Napasigaw ako ng napakalakas nang makita ko si Temoy nakaupo sa sofa namin!
"Oh bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Ibabalik ko lang itong panyo mo, nahulog sa jeep noong friday." Sagot naman niya.
"Oh anak, ganyan mo ba i-welcome ang bisita?" Sabat naman ni mudra.
Nag-ayos na lang ako at nagpalit ng damit. Pagkabalik ko sa sala, nadatnan kong nag-uusap sila ni mama.
"Hindi mo pala alam ang pangalan niya no?" Tanong ni nanay.
"Wala po akong pake." Tipid kong sagot.
"Sus bakla! Pakipot ka pa eh!" Tukso naman ni nanay.
"Hi again! I am Kenneth Rome Gomez" sabay abot ng kaliwang kamay niya pagkatapos niyang tumayo para magpakilala.
"Samuel Ventura, just call me Sam" tipid kong sagot at nakipagkamay.
Alam ko na yung pangalan niya! Add na this! Joke lang!
"Oh iho, anak, maiwan ko muna kayo at kailangan kong pumunta kina Mareng Gina, may piging sa kanila. May meryenda doon sa ref, kunin niyo na lang"
"Bye nay!" Sabi ko habang paalis siya.
Naiwan nga kami ni Kenneth dito sa sala. Kinuha ko sa ref yung orange juice tapos may cookies at gumawa pala ng graham balls si mama.
"Oh ito" sabay abot ko sa kanya ng juice, cookies, at graham balls.
"Thank you." Sagot niya sabay ngiti. Sheet!
Naupo na rin ako and he started the conversation.
"So how are you?" Tanong niya.
"I'm good. I'm fine." Sagot ko
So ayun, parang nag bonding lang kami at mas nakilala namin yung isa't-isa.
Varsity pala siua sa school nila, tapos mahilig siya sa marshmallows. SINGLE din siya!
Magbunyi tayo! May crush daw siya, torpe nga lang.
So syempre it means na walang pag-asa. Ayos lang naman, sanay na ako diyan.
"Friends?" Tanong niya na may halong ngiti. Poohta naman eh! Bat kasi ang gwapo niya????
"Friends." Sagot ko naman.
At ayun, inubos namin yung mga pagkain at hindi na ako nagtira kay mama. Nakikain naman siya eh.
Bandang 5:30 pm, hinatid ko na siya sa kanto at maghihintay ng jeep.
"Ingat" sabi ko.
"Oo naman" sagot niya.
At sumakay na siya sa jeep ng tuluyan.
Nag goodbye wave lang ako habang papalayo yung jeep at pagkatapos ay bumalik na rin ako sa bahay.