RED HARMONY VENTURA
Maingay...
Masikip...
Madilim...
Nakakahilo ang mga ilaw na tila nakikipagharutan din sa mga taong nandodoon.
"Ms. Ventura? " Mula sa paglalakad ay natuon ang pansin ko sa taong humawak sa kamay ko. May kolorete ang mukha. Makulay ang suot na damit at... Nakapalda? "Oo, Madame, bakla po ako. Ako 'yong kausap mo sa phone. Si Rick..."
"Ohh, I see." Wala akong problema sa mga katulad n'ya dahil may kaibigan din akong miyembro ng LGBT. Hindi ko lang talaga naisip na bakla s'ya dahil malaki pa ang boses n'ya kaysa kay daddy.
"Nasa kaliwang bahagi po nitong bar ang hinahanap n'yo." May iniabot s'ya sa akin na kasinglaki at katulad ng sa isang ATM card.
"Salamat."
Kakilala ni Maximo Hermosa ang may-ari nitong bar kaya sa tingin ko ay safe ang mga gagawin ko rito kung mayroon man.
Lumakad ako papunta sa sinasabi ni Rick na VIP room. May glass wall na nakapagitan sa lugar kaya sa tingin ko ay hindi masyadong maingay sa loob ng pupuntahan ko.
Isang silid ang bumungad sa akin nang buksan ko ang pinto. Red and gold color are the combination of this room. Ngayon ko napatunayan na para lang sa mga mayayamang customers ang silid na 'to. Everything is here is damn expensive. Kung gusto mong makalimot at uminom ng tahimik, this is the best place for you.
Pumasok ako at tahimik na umupo kalapit ang babaeng nakasuot na pula. Nakatalikod s'ya sa akin kaya ang mahaba n'yang kulay pink na buhok lang ang nakikita ko.
"What do y—"
"It's okay, Jordan. " Bago pa man makalapit sa akin ang waiter ay may nagsalita. Mula sa likuran ay narinig ko na naman ang boses ni Rick. "Ako na lang ang bahala sa kanya." Bumaling s'ya sa akin. This time ay may dala na s'yang tray ng pagkain. "Hi, again."
Ngumiti ako sa kanya. "Hey," bati ko sa kanya.
Inilapag n'ya na ang dala n'yang pagkain. Steak, juice drink, bowl of salad and burger.
"If you need anything, don't hesitate to call me, Dear, 'kay?"
"Thanks, Rick."
Tumalikod siya pero humarap uli sa akin. "Do you smoke?"
"No... No... No... I don't smoke."
"Ay!" mahinang tili niya pa. "Kaya pala kissable lips ka, Dear. So, kapag kailangan mo ako, tawagin mo lang ako. Aalis na talaga ako."
Tinanguan ko na lang siya.
Nang makaalis si Rick ay inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa pagkain. The truth is, I'm not hungry. Busog pa rin ako sa dami ng nakain ko sa niluto ni daddy.
Daddy...
Hindi ko naisip na hahantong sa pagkawala ni daddy ang lahat dahil ang alam ko ay maayos naman ang lagay n'ya. Sa mga nagdaang taon ay parang nakakasama ko na rin ang mga tunay kong magulang dahil pinagmamasdan ko sila mula sa malayo sa t'wing may pagkakataon. Ang hindi ko lang nagawa ay ang magpakita nang lantaran sa kanila.
At ang alam ko, base sa nakikita ko ay maayos na ang lagay ng ama ko kaya hindi ko inaaasahan na pagbalik ko galing sa Morocco ay mababalitaan ko ang biglaang pagpanaw ni daddy. I shattered into pieces when news came to me. Kung ano ang pakiramdam nang una kong mabalitaan ang masamang balita ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Hindi lumuwag ang dibdib ko kahit isang segundo lang.
Bumuntong-hininga ako upang iwaksi ang alaala sa isipan ko. Ayokong makasagabal ang pagiging mahina ko sa mga plano kong makapaghiganti. Ayokong maging mahina dahil baka ako ang matalo sa huli. I need to focus on the prize dahil kapag malingat ako ay matatalo ako. At kapag natalo ako ay alam kong hindi magiging maganda ang kahihinatnan ng mga bagay-bagay.
Paano na lang ang mga taong dapat kong protektahan kapag nawala ako sa sarili?
Ang mga taong iyon ang itinuring ko na pamilya kahit hindi ko mga kadugo...
Parati kong naiisip, ano nga ba ang batayan ng pagiging magkapamilya? Kung tatanungin, hindi iyon masasagot ng pagiging magkadugo.
"Oh, yes! Damn that old woman! Cursed her!!! Hindi mo lang alam kung paano ko gustong patayin ang tiyahin kong iyon! I want to tear her into pieces! s**t!"
Natuon ang atensyon ko sa nakapulang babae na katabi ko. She's talking to someone through the phone.
Maingay man dahil sa music dito sa loob ay hindi naging hadlang sa akin na pakinggan lahat ng sasabihin n'ya. Alam ko na hindi n'ya rin halata ang ginagawa ko dahil naka-focus lang s'ya sa kung sino mang kausap n'ya sa cellphone niya. Idagdag pa na hindi gaanong maliwanag dito sa loob ng VIP room.
"My Gosh! Kung pwede nga lang ay ginawa ko na, 'di ba? Pero wala pa sa amin ang pera."
Tumahimik ito at nakinig sa sinasabi ng kausap n'ya.
"Si daddy? Are you serious? Alam mo naman iyon, hindi ba? His name is next to saint. Doing all those f*****g good things para mapabango lalo ang name niya. Politician? Duh!" Pinaglaruan nito ang wine sa tall glass nito. "Ano'ng aasahan ko sa kanya? Isa rin 'yong ang sarap gilitan." Tumawa ito nang malakas. Tila walang pakialam sa mga mangilan-ngilan na costumers na naaabala sa lakas ng boses niya. "Seriously? Si mommy lang ang counted sa bahay na 'yon at wala ng iba! Period!"
Katahimikan muli mula sa babae. Patuloy lang ako sa pakikinig kahit pa nakatuon ang atensyon ko sa pagkain na nasa harapan ko.
"What? You must be kidding. Hindi, no?! Letse lang 'yong pinsan ko na 'yon. Mabuti nga at nagawan 'yon ng paraan ni mommy noon pa, eh. Tulad nga ng palagi n'yang sinasabi na kailangan na apulahin na ang ningas habang hindi pa ito tuluyang nagiging malaking apoy. At tingnan mo naman, hindi naging mahirap 'yon sa kanya. My mother taught me to be wise kaya hindi ka na dapat pang magtaka." She giggled na tila ba may sinabing nakakatawa ang kausap niya. "Well, dapat nga ay magpasalamat pa silansa ginawa ng mother ko. My uncle is now with her daughter and sooner or late, they will be all reunited dahil susunod na ang ilaw ng tahanan nila sa kanila. May their soul not rest in peace."
Binitiwan ko ang table knife at itinago ang nakakuyom kong kamao sa ilalim ng lamesa.
Calm down, Red! Just wait for the perfect timing. You are better than this, Ventura... pag-aalo ko sa sarili ko.
Tumawa nang tumawa ang babae na aakalain mong nagbitaw ng pinakamagandang biro ang kausap nito sa telepono!
"Nagpapatawa ka ba? You're not listening to me, honey. Hindi ko nga maasahan si daddy sa ganoong mga bagay! He's next to saint if I were to describe him! Kaugali kaya noon ang namatay n'yang kapatid! At isa pa, paano matutuwa 'yon, isa nga iyon sa nagluksa nang mamatay ang pamangkin n'ya!" Inilayo nito ang cellphone sa tainga at binalingan ng pansin ang mga katabi nito. "Umalis nga kayo rito! Bilis! You are all just polluting the air in here!" Pinigilan nito ang magsasalita sanang babae nang dinuro n'ya ito. "'Wag kang magkakamaling ibuka 'yang mabaho mong bunganga dahil kung mayaman ka! Mas mayaman kami! Now, get out!!!" malakas na sigaw nito kaya ang mga nakarinig ng sigaw which is halos lahat ng nasa pribadong silid na ito ay nagsilabasan—maliban sa isang lalaking nakayukyok apat na lamesa ang pagitan sa akin at ako—na nananatiling nakaupo nang tuwid ay hindi natinag sa sigaw ng babae.
"Nah! Wala 'yon. You know me. Kaya ko ngang manakit, 'yon pa kayang simpleng manigaw lang? Duh! So, where are we?—ahh, yes, yes... Tungkol nga pala roon sa tiyuhin kong magaling. Wala naman... Noong tingin ni mama na nagiging maayos ang lagay noong pobreng matanda ay gumawa na naman s'ya ng plano. Evil plan. Dahan-dahan ang ginawa ni mommy sa kanyang panlalason. And last week, masyado na yatang naaabala si mommy, sinabi n'ya na sa akin na tuluyan ko na, kaya 'yon ang ginawa ko but here's the catch, iyong tanga ko pa talagang tiyahin ang nagboluntaryong magbigay noon sa asawa niya. Nakakatawa talaga, putang ina!"
Bigla ang pagwawala ng t***k ng puso ko dahil sa mga narinig ko mula sa babae! Sa sobrang bilis nito ay nahihirapan akong ikundisyon ang sarili ko! Kaya ora-mismo ay gusto kong manakit!
Damn!!! The girl beside me is my f*****g cousin and I'm gonna f*****g kill her right now!!! I don't care if I'll blow cover as long as I'll blow her head right f*****g now!!!
"Oh, yes!" Nagpatuloy sa pagsasalita ang babae habang tumatawa. Sa tingin ko ay hindi lang alak ang dahilan ng pagiging lutang nito ngayon; lulong din ito sa kung anong droga na tinira niyo. "I'll do anything to secure my future! Kung sino man ang maaaring maging sagabal sa magandang future ko ay dapat lang na mamatay! Kaya pinatay ko na si tito kaysa sa maghirap pa ito sa buhay niya Ginawan ko pa nga s'ya ng pabor kaya dapat na magpasalamat pa s'ya sa akin." Tumahimik uli ito.
Tumayo na rin ako bitbit ang table knife. Dahan-dahan ang naging paghakbang ko! Tiyak ang patutunguhan!
"And, maybe next year, we'll be attending another funeral!" At tumawa ito nang tumawa na tila wala na sa sarili.
Nilinga ko ang bawat sulok. Rick is watching me dahil pinatay ang mga active lang kaninang mga CCTV sa bawat sulok.
Thank you, Rick, I murmured to myself.
Kasabay nang pagkurap ng ilaw ay ang pagtaas ko ng kamay na may hawak na kutsilyo! Handa na sana akong tapusin ang buhay ng babaeng 'to nang tumayo at naglakad papunta sa akin ang lalaking kasama namin dito sa loob. Pasuraysuray ito na tila mahuhuyag kapag naglakad at halatang lasing na lasing.
Pagewang-gewang ang lakad nito hanggang sa sumubsob sa katawan ko!
At ang masaklap pa ay sa dibdib ko lumanding ang pagmumukha ng 'langhiya!
Dahil sa pagkabigla ay nabitawan ko ang kutsilyo at bago pa man may makakita sa naturang bagay ay tinadyakan ko na ito papunta sa ilalim ng mesang inukupahan ko bago ko dinaluhan ang damuhong nagpakasasa sa biyayang hindi ko pinahintulutan na matamasa n'ya!!!
Damn it!