FORGIVENESS

2318 Words
ZACHKARY "Patay na sila..." "Patay na sila..." "Patay na sila..." Tila kampana na kumakalembang sa taenga ko ng paulit-paulit ang sinabi ni Eddie. Paano nangyari ang bagay na 'yon? Gustong lumabas ng mga katagang 'yon sa bibig ko pero tila na-pipi ako dahil na rin sa parang sasabog ang utak ko. Hindi kayang tanggapin ng utak ko ang sinabi ni Eddie. How did it happened? Damn! Damn!!!! Kaya pala... Kaya pala kahit ano'ng gawin naming paghahanap... Kahit pala kahit gaano kalawak ang koneksyon ng mga Fortalejo ay walang nangyayari dahil wala na ang mga taong hinahanap ko! Naramdaman ko ang pagtapik ni Eddie sa balikat ko. "Alam ko na mahirap para sa iyo ito, anak. Kaya kung maaari ay umalis ka na at 'wag ka nang babalik pa rito para hindi ka mapahamak. Umupo ako nang maayos bago kinalikot ang cellphone ko. Itinext ko si August. Matapos ay binalingan ko uli si Eddie. "Bakit noong nagtanong kami sa mga tao rito ay wala man lang nagsabi sa amin ng totoong nangyari?" "Hindi lingid sa kaalaman mo kung gaano kalawak ang hawak na teretoryo ng sindikatong kinabilangan natin dati. 'Yong iba, takot sa mga posibling mangyari sa kanila, 'yong iba naman, dahil sa kahirapan ay mas piniling manahimik at magpikit ng mata para lang sa salapi." Tama s'ya. Nang tumunog ang cellphone ko ay bahagya pa akong tumingin sa labas ng bintana. Walang duda. May nakamasid sa bahay na 'to. Tumingin ako kay Eddie at matatag ang mga salita na sinabi ko: "Kailangan mong makulong at pagbayaran sa batas ang mga nagawa mo." Yumuko s'ya pagkatapos ay malungkot na ngumiti. "Naiintindihan ko. Alam ko naman na mangyayari ang oras na 'to—ang oras na pagbabayaran ko ang mga naging kasalanan ko. Nakahanda na ako." Tumingin s'ya sa kawalan na tila nahahapo. "Ang hiling ko lang ay sana napatawad mo na ako, anak." Ngumiti ako sa kabila ng lambong sa mata ko. "Hindi ko na matandaan kung nagalit ba ako sa'yo, naging mabait ka sa akin, Ed. Isa ka sa dahilan kung bakit naging mabuti akong tao sa kabila ng nakaraan ko." Totoo sa sarili na sagot ko. Tahimik lang si Ed na nakikinig at alam ko... May nakikinig din sa amin na iba ngunit wala akong takot na nararamdaman. Galit! Oo, pawang galit ang nararamdaman ko sa oras na 'to!!! Galit sa sarili ko! Galit sa mga taong ginawan ako ng masama! Ano ba ang halaga ng pagiging mabuting tao kung hindi man lang masuklian ng nasa taas ang kabutihang 'yon! "Kung may mauuwian ka sa probinsya, uuwi ka ba?" Tumayo ako at sinilip ang batang anak ni Ed. 'Yong bata ang inaalala ko. "Taal akong taga-Romblon. Pero sa tagal nang inilagi ko rito sa Maynila ay hindi ko alam kung may mga kamag-anak pa ako roon. Umalis ako roon noong binatilyo pa ako, dahil na rin sa kalupitan ng ama ko. Ang huling balita ko sa mga magulang ko ay noong bago pa kami magsama ni Berta." "Kapag nakalabas ka ng kulungan, uuwi ka ba?" May mga kahulugan ang tingin na ipinukol ko sa kanya. Kilala n'ya ako kaya alam ko ang isasagot n'ya. "Oo. Ikaw na sana ang bahala rito." Maya-maya pa ay nakarinig ako ng kaluskos kasabay ng tunog ng police mobile. Kasama ni August ang kaibigan n'yang pulis at mga kasamahan nito sa trabaho. Agad na pinusasan si Ed at isinakay sa sasakyan. Marami ang nakiki-usyuso. Marami ang mga nagbubulungan. Ang anak naman ni Ed, bagama't walang nakikita ay pumapalahaw ng iyak na inaalo naman ng kasamang pulis na babae nila August. Sa isang sulok naman, sa bandang poste ng kuryente, isang lalaki ang naghihithit-buga sa sigarilyo, kampanting nanonood sa mga nangyayari. Naka-sentro ang atensyon nito kay Ed kaya hindi n'ya pansin ang palihim kong pagsulyap sa kanya. Nang ngumisi ang lalaki ay napangisi rin ako. Nagtagumpay ang plano! Nang makaalis sila August ay ipinagbilin ko na lang sa babaeng nakausap ko kanina ang tungkol kay Nana Berta. Nagbigay ako ng pera upang maging maayos ang libing ng dating nag-alaga sa akin. Tahimik at malungkot ko na nilisan ang lugar at nagpatuloy sa aking destinasyon. Sa isang fast food malapit sa airport ako tumuloy, total naman at alas tres y media na. Tahimik ko na hinintay ang order ko habang nakatingin sa mga taong paroo't parito na naglalakad. Mabigat ang kalooban ko, sa totoo lang. Patay na sila ... Patay na sila ... Patay na sila ... Pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang si Eddie at ibinubulong ang mga katagang 'yon sa mismong taenga ko. Hindi ko matanggap ang katotohanang nagkulang ako. I made a big mistake! Hindi ko inaasahan na masyadong malawak ang kapasidad ng sindikatong humawak sa akin dati. Akala ko ay pipitsuging mga tao lang ang may hawak sa amin! Doon ako sa bagay na 'yon nagkamali. Nang dumating ang order ko ay saka naman tumawag si Erica—kapatid s'ya ng kaibigan ni August na pulis, 'yong kasama niya kanina. Kaibigan ko rin si Erica. "Asan ka na?" Tanong agad n'ya. Medyo maingay sa kabilang linya. "At the vicinity of the airport, ikaw?" "Andito na. Pumunta ka na rito." Sumagot na muna ako bago ko pinutol ang tawag. Ilang minuto lang ay nagkita na kami ni Erica. "Ikaw na ang bahala. Aalis na ako." "Salamat," sagot ko. "Wala bang nakasunod sa inyo?" Umiling s'ya. "Wala. You know me." Sabay kindat. "At 'yong lalaki kanina doon sa looban, malamang ay andoon pa rin sa presinto o kaya ay nakabuntot kila kuya." May lungkot sa mga mata n'ya nang titigan n'ya ako bago ako tinapik sa balikat. "I know it's hard for you to know the truth, but if you need someone to talk to, kung naiilang ka kay August, nandito ako." "Alam mo na?" Pilit akong ngumiti. Kung para saan? Hindi ko alam. "Pahapyaw lang na sinabi ni Eddie kanina kaya 'yong utol mo, he almost blew the cover." Pagak s'yang tumawa. "Buti na lang nga at napigilan s'ya ng utol ko, kung hindi ay nasa hospital na sana ngayon ang lalaking nagmamasid sa atin kanina." Tumingin s'ya sa akin at tumango. "I need to go. Pinangako kasi namin ng husband ko sa unica hija namin na sa labas kami mag-di-dinner. Alam mo naman 'yong inaanak mo." Nagyakapan muna kami at ibinigay n'ya sa akin ang isang white envelope bago s'ya umalis. Gamit ni Erica ang sasakyan ko pag-alis. Samantalang ako ay ang kotse ni August na ginamit ni Erica kanina ang pinuntahan ko. Luminga ako sa paligid at napangiti nang makakita ng mga sasakyan na katulad ng kay August na malapit lang sa kinatatayuan ko. This is my definition of unity! Tsk! Dumungaw ako sa sasakyan. "Tara?" Saad ko sa dalawang tao na nasa loob ng sasakyan. Inalalayan ko ang bata pagbaba. "Itay, saan po tayo pupunta?" "Sa ating bagong buhay, anak." Sagot ni Eddie sa anak n'ya. I handed him the envelope. Nasa loob nito ang mga bagay para sa kanilang bagong buhay. "Ito ang nagagawa ng pera," napag-isip-isip ko. "Pagdating doon sa airport ng Tacloban, may susundo sa inyo." Ibinigay ko sa kanya ang bagong cellphone. "May isang numero lang sa cellphone na 'yan na naka-save kaya pagbaba n'yo ay tawagan mo agad s'ya. Hindi ka na ma-momroblema sa titirahan n'yo dahil mayroon na roon. Si Aileen na ang bahala sa mga kakailangan n'yo. I suggest you change your name, Ed, para na rin sa kaligtasan n'yo. Sinabihan ko na rin si Aileen nang tungkol sa pagpaparehistro at pagpabinyag sa anak mo. Wala ka nang dapat problemahin." "S-salamat, anak. Hindi ko alam kung paano kita papasalamatan." Makikita ang pagiging sinsero sa mismong mata ni Ed kaya ngumiti rin ako. "Hindi ka dapat magpasalamat sa akin. Sinuklian ko lang ang kabutihan na ipinakita mo sa akin dati." Tinuro ko ang envelope. "Monthly kayong may matatanggap na pera. Hindi mo na kailangang magtrabaho para naman mabantayan mo ang anak mo." Lumuhod ako upang magpantay kami ng anak ni Ed. "'Wag kang mag-alala, si August na rin ang maysabi na gagawa s'ya ng paraan upang makakita ka. Magpapakabait ka, ha?" "Opo, salamat po." Hindi ko inaasahan na yayakapin ako ng bata kaya bahagya pa akong nagulat. Pero nang makahuma ako sa pagkabigla ay niyakap ko na rin s'ya. "Marie," si Ed, kaya may pagtataka akong tumingala sa kanya. "Marie ang ipapangalan ko sa kanya kung iyong mamarapatin." Bilang pagsang-ayon ay tumango ako. Hindi ko na sila hinatid sa loob dahil may lumapit na sa amin na nakausap ni Erica upang s'ya na ang bahala kila Ed hanggang makasakay ang mga ito. Umalis na rin ako at nagtungo sa isang bar. Kailangan ko ng alak para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong uri ng sakit. Heartache! Tsk! Batid ko naman sa sarili ko na dati pa, na may pagtingin ako kay Marie. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako nakipagrelasyon sa iba. Hindi rin ako nagkagusto sa kahit na sino. Si Marie lang talaga. Noon at hanggang ngayon! Pero paano na ngayon? Wala na pala s'ya. Tumawa ako nang pagak. Bakit ba ganito kasakit?! Walang nagsabi na ganito pala kasakit 'to. Mas masakit pa 'to kesa noong mawalay ako sa mga kapatid ko... "Sir?!" Untag sa akin ng bartender. "Bakit?" Tumingin ako sa kanya na tila naduduling. Marahil ay dahil sa dami na ng alak na nainom ko. "Pinapauwi ka na ni Sir August," Yeah! Si August ang may-ari ng resto-bar na 'to. Napatingin ako sa relong-pambisig ko. Alas nuebe na pala. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa dami ng iniisip ko. Lowbat na rin ang cellphone ko kaya marahil kay Seiko na s'ya tumawag. Tumayo na ako, ngunit panandalian akong nahilo kaya inalalayan na ako ni Seiko. "Ihahatid ko na kayo, sir." "'Wag na. Ayos lang ako. Medyo nakaramdam lang ako ng pagkahilo." Umupo lang ako saglit para mawala ang hilo ko. Maya-maya pa ay may nilapag na tasang may lamang umuusok pang tsa-a si Sieko. "Salamat." Matapos maubos ay umalis na ako at nag-drive. Wala pa akong balak umuwi. Gusto ko lang mapag-isa. Ayoko rin na abalahin pa ang pamilya ko. Sobra-sobra na ang mga kabutihan na ipinakita nila sa akin kaya ayoko naman na makita nila ako na nasa ganitong estado. Sa isang sikat na bar uli ako napadpad. Dinala ako ng baklang sumalubong sa akin sa isang tila extension room ng mismong bar. Nadaanan ko pa si Margareth subalit hindi ko na s'ya pinansin. Hindi n'ya rin ata ako napansin dahil busy s'ya sa kausap n'ya sa phone. Hindi ko na alam kung ilang oras na ang inilagi ko rito nang marinig ko na sumigaw si Margareth. "Umalis nga kayo rito! Bilis!" Napapalatak na lang ako. ''Wag kang magkakamaling ibuka 'yang mabaho mong bunganga dahil kung mayaman ka! Mas mayaman kami! Now, get out!! " Everytime! Nag-alisan naman ang lahat—maliban sa isang babae at sa akin, dahil sa pagsigaw ni Margareth. Yumukyok uli ako sa lamesa nang hindi sinasadya na makaramdam ako na tila babaliktad ang sikmura ko kaya dali-dali akong tumayo at magtutungo sana sa C.R subalit nahilo ako at hindi sinasadyang bumangga sa babaeng kasama namin ni Margareth. At huli na nang malaman ko na sa dibdib n'ya pala lumanding ang mukha ko! "Watch where you heading, dickhe—" Hindi n'ya naituloy ang sasabihin n'ya. Inilayo n'ya ako sa katawan n'ya at marahang inalalayan. Nagtama ang mga mata namin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit tila pamilyar sa akin ang hugis ng mukha n'ya. Pamilyar din sa akin ang t***k ng puso ko. Ganito ang naramdaman ko dati kapag tumitingin ako sa mata ni Marie ... Damn! What's happening to me?! "I apolo—" "Zach? What are you doing here?" Si Margareth, ngayon n'ya lang marahil napansin na nandito ako. Tinapunan ko s'ya ng tingin at agad ibinalik sa babaeng nabangga ko ang aking paningin. "Mag-iingat ka sa susunod nang hindi ka bumangga sa kung saan-saan!" Malamig. Pantay. Walang buhay na saad n'ya kaya hindi ko alam kung totoo ba ang nakita kong panandaliang pagkagulat sa mga mata n'ya kanina. "Hoy, Miss!" Agad kong pinigilan si Margareth dahil alam ko na ang ugali n'ya. "Sorry, medyo lasing na kasi ako," hindi pa nga ako natapos sa sasabihin ko nang tumalikod na ang babae. "Aba't tingnan mo nga naman! Ang bastos!" Nanlilisik ang mga matang saad ni Margareth. Nang tumingin s'ya sa akin ay mahinahon na ang hitsura n'ya. "Are you okay?" "Yeah." "Ihahatid na kita." "'Wag na," sansala ko. Hindi ako tao sa nakaraan kaya hindi lingid sa kaalaman ko na may gusto s'ya sa akin. Sa katunayan, dati pa. S'ya na mismo ang nagsabi sa akin. "But..." She pouted her lips. Idinikit n'ya sa akin ang katawan n'ya at sadyang ikiniskis ang bumper n'ya sa braso ko. Bahagya akong lumayo at hinarap s'ya. Alam ko na hindi n'ya ako tatantanan kaya naman: "Umuwi ka na dahil hatinggabi na." Malumanay na saad ko sa kanya. "Kaya ko ang sarili. Gusto ko lang talagang mapag-isa sa mga oras na 'to. Pero babawi ako next time, okay lang ba?" "Okay lang pero in one condition?" She's flirting with me. Kung ibang lalaki siguro ako ay hindi ko s'ya tatanggihan. Materiales puertes si Margareth. She has everything every man's dream. "What i—" walang babala kinabig n'ya ako sa batok at sinibasib ng halik! "Margareth!" Inilayo ko s'ya sa katawan ko. "Ba-bye, Zach!" Malaki ang mga ngiti na nakapaskil sa mukha n'ya bago ako tuluyang talikuran. Pagtingin ko sa may pintuan ay nakita ko pa ang babaeng nakabangga ko kanina. Nakangisi s'ya subalit wala pa ring emosyon ang mga mata n'ya. Lalapitan ko pa sana subalit tinalikuran n'ya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD