikas at makisig pa rin!" Ngumiwi ako. They're like what? In their sixties pero naiisip pa nila 'yon? Well, naririnig ko kapag nagkukwentuhan ang mga tito at tita ni Judith, habulin daw talaga si Don Pañello ng mga kababaihan noon. Pero one man women lang daw ang matanda. "Sus! Ito na naman si yabang." Binalingan ko si Judith sa aking tabi. Bubulong-bulong siya habang humahaba ang nguso. Nakatingin siya sa lalaking bagong dating. "Yan ba 'yong bunsong anak ni gov?" Curious na tanong ko. "Oo siya 'yan! Nakikita mo itsura, mukhang 'di gagawa ng maganda! Naku, mag-iingat ka diyan, Rain! Sinasabi ko sa'yo, ngayon pa lang binabalaan na kita!" Kami talaga ang definition ng magkaibigan na OA at nonchalant. Lumalim ang kunot sa noo ko. "Huh? Bakit naman? Pinsan mo siya... hindi ba dapat, kinakaibigan natin siya?" "Matinik sa chicks 'yan! Ang daming pinaiyak na babae niyan sa states! Pa'no ko nalaman? Sinasabi sa akin ni mommy at tita beatris!" Naiiling akong tumawa. Hindi na niya ako kailangang bigyan ng warning pagdating sa mga lalaki. Wala sa priority ko ang makipag-boyfriend kahit katiting. Hindi dahil sa walang nagkakagusto sa akin, ah? Actually, there's quite a numbers of boys in my school, showing and confessing their admiration towards me. I just don't find the reason to have boyfriend yet. First, I don't find any guys in my school worthy of my time and effort. They all want one thing from me. What is it? My status of course. Hindi ako nagyayabang. Hindi ko ugali iyon. I just know my worth, girl. I'm one of the top student in my class, I won several singing contest, and parents are both respected in their field of work. A lot of the people hold me in their high esteem. They won't call me Campus Princess for nothing. I'm the stardard. Anyway, hindi ako pinagbabawalan ng parents ko na tumanggap ng suitors. Most especially my mom. She told me if someone wants to date me, I should bring him to our home and introduce himself properly. That's how an honorable man should do. Well, I agreed to that. Hindi ko nakikita ang sarili ko na tulad ng mga kaklase kong panay ang PDA sa classroom namin o kahit sa saang sulok na parte ng school. Malaki ang tiwala sa akin ng parents ko. Though may mga times na pinaalalahanan pa rin nila ako na maging responsible sa mga desisyon ko at isipin palagi ang tama at mali. They are the best parents for me. My standard when it comes to love and relationship. And my father is my ideal man. He's a good provider. He always put us first before his needs. He's patient and loving to my mom. And a cool dad to me and my brother Rum. Gusto ko kung magkakaroon ako ng boyfriend ay katulad ni daddy. Kung hindi ay wag na lang. Why would I lower my standard, when my dad showed me what a real man could do? Nagpalakpakan na naman ang mga tao. Bumaba na sa stage si Gov kasama ang mga anak niya. Dinumog sila ng press at ibang tao na wini-welcome sila. "Hay, salamat! Natapos rin ang speech ni Tito! Kuha na tayong dessert! Hindi na nakakahiya tumayo." Humagikhik si Judith. "Kanina pa ako naglalaway do'n sa mga sweets!" Nilingon ko si Daddy na nakaupo sa tabi ko. Invited kami rito dahil ilang project under Gov. Ezequil administration na ang hinandle ni daddy. May on going na naman siyang project ngayon. Lagi siya ang kinukuha. Of course, he's Rocket Sid Montero! The best engineer in the whole world! "Kukuha lang po kami ni Judith ng dessert doon, Dad." Tinuro ko yung sweet corner malapit sa catering. Lumingon siya sa akin at tumango. "Sige, anak. Kuha mo na rin ako. Itong mommy mo, panay ang chat! Akala siguro kung anong ginagawa ko rito. Patay na patay pa rin talaga 'to sa'kin, eh. Nag-asawa ba naman siya ng gwapo!" Tumawa ako pagkakita sa cellphone na hawak ni daddy. Ang daming chat ni mommy. Capslock pa yung ibang letters tas may exclamtion point. Para pa rin silang mga teenagers minsan. Kapag nagtatampo si mommy, hindi na mapakali 'yan si daddy. Once a month, may nakalaan talaga silang time to unwind. Nag-che-check in sila sa hotel and resort na minamanage ni mommy. See? They are the freaking standard! Hinila na ako ni Judith papunta sa booth ng mga desserts. Ang daming pagpipiliin. May iba't ibang klase ng cakes, tarts, macaroons, at may apat na layer ng chocolate fondue. May mga candies rin. Kumuha kami ni Judith ng tig-isang platito. She was still ranting about her cousin. Parang pagalit ang boses niya. Pero alam kong 'di siya galit. Natural na niya ang ganyan. "Dito na rin siya mag-aaral! Iyon ang narinig kong usapan ni mommy at tita bea!" I spread the chocolate syrup on my plate. "Saan siyang school papasok?" May isang linggo pa bago magbukas ang pasukan. Mabuti ay umabot ang pinsan ni Judith. Pero kahit mahuli siya, tiyak na magagawan ng paraan. The people of Valeria, loves the Villamontes. Nang mahalal si Don Pañello bilang gobernador noon, malaki ang naging pag-asenso ng bayang ito. Ang mga proyekto ng administrasyon ni Don Pañello, hanggang ngayon ay pinapakinabangan ng mga local tulad ng malinis na irigasyon para sa mga magsasaka. Marami rin siyang natulungan at binigyan ng trabaho. Now is the term of his son. Naging mahigpit ang labanan nang kagaganap lang na eleksyon. Malaking pamilya ang kalaban ng mga Villamonte. Mataas ang expectation ng mga tao sa susunod na gobernador. Given what his father had done for the community. He better work harder. "Edi, saan pa sa VNHS! Hmp! Pinapabantayan nga sa akin ni Tito Zeke! Nakakainis! Ginawa pa akong babysitter!" Labas sa ilong na maktol ni Judith. "Bakit nga pala ngayon lang umuwi ang pinsan mo na 'yan rito sa Valeria? Sila Ate Leanne, madalas na nandito kapag summer, 'di ba?" "Mas close siya kay Tita Marianne. Bunsong anak pa. Pero noon namang mga bata pa kami umuuwi yan si Leo dito kapag summer. Nandito rin siya kapag may occasion." "Pero wala siya nung campaign ni Gov?" "Hindi siguro pinayagan ng mommy niya. Alam ko gusto niya umuwi rito." Patango-tango ako. Ayaw ko na sana magtanong. Pero ang sabi nga ni Judith, pinapabantayan sa kaniya ang pinsan niya. Meaning madalas namin siyang makikita at makakasama, right? I should know more a little about him, para hindi ako ma-lo-lost in the zone kapag kinausap niya ako. "At ngayon, pinayagan na siya ng mommy niya pumunta rito sa’tin?" Pumihit ako paharap sa kaniya. "Wait... bakit naman ayaw siya payagan pala na pumunta rito in the first place? Samantalang sila Ate Leanne, pwede?" Nagkibit ng balikat si Judith. "Hindi ko alam ang drama nila sa buhay. Pero ang alam ko si Lolo ang nagsabi kay Tita Marianne na dito na lang rin si Leo at Kuya Silas, para tumulong mag-manage ng mga lupain at business dito sa Valeria." Mayaman ang angkan ng mga Villamonte. We moved here in Valeria when I was in elementary. Nagkaroon ng project si Daddy. That project will take more than three years to finish. Ayaw ni daddy na malayo kami sa kaniya kaya isinama niya kami rito. Akala ko babalik pa kami sa La Union dahil may bahay kami roon at beach house. Nandoon sila Lola Rose. But my parents decided to settledown here in Valeria. My parents fell in love with the place and people. Simple ang pamumuhay, tahimik at malayo sa polusyon. Sunod-sunod rin ang project ni daddy dito sa Valeria at kalapit na bayan. Tas si mommy, napili pang mag-manage ng isang private hotel and resort. Hindi ko na naiisip na aalis at lilipat kami sa ibang lugar. Gusto ko na dito tumira kapag mag-aasawa ako. Pero sobrang tagal pa nun! Mag-co-college pa nga ako sa Manila. At tutuparin ko pa ang mga pangarap ko. Bumalik na kami ni Judith sa aming table. Wala si daddy sa pwesto niya pag-upo ko. I put down my plate and looked around. I saw him talking to Governor Villamonte, Mayor Gerrero and Tito Danny ang daddy ni Judith. Nagtatawanan sila. Kaya alam kong di serious matter ang pinag-uusapan. Kinain ko na ng tahimik ang dessert ko. Si Judith, panay ang tipa sa cell phone niya rito sa tabi ko. Ka-chat na naman siguro niya si Jordan. Boyfriend iyon ni Judith. He's a year older than us. Sa pasukan ay senior na siya. I don't like him for Judith. Masyado kasing touchy si Jordan kapag magkasama sila. Palagi niya ring kinukulit si Judith na mag-solo silang dalawa kahit kasama pa namin siya ni Fatima. Hindi ko lang madiretso si Judith na redflag ang boyfriend niya. Ayaw ko siyang masaktan. Unang boyfriend pa naman niya si Jordan. "Hindi ba kayo nagsasawa na mag-chat? Maya't maya naman kayo." Pang-aasar ko sa kaniya. "Hindi na nga kami nagkikita, no! The secret for long lasting relationship is communication!" Umikot ang mata ko. Kung magsalita akala mo ang dami niya talagang alam pagdating sa relasyon. If I know, parehas silang isip bata ni Jordan. May lumapit lang na kaklase nagseselosan na sila. "Trust ang sekreto para magtagal ang relasyon. If you trust him enough ganun rin siya sa'yo, hindi na kailangang mag-update kada minuto." "Hindi naman kada minuto no!" Defensive na sagot niya. Tumawa ako at kinain ang cake ko. "Hindi? Halos mamaga na nga daliri mo riyan, eh! Hindi ba kayo nauubusan ng topic niyan?" "Hindi. He's sad so kinocomfort ko siya." "Bakit anong nangyari?" "Na-mi-miss niya na raw ako!" Nalaglag ang balikat niya. "Ang tagal naman kasi nila umuwi!" "Enrollment na ah? Sa Manila na yan mag-aaral." Pananakot ko kay Judith. Biggest fear ata ni Judith ang LDR. Her love language is touch and kiss. Para isang araw lang silang di magkita ni Jordan, gugunaw na ang mundo niya. Mabuti na lang kinaya niya pala ngayon. Infairness, one week na silang di nagkikita. "Huwag ka nga! Mamaya magdilang demonyo ka diyan! Sasakalin talaga kita!" Hinampas niya ang braso ko. Tumatawang tinulak ko siya palayo sa akin. Naghaharutan kami at nahahampasan. Mas malaki siya sa’kin pero di ako nagpapa-argabiyado. "Tinatawag ka ni Tito Rocket!" Turo niya sa likuran ko. Lumingon ako at nakita si daddy na sumisenyas nga sa akin. Iniwan ko si Judith at lumapat kaagad kina daddy na nasa bandang unahin malapit sa stage. "Oh, nandito rin pala ang dalaga mo, Engineer," bati ni Mayor Gerrero pagkakita sa akin. Nginitian ko siya. "Good evening po, Mayor." "Naku, hindi mapaghiwalay ‘yan sila ni Judith ko!" Tumawa si Tito Danny. Masayahin siyang tao. Mahilig rin mag-joke parang si daddy. Lumingon si Gov sa left niya at may sinenyasan doon. "Leo! Come over here!" Lumapit ang tinawag na binatilyo. Tumayo at tumabi siya kay Governor Ezequil. He's so tall! Halos maabutan na niya ang height ng daddy ko na six feet and four inches! "Halos kaedaran mo lang itong anak ko, Hija." Nakangiting sabi ni Gov. nilingon niya ang katabing anak. He still looks so bored. Ngumiti naman siya pero pilit. Its as if, he'd rather be sleeping than being here at this party. And I find it disrespectful. He disrespect the time of the people who came here. "Leo, this is Rainbow. Kaibigan siya ng pinsan mong si Judith.” Bumaling sa akin si Gov. "Rainbow, this is my son Leo. Nag-angat ako ng tingin at nakitang tinititigan na ako ngayon ni Leo. Nahuli ko siyang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. He's like disecting every bit my body. I didn't felt intimidated though. Hindi ako nailang kahit kaunti. I'm so used to boys checking me out. Wala akong pakialam kung ano ang iisipin niya sa akin. But I know he will like what he see. I'm petite, yes. But my curve are in the right places. Isinasama ako ni daddy kapag may time siya sa pag-gi-gym. Tinuturuan niya rin ako ng tamang pag-di-diet para mabilis ang metabolism. As for my looks, a lot of people told me that I'm the spitting image of my mom. Except the rounded face. Mas toned at medyo mapanga ang akin tulad ni daddy. Ilang beses na nga ako inalok ng mga talent scouts na kilala ni Tito Levi para maging model. Bagay daw ang mukha ko sa mga magazine. Tumanggi ako. Ayaw ko pa. Ang gusto ko muna mag-aral at makatapos. "Nice to meet you," polite na bati ko kay Leo. Huminto ang tingin niya sa aking mukha. Hindi ko alam kung anong klaseng expression 'yang meron sa pagmumukha niya. It looks like he's judging my appearance or something... "Nice to meet you too..." sabi niya ilang sandali ang lumipas. Inilahad niya ang isang kamay sa akin. Tinanggap ko 'yon. His hand is huge and callus against my soft and small hand. Wala na siyang sinabi pagkatapos nun. Pero hawak pa rin niya ang kamay ko at nakatitig sa akin. Hindi ko naman masabi kung ano ang nasa isip o iniisip niya tungkol sa akin. His face is unreadable. I heard my dad cleared his throat. Pagkatapos inakbayan niya ako. Tumawa si Tito Danny. Binitiwan naman bigla ni Leo ang kamay ko at nag-iwas ng tingin. What's happening to them, huh? "Hindi ba kumanta ang anak mo no'ng eleksyon, Engineer?" Tumango si daddy sa tanong ni Governor Ezequil. "Oho, Gov. itong anak ko kasi maliit pa kapag binigyan namin ng microphone, kakanta kaagad. Nagmana sa mommy niya. Mabuti hindi naman ang boses." Humalakhak si Gov, Tito Danny at Mayor Gerrero. Tiningala ko si daddy at kunwaring sumenyas na isusumbong ko siya kay mommy. Kinamot niya ang sintindo at inilagay ang daliri sa bibig. "You know what... why don't you sing for us, Hija." Governor Ezequil suggested. "Para naman magkaroon ng buhay itong party." "Right! Matatanda na masyado ang mga nandito!" Pagbibirong sang-ayon ni Mayor Gerrero. Itinaas niya ang hawak na baso ng whiskey at binunggo iyon sa hawak ni daddy na baso. "Let's loosen up a little!" Napilitan sumimsim si daddy sa baso niya ng whiskey. Ayaw niya uminom ng marami dahil mag-da-drive pa siya pauwi tapos susunduin niya si mommy sa work. Nightshift si mommy ngayon, eh. "Kumanta ka na, anak. Baka malasing ako rito. Patay ako sa mommy mo. Sa labas ako papatulugin nun." Tumawa na naman si Gov at Tito Danny. Bentang-benta sa kanila ang mga banat ni daddy. "Go ahead, Hija." Sabi ni Gov. Nilingon niya si Leo sa kaniyang tabi. Bumalik rin ang tingin ko sa kaniya. He was just standing there, zooning out. Looking bored again. "Can you take Rain to the stage, Leo?" He nodded forcefully. He then offered his one arm to me. Hindi ako prepared pero hindi naman ako bago na sa pagpe-perform ng biglaan. Kapag may birthday-an or okasyon kaming pinupuntahan palagi naman akong pinapakanta. My parents loves showing off my talent. Tinanggap ko ang braso ni Leo. Nginitian ko siya ng kaunti bago inakay na ako patungo sa stage na nasa gilid ng pwesto namin. Dumaan kami sa harapan ng mga pabilog na lamesa. Sinusundan kami ng iba't ibang tingin ng mga bisita. May nagtataka, naiinip, naiinggit at walang pakialam. Lumingon ako sa likod at nakita si daddy na nakasunod rin ang tingin sa amin. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagsasalubong ng kilay niya. Tinawanan siya ni Tito Danny at tinapik pa sa balikat. "Is this really how people in the province are?" Nilingon ko si Leo. "Ano kamo?" Sumulyap siya sa akin, nakataas ang sulok ng labi. "They people here are staring at us with judging looks on their faces." Gusto ko tumawa sa sinabi niya. Of course titingin ang mga tao. Bukod sa anak siya ng gobernador, bagong mukha rin siya. Hindi ba gano'n sa lugar na pinanggalingan niya? "They are just curious with the new boy," kaswal na sabi ko. "New boy, huh?" Sa tono ng boses ni Leo, parang ayaw niya sa sinabi ko. Totoo namang bago lang siya rito, ah? Iniisip ba niyang ako ang dayo dahil hindi naman tubong Valeria ang parents ko? Hindi na ako nag-comment sa sinabi niya. Pag-dala niya sa'kin sa gilid ng platform, bumitiw ako sa braso niya. Palapit na ako sa sound system na naroon lang sa gilid, nang unahan ako ni Leo. Tumaas ang kilay ko pagkakitang kinakausap niya ang lalaki roon. What he's doing, huh? Lumingon siya sa'kin. Itinaas niya ang kamay at pinapalapit ako gamit ang hintuturong daliri niya pang-senyas. "Ano raw ang kakantahin mo?" Tanong niya paghinto ko sa kaniyang tabi. Sinulyapan ko lang siya sandali bago binalingan yung lalaking nasa likod ng laptop at mga wire sa lamesang itim. "Kahit yung minus one version na lang ng Opps I did It Again--" I stopped when I heard Leo choked back a laugh. Nilingon ko siya at tinaas ng kilay. Sumenyas siya sa bibig na kunwari ay sini-zipper-an iyon. "Itong version ba?" Tanong nung soundsystem boy sa'kin. Tiningnan ko ang laptop niya. Kusa na akong nag-scroll. Mas maganda sanang kantahin ito na may kasamang sa banda kaso wala namang banda rito. This online version is okay. "This one," I told him, showing the song version of Haley Reinhart. I'm not a belter type of singer. I can hit a high note though using the technique I’ve learned from my coach. But I don't wanna strain my voice too much. Gusto kong nag-e-enjoy sa pagpeperform hindi nahihirapan. So, I stick with Jazz, mellow and acoustic music. Mas lumalabas ang artist side ko sa mga ganitong kanta. I can be playfu with my voice too. "Goodluck, Britney Spears," Leo said with a hint of humor in his voice. Ha! Minamaliit niya ang choice of music ko? Huminto ako sa pangatlong steps na inaakyat ko at lumingon sa kaniya. I raised my chin, giving him the look that's saying the words, 'watch me, new boy." Umakyat ako sa platform. Paghinto ko sa gitna, inilagay ko ang microphone sa stand. As the instrument of the trumplets and trombones started to play, the music take over my body. I moved my hips in a sultry way, swaying my hands. I opened my mouth and starting to sing. I know how to use my voice so well. Alam ko kung saan babaliin ang kanta, kung saan dapat kulutin, kung kailan mag-falsetto at magbigay ng grit para i-produce ng tunog na sultry at sensual na kinakailangan sa kantang napili ko. Thankfully, normal na medyo raspy ang boses ko. Some of the people I know, told me I have sultry bedroom voice. As the song reached the end, the audience who watched me was in awe. I hit the last note with low vibrato and falsetto. Umugong ang malakas na palakpakan. Standing ovation ang performance ko. Si Judith na nakita ko sa bandang gitna, ang lakas ng boses at pag-che-cheer na para akong lumalaban sa contest. When I glanced at my dad's direction, tinuro niya ako at malakas na pumalakpak. Naririnig ko na sa isip ko ang gusto niyang isigaw na 'Pucha, anak ko yan!' Pero nagpigil siya syempre. Medyo may hiya pa si daddy kina Gov. Tumatawang bumaba ako ng stage. Nakita kong nakaharang si Leo sa daraanan ko. I looked up to him, raising a brow at him. He was staring down at me. Alam kong na-impress siya sa naging performance ko. Hindi lang niya gustong ipakita para 'di siya panindigan ang pang-mo-mock sa'kin kanina. "Excuse me," sabi kong nilampasan na siya. "Hey," tawag niya sa'kin. Lumingon ako. "What?" "You can really sing. You did good." I didn’t expect he would say that though. Kinibit ko ang aking balikat. "Thanks." Tumalikod na ako. Si Judith ang sumalubong sa akin. Niyakap niya ako. "Ahh! Grabe! Lahat ng bisita ginulat mo, Rain!" Lumingon siya sa bandang likuran ko at kumunot ang noo. "Pero teka, anong sinabi sa'yo ni Leo? Sinamahan ka pa niya sa stage!" "Sinabihan siya ni Gov. At wala kaming pinag-uusapan." "Naku, ha? Baka pormahan ka niyan. Binalaan na kita." Nag-aalalang sabi niya sa'kin. Tumawa lang ako ulit. "He wont. Tara na nga! Nauhaw ako sa performance ko. Gusto ko ng juice!" Hinatak ko na si Judith pabalik sa table namin. Pasimple akong lumingon sa likod at nakitang wala na roon si Leo... ***** PS: Para sa song reference na kinanta ni Rainbow, you search and listen to Haley Reinhart - Opps I Did It Again version. Para lang may idea kayo. Hehe

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
189.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.0K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
51.9K
bc

Daddy Granpa

read
278.0K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
39.3K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.6K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
248.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook