Chapter 6
Lily's Pov
Masayang hahabulan ang dalawang bata sa mga paro-paro. Makikita mo talaga sa kanila mukha ang tuwa habang nakikipag laro sa mga paro-paro.
‘’Dito muna kayo kuha lang ako ng maiinom ninyong dalawa.’’ Wika ko sa kanila
‘’Okay po mommy dito lang po kami ni Faith.’’ Wika ni Hope sa akin.
Nagtungo ako sa loob para kumuha ng maiinom at kanilang merienda para magpahinga nila ay makakain na sila pagbalik ko.Kumuha ako ng mga fruits sa fridge at binalatan ko ito. Kumuha din ako ng biscuits at pagtimpla ng juice para sa kanila. Inihanda ko na sa isang tray para dalhin sa likod na kinaroroonan ng dalawang bata.
Dahan-dahan kong binuhat ang tray pa labas ng bahay para dalhin sa labas. Tanaw ko silang dalawa naghahabulan pa sa mga paru-paro.
‘’Faith Hope halika na kayo kumain muna kayo dito.’’ Tawag ko sa kanila
‘’Faith tawag na tayo ni mommy.’’ Wika ni Hope sa kanyang kambal
‘’Tayo na puntahan na natin si mommy,’’ Wika ni Faith kay Hope.
Tumakbo sila papunta sa kinaroroonan ko ang dalawang bata.
“Mommy.” Tawag nila sa akin.
“Naku ang papawis ninyong dalawa na sobrahan na kayo kakatakbo.” Wika ko sa kanila.
“Mommy grabe tuwang tuwa kami kakahabol sà butterfly nakikipag habulan din sila.” Wika ni Hope sa akin.
“Halika muna kayo pupunasan ko likod niyo baka kayo ubuhin.” Wika ko sa kanila.
Ni una ko si Faith punasan ang mukha na puro pawis.
Pinunasan ko din ang kanyang braso ako likod.
“Umupo ka na Faith kumain ka na.” Wika ko sa kanya
“Ikaw naman Hope halika na dito punong puno kayo ng pawis.” Wika ko sa kanya.
“ Mommy balik kami dito bukas ng umaga.” Wika ni Hope sa akin.
“Sige pero saglit lang kayo dito.” Kondisyon ko sa kanila.
“Yehey narinig mo yun Faith babalik tayo bukas dito.” Wika ni Hope sa kapatid.
“Kumain ka na din Hope.” Wika ko sa kanya.
“Ikaw mommy kain ka na din po.” Wika ni Faith sa akin.
“Sige lang kain na kayo masaya na ako kumakain kayong dalawa.” Wika ko sa kanila.
Habang kumakain sila pinupunasan ko mga ulo nila sa pawis.
“Mommy si daddy kailan po babalik dito?” Tanong bigla ni Faith sa akin.
“Pag okay na work ni daddy babalik naman siya dito anak.” Sagot ko sa kanya.
“Susunduin na ba tayo ni daddy mommy pag bumalik po ba siya?” Tanong ni Hope sa akin.
“No bisitahin tayo dito na kayo mag aaral pag pasukan na.” Wika ko sa kanila.
“Ay hindi na tayo sa Manila titira mommy?” Tanong ni Hope sa akin.
“Hindi na anak dito na tayo titira muna.” Paliwanag ko sa kanila.
“Bakit hindi sa Manila mommy para kasama natin si daddy?” Tanong ni Hope sa akin.
“Hindi tayo pwede manirahan sa Manila anak yun ang sabi ni daddy.” Paliwanag ko sa kanila.
“Dito na pala tayo titira forever mommy.” Wika ni Faith sa akin.
“Sige kumain na kayo mamaya papasok na tayo sa loob para makaligo na kayong dalawa.” Wika ko sa kanila.
Nakarating na si Elias sa apartment na ì renovate para tignan.
“Sir goodmorning”Wika ng isang trabahante sa loob
“Morning kamusta dito kuya ano pa bang kulang dito sa renovation sa apartment?” Tanong ni Elias sa trabahante nito.
“Boss. Maraming aayusin dito sa bandang kusina at sa sa isang kwarto.” Wika ng trabahante ni Elias.
“Sige kuya sabihan mo lang ako para bilhin natin ang gagamitin.” Wika ni Elias sa trabahante nito.
Patingin tingin si Elias sa ibang bahagi ng apartment.
“Kuya kung anong kailangan lista nyo lang para bilhin nyo na lang mamaya.”Utos ni Elias sa kanya.
“Sige boss.” Sagot naman ng tauhan niya.
Lumabas si Elias at lumipat sa ibang apartment na dalawang magkadikit at pinuntahan ito.
“Maganda na ito pina ayos ko pwede na itong ipa rent na bahay.” Sambit nito.
Sinilip din niya ang kabila kung okay na ba may nakatira na pala doon.
“Bosing buti naka pasyal kayo dito.” Wika ng katiwala ni Elias sa kanya
“Oo kamusta dito?” Tanong ni Elias kay Mang Carding
“Okay naman boss may dalawa pang inaayos tapos yung iba may nakakuha.” Wika Mang Carding sa kanya.
“Buti naman Mang Carding. Ikaw na muna bahala dito tawagan nyo lang po ako kung kailangan.” Wika ni Elias.
“Bossing itong isa may kukuha bukas inihahanda ko na din ang loob para bukas lipat na sila dito.” Sabi ni Mang Carding
“Okay po bali itong dalawa na lang ang aayusin. Sana matapos na po para pwede na paupahan ito.” Wika ni Elias
Opo bossing malapit na yan matapos.” Sagot ni Mang Carding.
“Paano yan Mang Carding hindi na ako magtatagal may daanan pa ako yung isang negosyo ko.” Wika ni Elias kay Mang Carding.
“Sige po bossing mag ingat po kayo.” Sabi ni Mang Carding kay Elias.
“Tawagan mo lang ako kung ano kailangan at ito pera iwan ko na ito sa ito baka kailangan dito.” Wika ni Elias sabay abot sa sobre may laman pera.
“Sige pi bossing salamat po.” Wika ni Mang Carding.
Umalis na si Elias at nagtungo sa sasakyan niya agad.
“Hali na papasok na tayo sa loob para maligo na kayo.” Aya ko sa dalawang bta.
Tumayo na sila at nag lakad na kaming tatlo papasok sa loob ng bahay.
“Akyat na kayo sa kwarto para maligo na kayong dalawa.” Wika ko sa kanila.
“Opo mommy.” Sagot nila sa akin.
Nagtungo na silang dalawa sa taas para pumunta sa kwarto nila.
Dumeritso muna ako sa kusina para ihatid ang tray at basong ginamit nila.
Hinugasan ko muna ang ginamit namin saka nilagay ko na sa lalagyan. Sumunod na ako sa taas para tignan sila sa taas.
“Hope Faith wag kayong mag tagal dyan sa banyo.” Sabi ko sa kanila.
Pumunta ako sa drawer nila at kumuha ng damit na isusuot nilang dalawa. Pagkakuha ko sa isusuot nila ay kinatok ko sila agad sa banyo para tignan sa loob.
“Hope Faith buksan nyo nga ito ako na magpaligo sa inyo.” Sambit ko sa pinto
Binuksan nila ang pinto at doon nakita ko nag bubuhusan sila ng tubig.
“Ay wag ganyan malalagyan ng tubig ang mga tenga ninyong dalawa.” Sabi ko sa kanila.
“Si Faith po bigla na lang ako sinabuyan ng tubig.” Sumbong ni Hope sa akin.
“Mommy naglalaro lang naman kami ni Hope.” Sabi ni Faith.
“Tama na yan paglalaro madudulas kayo dito pag ganyan. Paano mabagok ulo ninyo? Kaya pag naliligo kayo huwag maglalaro ng tubig.” Paliwanag ko sa kanila.
“Galit ka mommy?” Tanong ni Faith sa akin.
“Hindi naman anak nag aalala lang ako sa inyo. Paano ma disgrasya kayo dito? Kaya sinasaway ko kayo para malayo sa kapahamakan.” Paliwanag ko sa kanila.
Yumuko ang dalawa na parang nagtatampo.
“Hali na kayo ako na magpaligo sa inyo para madali.” Sambit ko sa kanila.
Ni una ko muna si Faith niliguan para madali nilagayan ko ng shampoo ang kanyang buhok at sinabunan ang katawan. Sinunod ko din si Hope nilagyan ko din ng shampoo at sinabon ko din ang katawan. Binuhusan ko ng tubig para maalis na ang bula ata sabon sa katawan nila. Pagkatapos nilang naligo ay kinuha ko ang kani kanilang tuwalya para ipunas sa kanilang katawan.
“Oh ayan mabango na kayo hindi na kayo amoy pawis.” Wika ko sa kanila.
“Halika na kayo bibihisan ko muna kayo.” Wika ko sa kanila.
“No mommy kami na lang po magbihis sa sarili naman big girl na po kami marunong na po kaming
magbihis.” Wika ni Hope sa akin
“Ganun ba okay. Nakalimutan ko na pala mag 6yrs old na pala kayo.” Pangiting sabi ko sa kanila.
“Alam na po namin magbihis po mommy.” Wika din ni Faith.
“Malaki na talaga kayo kambal hindi na kayo baby.” Sambit ko sa kanila.
“Mommy dito na lang kami ni Faith mag aaral na lang po kami dito sa kwarto.” Paalam ni Hope sa akin.
“Sige kung yan gusto ninyo dalawa maliligo muna ako bago ako maghanda ng tanghalian natin.” Wika ko sa kanila.
“Okay po mommy.” Sagot nila sa akin
Nagtungo na ako agad sa kwarto para maligo na din.
“Hindi talaga siya nag reply sa message ko!” Sambit ni Liam.
Kinuha ang cellphone at tinawagan niya si Sebastian sa ibang number.
Kring Ggg…Kring Ggg… tunog ng telepono.
“Yes hello.” Sagot ni Sebastian
“Kamusta kuya!” Sabi agad sa kabilang linya.
“Liam! Nanakot ka ba?” Tanong ni Sebastian kay Liam.
Napa halakhak si Liam sa kabilang linya.
“Ano ang binabalak mo Liam? Tantanan mo na kami! Magbago ka na kaya ka namin tanggapin ulit.” Wika ni Sebastian sa kanya.
“Ako magbabago? Tanga ba kayo? Ganun ganun na lang ba na ilang taon nyo ako pinakulong at hinayaan! Hindi ako papayag na hindi ako makaganti sa inyo!” Singhal ni Liam sa kabilang linya na galit.
“Mapag uusapan naman natin yan Liam magbago ka na!” Kumbinsi ni Sebastian kay Liam.
“Hindi at wala akong pakialam sa inyo pati parte ng pera ko inangkin ninyo lahat pinabayaan nyo ako kulungan wala kayong kwenta mga kapatid.” Galit na pagkasabi ni Liam kay Sebastian.
“Magbago ka lang Liam ibibigay namin lahat mg parte mo.” Wika ni Sebastian.
“Humanda kayo maniningil talaga ako sa inyo lahat. Pag ako kumilos pasensya na tayo kung ano magagawa ko sa inyo lalo na sa asawa mo Sebastian.” Mataas na boses ni Liam.
“Huwag mong pairalin ang galit mo Liam kasalanan mo naman lahat kung bakit nagka ganyan ka! Huwag mo isisi sa amin ang kasalanan dahil ikaw ang gumawa ng kasamaan mo.” Wika ni Sebastian kay Liam.
“Wala akong pakialam kung dadanak ang dugo sa paghihiganti ko! Ginawa nyong miserable buhay ko dahil dyan sa asawa mo ngayon!” Singhal ni Liam kay Sebastian.
“Huwag mong idamay si Lily dito dahil ikaw ang gumawa ng kasamaan kay Lily ano ginawa mo sa kanya? Ginawa mong miserable buhay niya dahil sa kawalang hiyaan na ginawa mo sa kanya.” Inis na sabi ni Sebastian kay Liam.
“Akin sana siya kuya pero inagaw nyo sa akin ang babaeng nagustuhan ko!” Bulyaw ni Liam
“Nagustuhan o pinagmamaltruhan alin doon Liam binaboy mo si Lily kaya kailangan ka namin ipakulong ka dahil sa ginawa mo sa kanya.” Singhal ni Sebastian kay Liam
“Wala akong pakialam dahil akin siya at inagaw nyo lang!” Sigaw ni liam kay Sebastian.
“Babawiin ko siya buhay man o patay basta mabawi ko siya sa inyo.” Sigaw ni Liam kay Sebastian
“Subukan mo lang Liam hindi ako magdadalawang isip ipakulong pa kita ulit.” Wika ni Sebastian kay Liam.
Humahalakhak si Liam na akala mo’y demonyo sa kabilang linya.
Binaba ni Sebastian ang telepono at inis na inis siya sa sinabi ni Liam sa kanya.
“Huwag lang niya pakialaman mag ina ko ipapakulong ko talaga siya ulit pag may mang yari sa pamilya ko.” Sambit ni Sebastian habang nanggagalaiti kay Sebastian.
“Boss mukhang inis na inis ka sa kausap mo ngayon?” Tanong ng isang kasama ni Liam.
“Oo yung mga kapatid kong traydor kailangan ko silang balikan pinakulong nila ako ng ilang taon.” Sagot ni Liamsa kasama nito.
“Ano yan boss itumba na ba natin yan?” Tanong ng kasama nito.
“Huwag muna kailangan kong pahirapan sila tulad ng pagpapahirap ko sa kulungan.” Sagot ni Liamsa kasama
Ngitngit sa galit si Sebastian na nakaupo galit na galit siya sa kanyang kapatid na si Liam.
“Buti na lang nalipat ko na sila sa Bohol kung hindi hindi ko na alam ang gagawin ko kong nandito sila.” Sambit ni Sebastian.”
Kakatapos ko lang naligo ay pinunasan ko ang basa kong buhok. Ilang sandali ay sinuklayan ko na ito sa harap ng salamin. Kinuha ko ang lotion saka naglotion ako sa katawan ko.
Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto na ako sa kusina. Tinignan ko kung anong lulituin ko ng biglang may dumating na sasakyan sa labas.
“Nandyan na ata si Elias.” Sambit ko
Narinig ko ang pag bukas ng gate at tunog ng sasakyan.
Nagtungo ako sa pinto para buksan. Nakita ko pababa ng sasakyan si Elias at mag dalang pasalubong sa mga bata.
“Lily sila Hope at Faith may pasalubong ako sa kanila. Wika ni Elias.
“Nasa taas sila ngayon nag abala ka pa Elias.” Wika ko sa kanya.
“Okay lang yan Lily tawagin mo na sila para kumain na tayo.” Wika ni Elias sa akin.
“Sige tatawagin ko na sila sa taas.” Sabi ko sa kanya.
Nagtungo sa taas para tawagin sila.
“Hope Faith labas muna kayo nandito na tito Elias ninyo may pasalubong dala para sa inyo.” Sambit ko sa kanila.
Biglang bumukas ang pinto.
“Nandyan na po si tito Elias may pasalubong po kami mommy?” Tanong ni Hope sa akin.
“Oo hinahanap kayo sa baba.” Sabi ko sa kanila
“Tara Faith baba na tayo nandyan na si tito Elias.”Sabi ni Hope kay Faith
“Yehey may pasalubong kami kay tito Elias.” Sambit ni Hope.
Napangiti ako sa kanila dahil gusto din nila ang kanilang tito Elias makasama.
“Tito Elias.” sigaw nila ng nakita nila.
“Oh nandyan na pala kayo meron akong pasalubong sa inyo.” Pangiting sabi ni Elias sa kanila.
“Wow Jollibee!” Sigaw ng dalawang bata.
“Halina kayo kain na kayo dito.” Tawag ni Elias sa dalawang bata
Tuwang tuwa lumapit ang mga bata at lumapit kay Elias pinakain niya ito na parang mga anak niya din.
“Mommy halika na po kain na tayo.” Tawag ni Faith sa akin
“Sige anak kain na kayo.”sabi ko sa kanila.
“Halika na meron din sa atin dito.” Aya ni Elias sa akin
Lumapit na ako sa kanila at naki join na din akong kumain.
Napangiti si Elias sa akin habang kumakain ang dalawang bata.
Nakita ko din sa kanya ang maalagain din sa mga bata tulad ni Sebastian.
"Elias baka masanay ang mga anak ko sayo na may pasalubong galing sayo." Sabi ko sa kanya.
"Okay lang yan Lily mga pamangkin ko naman din sila para na ding anak." Wika niya sa akin.
Nagkatinginan na lang kami habang sinabi niya sa akin. Hindi na ako naka imik.
"Faith Hope ubusin nyo yan bawal mag sayang ng pagkain." Paalala ko sa kanila.
"Okay po mommy." Sagot nila sa akin.
"Napaka displina nilang bata Lily maganda ang paglalaki ninyo ni kuya Sebastian." Wika ni Elias sa akin.
"Kailangan silang disiplinahin lalo na't malalaki na sila Elias." Wika ko sa kanya.
"Salamat talaga Elias sa pag intindi sa mga anak ko na mabait pero maypagkakulit." Sabi ko sa kanya.
"Wala yun Lily natural lang yan sa bata."Wika ni Elias sa akin
"Mommy tapos na po kaming kumain mag wash ng hands na po kami sa sink." Wika ni Hope.
" Okay mag ingat kayo baka mabasa kayo."Sambit ko sa kanila
"Teka lang Elias ililigpit ko lang itong kinainan nila." Sabi ko agad sa kanya.
"Tulungan na kita." Wika niya.
" Huwag na kaya ko naman makalat kasi silang kumain kaya kailangan kong asikasuhin silang dalawa." Wika ko kay Elias.
Aabutin ko sana ang paper bag ng biglang dumapo din ang kamay niya at nahawakan din ang kamay ko. Nagkatitigan kaming dalawa habang hawak niya kamay ko.