MAAGA akong gumising dahil pupunta kami ni Judith sa school ngayon. Nakapag-enroll na kami last week pa. Pero balak na naming hanapin yung magiging classroom namin para di na hassle sa first day of school.
I took a bath then wear something comfortable. Medyo maaraw at mainit ang klima. Napili kong magsuot ng puff sleeves white and pink floral summer dress. May tali ito sa bandang dibdib. It's perfectly hugging my waitst and mid thigh lenght ang haba.
Lumabas na ako ng kwarto, dala ang aking shoulder ba. Naabutan ko si Rumble sa may dining area. Dalawang taon ang tanda ko sa kaniya. Ngayong pasukan Grade 9 na siya.
Maraming hindi naniniwala kapag sinasabi kong ate ako ni Rumble. Ang liit ko kasi tapos sobrang tangkad niya. Minana niya lahat kay daddy. Mula sa itsura hanggang sa height. Pero ang ugali niya parang namana niya kay mommy. Medyo masungit.
"Ate, saan punta mo? Sa school?" Tanong niya nang makita ako.
Tumango ako. "Oo, magkikita kami ni Judith doon."
Lumingon sa'kin si mommy na nasa harapan ng stove. May niluluto siya doon.
Mom loves to cook. Kapag walang pasok sa school at sa work, tinuturuan ako ni mommy. May ilang dish na akong alam na lutuin. I need to be independent. Kailangan ko yun pagdating ng college.
"Kumain ka muna bago umalis. May niluto na ako diyan. O, gusto mong hintayin na 'tong champorado? Request ng kapatid mo 'to."
Lumapit ako kay mommy at hinalikan siya sa pisngi. "Saan si daddy, My?"
"Maagang pumunta sa site. May inspection daw si Mayor sa ongoing construction nila doon."
Si daddy ang humahawak sa itinatayong extension ng Valeria Community College. Last year lang nagsimula ang project na 'yon. Mas malaki at mas malawak daw ang extension kumpara sa main campus. Pwede ng ilaban sa mga university sa Manila.
Gusto ni Mayor na hindi lang mga taga-Valeria ang ma-accommodate ng VCC. Gusto niyang may access rin sa education ang mga kabataan sa kalapit at mas mahihirap na bayan.
I was hoping na magkaroon ng course na gusto ko sa VCC, para 'di na ako sa Manila mag-aral next next year.
Pumunta ako sa dining table. Nakahain na doon ang omelette, bacon at daing. May fried rice rin at tasa ng umuusok na kape.
"Ang sabi ng daddy mo dumating daw yung bunsong anak ni Gov, ah?"
"Opo, My." Umupo ako sa harapan ni Rumble at sinandukan ng pagkain ang plato ko. "Lahat po ng anak ni Gov kasama niya kagabi sa party."
"Ang daddy mo nga parang tanga, napaparanoid..."
Nag-angat ng tingin si Rumble mula sa pag-ce-cellphone. Nagkatinginan kami. Nagkibit siya ng balikat na parang sinasabing wala siyang alam.
Lumingon ako kay mommy. "Bakit po? Anong problema?"
"Tinititigan ka raw nung anak ni Gov. Namomroblema tuloy ang daddy mo pa'no uupakan iyon ng hindi siya huhuntingin ng mga Villamonte!" Humalakhak si mommy.
Halos mabulunan naman ako sinabi ni mommy! Tinititigan? Malamang dahil, jinujudge ng lalaking 'yon ang probinsyanang tulad ko!
Narealize ko lang pag-uwi kagabi yung paraan ng pagtitig niya sa akin. Syempre, malayong-malayo ang ayos at pananalita ko sa mga babaeng nakasalamuha niya sa ibang bansa. Lalo na mga ibang lahi.
I grew up my whole life in the province. Hindi naman conservative ang parents ko. Lalo na si mommy. Minsan binibilhan niya ako ng mga mini dress na isinusuot ko kapag may okasyon.
But on a casual day like ganitong pupunta sa school? No. I will always choose to wear something comfortable. Hindi ko gusto iyong mga kita ang pusod na damit at tight dresses. Feeling ko di ako makagalaw ng maayos.
"Naninibago siguro iyon sa itsura ng mga probinsyana, My. Sanay siya sa malalaki ang boobs at mataba ang puwet." Sumubo ako ng pagkain
Sumulyap si Rumble sa akin. Kumunot ang noo niya sabay umismid.
"Tss!"
Ngumisi ako sa kaniya. He doesnt like it when I say things like boobs and butt. Hindi naman iyong vulgar, di ba? Ang arte niya minsan!
Pero mas ayaw niya kapag inaasar ko siya sa mga kaklase niyang babae at kaklase kong may crush sa kaniya.
Humalakhak na naman si mommy. "Sinabi niya 'yon sa'yo, Anak?"
"Hindi po. Naiisip ko lang... I heard he grew up in the US."
"Oh..." tumango-tango siya. "Well, marami talagang liberated sa western country. Kahit nga sa Manila. Kaya mas mabuti na rin na dito tayo nag-settledown. Sigurado kasi mamumuti ang buhok ng daddy mo!"
Ako naman ang tumawa. "Pano yon, Mum? Kapag college na ako sa Manila? Baka magbago pa ang isip ni daddy at 'di ako payagan?"
"Napag-usapan na namin iyon, huwag siyang OA diyan."
Umirap si mommy at naupo sa tabi namin ni Rumble. Nilagyan niya ng champorado ang bowl ng kapatid ko.
"Yung asawa ni gov? Wala doon?"
Umiling ako. "Wala po."
Wala pang nakakita sa itsura ng asawa ni Gov, ever! Ang tsismis hiwalay na raw ang mag-asawa. Meron pang nagsasabi na hindi lang sanay sa buhay probinsya yung babae.
Pero kung hindi siya sanay, bakit kahit sa campaign ni Gov ay wala siya? Ayaw pa papuntahin si Leo dito sa Valeria.
"Naku, iingay na naman ang tsismis niyan! Parang hinintay lang matapos ang eleksyon bago pinauwi yung anak ni Gov, ano?"
The last election is like a battlefield. Walang gustong magpatalo at sumuko. Batuhan ng mga isyu.
"Naniniwala ka sa mga isyu, My?" I asked her curiously, sipping on my coffee.
"Well, napapaisip rin ako. Bakit kasi kahit nung campaign wala ang asawa niya? Honestly, ang daddy niyo annoying 'yan, oo! Pero hindi ko kayang 'di makita ang pagmumukha niyan kahit isang araw lang."
Napangiti ako. Ngumuso naman si Rumble. Mula nung nagbinata na ang kapatid ko di na siya gaanong affectionate. Kapag naglalambingan nga si mommy at daddy sa harapan namin, parang nasusuka siya. Ako naman, kinikilig.
"Pinakanta ako ni Gov kagabi, My."
"Hay naku! Oo nga! Ito namang daddy mo hindi vinideo! Hindi ko tuloy nakita!" Ngumuso siya.
Tumawa ako. "Tanong ko po si Judith kung meron siyang video. Ipa-se-send ko na lang sa'kin."
Number one fan at supporter ko talaga si mommy. Actually, siya ang nag-push sa akin na i-pursue ko ang pagkanta. Lagi niyang sinasabi sa akin na kung anong gusto ko at gawin, nakasupporta lang sila ni daddy.
I really have the best parents in the world!
"Tama na nga 'yang paglalaro mo, Rumble. Ikaw, lahat na talaga minana mo sa ama mo. Pati ba naman online games."
"Minsan lang po ako maglaro, My."
Tinaasan siya ni mommy ng kilay. Mabilis pa sa kabayo na pinatay ni Rumble ang cellphone niya kahit hindi pa tapos ang laro.
Ngumisi ako sa kaniya. Inirapan naman niya ako.
Mahilig sa online games ang kapatid ko. Minsan magkalaro pa sila ni daddy. Dalawa tuloy silang nasesermonan ni mommy.
Mas takot kami kay mommy kesa kay daddy. Magkaiba kasi ang paraan nila, para disiplinahin at pangaralan kami. Si mommy ang typical na nagagalit at tumataas ang boses. Si daddy malumanay na pakikipag-usap. So, balance pa rin silang dalawa.
Patapos na ako kumain nang marinig kong nagri-ring ang cellphone sa bag ko. Kinuha ko 'yon at nakitang tumatawag si Judith.
"Hello."
"Rain! Malapit na kami sa inyo!"
Kumunot ang noo ko. "Huh? Akala ko ba sa school na tayo magkikita?"
"Change of plan! Sige na. Ba-bye!"
Nawala na siya sa kabilang linya.
Napatitig ako sa cellphone ko. Anong nangyari dun? Bakit para siyang nagmamadali siya?
"Sinong tumawag?"
Nilingon ko si mommy. "Si Judith po. Dadaanan niya raw po ako."
"Oh, mabuti para hindi ka na mag-co-commute."
Tumayo na ako bitbit ang aking plato at nilagay iyon sa lababo. Di ko pa nahuhugasan pinagkainan ko, narinig na namin ang busina sa labas.
"Ako na diyan, Rain. Sige na."
Hinalikan ko si mommy sa pisngi at saka dumiretso na sa pinto.
"Ate, pa-check na rin ng classroom ko, ah?" Pahabol ni Rum bago ako tuluyang lumabas ng bahay namin.
Nakaparada sa harapan ng gate ang black BMW na madalas maghatid at magsundo kay Judith sa school.
Lumabas ako at isinarado ang gate namin. Paglapit ko sa kotse bumukas ang pinto sa backseat.
"Rain!" Tawag sa akin ni Judith.
Kaagad siyang umisod ng upo para makapasok ako.
"Bakit dinaanan mo pa ako kala ko sa school na tayo magkikita?"
Ngumuso siya sa unahan. Lumingon ako doon at nakitang may nakaupo sa front passenger seat. He's wearing a white shirt and faded jeans. May itim rin siyang watch na kaliwang wrist.
Nakabaling ako sa kaniya nang bigla siyang lumingon. Tumaas ang sulok ng labi ni Leo sa akin.
Kumunot ang noo ko sa kaniya bago ko binulungan si Judith. "Bakit kasama natin 'yan?"
"Mag-eenroll. Pinapasamahan ni Lolo."
Nakita ko sa sulok ng aking mga mata na binaling na ulit ni Leo ang tingin sa harapan. Sumandal naman ako sa tabi ni Judith.
Oh, right... magsisimula na nga pala ang babysitting duty ni Judith! Syempre, damay ako dahil palagi kaming magkasama.
Sa harapan ng school kami ni Mang Henry, ibinaba. Marami-rami rin ang estudyanteng nagpapa-enroll pa lang pagkagaling sa mahabang bakasyon.
"Si Fatima raw papunta na rin," sabi ko kay Judith.
Nilalakad namin ang pathway papuntang registrar. Sasamahan muna namin si Leo mag-enroll bago namin hahanapin ang aming classroom.
He was just following us. Kaswal at nakapamulsa sa likod namin pero 'di nakaligtas sa pansin ko na tumitingin sa kaniya ang mga estudyanteng babae na nakakasalubong namin.
Alright! He's really tall! Way taller than any of my classmates! Pwede siyang maging basketball varsity kung gugustuhin niya.
"Leo." Baling ni Judith sa pinsan niya. "Grade 12 na 'di ba?"
Sumulyap siya sa akin bago sinagot.
"Oo. Kayo ba?"
"Grade 11 pa lang kami. Dala mo ba yung report card mo last year? Pati yung ibang papeles?"
Tiningnan ko siya. Wala siyang dalang bag. Sarili lang talaga ang bitbit niya.
Dinukot ni Leo ang cellphone sa bulsa at itinaas. "Nandito. May files ako."
"Aissh!" Stress na kinamot ni Judith ang ulo niya. "Excuse me, nasa province ka na! Hindi pwede rito ang mga soft copies at digital copies lalo na kapag importanteng bagay! Records ang pinag-uusapan dito!"
"You're so noisy, Judith." Naiiritang hinawakan ni Leo ang tainga na parang nabingi sa lakas ng boses ng pinsan niya. "Hindi ko alam na ganito pala rito sa probinsya. Hindi ba marunong gumamit ng internet ang admin dito?"
Hindi pinansin ni Judith ang sinabi ni Leo. Parang sanay na siya sa ugali ng pinsan niya. "Ano ba 'yan! So, pa'no babalik na naman tayo sa mansion! Tsk! Tawagan ko na lang si Manang Fe para ipasunod rito!"
"No need," tila balewala na sagot ni Leo. "Ako na lang ang kakausap sa registrar. Papayag sila."
Nagkatinginan kami ni Judith. Tinaasan niya ng kilay si Leo.
"At pa'no mo naman nasabi?"
Nagkibit ng balikat si Leo. "I just know. Tara."
Sumunod na lang kami sa kaniya nang manguna na siya sa paglalakad. Pagdating sa registrar di na ako pumasok sa loob. Silang magpinsan na lang.
Umupo muna ako sa bench na nasa hallway habang hinihintay ko sila. Building ito para sa Senior High. Yung sa Junior High, ay ang katabing gusali.
Malaki ang Valeria National High School. May gymnasium, auditorium, speech lab, computer laboratory at cafeteria. Libreng nakakapag-aral ang mga mag-aaral dito.
May advantage nga lang ang mga estudyante na nasa star section tulad ko. We have monthly allowance. May ayuda rin na groceries at school supplies kay Mayor. But we have to maintain our high average para patuloy ang benefits.
Good provider ang parents ko. I really don't need the benefits. Hindi rin nila ako pinipressure sa pag-aaral. It's me who wanted to stay as one of the top student.
I learned that to be able to achieve my goals, dapat ngayon pa lang sinasanay at dinisiplina ko na ang aking sarili. I need to focus. Iwasan ang distraction.
"Montero!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin. Nakita kong naglalakad papunta sa direksyon ko si Stephen. Kaklase namin siya ni Judith.
"Mag-eenroll ka pa lang?" Tanong niya sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
Last year naging mag-partner kami sa Mr. And Ms. Intramurals. Representative kami ng section namin. I won the title. He didn't.
"Nakapag-enroll na ako last week pa."
"Bakit nandito ka? Sinong kasama mo?"
"Kami ni Judith. I-che-check na namin yung classroom kung saan."
Luminga siya paligid. "Oh, nasan si Villamonte?"
Sakto lumabas ng registrar si Judith kasunod si Leo. Tumayo ako at lumapit sa kanila. Sumunod sa akin si Stephen.
"Nakapag-enroll ang pinsan mo?" Tanong ko kay Judith.
"Oo! Imagine, napapayag niya yung sa registrar!" Tumawa si Judith.
"I told you." Nakangising sabi ni Leo. "Kain tayo, bago natin hanapin yung classroom niyo. Nagugutom ako—"
Nahinto sa pagsasalita si Leo nang mapatingin sa tabi ko.
Lumingon ako at naalalang kasama ko nga pala si Stephen.
“Saan na pala ang punta mo niyan?” Tanong ko na lang sa kaniya.
"Pauwi na rin ako. Nakita lang kita kaninang naglalakad sa pathway kaya bumalik ako." Nag-iwas siya ng tingin.
Of course, he has a crush on me. Grade 9 kami nang mapansin ko na lagi niya akong binibilhan ng juice at kung ano-anung snacks. I told him to stop though. Sabi rin ni Judith napapansin niya laging tumitingin sa kin si Stephen kapag nagzo-zooning out ako sa classroom.
"Ah... gusto mo bang sumama na lang sa'min?"
Hindi pa nakakasagot si Stephen, narinig ko nang malakas na tumikhim si Leo. Nilingon ko siya. Wala namang kahit anong reaksyon ang mukha niya. Pero nakatingin siya kay Stephen.
"Hindi na, Rain! Sa susunod na lang." tanggi ni Stephen at tipid na ngumiti. "Mauna na ako. Magkikita pala kami ni mama sa plaza."
Tumango ako at sinundan na lang siya ng tingin habang malalaki ang hakbang na lumalakad palayo.
Anong nangyari dun?
"Tara na." Pag-aya ni Leo sa amin.
Sa cafeteria kami pumunta. Busog pa ako kaya juice lang ang akin. Si Judith kumain ng sandwich. Si Leo ay nag-burger.
Maraming estudyante at magulang na kumakain rin dito. Inikot ko ang aking tingin at na-spot-an ang grupo ng upcoming seniors. They are known to be rebellious and trouble makers.
Madalas mahuli ng student council ang grupo na naninigarilyo at nag-iinuman sa likod ng school.
And they are staring at our direction. Alam ko na kaagad na si Leo ang tinitingnan nila.
"Stephen still into you!"
Bumalik ang tingin ko kay Judith.
Bakit kailangan niya pang sabihin ang tungkol doon? Sa harapan pa ni Leo na hindi naman namin ka-close?
"He's not." Kaswal na sinabi ko.
"Duh... kahit sinong may dalawang mata makikita na may gusto 'yon sa'yo, no!"
What the heck. She's really talking casually na parang walang ibang tao sa harapan namin.
Napansin ko sa sulok ng aking mata na sumulyap sa akin si Leo.
"Tagal na kasi nun nanliligaw bakit 'di mo pa sagutin!"
"He's not courting me, Judith. Okay?"
Hindi naman talaga. Hindi siya nagsabi. All he did was give me snacks.
"Sus! Hindi ka naman dense! Alam mo na may gusto sayo. Bat di mo na lang bastedin kung hindi mo gusto."
I sighed. "Again, he's not courting me. Pa'no ko siya babastedin? And you know my standard when it comes to men."
Naubo si Leo na nasa harapan namin kaya napalingon kami sa kaniya. Kinuha niya ang bote ng softdrink. Halos mapangalahati niya ang laman nun.
"Oh, nandiyan na pala si Fatima." Tinawag at kinawayan ni Judith ang isa pa naming friend.
Lumapit siya at naupo kaagad sa tabi ko. Medyo chubby siya kaya mabilog ang pisngi.
"May pasalubong ako sa inyo!"
Ibinigay niya sa amin ang paperbag. May laman iyong mga imported chips and chocolates. Galing si Fatima at ang parents niya sa Singapore. Doon siya nagbakasyon.
Kumuha kaagad si Judith. Inalok pa niya si Leo na ngayon ay nakatingin sa kaliwa niya. Lumingon ako doon at nakitang papalapit ang grupo ng seniors.
"Hello!" Bati ni Alyana na kay Leo ang tingin niya.
Anak si Alyana ng kapatid ni Mayor Gerrero. Pag-aari ng magulang niya ang isa sa pinaka-malaking plantasyon ng niyog dito sa Valeria.
Matangkad siya, maganda at morena ang balat. She looks more mature than her age though.
"Bago ka lang dito?"
Tinanguhan siya ni Leo. "Oo."
Lumingon sa amin si Alyana at bumalik ang tingin kay Leo. "Kilala mo sila?"
Tumingin sa amin si Leo. Sinulyapan niya ako bago tinanguhan ulit si Alyana. "Pinsan ko si Judith."
Namilog ang mata ni Alyana. "So, you're the younges son of Governor Villamonte! It's an honor to meet you!"
"Tss..." bulong ni Judith sa akin.
Siniko ko siya baka marinig siya ni Alyana. Mamaya niyan magkaroon pa ng issue.
Tumawa si Leo. Lumingon siya sa iba pang kasama ni Alyana na sina Rusty, Jack at Rika. Mga anak-anak rin ng negosyante rito sa Valeria.
"Seniors na kayo?"
"Oo." Sagot ni Rusty.
"Anong section mo?" Tanong ni Jack.
Pinakita ni Leo sa kanila ang hawak na form galing sa registrar. Nakipag-apir ang dalawang lalaki sa kaniya.
"Ayon! Kaklase ka pala namin! Ayos!"
Nag-usap na sila sa harapan namin na parang wala kami rito. Panay ang siko sa akin ni Judith at Fatima kaya nilingon ko silang dalawa.
I furrowed my brow at them.
Tumayo na si Judith bitbit ang paperbag at tinawag ang pinsan niya. "Leo!"
Lumingon si Leo sa kaniya.
"Hahanapin na namin yung classroom namin! Itetext na lang kita pagpauwi na rin kami!"
Hinawakan na ni Judith ang kamay ko at hinila ako patayo. I saw Leo glanced at my direction again. Hindi ako lumingon at nagpatangay na lang sa hila ni Judith sa'kin. Nakasunod namin si Fatima na lumabas kami ng cafeteria. . .
Nahanap naman namin ang aming classroom kaya pagdating ng pasukan hindi na kami na-hassle tulad ng ibang estudyante.
First day of school election ng class officers ang nangyari. Nanalo si Judith na class secretary, si Fatima ang treasurer at ako naman ang muse. Sumali na rin kami sa mga clubs. I joined the music and arts club. Si fatima sa journalism club si Judith sa table tennis. Iba-iba kami ng hilig. Pero palagi pa rin naman kaming magkakasama kapag walang ganap sa club.
"Isusumbong ko talaga 'yang si Leo!" Nangingitngit at nanghahaba ang ngusong sabi ni Judith.
Lunch break ngayon. At kanina pa kami paikot-ikot sa buong campus para hanapin ang pinsan niya. Mula no'ng makilala ni Leo ang grupo nila Alyana, sumasama na siya roon. Hindi tuloy magawa ni Judith ang duty niya na bantayan ang pinsan.
Hindi naman kasi namin alam kung saan ang hideout ng mga 'yon. Nabago na 'ata kasi may guardiya na nagpapatrol sa likod ng school kung saan ang tambayan ng mga nag-iinuman at naninigarilyo.
"Napapagod na ako Judith. Ang init-init pa. Nauuhaw na ako. Mamaya na lang natin hanapin si Leo."
Nasa ilalim ba naman kami ng arawan. Amoy pawis na ako. Yung buhok ko, dumidikit na sa likod ng batok ko.
"Ang sabi kasi ni Mrs. Bayog nag-cutting na naman daw ang lalaking 'yon! Naku, kapag ito nalaman ni Tito Zeke, lagot talaga siya!"
Palagi naman nag-cu-cutting si Leo, hindi pa ba sila nasasanay?
"Last na! Titingnan ko lang do'n sa may locker room! Palagi silang naglalandian ng bago niyang shota do'n, eh!"
Napangiwi ako. Parang linggo-linggo iba-ibang babae ang kasama ni Leo. Kung magpalit siya ng girlfriend para lang nagpapalit ng damit. Hindi ko naman ma-gets bakit yung mga babae pumapatol kaagad sa kaniya. Hindi ba nila alam ang three-month rule? Si Ate Laura ang nagsabi nun sa'min nina Serene at Isla.
Kapag daw ang guy, katatapos lang sa isang relasyon hintayin mo munang lumipas ang tatlong buwan bago mo siya i-date para hindi ka maging rebound.
"Mauna na ako, Judith. Uhaw na uhaw na talaga ako, eh."
Tumango siya. "Sige. Kita na lang tayo sa classroom!"
Naghiwalay na kami ng landas. Tinahak ni Judith ang daan papunta kung nasaan ang locker room ng mga seniors ako naman ay dumaan sa likod ng gym. Mapuno at malilim kasi sa bandang ito.
Narinig kong may nagtatawanan habang naglalakad ako. Hindi ako lumilingon. Diretso lang ang tingin ko hanggang sa may tumawag sa pangalan ko.
"Rain!"
Lumingon ako at nakitang si Leo ang tumawag sa'kin. Kasama niya ang grupo nila Alyana at nagkukumpulan sila sa ilalim ng punong acasia.
Sumenyas si Leo kaya huminto ako at pumihit paharap sa direksyon nila. Iniwanan niya ang babaeng kaakbayan at naglakad palapit sa akin.
I noticed, Alyana's eyes followed him. Yung bagong girlfriend naman niya sumimangot at pinag-krus ang braso sa dibdib.
"Saan ka ang punta mo?" Tanong ni Leo paglapit niya.
"Sa cafeteria. Nauuhaw ako, eh. Kanina pa kasi kami ni Judith paikot-ikot dito sa campus."
Kumunot ang noo niya. "Bakit?"
"Hinahanap ka namin."
Kumurap siya ng dalawang beses. Parang nagulat ka sinabi ko. "Hinahanap niyo ako? Kasama ka?"
"Hinatak lang ako ng pinsan mo. Sinabihan kasi siya ni Mrs. Bayog na nag-cutting ka na naman daw—"
"Leo! Shot mo na!" Mula sa malayo ay sigaw ni Rusty.
Natanaw kong itinaas ni Jack ang hawak na bote ng alak. Ngumisi at kumaway sa direksyon namin si Rika. Si Alyana, pilit hinihila yung alak kay Jack para itago kaso nakita ko na.
Bumalik ang tingin ko kay Leo at nakitang tinititigan niya ako na parang hinihintay ang magiging reaksyon ko sa kalokohan na ginagawa nila rito sa loob ng campus.
Kung iniisip niya na isusumbong ko sila sa guidance, nagkakamali siya. Atay naman nila ang sinisira nila. Their life, their choice. I just don’t care about other’s business. Mahuhuli rin naman sila ng guards at student council eventually.
“Una na ako.” Paalam ko sa kaniya at tumalikod na.
Hindi ko pa hinahakbang ang paa ko nang hawakan ni Leo ang siko ko.
Lumingon ako at bumaba ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa akin. Kaagad niya iyong inalis.
Bumalik ang tingin ko sa mukha niya.
“Bakit?”
“Sandali, diyan ka lang.”
Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin. Anong gagawin niya?
Dinampot ni Leo ang itim na backpack niyang namamahinga sa damuhan at naglakad pabalik sa akin.
Binuksan niya ang zipper ng bag sa harapan ko. Mula sa loob nun ay nilabas ni Leo ang isang itim na tumbler. Inabot niya iyon sa akin.
“Uh, anong gagawin ko diyan?” Nagtatakang tanong ko.
“Sabi mo nauuhaw ka, ‘di ba? Para ‘di ka na pupunta ng cafeteria at mapapalayo sa building ng Juniors.”
Bumaba ang tingin ko sa tumbler.
Bakit niya ibinibigay ang inuminan niya? Anong iinumin niya mamaya?
“Malinis ‘to, hindi ko pa naiinuman.” Pagbibigay niya ng assurance sa akin sa pag-aakalang iyon ang nasa isip ko.
Umiling ako. “Hindi na. Malapit lang naman ang cafeteria—“
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil inilagay na ni Leo sa kamay ko ang tumbler.
“Balik na ‘ko dun.” He pointed at his friends.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kaya tumango na lang ako bago tumalikod. Lumalakad na ako palayo nang marinig kong inaasar si Leo ni Rusty at Jack.
“Naknang! Ano ‘yon? Tumutupi ka pala kapag si Campus Princess ang kaharap mo!”
“Manahimik kayo! Ang dami niyong sinasabi!” Depensa ni Leo.
Bumaba ang tingin ko sa hawak kong tumbler.
Does he have a…
Umiling ako. Of course not. He switches from girl to another girl like changing his clothes. Ganyan lang talaga siya sa mga babae…