Pagkatapos ng pangyayaring iyon, nagtungo ako sa aking kwarto at nagkulong. Ang sakit pala nun. Yung mahal mo, may mahal na iba. Yung mas higit sa'yo, malayong maging ikaw.
Nahulog na ako nang tuluyan kay Ken at si Tine lang ang nakakaalam nito. Masakit kasi na kahit bestfriend niya lang ako, umasa pa rin ako na magkakagusto siya sa akin.
Bakit ba kasi ang landi landi ko? Hindi pa ba sapat yung mga natutunan ko dati at nagpakatanga pa rin ako ng ganito? Ang problema kasi sa akin, sa isang katulad ko, binibigyan ko ng malisya yung lahat.
Ang hirap umasa kasi naman sabik ako sa pagmamahal. Pero ganoon talaga, sasampalin at sasampalin ka pa rin ng katotohanan na kailanman, hinding-hindi ako magkakaroon ng happy love story kasi bakla ako, walang papatol sa akin, walang magmamahal ng tunay, peperahan lang ako at ako namang tanga, bigay nang bigay.
Ang drama ko naman! Kailangan ko lang namang isulat ito sa aking diary dahil dito ko maibubuhos ang sakit na aking nararamdaman.
***********************************
Natapos na rin ako nang biglang nag-vibrate phone ko.
From: Kenneth
Thank you Sam for everything! Jane and I are official! Tanggap na rin ako ng parents niya, pati ang parents ko!
To : Kenneth
Congrats Ken! Huwag mo siyang lolokohin ah? Jojombagin talaga kita! It's a good thing for both of you guys.
Hindi na siya nag-reply.
Hayyyyy... Masakit pero kailangang tanggapin.
Kakain na lang siguro ako tutal, ito yung sandigan ko sa bawat problema. Nakakatulong ang pagkain para mabawasan stress ko sa buhay.
Hinding-hindi na talaga ako mahuhulog sa kanila! Panira lang ng buhay.
At isa pa, wala rin namang papatol.Hahaha Tomorrow is the second day of HS week na three days lang. Oh diba?! Unique na unique!