ZACHKARY
"HEY?!! Are you alright?" Nakakunot ang noo ni August habang kinakatok ang bintana ng kotse ko.
Tumango ako at bumaba. "Bakit? "
"Kanina pa kita tinatawag. May problema ba?"
Naglakad na kami papasok sa tatlong palapag na building na pag-aari ng pamilya.
"Naisip ko lang 'yong tungkol sa kaso ng Spider na hinahabol natin. Paano kung ginagawa lang ng taong nasa likod nito, para lituhin tayo?"
"Kaya nga kailangan nating pagbutihing mabuti ang trabaho natin."
"Good morning." Bati sa amin ng nakangiting babaeng empleyado.
Ngumiti kami rito at tumango.
"So, ano'ng plano mo ngayong araw?"
Nagkibit ako ng balikat. "Pupuntahan ko muna 'yong lugar kung saan ako dating nagpagalagala. May mga tao pa naman ata akong makikilala roon."
Tinapik n'ya ako sa balikat. "Dapat sana, ginawa mo na 'yan dati. Hindi ka sana mahihirapan."
"Nangako ako sa inyo, 'di ba? Nangako ako na aayusin ko na muna ang buhay ko bago ko gawin ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin."
"Hindi ba nga at ikaw na ang nagsabi na pamilya mo na rin sila?" Pamilya... Nagpakawala ako nang isang malalim na buntomg-hininga. "Kaya alam mong maiintindihan namin kung noon mo pa sinabi na gusto mong hanapin ang mga nakasama mo dati. Naghintay lang kami na ikaw na mismo ang magsabi sa amin."
"Pero tama naman ang naging desisyon ko."
Tumingin s'ya sa akin nang may nagtatanong na tingin. "Na ano?"
"Na nag-aral na muna ako." Umupo ako sa couch sa loob ng mismong opisina ni August. Dahil sa naging abala kami sa pag-uusap hindi ko na namalayan na narating na namin ang opisina n'ya. "At isa pa, noong mga unang taon ko sa puder n'yo, pumupunta pa rin ako sa Caloocan para magbakasakali kung may makapagsasabi kung nasaan na sila Anna Marie, pero lahat ng mga taong nandoon, tikom ang mga bibig na parang may kinakatakutan."
Naningkit ang mga mata n'ya. "You did that?"
"Oo," sagot ko. Guilty.
"Alam mo naman na delikado, 'di ba? Paano kung napa—" umiling-iling s'ya at hindi na tinapos pa ang sasabihin. "What could I say? Tapos na ang mga nangyari. Ang mahalaga ay walang nangyari sa'yo." Ibinigay n'ya sa akin ang isang envelope.
"Ito ba 'yon?" Binuksan ko at kinuha ang laman sa loob. Isang picture ng babae. Nasa 50 ang edad. Pamilyar sa akin ang mukha pero hindi ko matandaan kung saan ko s'ya nakita.
"Si Aling Berta."
Aling Berta... Naaalala ko na.
"S'ya ang dating katiwala ni Padre sa simbahan. Saan mo nakuha 'to?"
Pinagsalikop n'ya ang kamay n'ya at ngumisi. "Zach, isa ang Fortalejo sa kilalang detective agency rito sa bansa. Nakaapak ka mismo sa building na kinatatayuan nito. Hindi ba't dito ka na rin nagtatrabaho? " Nakakalokong sagot n'ya kaya natawa ako.
"At makakalimutan ko ba naman na ang kaharap ko ang pinakamagaling sa trabahong 'yon?"
Sabay kaming nagtawanan bago ako tumayo.
"Aalis na ako. Kapag may kailangan ka rito, tawagan mo lang ako ."
"Copy! " Sumaludo pa s'ya sa akin. "Pero mag-focus ka na muna sa dapat mong gawin sa araw na 'to. Heal your heart. " Makahulugang saad nito.
Tumango na lang ako at tumalikod.
Ilang oras ang ginugol ko bago ko marating ang Caloocan. Kung ano-ano ang nasa isipan ko. Kung ano-ano'ng mga tanong ang hindi ko mabigyang kasagutan hanggang hindi ko makakausap si Aling Berta.
Halos liparin ko ang kahabaan ng EDSA para lamang datnan ang hindi ko inaasahang pangyayari!
Sa tapat ng isang barong-barong ay ang kabaong na may larawan sa ibabaw nang mismong sadya ko sa lugar na 'yon!
Damn!
Mula rito sa loob ay nakita ko na nagsihintuan ang mga tao para lang tumingin sa gawi ko. Hindi na ako magtataka dahil sa uri ng sasakyan na dala ko.
Bumaba ako at pinilit na hindi panghinaan ng loob sa likod ng naabutan ko.
Mas lalo akong pinanghinaan ng loob nang kahit ni isa sa nga nakikita ko ay wala akong matandaan na nakilala ko na rati.
Don't lose hope, Zach!
"Excuse me?" Kinalabit ko ang isang babae na sa tingin ko ay kaedaran ko lang. "Sino ang namatay?" Silly me!
Wala akong maitanong na matino dahil hindi kayang i-proseso ng utak ko na ang taong susi upang mahanap ko sila Father ay natutulog na sa isang kahon at hindi na masasagot pa ang mga katanungan ko... Kahit kailan.
"Kamag-anak ka ba ni Lola Berta? Ang labî n'ya kasi ang nakalagak d'yan sa kabaong."
"A-ano'ng nangyari? " halos hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay natuyuan na ng laway ang bibig ko.
Ibinuka n'ya ang bibig n'ya para itikom lang ulit. Naging malikot ang mga mata nito na tila natatakot .
"Ah—ano—ano kasi," tumalikod na ito at nagmamadaling tumalikod sa akin.
What the f**k?
Sumakay uli ako ng sasakyan at tinawagan si August.
"Hey?"
"Ohh? Ano'ng balita r'yan?"
"She's dead?"
Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko sa biglaang pagsigaw n'ya. "What did you say? Are you sure?!"
"Yes. Nandito ako sa tapat ng bahay nila ngayon." Hindi ko na naitago ang panlulumo ko, idagdag pa ang katotohanan na naging mabait din sa akin si Nana Berta noong nabubuhay pa ito.
Sinulyapan ko pa uli ang burol. Tila may kamay na lumakumos sa dibdib ko dahil sa abang burol ng matandang nagpakita sa akin ng kabutihan noong walang-wala ako.
"Bro, still there?"
"Huh? Ano nga uli 'yong sinasabi mo?"
"Ano ang caused of death?"
"Hindi ko pa alam." Ikwenento ko sa kanya ang inasta noong babaeng napagtanungan ko.
"Mas mabuti na umuwi ka na muna, Zach. Sa tingin ko ay hawak pa rin noong mga taong sangkot sa nangyari sa simbahan ang lugar na 'yan."
"At nang sindikatong may hawak sa akin dati." Dugtong ko sa sinabi n'ya. "Magtatanong lang ako rito baka sakaling may makuha akong impormasyon."
Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni August. "Bumalik ka na lang kapag may kasama ka na o kaya ay ako na mismo ang sasama sa'yo bukas."
"Sandali lang ako. Kelangan ko rin na magbigay ng kaunting tulong dahil kawawa ang —"
"Please, Zach, go home !" May otoridad na sa boses nito.
Sasagot pa sana ako nang may mahagip ang mata ko na pamilyar na mukha.
Si Eddie!
Isa sa mga tauhan nang sindikatong may hawak sa lugar na 'to rati!
Kinuha ko ang hooded-jacket ko at sumbrero bago bumaba at sinundan ang lalaki! Alam ko na huli na para sa bagay na 'to pero mas mabuti na rin na na hindi masyadong makita ang mukha ko. Duda rin ako na may makakakilala pa sa akin. Depende na lang sa mga taong nakasalamuha ko talaga nang matagal.
Maingat akong naglalakad habang nakikiramdam din sa paligid.
Ang una, akala ko ay papasok s'ya sa barong-barong pero lumiko s'ya at sa likurang bahagi ng bahay nagpunta.
I grabbed his hand and twist it to his back!
Hindi na ito nanlaban dahil marahil sa gulat!
"Kumusta?!" Matalim ang salitang tanong ko sa kanya!
"Sino ka?" Garalgal na ang boses nito. Hindi tulad dati.
Iniharap ko s'ya sa akin at marahas na isinandal sa pader!
Dahil sa ginawa ko ay napagtuunan ko ng pansin si Eddie. Wala na ang matikas na katawan nito. Humpak ang pisngi dahil sa laki ng pinagbago nito. Halos kulay puti na ang buhok nito at madungis na tila pinabayaan na ang sarili.
Ito ang nagagawa ng oras...
Laglag ang mga balikat na akala mo ay pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura.
Nakatitig lang sa akin ang mga mata n'yang malungkot. Ilang segundo rin ata s'yang ganoon bago mapalitan ng gulat ang mga mata n'ya.
"Utoy?" Mas lalong gumaralgal ang boses nito dahil sa pag-iyak. "Patawad, anak..."
Dahil sa huling sinabi n'ya ay para akong nauupos na kandila pero hindi napigilan ng damdamin ko ang mas magalit!
"Patawad?!!!!" Sigaw ko sa mukha n'ya! "Sinira n'yo ang buhay ko!!! Maraming buhay kayong sinira!! Tapos ngayon, hihingi ka ng tawad?!!! 'Yon lang? Matapos ng ginawa n'yo sa amin?!"
Yumuko ito at hinayaan ang sariling umiyak lang nang umiyak.
"Ma-matagal ko na na pinagsisihan ang mga kasalanan ko, anak." Aniya sa pagitan ng paghikbi.
Si Eddie ang nagbabantay sa akin dati kapag nasa lansangan ako at gumagawa ng pagnanakaw.
Mabait si Eddie.
Iba s'ya sa mga tauhan ng sindikatong humahawak sa aming mga bata. Kung ang ibang mga batang kasamahan ko ay halos araw-araw na nagkakapasa, ako naman ay wala. Malaya ko rin na naililigtas ang mga batang nakikita ko dahil hindi n'ya ako pinapakialaman. Noong mga panahon na dinadalaw ko sa simbahan si Marie ay wala lang din iyon sa kanya.
"Mag-iingat ka sa mga ginagawa mo baka mapahamak kang bata ka."
Umalingawngaw sa utak ko ang mga salitang 'yon na tila kahapon n'ya lang sinabi sa akin.
Tinanggal ko ang sarili kong braso na pumipigil sa bandang lalamunan n'ya.
"Masaya ako at nakaligtas ka sa kanila."
"Itay? Ikaw na po ba 'yan?" Mula sa pintuan na gawa sa kawayan ay lumabas ang batang babae na may dalang tungkod.
Nagmamadali si Eddie na pinuntahan ang anak n'ya at inalalayan.
Tumingin s'ya sa akin. "Pumasok ka na muna, anak."
Gusto ko sanang tanggihan ang alok n'ya pero salungat niyon ang ginawa ko.
Nang makapasok sa loob ay nakaramdam ako ng awa sa mag-ama. Galing ako sa mahirap na pamilya pero kahit papaano ay natutustusan noon ni nanay ang kailangan namin na magkakapatid.
"Sino po ang kasama n'yo, 'tay?" Pag-uusisa ng bata.
"Kaibigan ko, anak. Mabuti pa siguro ay roon ka na muna sa labas. May pag-uusapan lang kami."
"Opo."
"Ilang taon na s'ya?" Tanong ko nang makaalis ang bata.
"Walong taong gulang na. Nagkatigdas s'ya noong bata pa kaya nabulag."
Tumango lang ako. Sa pag-i-ikot ng paningin ko sa loob ng bahay ay nahagip ko ang picture nilang dalawa. Kasama si Aling Berta. Nakakunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
"Mahigit isang buwan noong mawala ka ay umalis ako sa sindikatong kinabibilangan ko."
"Alam ko na walang nakaka-alis sa sindikatong kinabibilangan n'yo, Eddie." Malamig ang boses na saad ko.
Ipinakita n'ya sa akin ay kaliwang kamay n'ya. Nabigla pa ako nang makitang wala na ang limang daliri nito.
"Pumapayag ang boss na umalis ang gustong umalis pero may bahagi ng katawan na pinapatanggal, tulad nitong nangyari sa akin. Matapos nilang gawin sa akin 'to ay itinapon nila ako sa kung saan at binugbog. Nakita ako ni Berta at inalagaan. Sinabi ko sa kanya ang lahat, lalo pa at alam ko na kilala mo s'ya. Noong una ay nagalit s'ya sa akin pero kalaunan ay naging maayos ang bagay sa pagitan naming dalawa at nagpasya kami na magsama."
"Ano'ng sakit ni Nana Berta?"
Tulad nang naging reaction ng babae kanina na napagtanungan ko ay ganoon din ang nangyari kay Eddie. Sumilip pa ito sa labas at sinigurado na walang ibang tao.
Lumapit ito sa akin na tila matutumba.
Napailing ako.
"M-may nakakita kagabi sa a-asawa ko na wala nang buhay ." Bakas ang panlulumo sa mukha nito.
"May ideya ba kayo kung sino ang may gawa nito? "
Umiling lang ito at tumingala.
"Hindi ka na sana nagpunta pa rito. Maaaring may mga tauhan pa rito ang dati kong amo kaya maari kang mapahamak."
"May alam ka ba tungkol sa amo n'yo? Kung nasaan s'ya ngayon?"
"Hindi ko s'ya nakita kahit isang beses. Hindi sa ipinagtatabuyan kita, anak. Pero... umuwi ka na, baka mapahamak ka pa rito."
"Sila—sila Father Antonio? Pate iyong batang dinala ko sa simbahan, ano ang nangyari sa kanila? "
Sa tingin ko ay mas tumanda ito ng sampung taon dahil sa tanong ko.
"Patay na sila..." Pabulong lang na sagot n'ya pero tila bomba na sumabog sa harapan ko ang katotohanan.
Namanhid ang buong katawan ko at nanikip ang dibdib ko dahil sa narinig ko!
Marie...
Father ...