THE VENTURA — SECRET

2023 Words
RED HARMONY VENTURA INAYOS ko na muna ang sarili ko bago napagpasyahang bumaba at kausapin ang mga magulang ko. Ayoko naman na mag-alala pa sila kapag mahalata nila na may bumabagabag sa akin. Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa library dahil alam ko na nandoon ang mga magulang namin at malamang sa malamang ay naghihintay sa akin. Alam na rin yata nila ang totoong nangyari sa daddy ko. Hindi ko rin naman inilihim sa kanila ang tungkol sa tunay kong pamilya at ang nangyari sa akin bago nila ako natagpuan at napagdesisyonan na kupkupin. Nakasabay ko si Milenda na may dalang isang basong gatas. "Saan mo 'yan dadalhin?" "Sa silid-aklatan po, Ma'am." "Ako na ang magdadala niyang gatas. Pagbuksan mo na lang ako ng pinto. Wala ka na bang ibang gagawin?" "Wala na po, Ma'am." "Kung ganoon ay magpahinga ka na rin." "Opo." Matanda lang yata sa akin ng apat na taon si Melinda. Almost two years ago when she started working here. Grandparents niya na lang ang kasama niya sa buhay kaya kailangan niyang magtrabaho. Siya rin ang personal na tagabantay ni Red kaya mas malaki ang sweldo niya kaysa sa pangkaraniwan na katulong. Pumasok na ako sa library at naabutan ko pa sila mommy at daddy na may pinag-uusapan na sa tingin ko ay importanteng bagay. Tumikhim ako upang makuha ang atensyon nila. "Para kanino 'tong gatas?" tanong ko pa kahit alam ko na ang kasagutan sa sarili kong tanong. "Para sa iyo 'yan, hija." Iniwasan ko na 'di mapangiwi sa sagot ni daddy. Malamang, tungkol na naman 'to sa napuna nila sa katawan ko. "Ang payat mo na kaya kailangan mo n'yan," dagdag niya pa. Sabi na nga ba, eh. "Kumusta ka na?" Hindi pa man ako nakakaupo ay tinanong na agad ako ni mommy. Umupo ako sa tabi ng silyang kinauupuan niya "Okay naman ako, mom. Sorry at napapadalas ang hindi ko pagpunta rito. May inaasikaso lang ako." Para mabigyan sila ng kasiyahan ay inisang lagok ko lang ang isang basong gatas. "I—I, hmm." I cleared my throat. Damn! Wala akong lakas na sabihin ang dapat kong sabihin. After all these years, I'm still weak. Katulad pa rin ko ng dati sa kabila ng pinagdaanan kong buwis-buhay na pagsasanay. I am maybe immune to physical pain—but I am not immune to emotional agony. Yumuko ako at hinayaang malaglag ang mga balikat ko na para bang lumubog ang sarili kong barko. Akala ko ay naubos ko na ang luha ko roon sa silid ni Red pero mali pala ako dahil gusto na namang bumuhos ng mga luha ko. Hindi ko pa pala kayang pakisamahan ang sitwasyon ko ngayon. "It's okay to cry, honey," pag-aalo sa akin ni daddy kaya naman ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala. "I— I attended my father's funeral. Ang masakit pa, nasa malayo ako at nakatanaw. Hindi man lang ako nakalapit para makita ko kahit sandali si—si daddy. Hindi ko man lang mayakap si mommy para may makaramay s'ya sa mga oras na 'to!" Humahagulhol na ako sa pag-iyak. Ang bigat-bigat ng puso ko ngayon. Gusto kong magwala at may pagbuntunan ng galit ko pero sino ba ang dapat kong saktan? Kahit ako, alam kong malaki rin ang pagkakamali ko dahil hindi ko man lang nagawang magpakita sa kanila noong buhay pa si daddy. Dahil sa pagpapalakas ko ng depensa ay hindi ko naisip na may katapusan pala ang buhay ng tao. Pagkamunghi, pighati, galit at sakit! Mga negatibong emosyon ang namamayani sa puso ko. Sino ba ang mag-aakala na matapos ang maraming taon na pagsisikap na hindi makaramdam ng kahit na ano ay nagtatago pa rin pala ang ganitong mga emosyon at damdamin sa puso ko? Hindi sana nangyari ang mga bagay na 'to kung hindi dahil sa tiyahin ko! At sa hindi inaasahan ay tila may mahikang dumaan at huminto ang pag-iyak ko. Napuno uli ng poot ang dibdib ko! Umupo ako nang tuwid at pinunasan ang pisngi ko. Ito na ang huli! Hindi na ako iiyak pang muli! Hindi na ako papayag na may mawala pa sa buhay ko! "Hija, nandito lang kami ng ate at daddy mo, alam mo naman 'yon, 'di ba?" Yinakap ako ni mommy at gumanti ako nang mahigpit na yakap sa kanya. Bumuntong-hininga ako bago tumango. Ang mga Ventura ang nagbigay sa akin ng pag-asa nang mga oras na lugmok na ako. Noong mga oras na wala na akong mapuntahan at pakiramdam ko ay iniwan na ako ng mundo. They told me everything about them when the moment they approached me. They came from the wealthiest clan in Spain. May mga negosyo ang pamilya nila—both illegal and legal sa kahit saang sulok ng España. Pero ang pinakasentro ng negosyo ng mga ito ay ang pagiging supplier ng mga 'di basta-bastang baril at mga bala tulad ng FMJ spitzer bullets. Nang maipanganak ni Dr. Alicia si Red at nalaman ng mag-asawa ang kundisyon ni Red ay nagdesisyon ang mga ito na iwan ang pamilyang kinabibilangan nila at dito nga sila dinala ng tadhana sa Pilipinas. Naniniwala ang ginang sa bad karma kaya nangyari iyon sa anak n'ya. Cliche may it seems, but they fell in love with this land when the first time they came here. Dahil sa kagustuhan na kalimutan ang pinagmulan at makapagsimula ng bago ay pinalitan nila ang pangalan nila. Namuhay nang tahimik at malayo sa buhay na nakasanayan nila. Nagsimula sila ng legal na negosyo rito sa Pilipinas hanggang sa lumago ito. Itinayo nila ang kauna-unahang construction firm nila sa Makati dalawampu't-apat na taon na ang nakalilipas. At dahil sa pagiging magaling na negosyante ng haligi ng Ventura ay lumago iyon nang lumago sa paglipas ng taon. Mayroon na rin silang clothing company at restaurants kaya maitituring silang isa sa pinakamayaman dito sa bansa. But they maintain unknown to the society. Hindi nila kailangan ang atensyon ng karamihan. "Honey, are you okay?" Ang boses ni mommy ang nakapagpabalik ng isipan ko. Mga nag-aalalang mata nila ni daddy ang sumalubong sa akin. Pilit akong ngumiti at inayos ang sarili ko. "I'm okay now, mom. Thank you." "If you want someone to talk to, we're just here for you, okay?" "Thanks, dad." "Marie, child..." May nahihimigan akong kakaiba sa boses ni mommy. Hindi ko lang matukoy kung ano. "May mga bagay na—" "Alicia!" saway ni daddy kay mommy dahilan para huminto sa pagsasalita si mommy. "She needs to know the truth, Mauro. She has all the rights in the world to know that h—" Magsasalita pa sana si mommy pero ako na mismo ang pumigil sa kanya. Ayoko na sabihin nila sa akin ang lahat gayong may inililihim din ako sa kanila. I want to be fair. "It's okay, mom. I'm fine." Tumayo na ako at hinalikan sila sa pisngi. "Maliligo lang po ako. Aalis din po ako pagkatapos. Babalik na lang ako bukas kapag hindi busy ang schedule ko." Alam nila na may ginagawa akong hindi maganda noon pero pinayuhan nila ako at kinausap nang masinsinan. Inapula nila ang apoy na lumukob sa puso ko. Pero may mga bagay na gusto kong gawin lalo na ngayon. Revenge is all I want. Kay Beatrice Cortez na s'yang tiyahin ko. Kay Manolo Saldana na sa tingin ko ay boss ng mga armadong lalaking pumasok sa simbahan noong siyam na taong gulang pa lang ako. Lo Siento... Gusto ko sana na sabihin iyon sa mga Ventura pero hindi ko magawa. Gusto kong mag-sorry dahil sa kabila ng mga pangaral nila sa akin ay hindi iyon napatay ang hangarin ko na makapaghiganti. Gusto kong mag-sorry dahil sa kabila ng pag-aaruga nila sa akin ay hindi ko makuhang maging tapat sa kanila. Sa tingin ko, ang panghuli ang malaking kasalanan ko sa kanila. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang balikan ang mga nangyari sa nakaraan. Isang taon pa lang akong nasa puder ng mga Ventura ay may lumapit sa akin na kamukha ni Mauro Ventura. Si Maximo Hermosa. Marami siyang itinanong sa akin tungkol sa mag-asawa pero kahit isang salita ay hindi ako nagbigay ng impormasyon. "I'm your father's twin brother." I remember him saying with full of affection on his voice. "He's not my father, Mr." I answered politely. "I know." "Then you should stop telling me that, Mr." Malumanay pa rin akong nakikipag-usap sa kanya. Wala akong dahilan para bastusin siya gayong kinakausap niya lang naman. Hindi rin nagkulang sa akin ang mga magulang ko para hindi malaman ang kaibahan ng pagiging bastos at hindi Sa loob ng halos isang oras ay nasabi n'ya sa akin ang mga importanteng bagay tungkol sa kaugnayan ng Ventura sa kanya. Alam ko na ang iba sa mga iyon pero mas pinili ko na hindi magsalita. Ang tanging ginawa ko lang ay pakinggan ang mga sinasabi n'ya. Hindi na rin ako nagtaka nang magsalita s'ya ng Tagalog. Matatas s'ya sa lenggwahe ng Pilipinas na akala mo ay dito talaga s'ya lumaki at nanirahan. Nalaman ko rin sa kanya na kahit umalis sila Mauro sa organisasyon ng pamilya ay hindi kailan man pinabayaan ang mga Ventura ng iniwang pamilya. May mga nakabantay sa kaligtasan ng mga ito kahit saan ito magtungo. 'Yon nga lang, kahit pa gaano kamakapangyarihan ang organisasyon ay hindi nito nalaman ang lahat. Dahil naging bahagi na ng pagkatao ni Mauro ang kalakaran ng isang organisasyon, alam na nito kung paano gumalaw at mag-isip ang mga taong nakasama nito. Halos dalawang taon ang nakalipas nang nalaman ni daddy ang pagsunod-sunod ng kapatid n'ya kaya kinumpronta n'ya ang huli. At bilang nakakatanda sa kambal, sinunod ng bunso ang gustong mangyari ni Mauro. But before he left the Philippines, Maximo talked to me. Inihabilin n'ya sa akin ang pamilya n'ya. At alam kong sa oras na 'yon ay nakuha ko ang respeto n'ya. Alam n'ya na kaya kong balikatin ang ganoong responsibilidad. Sa loob ng dalawang taon ay naituro na sa akin ni Maximo ang mga bagay na dapat matutunan ng tulad kong gustong pasukin ang tiretoryo ng kalaban. Mula sa long range at short range combat ay bihasa ako. Alam ko ang paggamit ng kahit na anong baril at ilagan ang mga bala para hindi ako mapahamak. Kaya kong pagsabayin ang pagdepensa at pag-atake sa kalaban nang magkasabay. At ang hindi ko makalimutan na sinabi n'ya ay ang: "If you want to defeat your enemies, think like them and act like them. Be an Alpha and not just a Beta. Lead your own pact!" At hanggang ngayon ay hindi ko masabi sa kanila ang naging ugnayan ko sa Hermosa's Clan. Matapos maligo ay nagpaalam na ako sa mga magulang ko. Isa lang ang tiyak na patutunguhan ko. Sa bar kung saan ako pinapunta ni Maximo. The owner of the Bar is his friend kaya alam ko kung ano ang mayroon sa bar na iyon. The McLaren I'm driving right now ay regalo pa sa akin nila mommy at daddy last year pa. Hindi ko magawang palitan dahil bigay nila sa akin ito kaya sobra kung pahalagahan ko ang kotseng ito. "Yes, hello?" sabi ko nang sagutin ko ang cellphone ko. Isang unknown caller ang tumatawag. "Miss Ventura? Is this Miss Red Ventura?" Napakunot ang noo ko dahil hindi ko tiyak kung babae o lalaki ang kausap ko. "Miss? Still there?" untag ng kung sino nang hindi ako sumagot. I cleared my throat. "Ahh, yes, speaking... Who's this?" "Miss ako po ang kaibigan ni Maximo Hermosa. He told me that you're coming here." "Ahh, yes. I'm on my way there. Why?" "Margareth Cortez is already here, Miss Ventura." "Paalis na ba siya?" Diniinan ko ang silinyador para mapabilis ang pagpatakbo. Ayokong magkasalisi kami. Hindi na nahiya sa mga nakakakita! "I don't think so, Miss. But don't worry, if ever na umalis siya ay gagawa kami ng paraan para manatili siya." "Okay, thank you. Bye!" Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinatay ko na ang cellphone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD