Nakababa na kami sa jeep at papunta na kami ngayon sa bahay nila Kenneth.
"Amm.... Sam, medyo makulit si mommy, ako na ang humihingi ng pasensiya ngayon palang." Sabi naman niya sa akin.
"I can manage naman e." Casual ko lang na sagot.
At sa wakas, nakarating na kami sa kanilang bahay, simple lang kasya sa kanilang pamilya.
"Good Afternoon po." Masiglang bati ko doon sa mama ni Ken natila nabigla sa aking pagdating.
"Anak, parang nag-iba ata ang hitsura ni Jane." Takang pagtatanong ng nanay niya. Joker din pala siya ah.
"Ma, hindi ito si Jane. Uto si Sam yung kinekwento ko sa'yong friend ko." Pagkaklaro ni Kenneth.
"Ahhh siya yung beking tumulong sa iyong makilala si Jane?!" Tanong ni tita. Wow ah! Kung maka-tita close agad?!
"Opo. Ako nga po. Ako po si Samuel Ventura." Pagmamalaki ko naman sa kanya.
"Althea, mama ni Kenneth." Masiglang pagpapakilala ni tita.
"Nice meeting you po Ma'am Althea." Sabi ko.
"Naku, Tita Althea na lang." Sabay kindat niya.
Pagkalipas ng ilang sandali, may lumabas namang lalaking kahawig ni Kenneth. Ito siguro tatay niya alangan namang kuya e only child lang tong mokong na to.
"Good Afternoon po!" Bati ko naman sa kanya.
"Ikaw ba si Sam? Yung tumulong sa anak ko?" Tanong naman niya.
"Opo. Ako nga ho si Samuel Ventura, nice meeting you po sir." Ang sabi ko.
"Tito Raymond na lang"
"Sige po Tito Raymond." Masigla kong sabi.
Pinagmeryenda kami ni Tita kaso tumanggi kami dahil sa busog nga kami kanina sa park. Iniwanan muna kami ni Kenneth dito sa sala at masayang nagkwentuhan kami nina Tita at Tito.
Wow! Feeling parents!
Ayun, base sa kanilang mga kilos, mababait talaga sila at kitang-kita sa mga certificates ng pamilya nila ukol sa mga charities, etc.
Tinawag naman ako ni Kenneth papunta sa kwarto niya at nang makita ko ito, napaka simple nito pero elegante at sopistikado ang mga designs, parang nasa palasyo ako. Lumabas naman siya mula sa banyo at naka boxershorts lang.
"Hi baby." Sabi naman niya with a seductive voice.
Akmang hahalikan niya na ako pero tinulak ko siya ng malakas.