j Chapter 7
Lily’s Pov.
‘’Kailangan ko na itong iligpit ako na lang dito Elias.’’ Wika ko sa kanya
‘’Sorry.’’ Sambit ni Elias sa akin.
‘’Yun ba okay lang yun walang connection nagkataon lang naman.’’ Wika ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin habang nagliligpit ako sa mga kinainan ng mga bata.
‘’Mommy tapos na kaming nag wash ng hands.’’ Sab ng dalawang bata sa akin.
‘’Punasan niyo mga kamay para matuyo.’’ Utos ko sa kanila .
‘’Okay po mommy.’’Sagot nila sa akin.
Dinala ko na mga itatapon na kinainan nila sa labas para itapon.
‘’Tito Elias maglalaro po ba tayo?’’ Tanong ni Hope kay Elias.
‘’Kakakain nyo lang pa kasi mamaya na lang hapon.’’ Wika ni Elias sa mga bata.
‘’Okay po tito.’’ Sagot ni Hope.
‘’Nabusog ba kayo?’’ Tanong ni Elias sa mga bata.
‘’Opo tito thank you po sa pasalubong ninyo sa amin.’’ Wika ng dalawang bata sa kanilang tito.
‘’Walang anuman.’’ Wika ni Elias sa mga bata.
Napatingin ako sa kinaroroonan nilang mag tito.
‘’Ano ba itong nararamdaman ko pag kaharap ko siya kinakabahan ako.’’ Sambit ko sa sarili.
‘’Gusto niyo ba manood ng movie?’’ Tanong ni Elias sa mga bata.
‘’Opo tito.’’ Sagot naman ni Faith sa kanilang tito Elias .
Nanatili muna ako sa kusina para maglinis sa mga kalat. Habang naglilinis ako bandang lababo ay nagulat na naman ako ng nasa likod ko na naman si Elias.
‘’Elias bigla ka na naman sumusulpot sa likod ko. May kailangan ka ba?’’ Tanong ko sa kanya
‘’Kukuha sana ako ng maiinom sinilip lang kita kung anong ginagawa mo grabe busy mo dito.’’ Sagot ni Elias sa akin.
‘’Ah nililinis ko lang itong lababo.’’ Wika ko sa kanya
‘’Magpahinga ka naman Lily may pupunta dito taga linis ko sa bahay bukas kaya wag kang maglilinis masyado.’’ Wka ni Elias sa akin.
‘’Okay lang hindi kasi ako sanay pag hindi ako makakilos sa bahay.’’Wika ko sa kanya
‘’Lily hindi ka naman katulong dito sa bahay ko kaya wag mong intindihan yan bukas may magllinis dito sa bahay. Hindi kasi ako nagpapa stay in ng katulong kaya on call lang taga linis ko.’’ Wika ni Elias sa akin.
‘’ Ganun ba ako na lang kikilos para hindi ka na magpasahod sayang naman.’’ Wika ko sa kanya.
‘’No, hindi pwede kawawa naman ang taga linis ko walang sasahurin.’’ Wika ni Elias sa akin.
‘’May awa ka pala?’’ Tanong ko sa kanya
‘’ Malamang hindi ako ganun gaya ng dati na Lily.’’ Wika niya sa akin
‘’Anlaki na talaga pinag bago mo maawain ka na talaga ngayon.’’ Wika ko sa kanya
‘’Mas gwapo na kay sa dati.’’Biro niya sa akin.
‘’Ha saan banda?’’ Tanong ko sa kanya
‘’Hindi ka naniniwala nagbago na ako pero ito hindi nagbabago nandito ka pa rin sa puso ko.’’Wika niya sa akin.
Nagulat ako sa sa sinabi niya sa akin at na tameme sa sinabi niya sa akin.
‘’Tama na rinig mo Lily mahal pa rin kita hanggang ngayon pero paano asawa ka na ng kuya ko ngayon. Sobrang nasaktan ako ng pinili mo si Sebastian kaysa sa akin. Kaya lumayo na ako sa inyo para makalimutan kita.’’ Pag amin niya sa akin.
‘’Sorry sa ginawa ko sayo.’’ Sabi ko sa kanya
“Kalimutan na natin ang nangyari asawa ko na kuya mo. Hindi ko gusto mapalapit din sayo pero iniwan kami ni Sebastian dito. Pwede naman mag hanap na lang kami ng malilipatan na iba para hindi ka namin magulo.” Wika ko sa kanya.
“No, hindi sa ganun ngayon ko lang ito na sabi dahil malaki ang hinanakit ko ng pinili mo si kuya pero wala na din ako magagawa dahil asawa ka na ni kuya Sebastian.” Wika niya sa akin.
“Wala tayong pag usapan pa Elias. Kalimutan mo na nararamdaman mo para sa akin. Yun ang nararapat” Wika ko sa kanya.
Hinawakan niya braso at hinila niya ako para maka harap sa kanya.
“Paano kung ayaw ko! Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko sayo Lily mahal pa rin kita.” Titig na sabi niya sa akin.
“Elias hindi na pwede dahil asawa ko na kuya mo. Naririnig mo ba sarili mo? Hindi na pwede!” Pilit na sabi ko sa kanya.
‘’Alam ko naman yun Lily. Pero sorry nasabi ko pa sayo itong nararamdaman ko. Sorry iiwasan na kita.’’Wika ni Elias sa akin.
Umalis si Elias sa harapan ko bumalik siya sala kasama mga bata.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano ko siya iwasan. Kailangan kong iwasan si Elias at yun ang nararapat.
Biglang nag ring ang phone ko tumatawag si Sebastian sa akin.
“Hello hon kamusta?" Tanong ko sa kanya
“Kamusta kayo hon ang mga bata nasaan sila?" Tanong niya sa akin.
‘’Nasa sala sila honey kasama ang tito Elias nila nanunuod ng movie .’’ Wika ko kay Sebastian.
‘’Ganun ba sige huwag mo lang guluhin sila honey hayaan mo lang sila manood.’’ Wika ni Sebastian sa akin.
‘’Ikaw kamusta ka dyan honey?’’Tanong ko sa kanya.
‘’Nakita ko si Liam malapit sa subdivision natin.’’ Wika ni Sebastian sa akin.
‘’Ano? Si Liam nakita mo?’’ Gulat kong tanong sa kanya
‘’Oo hon buti na lang nandyan na kayo panatag na isip ko na malayo kayo sa kapahamakan.’’ Wika niya sa akin.
‘’Paano ka? Ikaw inaalala ko ang kalagayan mo Sebastian. Huwag kang kampante sa kapatid mo baka anong gawin sayo Sebastian.Hindi na ako mapalagay sa sitwasyon mo dyan bumalik ka na lang dito.’’ Pag alala ko sa kanya
‘’Hindi pwede honey kailangan ako dito sa company . Binantaan niya ako pero hindi ako natatakot hon.Kaya ko sarili ko huwag kang mag alala.’’ Wika niya sa akin.
‘’Pero hon hindi natin alam ang takbo ng utak ni Liam lalo ngayon iniisip niya yung matagal siya nakulong sa kulungan.’’ Wika ko sa kanya
‘’Honey wag kang mag alala kaya ko sarili ko.’’ Pagpipilit ni Sebastian sa akin.
‘’Mag ingat ka lagi hon.’’ Pag alala ko sa kanya
‘’O sige na may appointment pa ako ngayon ingat kayo dyan hon i love you.’’ Wika niya sa akin
Binaba na niya ang phone nababahala ako sa sitwasyon ng asawa ko .
Lumabas ako para puntahan ang mga bata.
‘’Mga anak tama na muna manood need nyo na munang matulog ngayon.’’ Wika ko sa kanilang dalawa.
‘’Mommy nanunuod pa kami .’’ Wika nilang dalawa sa akin
‘’Hope Faith makinig kayo sa mommy ninyo bukas naman ulit .’’ Wika ni Elias sa mga bata.
‘’Okay po tito Elias.’’ Wika ng mga bata.
Umakyat na sila sa taas at nagtungo agad sa kwarto.
‘’Salamat nakinig sayo mga bata .’’Wika ko sa kanya
“Sige na mag papahinga na din muna ako sa kwarto ko.” Sabi niya agad sa akin sabay alis sa harapan ko.
Umalis siya agad sa harap ko at nag tungo sa kanyang kwarto. Hinabol ko siya ng tingin habang nakatalikod si Elias.
Niligpit ko na ang mga kalat sa sala at niligpit ang mga unan na nasa sahig na nakakalat.
Nag walis na din ako sa sala para maglinis. Pagkatapos kong naglinis ay umakyat na muna ako sa taas para na din magpahinga.
Pag ka akyat ko ay sinilip ko muna ang mga bata kung natutulog na ba. Nakita ko sila tulog na ang dalawang bata sa kanilang kama. Sinarado ko ulit ang pinto at nagtungo ako sa kwarto namin.
Pumasok ako sa loob ng kwarto umupo ako deritso sa loob at umupo sa sa kama. Naalala ko ang mga sinabi ni Elias sa akin. Ang laki ng kasalanan ko talaga kay Elias hindi ko alam kung paano ako mapapatawad niya. Gumugulo sa isipan ko habang nakaupo ako kama.
Iniisip ko din si Sebastian ang kalagayan niya sa Manila paano ako mapapanatag nito pag bumabagabag sa isipan ko..
Humiga ako sa kama para ipahinga ang katawan ko.
Ilang oras nag daan narinig ko ang tunog ng sasakyan nagising ako sa ingay. Bigla akong napa bangon sa kama para tingnan sa baba. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan at sinilip ko ang labas.
“Umalis kaya si Elias parang rinig ko sasakyan niya kanina." Sambit ko agad
Sinikip ko ang kwarto kong umalis ba siya nandyan.
“Bukas naman ang pinto baka nga umalis siya." Wika ko
Nagtungo na lang ako sa kusina para uminom ng tubig.
“Saan kaya siya pupunta?" Tanong ko sa sarili.
Tumambay ako saglit sa kusina habang nag iisip ng lutuin na naman .
“Talagang iniiwasan na niya ako. Mas mabuti na yun kay sa magpatuloy pa nararamdaman niya sa akin.” Sambit ko ulit.
Pinaharurot niya ang sasakyan para pumunta muna sa bar. Nang nasa bar na siya ay inihinto na niya ang sasakyan saka bumaba at pumasok sa loob ng bar para mag inom.