Chapter 18 – Highschool Week Day 2

309 Words
Second day na ng HS week na tatlong araw lang naman pero bakit tinawag na week? Ewan ko nga rin e. Sa ikalawang araw naman, parang intramurals ito kasi maglalaban-laban yung 1st year section A at section B. Ganyan lang yung system pero siguro magiging masaya itong araw na ito kahit nasasaktan ako. LOL   * F A S T   F O R W A R D   * And ayun nga, natapos na yung Intramurals at over-all champion ang mga second year. Hindi ko na ieexplain masyadong critical. Habang nagliligpit kami sa gym at preparation para sa last day bukas, bigla na mang bumungad sa aking harapan ang dalawang nagmamahalan. "Hello Sam" ngiting bati ni Ken. "Oh Ken, Oh Jane, anong kailangan niyo?" Masigla kong tanong kahit deep inside hindi.   "Wala naman. Pwede ba tayong pumunta sa park ngayon?" Jane asked me. "Yeah. Of course. Let's go!" Sabi ko naman. Pumunta naman kami doon sa park kung saan sila unang nagkakilala. Para naman akong yaya rito na sunud-sunuran lang sa kanila habang silang dalawa, nagho-holding hands pa. Sana ako na lang kaso malabo. Kumain lang kami ng cotton candy, hamburger, shake, at syempre siomai. Syempre busog na naman ang lola niyo! Ang sarap talagang kumain. Pero mas masarap kumain kapag kasama mo yung taong mahal mo... May mahal na iba. Pakshet lang talaga.   Hinatid muna namin si Jane sa bahay nila pagkatapos ay sabay kaming umuwi ni Kenneth. Ako na muna yung namasahe kasi naman kahiya sila na nga nagpameryenda sa akin, magpapalibre pa ba ako ng pamasahe? Kahiya yun no. "Bayad po" sabay abot ko kay Manong. "Dalawa pong Brgy. Maligaya" sabat naman ni Kenneth kay Manong. Pinandilatan ko siya ng mata at ngumiti na lang siya. Pupunta kami sa bahay nila at hindi ako mapakali baka makita ako ng parents niya at baka ayawan nila ako o ipagtabuyan.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD