Chapter 3
Lily's Pov
‘’Halika na dito para mahuhugasan ko daliri mo.’’ Tawag ko kay Elias
‘’Okay lang ito malayo naman sa bituka itong sugat ko.’’ Wika niya sa akin
‘’Hindi kasalanan ko bakit nasugat ka.’’ Wika ko sa kanya
‘’Okay na lang ako na lang kaya ko naman din.’’ Wika ni Elias sa akin
‘’Sorry ha nasugatan ka pa dahil sa akin.’’Sabi ko sa kanya
“Okay lang hindi mo naman sinasadya.” Sabi ni Elias sa akin.
“Sa kasalanan ko sayo kaya sorry.” Mahinang sabi ko sa kanya.
Na patigil si Elias habang naghuhugas ng kamay sa lababo.
‘’Alam kong nasaktan kita Elias kaya patawarin mo ako.’’Wika ko sa kanya
‘’ Akin na ibang gulay ako na maghiwa baka masugat ka pa sa kutsilyo.’’ Wika ni Elias sa akin.
Binigay ko ang dapat gamitin ng kutsilyo.
“Mommy,mommy!” Tawag ni Hope sa akin.
“Tinatawag ka na ng anak mo puntahan mo na muna ako na bahala dito.” Wika ni Elias sa akin.
“Sige saglit puntahan ko lang muna sila sa taas.” Wika ko sa kanya.
Umalis na ako saka nagtungo n ako sa taas para tignan muna ang dalawa.
“Mommy! Mommy!” Tawag sa akin.
“Ano yun Hope?” Tanong ko sa kanya agad
“Pwede makahingi ng water mommy please nauuhaw na po kami ni Faith.” Wika ni Hope sa akin.
‘’Sige magdadala ako water sa taas anak.’’ Wika ko kay Hope.
Bumalik ako sa kusina saka kumuha ng tumbler para lagyan ng tubig na maiinom.
‘’Anong gagawin mo?’’ Tanong ni Elias sa akin
‘’Nagpakuha sila ng maiinom nauuhaw ang dalawang bata.’’ Sagot ko kay Elias
‘’Ganun ba. Sige unahin mo muna sila Lily may biscuit din dyan baka nagugutom din mga bata.’’ Wika ni Elias sa akin.
‘’Sige kukuha na lang ako para sa dalawang bata.’’ Wika ko sa kanya
Kumuha muna ako ng tubig saka kumuha ng mga biscuit sa lalagyan para sa dalawang bata.
Saka nagtungo agad sa taas para ihatid sa kwarto ng dalawang bata. Pagdating ko taas ay kinatok ko agad ang kanilang kwarto.
‘’Hope,Faith pa bukas ng pinto,’’ Sambit ko habang kumakatok sa pinto.
Binuksan agad ang pinto saka pumasok ako sa loob.
“Thank you mommy.” Wika ni Hope sa akin.
“May dala ako biscuit bigay ni tito Elias nyo. Kumain daw muna kayo habang magluluto muna ako sa kusina.” Wika ko sa kanila
“Sige po mommy.” Wika ni Faith din sa akin.
“Paano dito muna kayo magluluto muna ako sa kusina para pagbalik ni daddy makakain na tayo.” Sabi ko sa kanila.
“Sige po mommy dito lang po kami ni Faith.” Wika ni Hope sa akin.
“Okay baba na ako.” Paalam ko sa kanila.
Bumaba na ako saka nagtungo agad sa kusina para ipagpatuloy sa pagluluto sa kusina.
“Oh bakit nag apron ka na dyan Elias ako na magluluto dyan.” Wika ko sa kanya.
“Huwag na ako na lang kaya ko naman na magluto. Hindi na ako tulad ng dati na may pautos magluto.” Sagot ni Elias sa akin.
Bigla na lang akong natahimik sa sinabi niya malaki talaga pinagbago ni Elias simula pinili ko si Sebastian sa kanya. Mas naging matured siya na lahat kaya niya na kahit mag isa na lang siya sa buhay.
“Nakakahiya naman kasi Elias nakikitira lang kami dito ikaw pa kumikilos para sa amin.” Wika ko sa kanya.
“Huwag mong isipin yan Lily hindi kayo ganun.” Wika ni Elias sa akin.
Tumingin siya sa relo sa kamay niya.
“Malapit na uuwi si kuya hindi naman traffic para makakuha ng ticket niya para mamayang gabi.” Wika ni Elias sa akin.
“Ako na maghanda sa mesa para pananghalian natin.” Wika ko agad kay Elias.
Kumuha na ako ng placemat at nilagay na sa table. Kumuha na din ako ng plato at kutsara at tinidor para sa gagamitin. Kumuha na din ako ng baso at pitcher para lagyan ng tubig na may ice. Inilagay ko na din sa mesa saka inayos.
Biglang mag bumusena sa labas nakabalik na agad si Sebastian galing kumuha ng ticket.
“Lalabas lang ako para buksan kuya mo.” Paalam ko kay Elias.
Lumabas na ako sa kusina saka pinuntahan ko agad si Sebastian sa labas para buksan ng gate. Nang binuksan ko ay agad ipinasok ang sasakyan saka pinarada sa loob.
“Hon mga bata?” Tanong ni Sebastian sa akin.
“Nasa kwarto pa rin sila hon nag art work pa rin sila pero tatawagin ko na sila ngayon para mag lunch na tayo.”Sagot ko sa kanya.
“Si Elias umalis ba?” Tanong ko sa kanya
“Hindi hon nasa kusina nag offer siya na lang magluluto ng ulam dapat ako sana mag luluto pero siya na lang daw.” Sagot ko sa kanya
“Ganun ba. Tara puntahan mo na mga bata para mag lunch na tayo.” Wika ni Sebastian sa akin.
“Sige hon pupuntahan ko na sila sa taas para tawagin.” Sabi ko sa kanya .
Nagtungo na ako agad sa taas para tawagin mga bata sa kanilang kwarto.
“Hope, Faith mag lunch na tayo.” Sambit ko sabay kumakatok sa pinto nila sa kwarto.
Pinag buksan nila ako ng pinto saka lumabas si Hope.
“Saan si Faith nandyan na daddy nyo mag lunch na tayo.” Wika ko kay Hope.
“Faith nandyan na si daddy mag lunch na tayo.” Wika ni Hope sa kanyang kambal.
“Si daddy nandyan na tara na baba na tayo.” Wika ni Faith
“Wait, ligpit nyo muna mga papers nyo para hindi masyadong makalat ang kwarto ninyo. ” Utos ko sa kanila
“Okay mommy.” Sagot nila sa akin.
Nagmamadali silang magligpit sa mga kalat nila sa sahig para makababa na silang dalawa.
“Ayusin mo Faith baka pagalitan tayo ni mommy.” Wika ni Hope sa kanyang kambal.
“Oo na inaayos ko naman.” Wika ni Faith kay Hope.
Inayos ng dalawa ang kanilang papel ng natapos na ay lumabas na silang dalawa.
“Tapos na ba?” Tanong ko sa kanilang dalawa
“Opo mommy maayos na po mommy.” Wika nila sa akin.
“Okay halika na kayo bumaba na tayong tatlo.” Wika ko sa kanila.
“Dahan-dahan kayong dalawa sa pag baba.” Wika ko sa dalawang bata.
“Elias marunong ka na palang magluto ngayon?” Tanong ni Sebastian sa kanyang kapatid.
“Ah ikaw pala oo marunong na ako simula nag solo na akong mamuhay.” Wika ni Elias sa kanyang kuya Sebastian.
“Natuto ka na talaga mag isa buhay.” Wika ni Sebastian sa kanyang kapatid.
“Daddy.” Bungad ng dalawa ng nakita nila ang daddy nila
“Oo natapos na ba art work ninyong dalawa?” Tanong ni Sebastian sa kambal niya.
“Opo daddy tapos na po.” Sagot naman ni Faith sa kanilang daddy.
“Good buti naman nalibang kayong dalawa sa ginagawa ninyo.” Wika ni daddy Sebatian.
“Galing naman pala ng mga anak mo kuya Sebatian nakikinig pala silang dalawa.” Wika ni Elias kay Sebastian.
“Oo Elias masunurin yang dalawa at napaka lambing.”Sabi agad ni Sebastian.
“Sige na umupo na kayo ihahanda ko na itong ulam natin.” Wika ni Elias sa amin.
“O upo na tayo sa mesa para kumain na tayo.” Wika ni Sebastian sa dalawang chikiting niya.
“Mag sasandok lang ako ng kanin para maihain ko na doon sa mesa.” Wika ko agad kay Sebastian.
“Ako na lang kaya dyan Lily.” Wika ni Elias sa akin.
“No kaya ko naman din.” Sabi ko agad sa kanya.
“Okay.” Wika niya sa akin agad
Nag sandok na ako agad saka dinala na agad sa mesa.
“Ito na ang niluto kong nilagang baboy.” Wika ni Elias sa amin.
“Masarap ba yan daddy?" Tanong ni Faith
“Oo naman luto ng tito Elias mo yan. Taste it.” Wika ni Sebastian kay Faith.
Sinandukan ni Sebastian si Faith sa kanyang plato at nilagyan ng kanin ito.
" Ito din sayo Hope tikman mo niluto ni tito Elias mo." Wika ni daddy Sebastian kay Hope.
Tinikman ng dalawa ang ulam.
"It tastes good daddy.” Sagot ni Hope kay daddy Sebastian.
"Yes daddy, it tastes good." Sagot din ni Faith.
“Sabi ko sa inyo masarap magluto na si tito Elias." Wika ni Sebastian sa kanila.
"Marunong ka na talaga sa kusina.” Wika ko sa kanya
"Kaunti lang may natutunan lang tayo.” Sabi ni Elias agad
"Kain na kayo baka lumamig ang sabaw.” Wika ni Elias sa amin.
“Oo nga masarap nga pwede ka na talaga mag asawa Elias." Sambit agad ni Sebastian kay Elias.
Napatigil kaming sa pagsubo.
“Ah kuya hindi pa pwede kailangan negosyo muna wala pa sa isip yan." Sagot naman agad ni Elias sa kanyang kuya.
“Marami ka ng naipondar na negosyo Elias kaya kaya munang bumuhay ng pamilya." Wika ng kuya Sebastian niya.
“Okay lang wala pa talaga sa isip ko mag asawa kuya focus na lang muna sa negosyo." Wika ni Elias kay Sebastian.
“Diba may girlfriend ka na nasaan na siya ngayon ipakilala mo naman kami Elias." Wika ni Sebastian kay Elias
“Wala siya dito kuya nasa ibang bansa siya ngayon nagtatrabaho." Agad sabi ni Elias sa kanyang kuya.
“Dapat niyaya mo na siyang magpakasal bago pumunta ng ibang bansa." Wika ni Sebastian
"Wala pa talaga sa plano kuya kaya okay lang naman.” Wika ni Elias sa kanyang kuya
“Hon dami mo naman tanong kay Elias kumain na tayo." Wika ko sa kanya.
“Sorry." Sambit agad ni Sebastian sa akin.
Nabantayan ko napatingin si Elias sa akin sa sinabi ko sa kanya. Nagpatuloy na kaming kumain.
Napatingin din ako sa dalawang bata kumakain silang pareho mukhang nasasarapan sila sa luto ng tito Elias nila.
Nang natapos kaming kumain ay tumayo na ang dalawang bata.
“Ah ako na magligpit ng pinagkainan ako na bahala dito.” Wika ko sa kanila.
"Mommy sa sala muna kami kasama mga bata. Okay ka lang ba ikaw na muna dito?” Tanong ni Sebastian sa akin.
"Oo okay lang ako. Ako na bahala dito magligpit.” Wika ko sa kanila.
"O tara Elias mag pahangin muna tayo sa labas.” Aya ni Sebastian sa kanyang kapatid.
"Sige kuya.” Sagot din ni Elias.
" Let's go na." Aya ni Sebastian sa dalawa niyang kambal.
Nagtungo na sila sa labas para magpahangin.
“Kuya mamaya na ba alis mo?" Tanong ni Elias sa kanyang kuya.
“Oo mamaya na kaya ibibilin ko sayo mag iina ko muna Elias huwag mo silang pababayaan." Pakiusap ni Sebastian sa kanyang kapatid na si Elias.
“Welcome sila dito kuya at walang mangyayari sa mag in mo." Sabi agad ni Elias sa kanyang kuya.
"Paano ka doon sa Manila?” Tanong ni Elias kay Sebastian.
"Okay lang titiisin ko muna mag isa kaysa mapahamak mag ina ko Elias.” Sagot ni Sebastian kay Elias.
"Sana magbago na si Liam." Wika agad ni Elias.
“Hindi na yun magbabago Elias nilamon na siya ng kasamaan.” Sabi ni Sebastian kay Elias
“Gusto ko parin ma completo tayong tatlo kuya." Wika ni Elias .
“Wala na Elias naging demonyo na kapatid natin at wala akong tiwala para sa pamilya ko." Wika ni Sebastian kay Elias.
"Alam Elias ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko para sa pamilya ko. Huwag mo silang pababayaan habang wala ako.” Wika ni Sebastian sa kanyang kapatid.
Hindi naka imik si Elias sa sinabi ni Sebastian.
"Elias mangako ka hinding hindi mo pa babayaan mag ina ko." Wika ni Sebastian kay Elias.
“Pangako kuya hindi ko sila pababayaan." Wika ni Elias sa kanyang kuya.
"Salamat Elias.” Wika ni Sebastian sa kanyang kapatid