ZACHKARY
"Good morning, " I greeted my family as they continue having their breakfast .
"Gezz, kuya! I never thought I would never see you as early as this in the morning." May said exaggerated while checking her watch. "Alas 6 pa lang kaya parang himala lang, 'di ba?
Simula kasi nang nasa sarili ka na natin na agency , 'di ka na namin napagkikita. Pareho lang kayo ni kuya August."
"Let your brother eat in peace, May." Saway ni daddy sa pinakamaingay sa amin.
Kumuha ako ng honey syrup at nilagyan ang pancake na kinuha ko. Hindi ako mahilig sa matamis pero sa tingin ko ay kelangan ko nang dagdag na sugar para simulan ang araw ko.
"Ang bango mo naman yata ngayon, kuya? " si April. "Saan punta mo? "
"Baka may date sila ni Margareth. Gosh, I ha—ohh, nevermind! " May rolled her eyes! "Pasalubong namin, 'di pwedeng kalimutan."
"Ano ba'ng gusto mo? "
"Pastillas at puto seko! "
Natawa ako. " Kumakain ka pala ng mga 'yan?" Tulad ng dati na n'yang ginagawa ay humaba na naman ang nguso nito.
"Syempre. Damihan mo, kuya, ha? Para sa aming dalawa ni April. 'Di ba, Ape? "
"Tigilan mo nga ang katatawag sa akin na Ape, at 'di naman ako unggoy! At isa pa, 'wag mo na akong idamay r'yan sa kalokohan mo. Hihingi ka na lang kay kuya ay idadamay mo pa ako. Ni hindi mo nga tinanong kung saan s'ya pupunta. "
"Hayaan n'yo na muna na makakain si Zach at aalis 'yan." Si August na tumayo na. "Uuna na ako. May aasikasuhin ako sa opisina. 'Yong mga kelangan mo, Zach, daanan mo na lang sa opisina. Nakahanda na 'yon."
Tumango ako at tumayo. "Sabay na tayo. Kelangan ko rin na umalis nang maaga para makita ko nang mas maaga ang magiging resulta ng lakad ko." Hinalikan ko si mommy bago umalis.
"Kuya pasalubong!" Dinig ko pa rin hanggang sa makalabas ako ang sigaw ni May.
Tahimik ko lang na binabagtas ang kahabaan ng EDSA habang nakasunod kay August. I don't know how I feel right now. Dahil sa tagal na ng panahon ay tila nangangapa ako sa dilim sa paghahanap kay Father at Anna Marie. Hindi ko alam ang mararamdaman kung sakaling may makapagturo sa kung saan ang lugar nila.
Simula nang bigyan ako ni daddy ng lugar sa agency isang buwan na ang nakakalipas ay ngayon ko lang nabigyan ang sarili ko ng pagkakataon na mahanap ang dalawang taong gusto kong makasama. Nangako ako sa mga magulang ko at kay kuya August na hindi ko uunahin ang personal kong problema kesa sa mga dapat gawin sa ahensya kaya 'yon ang ginawa ko sa nakalipas na mga linggo.
Naging busy rin kami sa pagmamanman at pagkuha ng impormasyon kay Spider! Noong una ay akala namin ay may lead na kami sa suspek subalit hindi kami nakakuha ng sapat na ebidensya na makapagtuturo na si Spider ay si Marco Arca, na isang anak ng isang mayaman na Senador. Malinis ang record nang naturang pamilya kaya kelangan namin na siguraduhin ang mga hakbang na gagawin upang hindi maapektuhan ang pangalan ng ahensya.
Nadagdagan pa ang problema nang isang Juan Dajes ang nahuli namin na nakapagpagulo lang ng kaso.
Last week ay natagpuan ang huling biktima ni Spider at nandoon nga si Juan Dajes sa tabi ng biktimang nakabalot sa seda. Walang malay ang lalaki nang matagpuan at tila lulong sa droga—na agad rin naman na napatunayan nang ma-examine ito.
Nang imbestigahan namin si Juan Dajes ay nagpag-alaman namin na patungo ito ng France nang araw ring iyon subalit nang nasa airport na ito at kasalukuyang gumagamit ng banyo ay may biglang sumunggab daw sa kanya at hinampas s'ya sa ulo kaya nawalan s'ya ng malay. Nagising na lang daw ito dahil sa ingay; at iyon nga ang mga oras na pinasok namin ang abandonadong DK's apartel at nandoon nga ang biktima at ang itinuturing na suspek.
We gathered information about the two and then we found out that they were ex-lovers. Two months ago when the girl decided to broke-up with him. Inakala naming lahat na isang serye ito ng crime of passion , subalit nang magtungo kami sa airport upang makakuha ng lead upang gumaan ang imbistigasyon ay mas lalo lang nakagulo ang mga nakuha namin na impormasyon!
11:30 a.m ang flight ni Dajes.
10 o' clock nang makita sa cctv ang pagdating ng lalaki kasama ang mommy at daddy nito.
10:42 a.m, nang magpaalam daw ito sa mga magulang upang gumamit ng C.R.. Nakita rin sa cctv ang paglalakad ng binata papunta sa naturang pasilidad.
At exactly 10:44, nakita sa cctv ang pagpasok ni Dajes.
Iyon ang huling nakuha ng cctv sa binata dahil hindi na ito nakitang lumabas pa ng palikuran.
11:45 a.m, nakunan ang mag-asawang Dajes kasama ang ilang airport personnel na halatang nagkakagulo. Ayon na rin sa mag-asawang Dajes, iyon ang mga oras na natataranta na sila sa paghahanap sa anak lalo pa at napag-iwanan na sila ng eroplanong sasakyan.
At nang alas dose trenta y singko nga ay nagtungo kami sa Binangonan upang mahuli ang tinaguriang Spider ng bansa at hindi nga kami nagkamali nang matagpuan namin doon.
But there's a problem about the case. August was skeptical about the situation. Hindi na ako nagtaka sa bagay na 'yon, simula kasi noong sampung taon s'ya ay ipinakita na ni daddy ang kalakaran kung paano hawakan ang mga ganitong kaso.
Tulad nga nang madalas sabihin sa amin ni daddy: "Walang perpektong krimen. Lawakan n'yo ang isipan n'yo sa bawat kasong hahawakan n'yo. Hindi lang harapan ang dapat n'yong pagtuunan ng pansin, kundi maging ang gitna at hulihan. "
'Yon ang ginawa namin kaya nakitaan namin ng butas ang kaso.
12:00 p.m, sa Fortalejo's Agency ay nakatanggap kami ng tawag sa isang babae na nagpakilalang Mhridel Espina, na humihingi ng tulong at nagpapasaklolo sa naturang lugar. Nagkataon naman na malapit kami sa area kaya nakarating agad kami.
Ang iniisip namin ay kung paano nakarating ng ganoon kabilis ang suspek sa lugar gayong malayo amg pinanggalingan nito? Depende na lang kung nakakalipad ito.
Tsk! What am I thinking?
Alam namin na hindi sapat ang dahilan na 'yon kaya naghanap pa kami ng ibang butas.
At isa pa, hindi pa rin namin inaalis ang katotohanang kelangan din namin na pagtuunan ng pansin ang lugar kung saan nakita ang huling biktima.
Inalala ko ang lugar...
Ang biktima...
At ang amoy ng buong lugar ...
"There's something wrong with this place, " I remembered August' saying .
Sa huli, bago natapos ang araw na 'yon, kinausap namin ang pamilya Dajes at nangako itong tutulong para na rin sa kapakanan ng anak nitong kasalukuyang nasa pangangalaga ng Fortalejo ...