RED HARMONY VENTURA
Bago umuwi ay dumaan na muna ako sa panggabing flower shop. Tatlong piraso ng puting rosas ang pinili ko upang ibigay kay Mrs. Ventura—ang kasalukuyang kinikilala kong ina.
Bumili rin ako ng life-sized teddy bear. At wine para kay daddy.
Nang makapasok sa mansion ng Ventura ay pumuno sa sistema ko ang mga mabining halakhak at tunog ng mga gamit-pangkusina na nanggagaling sa kusina. Naamoy ko rin ang masarap na amoy ng pagkain.
"This is the smell of home," salitang bungad ko sa kanila.
"Marie. I'm glad you made it." Sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni RED VENTURA... Ang totoong Red Ventura.
Sa edad na 25 ay mapagkakamalan na kinse-anyos dahil sa kundisyon ng kalusugan. Maputla ang balat nito at may mga labi na halatang hindi naaarawan. Napakapayat nito na aakalain mo na hindi kayang suportahan ng balat ang mga buto nito sa katawan.
Buong buhay nito ay may nakaalalay dahil hindi nito kayang kumilos mag-isa. Hindi na rin ito nakaranas na maglakad dahil ginupo na ito ng silyang-de-gulong sa murang-edad pa lamang. Ma-swerte na rin ang araw na wala itong dextrose at oxygen.
"Akala namin ng daddy mo ay hindi ka na makakapunta, anak..." Lumapit sa akin si mommy—si Dr. Alicia Ventura. Humalik ako sa pisngi n'ya at ibinigay ang dala ko na rosas.
Mula ulo hanggang paa ay makikita ang pagiging sopistikada ng itinuring kong ina. Hindi halata sa mukha ang tunay na edad dahil sa kagandahang taglay. A woman with a golden spoon since she was born, sabi nga nila. 'Wag mo nang isama ang pagiging matalino nito. How can I forgot na ito mismo ang nagturo ng mga bagay na dapat kong malaman higit pa sa itinuturo sa paaralan?
Sa kanya nakuha ni Red ang natural na kulay ginto nitong buhok.
"Pwede po ba naman na 'di ako magpunta, e, 'di ko natikman ang luto ni daddy?" Kumindat ako sa lalaking mahahalata ang pagiging kastila dahil sa hitsura nito. Matangkad at nananatiling makisig kahit pa may ilang puti na sa buhok nito—si Mauro Ventura. Iniabot ko rito ang mamahaling wine na dala ko.
"Magagalit talaga sa iyo si daddy kapag hindi ka nagpunta rito," biro sa akin ni daddy. Lumapit ako sa kanya at yinakap siya.
"Ang daya naman, Marie, sila mommy at daddy mayroon, pero si ate ay wala?" nakangusong sabi ni Red kaya napangiti ako. She's like a child everytime she do that.
"Mr. Arguales?!" malakas na tawag ko sa lalaking papàsok sa pinto na dala ang binili kong teddy bear para kay Red.
"You're with Daryl?" Tumango ako kay Red. "How do I look?" Namula nang kaunti ang pisngi n'yang maputla.
"You're always beautiful."
"Good evening po, Tita and Tito," bati ni Daryl sa mga magulang namin.
"Join us, hijo," alok ni daddy sa kanya. "Azon, ihanda mo na ang hapag."
Daryl is one of daddy's apprentice sa company. Nag-OJT ito before sa kompanya at nagustuhan ni daddy kaya inalok na sa kompanya na lang magtrabaho after his graduation. Pumayag si Daryl at dahil wala na itong mga magulang—well, according to him— ay naging malapit sa kanya si daddy. Hanggang isang beses ay inimbita ni daddy ang binata hanggang ang isang beses ay nasundan nang nasundan.
Pero kung ako ang tatanungin sa kalagayan ni Daryl sa pamilya namin ay hindi ko siya pinagkakatiwalaan nang lubos. He's so clean... Masyadong malinis kaya nakakapagduda. I have a trust issue, I know that. It is just hard for me to let my guard down dahil baka mapahamak lang si Red lalo pa at may gusto ang kapatid ko sa lalaki.
Ilang minuto lang ay nakahain na ang mga pagkain na si daddy mismo ang nagluto kaya dumulog na kami sa hapag-kainan.
"Nakapagpa-enrol ka na ba, hija?" tanomg ni mommy sa pagitan ng pagnguya.
"Yes, mom. 'Yon po ang inasikaso ko nitong mga nakaraang araw kaya hindi ako nagagawi rito," I answered her half lied, half true.
"Mas payat ka ngayon, anak, baka napapabayaan mo na ang sarili mo?" Si daddy naman. Kapag kalusugan na ang pinag-uusapan ay masyadong istrikto si daddy kaysa kay mommy ma siyang doktor sa pamilya.
"Oo nga, Marie, baka magkasakit ka n'yan. 'Wag mo nang gayahin si Ate." Hinawakan ko ang kamay niya para ipahatid sa kanya na ayos lang ako.
Sa tingin ko, kung hindi lang dahil sa kalagayan ni Red, s'ya na mismo ang mag-aasikaso sa akin dahil kahit minsan ay hindi ko naramdaman na naingggit o kaya ay nagselos sa akin si Red. Trinato n'ya ako na na parang tunay na kapatid n'ya.
"Saan ka mag-aaral, hija?"
Nginuya ko na muna ang karne sa bibig ko bago sinagot si daddy. "Sa Wayward University, dad."
"Ohh, we're going in the same school? That's nice..." sabi ni Daryl.
"Mag-aaral ka ba uli?" Tumango siya. "Ano ang course na kukunin mo?"
"Engineering. How about you?"
"Malalaman mo na lang," sagot ko at binigyan siya ng simpleng ngiti.
"Ayaw mo na ng home schooling, ha?"
Nagkibit lang ako ng balikat. "Hmm. I want try something else. Nakapag-aral nga ako sa regular school pero sa ibang bansa naman."
"What's wrong with that?"
"Nothing..." sagot ko na lang.
We end up talking sa lanai. Nag-uusap sila habang nakatingala lang ako sa kalangitan at tahimik.
Si Red ay ganoon din ang ginagawa. Hindi alintana ang lamig at hamog ng gabi. Masaya siya at hindi iyon maipagkakaila ng mga mata n'ya.
She's inlove...
Love?
Simula nang kabiguan ko noong bata pa ako ay pinatay ko na ang damdaming 'yon sa puso ko. Naglagay ako ng harang sa pagitan ko at ng mga lalaking nagtangkang pumasok sa puso ko.
Hindi ako kailaman nagtiwala sa mga lalaking hindi ko lubusang kilala.
Hindi mapagkakatiwalaan ang mga lalaki! 'Yon ang napagtanto ko. Mabuti lang sila sa umpisa. Kapag nalaman nila na nakahawak ka na sa kamay na iniabot nila sa iyo ay bibitawan ka na lang nila bigla para mahulog ka at mabasag na tila isang babasagin na kristal!
"Are you okay, Marie?" Naramdaman ko ang pagkawak ni Red sa kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Napagod lang ako. Hindi ka pa ba inaantok?"
"Hindi pa naman. Mamaya na tayo pumasok." Tumingala s'ya sa langit. "Maaliwalas ang gabi, noh?" Tumango ako dahil totoo naman ang sinabi niya. "Idagdag pa na magandang tingnan ang bilog na buwan. Alam mo? Minsan, gusto kong maranasan ang mga bagay na ginagawa ng mga kasing-edad ko."
"Hindi mo magugustuhan," payak ang tinig na sabi ko. Sa pagkakakilala ko kay Red ay s'ya ang tipo na ayaw n'yang kaawaan s'ya kaya kapag may nararamdaman siya katawan na hindi maganda dahil sa kalagayan ay sinasarili niya na lang. She even opted to cut her medication and that 2 years ago. Sa una ay naging maganda ang resulta kaya nagkaroon kami ng pag-asa na gagaling siya. But the flame of hope is just an illusion dahil matapos ang ilang buwan ay nalugmok ulit si Red at mas lumala ang kalagayan.
"Sa tingin mo?" Tumango ako. "Tell me kung bakit hindi ko magugustuhan."
"'Yong mga kaedaran natin? Gabi-gabing nasa bar. Nag-iinom, nagsasaya, nakikipagharutan at kung anu-anong makamundong gawain ang ginagawa nila."
"Maganda ba 'yang bar na sinasabi mo?" Nakangiti s'ya. Naaaliw sa kwentuhan namin. Kailan ba ang huling pag-uusap namin? That was 3 months ago.
"Para sa akin, hindi. Magulo, maingay at nakakahilo dahil sa dami ng mga nagsasayawan."
Humagikhik s'ya. "Ayoko nang magpunta roon kung ganoon."
"I told you." Kinindatan ko siya.
Natahimik na ulit kaming dalawa at sinimulang tingnan uli ang kalangitan.
"Dito ka ba matutulog, Harmony?" tanong ni Daryl sa akin.
RED HARMONY VENTURA... 'Yan ang buo kong pangalan.
Bukod sa kaalaman n'ya na hindi lang ako ang anak ng mga Ventura ay wala na s'yang alam tungkol sa pamilya na 'to.
Ang alam n'ya lang ay gusto ko na maging independent kaya nakabukod ako sa pamilya ko.
"Oo," sagot ko. Tumayo na s'ya. "Aalis ka na?"
"Yeah, it's getting late." Nagpaalam na s'ya sa mga magulang namin.
Humalik muna s'ya sa pisngi ni Red bago tuluyang umalis.
"Let's get inside. Malamig na rin," sabi ko at pumunta na sa likurang bahagi ng wheelchair ni Red.
"Dito ka ba talaga matutulog?" Nilingon at tiningala ako ni Red na kasalukuyang tulak-tulak ko ang silya n'yang de gulong.
"Hindi."
"Sabi mo kanina, dito ka matutulog, anak?" Si daddy.
"May aasikasuhin pa po ako, dad. Pasensya na po."
Binigyan n'ya ako ng makahulugang tingin.
"Sa tingin ko, kailangan ko na ring magpahinga. Pwede bang samahan mo muna ako hanggang sa makatulog lang ako? Please..." pakiusap sa akin ni Red. Who am I to turned her down? Ganito talaga siya parati kapag nandito ako. Naglalambing. Natural na 'yon sa ugali n'ya.
"Oo naman."
Nagtungo kami sa elevator.
Yeah! This house has it's own elevator. Pinasadya nila para kay Red. Para hindi na rin mahirapan ang katulong na siyang nag-aalaga sa kapatid ko.
Binihisan ko na muna si Red bago siya binuhat at pinaupo sa kama niya. Sinuklayan ko rin ang buhok n'ya.
"Buti na lang at kaya mo si ate, no?" Mahinahon na magsalita si Red. Malumanay. Para kang nakikipag-usap sa anghel kapag siya ang kausap mo. "Kantahan mo ko, Marie, please," aniya bago humiga at ipinikit ang mga mata. Kapag walang ibang tao, kadalasan nila akong tawagin sa totoo kong pangalan.
Tumayo ako at kinuha ang gitara na nasa sulok ng kwarto n'ya.
Sinimulan ko na magtipa sa gitara at kumanta hanggang sa makatulog s'ya.
When I lost my heart, you found it.
You shared the air to make breath
You held my hands when I was down
Now I am standing high in the same old ground
Those sleepless night and nightmares
You made me sure that I could carry on
Those hurtful memories that made my heart a battleground
You were there to guide me home
And now that I am strong, where are you now?
Here is my faith; enough to carry us home
Don't close your eyes, let's enjoy the light
Because I'll be here to keep you safe
Ginawa ko ang kantang 'to noong bata pa ako. It was dedicated to the boy who saved me—and then, betrayed me.
Makakalimutan ko ba kung ilang beses akong nadapa noong panahong wala ako sa sarili kong pamilya? Siguro ay hindi ko na rin kayang burahin iyon sa isipan ko dahil sa bawat pagkakataon na nadadapa ako ay may mga taong inilalahad ang kamay nila para tuluyan akong makatayo.
Tinitigan ko si Red na payapang natutulog. Mabini ang paghinga niya tanda na payapa ang kalooban niya.
Si Red ang isa sa dahilan kung bakit may tino pang natitira sa isipan ko. Red is now my light. She's the one who is guiding me para hindi ako tuluyang lukubin ng kadiliman.
Minahal ako ng mga Ventura higit pa sa inaasahan ko. Nakita ko ang pagmamahal nila katulad kung paano ko makita kung gaano ako kamahal ng totoong mga magulang ko.
Isang mahinang hikbi ang kumawala sa bibig ko. Hanggang sa ang hikbi ay napalitan na ng pag-iyak kaya pumasok na muna ako sa loob ng bathroom ni Red para doon tuluyang ilabas ang sama ng loob ko. Hindi ko pinigilan ang sarili kong umiyak. Hinayaan kong magluksa ako hanggang sa kaya ko na. Kaya ko nang tanggapin na wala na siya.
Hindi man lang tayo nagkita ulit...
Hindi mo muna ako hinintay...
Paano ko pa ba makakamit ang kapayapaan sa buhay ko gayong wala na ang tunay kong ama?
Humagulhol ako nang maalala ang masasaya kong nakaraan kasama ang pamilya ko.
Daddy... I'm so sorry...
Gusto kong mag-sorry sa kanya pero para saan pa? Hindi niya na ako maririnig. Kahit pa anong gawin ko ay wala na rin akong magagawa. Kung pwede lang ako makipagpalit ng pwesto sa kanya ay ginawa ko na.
Gusto kong magpasalamat sa kanya at sabihing buhay pa ako pero wala na siya. Wala nang halaga ang lahat...