Chapter 4
Lily's Pov
‘’Hon anong oras flight mo para i ayos ko na mga gamit mo?’’ Tanong ko sa kanya
‘’Mga eleven hon kaya kailangan nine nandoon na ako sa airport.’’ Sagot sa akin ni Sebastian sa akin.
‘’Sige aayusin ko na pala ibang gamit mo para pag alis mo.’’ Wika ko sa kanya
‘’Salamat hon susunod na ako sa kwarto.’’ Wika ni Lucio sa akin.
Napatingin si Elias sa akin habang tinatanong ko si Sebastian.
Umakyat na ako sa taas par
a mag ayos na sa mga aayusin kong dadalhin ni Sebastian.
‘’Elias ikaw na bahala sa kanila habang nasa Manila ako.’’ Wika ni Sebastian kay Elias.
‘’Sige kuya.’’ Sagot ni Elias
“Paano na yan kailangan ko munang mag ayos ng mga gamit ko.” Wika ni Sebastian kay Elias.
‘’Sge kuya punta na din ako ng kwarto ko. Anong oras ba flight mo para maihatid ka namin kasama mga anak mo?’’ Tanong ni Elias kay Sebastian.
“Mga nine kailangan nandoon na ako sa airport." Wika ni Sebastian kay Elias.
‘’Sge kuya ihahatid ka namin kasama sila Lily at mga anak mo.’’ Wika ni Elias kay Sebastian.
Umakyat si Sebastian sa taas at agad pumunta sa kwarto.
‘’Hon.’’Sabay pasok sa loob ng kwarto.
‘’Oh hon tapos na kayo nag usap ni Elias?’’ Tanong ko sa kanya
‘’Oo kinausap ko lang siya sa pag stay ninyo dito at kailangan hindi kayo pabayaan niya hon.’’ Wika niya sa akin.
‘’Sebastian nakakahiya naman kaya naman sana namin ang mahalaga ligtas kami nandito pero huwag mo din i asa lahat kay Elias may trabaho din kapatid mo.’’ Wika ko kay Sebastian.
‘’ Okay lang yun hon ang mahalaga mabantayan kayo ni Elias dito at hindi pababayaan.’’ Wika ni Sebastian sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako sa ginawa ni Sebastian.
‘’Maayos na ba mga gamit ko hon?’’ Tanong niya sa akin
‘’Oo kakatapos ko lang ayusin mga gamit mo.’’ Sagot ko naman sa kanya
‘’Salamat honey hayaan mo lagi ako tatawag sa inyo pag balik ko ng Manila.’’ Wika ni Sebastian sa akin.
‘’Mamaya ihahatid ako ni Elias sa airport isasama daw kayo sa paghatid sa akin para naman makita ako ng mga bata.’’ Wika ni Sebastian sa akin.
‘’Ganun ba buti naman pumayag si Elias na sumama kami sa airport.’’ Wika ko sa kanya
‘’Papayag naman yun hon.’’ Sabi ni Sebastian sa akin.
Ilang oras na lang aals na din si Sebastian papuntang airport. Pinuntahan ko agad ang mga bata para sabihin sasama sila sa paghatid sa kanilang daddy sa airport. Tuwang tuwa naman ang dalawa dahil ihahatid nila ang daddy Sebastian.
Ibinaba na ni Sebastian ang kanyang maleta para ihanda na sa pag alis.
‘’Mommy aalis na ba tayo para ihatid si daddy?’’ Tanong ni Hope sa akin.
‘’Oo kailangan na ni daddy pumunta ng airport.’’ Sagot ko kay Hope.
‘’Nasaan na si Faith para baba na tayo nandoon na si daddy naghihintay.’’ Wika ko kay Hope.
‘’Faith halika na baba na tayo ihahatid na natin si daddy sa airport.’’ Sigaw ni Hope sa kanyang kakambal..
‘’Oo na palabas na Hope.’’ Sigaw naman ni Faith sa kakambal din niya.
‘’Halika na kayo Hope,Faith baba na kayo.’’ Sigaw ko sa kanila.
‘’Baba na po kami mommy.’’ Sigaw nilang dalawa.
Bumaba na silang dalawa at pumunta sa kinaroroonan ng daddy nila..
Saktong lumabas na din si Elias sa kwarto nito.
‘’Ano kuya okay ka na ba?’’ Tanong ni Elias sa kanyang kuya Sebastian.
‘’Okay na din dito na dalawa kong kambal.’’ Wika ni Sebastian sa kanyang kapatid.
Tumingin si Sebastian sa relo niya para tignan ang oras.
‘’Tara na ihatid nyo na ako sa airport gabi na.’’ Wika ni Sebastian sa amin.
‘’Okay let’s go na.’’ Wika ni Elias
Lumabas na kami sa bahay at nagtungo agad sa sasakyan. Hlla-hila ni Sebastian ang kanyang maleta palabas din. Sumakay na kaming tatlo sa likod sa back seat habang inaayos ni Sebastian sa likod ng sasakyan ang kanyang mga gamit. Nang maayos na ni Sebastian ay sumakay na agad sa front seat kasama si Elias sa driver seat.
‘’Okay lang ba kayo dyan honey?’’ Tanong ni Sebastian sa akin.
‘’Okay naman kami ng mga anak mo dito.’’ Sagot ko sa kanya
‘’Kuya seatbelt mo.’’ Wika ni Elias kay Sebastian
Inaayos ni Sebastian ang kanyang seatbelt saka pinaandar ni Elias ang sasakyan.
‘’Okay ka na kuya?’’ Tanong ni Elias kay Sebastian
‘’Okay na ako tara na alis na tayo.’’ Wika ni Sebastian sa kapatid nito.
Pinatakbo na ni Elias ang sasakyan papunta sa airport.
Ilang minuto ang biyahe namin nakarating na din kami sa airport ng Bohol.
Naghanap ng parking area si Elias para doon muna i park ang sasakyan para ihahatid namin sa loob si Sebastian. Nasa harapan na kami ng entrance hindi na kami pwede makapasok sa loob.
‘’Paano na yan hanggang dito na lang kayo hindi na pwedeng pumasok sa loob.’’ Wika ni Sebastian sa amin.
Biglang lumapit ang dalawang bata saka yumakap sa kanilang daddy.
‘’Daddy balikan mo kami dito pag okay na work mo doon sa Manila.’’ Wika ni Hope sa kanyang daddy.
‘’ Oo naman anak pupuntahan ko naman kayo ulit dito huwag kayong mag alala.’’ Wika ni Sebastian sa mga bata,
‘’Daddy mamimiss ka namin daddy.’’ Hagulgol na iyak ni Faith habang yakap yakap sa kanyang daddy.
‘’Tahana na Faith babalik naman si daddy pangako yan.’’ Wika ni Sebastian kay Faith
Nag iyakan silang dalawa habang yumayakap sa kanilang daddy.
‘’Tama mga anak huwag na kayong umiyak babalik pa naman si daddy dito.’’ Wika ko sa kanila
‘’Tama si mommy huwag na kayong iiyak promise babalik si daddy dito.’’ Wika ni Sebastian sa kanyang kambal.
‘’Huwag na kayong umiyak nandyan naman si tito Elias ninyo.’’ Wika ni Sebastian sa kanyang kambal na anak.
‘’Paano na yan papasok na ako sa loob huwag na kayong umiyak tatawag naman si daddy sa inyo Hope at Faith.’’ Bilin ni Sebastian sa dalawang anak nito.
‘’Hon, ikaw na bahala sa anak natin.’’Bilin ni Sebastian sa akin.
‘’Okay hon mag ingat ka doon sa Manila.’’ Wika ko sa kanya sabay yakap
‘’I love you hon.’’ Wika ni Sebastian sa akin.
‘’I love you honey.’’ Sagot ko sa kanya
‘’I love you Hope at Faith.’’ Wka ni Sebastian sabay halik sa dalawang bata.
‘’I love you daddy.’’ Wika ng dalawa bata sa kanya
Niyakap ni Sebastian ng mahigpit ang dalawang bata saka hinalikan niya ito.
Napaluha din si Sebastian habang yakap yakap ang kanyang dalawang anak.
Tumayo na siya at pinahiran ang kanyang luha.
‘’Papasok na ako sa loob paano na yan aalis na ako para pumila sa loob.’’ Wika ni Sebastian sa amin.
‘’Bye daddy.’’ Wika ng dalawang bata
‘’Ingat ka kuya.’’ Wika ni Elias sa kanyang kuya.
‘’Salamat Elias alis na ako ikaw na bahala sa kanila.’’ Wika ni Sebastian sa kanyang kapatid.
Naglakad si Sebastian dala ang kanyang maleta papasok sa loob.
Kitang kita ko sa mga bata ang lungkot nila na iniwan sila ng daddy nilang dalawa.
‘’Huwag na kayong malungkot babalik naman si daddy.’’ Wika ko sa dalawang bata.
‘’Tara na balik na tayo sa sasakyan uuwi na tayo.’’ Wika ni Elias sa amin.
‘’Halika na kayo uuwi na tayo sa bahay ni tito Elias ninyo.’’ Wika ko kay Hope at Faith.
Hinawakan ko silang dalawa saka sumunod kami kay Elias sa paglalakad.
‘’Okay ka lang Lily?’’ Tanong ni Elias sa akin.
‘’Oo okay lang ako Elias.’’ Sagot ko sa kanya
Binuksan niya ang pinto at pinasakay na kaming tatlo.
‘’Mommy.’’ Sambt ni Hope sa akin
‘’Yes baby huwag ka ng malungkot babalik si daddy.’’ Wika ko sa kanya
‘’Okay mommy.’’ Sagot niya sa akin.
‘’Alis na tayo.’’ Wika ni Elias sa amin.
‘’Sige Elias gumagabi na din kailangan na natin umuwi.’’ Wika ko sa kanya
Pinaandar na ni Elias ang sasakyan saka umalis na din kami pauwi sa kanyang bahay.
Nakayakap ang dalawang bata sa akin hinaplos ko mga buhok nilang dalawa saka hinalikan ko mga ulo nilang dalawa.
Isang oras din ang biyahe namin sa pag uwi ng nakarating na kami ay binuksan ni Elias ang gate gamit ang remote control. Pagbukas ng gate ay pinagpatuloy niya ang pagmamaneho ng sasakyan papasok sa loob.
‘’Dito na tayo.’’ Wika ni Elias sa akin
‘’Nakatulog pala itong dalawa akala ko gising pa silang dalawa.’’ Wika ko sa kanya
‘’Ganun ba saglit buhatin ko na lang sila isa-isa.’’ Wika ni Elias sa akin.
Nagmamadali siyang bumaba at binuksan ang pinto at binuksan ang pinto sa side namin.
‘’Ang himbing nga ng tulog nila unahin ko lang si Faith buhatin saka babalikan ko si Hope.’’Wika ni Elias sa akin.
‘’Okay Elias.’’ Wika ko sa kanya
Dahan-dahan niyang binuhat si Faith saka kinarga ito papuntang kwarto nila.
Naghintay kami ni Hope habang tulog din siya hawak ko.
Ilang minuto din binalikan kami ni Elias sa sasakyan.
Umikot sa kabila saka binuksan niya ang pinto.
‘’Akin na si Hope buhatin ko na siya.’’ Wika ni Elias sa akin.
Dahan-dahan niyang binuhat si Hope at kinarga ito. Bumaba na din ako sa sasakyan saka sinarado ang pinto ng sasakyan.
‘’Salamat Elias.’’ Wika ko sa kanya habang karga niya si Hope.
‘’Ibinilin kayo sa akin ni kuya Sebastian kaya kailangan ko kayong pangalagaan.’’Wika ni Elias sa akin.
Napangiti siya sa akin habang karga niya pa si Hope.
‘’Tara akyat na tayo Lily.’’Aya ni Elias sa akin
Pumasok na kami sa loob ng bahay saka dumeritso sa taas para dalhin si Hope sa kwarto nila.
Nang naka akyat na kami ipinasok namin si Hope pinahiga ni Elias si Hope sa tabi ni Faith.
‘’Salamat Elias.’’ Wika ko sa kanya.
‘’Walang anuman Lily pahinga ka na din alam kong pagod ka na.’’ Wika ni Elias sa akin.
“Ikaw din magpahinga ka na din pagod ka din sa pagmamaneho." Wika ko sa kanya.
"Salamat sa pag alala Lily. Sige na baba na ako pahinga ka na din. Goodnight.” Wika niya sa akin.
“Goodnight din sayo." Sambit ko din sa kanya.
Bumaba na si Elias sa papunta sa kanyang kwarto.
Pumasok muna ako sa kwarto ng mga bata para ayusin ko muna sila. Tinggalan ko sila ng sapatos at kinumutan silang dalawa.
Hinalikan ko muna sila saka lumabas ng kwarto nila. Dahan-dahan kong isarado ang pinto saka pumunta na din ako kwarto ko.
Pagpasok ko sa loob ay umupo muna ako sa kama ilang sandali. Nang naka pahinga na ako ay kinuha ko na ang tuwalya saka pumunta ng banyo para mag shower.
Ilang minuto ako nag shower ay lumabas na din ako para magbihis. Nang nakabihis na ako ay bigla akong nauuhaw nakalimutan ko pa lang magdala ng tubig maiinom. Bumaba ako saglit para kumuha ng maiinom na tubig sa kusina.
Kinuha ko ang tumbler na paglalagyan para lagyan ng tubig sa baba.
Dahan-dahan akong bumaba papunta sa kusina.
Tahimik na ang paligid dumeritso na ako sa kusina para kumuha ng maiinom Binuksan ko ang fridge sakay yumuko para abotin ang tubig sa ilalim.
“Ay butiki!" Gulat kong sabi ng nakita ko si Elias sa harapan ko.
“Ano ka ba Elias gugulatin mo naman ako." Wika ko sa kanya agad
“Hindi ko alam magugulatin ka pala. Sorry kung nagulat kita Lily." Paghingi niya ng paumanhin sa akin.
“Hindi naman ako magugulatin pero tumayo ka kasi sa madilim buti nga hindi ko ito sinaboy itong tubig kong inabot sa loob ng fridge." Wika ko sa kanya
Napangiti siya sa akin ng sinabi ko sa kanya.
“Pangiti-ngiti ka dyan. Kala mo madadala mo ako sa pangiti-ngiti mo muntik na akong atakihin sa gulat na ginawa mo.” Wika ko sa kanya.
“Sorry na po." Sabi niya sa akin.
"Sa susunod wag mo na akong gulatin baka iba pa mahawakan ko at maipalo ko pa sayo yun." Paliwanag ko sa kanya.
“Palo talaga agad. Grabe ka din sa akin hindi ka naman ganyan sa akin dati.” Wika niya sa akin.
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya sa akin.
"Ay sorry. Sige pasok na din ako sa kwarto ko Lily good night.” Sambit niya agad sa akin.
Hindi na ako umimik at umakyat na din ako dala ang tumbler ko na may laman tubig na.