"Tok! Tok! Tok!" Ang tunog ng pintuan. Baka siya na iyan. Baka iyan na ang taong namimiss ko. Baka. Bigla naman ako nagtungo sa pinto at inikot ang doorknob niyo at dahan-dahan ko itong binuksan. Nabigla naman ako nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Si Tita Althea pala. Agad ko naman siyang pinatuloy sa aming mumunting apartment. "Upo po kayo" sabi ko. At umupo naman siya sa sofa. "Magandang gabi po Tita!" Masiglang bati ko sa kanya kahit na nagtataka ako kung bakit nandito siya. "Sam, alam kong mabuti kang kaibigan ni Kenneth, pero hinihiling ko sa'yo na sana layuan mo na siya" paguumpisa ni Tita. "Itigil mo na rin kung ano man ang nararamdaman mo sa anak ko." Dagdag pa niya. "Tita, wala po akong nararamdaman para sa kanya" pagsisinungaling ko. "Ih

