Chapter 5

2226 Words
Chapter 5 Lily’S Pov Tinignan ko ang oras mag alas dos na pala kanina pa nakababa si Sebastian sa eroplano. Gusto kong kamustahin siya agad kung nakauwi na siya sa bahay. Kinuha ko ang cell phone saka tinawagan ang number nito agad. Kring….Kring Gggg…..Tunog ng phone nito. ‘’Hello honey gising ka pa!’’ Wika ni Sebastian sa akin agad. ‘’Oo hon nag alala kasi ako sayo. Nakauwi ka na ba sa bahay?’’ Tanong ko sa kanya ‘’Kakarating ko lang sa bahay. Akala ko tulog ka na kaya hindi na ako tumawag sayo. Bukas nalang sana ng maaga ako tawag pero na unahan mo na ako honey.’’ Wika ni Sebastian sa akin. “Kailangan ko din i check kung nakarating ka na hon nag aalala din ako sayo hindi ako makatulog.” Sabi ko sa kanya. “Salamat hon sa pag alala. Mag papahinga na din ako anong oras maaga din ako papasok sa opisina. Ikaw matulog ka na din at magpahinga ang mga bata kamusta?” Tanong ulit niya sa akin "Kanina pagdating namin dito sa bahay tulog na sila sa biyahe binuhat lang ni Elias isa-isa sila papunta sa kwarto.” Sabi ko sa kanya. "Napagod din ang mga bata buti na lang nandyan si Elias para tulungan ka honey.” Wika ni Sebastian sa akin. "Oo nga eh buti nga tinulungan ako hindi ko yun kakayanin ang dalawa.” Sabi ko sa kanya. "O sige na hon matulog ka na anong oras na pahinga na din ako magpahinga ka na din.” Wika ni Sebastian sa akin. "I love you hon ingat ka dyan lagi.” Wika ko sa kanya "I love you too hon,bye na goodnight.” Wika niya sa akin. Binaba ko na ang ang phone saka inilapag sa maliit na table na nasa kwarto. Pinatay ko na ang ilaw saka humiga na sa kama para matulog. Kinabukasan 6:30 am na ako nagising nagmamadali ang bumangon at magbihis. Pagkatapos kong nagbihis ay naghilamos muna ako at nag toothbrush. Pinunasan ko ang mukha ko ng malinis na face towel at bumaba na agad ako. Paglabas ko sa pinto pinuntahan ko muna ang kambal kung gising na ba sila. Dahan dahan kong binuksan ang pinto saka sinilip sa loob. Mahimbing pa silang natutulog magkapatid kaya sinarado ko ulit ang pinto. Naglakad na ako pababa ng hagdan para pumunta agad sa kusina para mag handa ng almusal. Habang papalapit ako sa kusina may narinig ako ako ng kalabog sa loob ng kusina. Agad ko itong pinuntahan para tignanan. Nakita ko si Elias nag babatil ng itlog kaya pala kumakalabog. “Ang aga mo pa lang nagising." Sambit ko sa kanya. “Oh nandyan ka pala sa likod ko goodmorning. Oo maaga ako nagigising kaya ako na lang magluluto ng agahan natin." Wika ni Elias sa akin. “May lakad ka ba? Ako na lang magluluto para makaligo at makapag handa ka na sa gagawin mo Elias.” Pailang kong tanong ko sa kanya. "Ako wala pa naman mamaya mga 10 am aalis ako pupuntahan ko negosyo ko.” Sagot ni Elias sa akin. “Ganun ba.” wika ko sabay tingin sa paligid. “Ako na lang magluluto Lily kaya ko naman. Ano ba kakainin ng mga bata?" Tanong niya sa akin. “Pwede na din itlog saka ham sana pero ako na lang mag luluto sa ham nakakahiya naman ikaw pa magluluto para sa mga anak ko." Wika ko kay Elias. “No, ako na lang magluluto Lily okay lang ako hubby ko na din kasi itong pagluluto simula lumipat ako dito sa Bohol Lily kaya alam ko na ito lahat." Sabi niya sa akin. "Dapat pala itinayo mo na negosyo ay restaurant.” Pabiro kong sabi sa kanya “Yun nga eh pero apartment na negosyo ko na.” Sagot niya sa akin. “Okay lang pag gustuhin mo naman pwede ka naman mag tayo ng restaurant sa susunod.” Sambit ko sa kanya. “Baka yun sunod kong project pag okay na negosyo ko.” Sagot ni Elias sa akin. Napatingin si Elias sa akin habang nag babatil siya ng itlog para prituhin. Ako na lang kaya magluto yan baka latang lata na yan sa kakabatil mo sa itlog!” Sabi ko sa kanya. “Ah sorry sige na lulutuin ko na ito.” Wika ni Elias sa akin. “Okay ako na lang maghanda sa mesa.” Sabi ko sa kanya. Kumuha na ako ng plato at kubyertos para ilagay na sa mesa. “Mommy! Mommy!” Tawag ng dalawang kambal pababa ng hagdan. “Hope, Faith nandito lang ako sa kusina.” Sigaw ko habang naghahanda sa mesa. Nagtungo silang dalawa sa kinaroroonan ko para puntahan nila ako. “Good Morning mommy.” Bati nila sa akin. "Good morning haba ng tulog ninyo.” Wika ko sa kanila. "Oo nga mommy paano kami na punta sa kwarto po!” Biglang tanong ni Hope sa akin. Biglang lumabas si Elias para dalhil ang niluto niyang ulam sa dalawa. "Nakatulog kayo sa biyahe at si tito Elias nyo ang bumuhat sa inyong dalawa.” Paliwanag ko sa kanila. Ngumiti si Elias sa dalawang bata. "Paano po eh dalawa kaming tulog? Nakaya kami binuhat ni tito na sabay?” Tanong ni Hope agad. "No anak iniisa isa kayo binuhat ni tito Elias ninyo. Hindi naman kayo kayang buhatin dalawa dahil malalaki na kayo.” Paliwanag ko sa kanilang dalawa. "Ganun po ba. Salamat tito Elias sa pagbuhat sa amin.” Wika ng dalawang bata sa kanilang tito. “Walang anuman yun mga pamangkin. Halina kayo nagluto ako ng egg at ham para sa inyo.” Wika ni Elias sa kanila. "Wow gusto namin yan tito.” Wika ni Hope sa kanyang tito. " Umupo na kayo para kakain na tayo." Wika ko naman sa kanila. Opo mommy.” Sagot nilang dalawa “Saglit magtimpla lang ako ng milk ninyong dalawa yun pala nalimutan ni mommy.” Sabi ko sa kanila. “Tito aalis po ba kayo ngayon?" Tanong ni Hope sa kanyang tito Elias. “Oo aalis ako may pupuntahan ako saglit. Bakit na tanong mo Hope?" Tanong ni Elias kay Hope. “Kala namin dito ka lang makipag laro sana kami ni Faith po sa inyo sa labas." Sagot ni Hope sa kanyang tito Elias. Naaktuhan kong nagsasabi si Hope sa kanyang tito Elias. “Hope may trabaho din si tito Elias ninyo kaya tayo na lang maglalaro dito sa bahay." Wika ko kay Hope. "Okay po mommy.” Sagot ni Hope sa akin. “Ahmm.. mamaya na lang pagdating ko makipaglaro ako sa inyo.” Wika ni Elias sa mga bata. "Yehey makipaglaro sa amin si tito Elias." Masayang sabi nila. Napatingin si Elias sa akin na ngumiti. “Oh kumain muna kayo mamaya pagdating ko maglalaro tayo." Wika ni Elias sa kanilang dalawa. Nagpatuloy na silang kumain dalawa bata na masaya. Biglang tumunog ang phone ni Elias kinuha niya ito. “Daddy niyo tumatawag sa akin.” Wika ni Elias "Si daddy!”Pangiting sabi ni Faith. "Oh kuya kamusta ka na dyan?” Tanong ni Elias kay Sebastian. "Ito papasok na sa trabaho tumatawag ako sa phone ni Lily eh hindi ko ma contact.” Wika ni Sebastian kay Elias. "Ah nandito kami sa baba kumakain. Oh Lily kausapin ka ni kuya.” Wika ni Elias sabay abot sa phone. "Hon nandito kami sa baba kumakain kasama mga bata.” Wika ko sa kanya. Daddy!" Sambit ng dalawang kambal saka tumayo para tignan ang kanilang daddy. “Mga anak, miss you mga kambal. Huwag kayo pasaway kay mommy makinig kayo lagi dyan.” Wika ni Sebastian sa dalawang bata. " Opo daddy magpapakabait po kami dito.” Wika ni Hope habang kaharap nila ang daddy nila. "O sige na kumain na kayo at ako’y magmaneho na ng sasakyan.” Wika ni Sebastian sa amin. " Daddy ingat ka lagi sa pagmamaneho.” Wika ko sa kanya. "Salamat hon. I love you.” Sabi ni Sebastian sa akin. " I love you hon.” Sagot ko naman sa kanya. "Love you daddy.” Sambit ng dalawang bata sa kanilang daddy. Pinatay ni Sebastian ang phone saka sinauli ko kay Elias. Napatingin si Elias sa akin na parang kakaiba. Ibinaling ko na agad sa kambal ang tingin ko. "Tapusin nyo yan pagkain nyo at ubusin ang gatas na tinitimpla ko sa inyo.” Wika ko sa kanila. “Opo mommy." Sagot nila sa akin. Napatingin ako kay Elias kita ko pa rin nakatingin pa rin siya sa akin. Habang nagmamaneho na si Sebastian papuntang opisina nakita niya si Liam naka tayo sa bandang poste na naka sumbrero. Hindi niya alam kung si Liam ko namalikmata lang siya sa hawig na nakita niya. Napalingon siya habang nalagpasan na niya ito. “Parang si Liam yung nakatayo doon." Sambit ni Sebastian habang hawak ang manibela. Napaisip siya habang hawak niya ang manibela habang niliko. Napaisip siyang balikan at tignan kung si Liam talaga yung nakatayo doon. Dahan-dahan siyang nagmaneho para makita niya kung si Liam ba talaga ang nakatayo doon. Nag u turn siya para doon maka daan ulit siya sa dinaanan niya. Biglang nawala ang lalaki nakita niya na akala niya si Liam hindi na ito nakita niya ulit dahil wala na doon. “Baka namalikmata lang talaga ako na si Liam yun nakatayo doon." Wika ni Sebastian habang nagmamaneho.. Nagpatuloy na lang siya sa pagmamaneho pa puntang opisina. Lumitaw si Liam na alam niya dadaan doon si Sebastian. Napangiti si Liam na akala mo'y demonyo. Nang nakarating si Sebastian sa office ni park niya agad ang sasakyan sa parking area. Inihinto na ito at bumaba na siya para maglakad papunta sa loob. Pagdating niya sa harapan ay pumasok siya agad. “Good morning sir." Bati ng guard sa kanya. “Good morning." Sagot ko din sa kanya. Pumasok na ako sa loob diretso sa office ko. “Hi good morning Mr. Alvarez.” Bati ng secretary niya. “Goodmorning Leane." Wika ni Sebastian sa kanyang secretary. Pumasok na siya sa loob ng office niya at agad na siyang umupo sa upuan nito. Biglang pumasok ang secretary nito. “Hi Sir ito po yung mga kailangan pirmahan sir Sebastian." Wika ng secretary na si Leane. “Pakilagay na lang dyan sa table mamaya at pipirmahan ko." Sabi ko sa kanya. Inilagay ni Leane ang mga papel at iniwan sa table. Tinignan niya ang mga papel na pipirmahan niya binasa niya muna ito para saan. Nang matapos niyang mabasa ay pinirmahan na niya ito isa isa. Natapos niyang na pirmahan ay binuksan na niya ang kanyang laptop para tignan ito. Biglang may nag appear na message sa sss at ni open niya ito. “Bakit biglang umurong ang ibang nag share sa aming company? Biglang nag back out ang tatlo.” Sambit ni Sebastian habang nakatingin sa laptop nito. May 1 message na hindi pa niya na bubuksan binuksan niya ito at binasa. “ Kamusta kuya mukang gulat ka kanina." Mensahe na pinadala ni Liam. " Tama nga kutob ko na si Liam yun kanina.” Sambit niya sa sarili. “Mabuti na lang nakalipat na sila Lily sa Bohol hindi na ako mangangamba dito sa mag ina ko.” Dagdag niya pa ito. Hindi na lang niya pinapansin ang mensahe ni Liam nagpatuloy na lang siya sa trabaho nito. “Lily aalis na muna ako saglit pupunta tapusin ko lang itong business meeting ko. Kung anong kailangan ng mga bata meron naman dyan. Huwag kayong mahiya ituring nyo itong bahay.” Wika ni Elias sa akin. “Salamat Elias sige na baka mahuli ka pa sa ka meeting mo.” Wika ko sa kanya. “Kayo na bahala dito feel free dito sa bahay alis na ako.” Paalam ni Elias sa akin. “Ingat ka.” Sambit ko sa kanya. Lumabas na siya at nagtungo sa kanyang sasakyan. Hinabol ko siya ng tingin hanggang pagsakay at pag alis nito. “Malaki na talaga nagbago sa kanya naging positive na siya sa buhay niya hindi na siya gaya ng dati ibang iba na si Elias ngayon.” Sambit ko habang nakatingin sa malayo. “Mommy, mommy, halika mommy may ipapakita kami sa labas.” Wika ng dalawang bata sa akin “Ano ba yun mga anak?” Tanong ko sa kanila. “Basta mommy sumama ka na sa amin.” Sambit ng dalawa. Hinila nila ako papunta sa likod para makita ang gusto nilang ipakita. “Look mommy ang daming butterfly mommy.” Wika nilang dalawa. “Oo nga ang ganda.” Sabi ko agad sa kanila. “Gusto namin huliin mommy.” Wika ni Faith sa akin “No anak hayaan nyo lang silang malaya panoorin nyo na lang sila. Lumalapit sila dahil may mga bulaklak dito.” Paliwanag ko sa kanila. “Ganun ba mommy baka kasi umalis sila dito.” Sabi ni Faith sa akin. “No, dito lang yan sila anak ito oh may iba pang bahay dito na nakabalot pa yung iba uuod. Magiging butterfly pa lang.” Paliwanag ko sa kanila. “Wow oo nga mommy ito pa bahay nila tapos magiging butterfly na sila sa tamang panahon.” Wika ni Hope sa akin. “Oo Hope kaya huwag nyo ng huliin hayaan nyo na lang sila palipad lipad.” Wika ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD