Dumating na yung araw na kasal ni Jasper at ni Gwen. Ang sarap nilang tingnan mula sa malayo. Tila napaka-perpekto nila at talagang itinadhana sila para sa isa't-isa. Malayong-malayo sa kalagayan ko, na parati akong iniiwan, laging nasasaktan. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Parang itinadhana ako upang maging mag-isa sa buhay. Yung walang karamay. Hayyyyyyy!!!!! Ano ba ang pinag-iisip ko? Noon yun, natuto na akong maging matatag, maging malakas, at tinalikuran ko na yung madilim kong nakaraan. Tapos na kasi yun e. Wala na akong magagawa. Kailangan lang talagang maging malakas ka at magpakatatag sa buhay. At sa ngayon nga, ginaganap na yung kasal. "I do father." Ang sabi ni Jasper. "You may now kiss the bride!" Ang tugon ng pari na nagkasal kina Jasper at Gwen. Unti-unti namang i

