Hayyyyssss... Next month na ang high school week and as usual, kami ang organizers nun kasama ang faculty and staffs.
"You faggot!" Biglang lumitaw ang isang babaeng parang white lady kung maka-apply ng foundation parang wala ng bukas!
"Anong ginawa ko sa iyo?!" Pagtataray ko.
"I saw you last time with my Prince together! May hatid-hatid effect ka pang nalalamang bakla ka!" Sabi ni tempura. Aba! Paki ko sa kanya!
"Edi gumaya ka! Echosera to, sayo na siya! Lamunin mo! Laklakin mo! Pagpapak mo!" Sagot ko sa kanya. Mahaderang 'to!
Kung maka agaw ng atensiyon daig pa ang kalyeserye!
"Huwag na huwag ka ng lumapit sa kanya kung hindi, I will make your life a living hell!" Pagbabanta niya.
Hindi ko na papatulan itong shrimp na itey, baka ma-stress lang aketch!
Nilagpasan ko na lang siya para makaiwas sa g**o.
Pagkalagpas na pagkalagpas ko sa kanya, tinapunan niya ako ng juice niya.
"Oh my God!" Sigaw ko.
"Ayan ang bagay sa mga malalandi!"
Nagdilim na ang paningin ko at sinabunutan ko na si shrimp. Hmmmmmm! Ang sarap sa feeling! Nagsabunutan lang kami.
Mas lamang ako kasi mahab ang buhok niya, ako naman nagpagupit pa lang ako kamakailan.
"What's happening here?!" Pagkalingon namin, si Ms. Joy pala ang aming guidance officer.
"You two, in my office now!" Sigaw naman niya at pumunta kami sa opisina niya. Pagkarating namin, umupo kami sa magkabilang upuan ng table niya at magsisimula na si Ms. Joy.
"What happened?! Explain and enlighten me!" At ayun, sinalaysay ko ang tunay na nangyari.
"So, this is my verdict; you will clean the whole gymnasium for only 3 hours."
Nabigla naman kaming dalawa.
"What?!" Sabay naming sabi.
"No more buts, or else" dagdag pa niya.
Alam na namin iyon. Walang magagawa kung hindi sumunod sa parusa.
And for 3 hours, maglilinis kami ng gym kasama ang bitchessang ito na mukhang kinulam ang fezlak!
*linis diyo, linis doon* Nakakaloka ito! Bwisit na 'to humanda ka!