Chapter 11 – Corollary

307 Words
Lunes na naman! For sure, trending sa classroom ang nakaraang ISSC marami kasi sa amin dito ang players especially basketball boys. So ayun nga dahil 30 minutes ang home room namin, nag chismisan lang kami ng buong klase. Asaran, Sigawan, Batuhan ng papel. Syempre joke lang, nandiyan adviser namin. "Oh class, nabalitaan ko na noong last day ng ISSC ay nakita ang president niyo sa Student Council at isang boylet na magkasama!" Panuksong sabi ni Ma'am Almodal, ang adviser namin. Nag-ayieeee naman ang mga kaklase ko in unison. "Sam ah, pagpapalit mo na ba ako?!" Tampong tanong sa akin ni Tine. Pabebe at tampolord itong lukring na to! "Baliw wala yun, natamaan lang niya ako ng bola at nawala kasi pera ko kaya ayun, instant tourist guide ako at sabay lang kaming umuwi." Lalo namang umingay ang mga kaklase ko pagkatapos kong sinabi yun. "Aba! May hatid effect pa!" Pigil na kilig ni ma'am. "Ma'am, wala po talaga yun. Mas nauna po akong bumaba at di ko po alam bahay niya." Ang depensa ko. "Oh bakit parang nagtatampururut ka riyan?!" Mrs. Almodal replied. "Naku ma'am enough na po. Wala lang iyon okay?! Straight po yun." Depensa ko sa kanya. "Okay, sabi mo eh!" Sabi naman ni ma'am. Mabait yung temoy na yun, cute, tsaka boyfriend material. Ang swerte naman ng girlfriend nun masyadong perfect boy siya para sa kanya. Yung akin kaya? Perfect din ba? Walang perpekto! Oh yes, I know pero tulad niya rin kaya siya? Ano ba! Nangangarap ka na naman ako eh. Alam ko naman na hindi mangyayari sakin yung mga bagay na yan! Echosera at ambisyosa lang talaga ako! Naku, ikain ko nalang ito. Umuwi na ako sa bahay, mabilis ang lunes ngayon! Hahaha. Karating ko sa aming bahay, hindi na ako kumatok at agad na binuksan ko ang pinto nang biglang.................................................... WWWWWWWWWWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD