ZACHKARY
"Mom? Dad?" Bungad ko sa kanilang dalawa nang imulat ko ang aking mga mata. Mga nag-aalalang ngiti ang sinukli nila sa akin.
"Son!" Lumapit agad si mommy at umiiyak. "What happened?!"
"What happened, son?" Si daddy, inulit n'ya lang ang naging tanong ni mommy.
Ano nga ba ang nangyari? Maski ako ay walang masyadong maalala dahil sa kalasingan ko kagabi.
Kumilos ako upang sana ay umupo subalit naramdaman ko ang sakit sa sa aking katawan.
"'Wag ka na munang kumilos kung hindi mo pa kaya, anak. Ano ba ang nangyari sa'yo?" Nandoon pa rin ang pag-aalala sa boses ni mommy.
Imbes na sagutin ang tanong ni mommy ay nagtanong ako. "Sino po ang naghatid sa akin dito kagabi?"
"Pft!" Napatingin ako sa bandang paanan ko. Si May. "Hay naku, kuya, 2 days ka na kayang nandito at tulog. Ngayon ka lang nagising. Nag-aalala na nga kami sa'yo, eh. Ano ba kasi ang nangyari sa'yo?"
"Da-dalawang araw na akong nandito?!" May pagdududa sa boses ko. Mapagbiro kasi ang kapatid kong si May kaya ganoon na lang ang reaksyon ko.
"Yup. Buti na nga lang at dito ka dinala dahil kilala ka ni Dr. Solajes. Kaya ang ginawa ni Dok ay tinawagan agad si mommy." Si April ang sumagot. Nilinga ko ang paningin ko. "Umalis lang si kuya August, may inaasikaso. Babalik din 'yon mamaya."
Tumango lang ako.
"Ikaw, kuya, ah. May inililihim ka sa amin," nanunukso ang boses ni May.
"Guys, just leave your kuya alone, lalo ka na, May." Sita ni daddy.
Pero naagaw ang pansin ko dahil sa nanunuksong tingin ni May. Hindi s'ya titigil kapag ganyan.
"Bakit?" Tanong ko.
"May babae kasi na naghatid sa'yo rito. And take note, kuya, she's just not a girl, she's so pretty, right, guys?" The rest of my family agree.
"Talaga? Baka si Margareth," duda ako sa sinabi ko, kilala kasi nila si Margareth at isa pa, hindi si Margareth ang tipong pupurihin ni May.
"Yucks!" She rolled her eyes. See? "Kamukha s'ya ni Wonder woman."
"The white version." Dagdag ni April. "At mabango kuya, ah."
Nagkatinginan ang kambal at sabay sinabing:
"Amoy BABY FLO, 'yong kulay blue..." Nag-apir sila at nagtawanan.
"Pero, kuya, mukhang mayaman, eh, 'di ba, April?"
"Oo, pero mukhang alanganin,"
Bahagyang nagusot ang noo ko sa sinabi ni April. "Alanganin?" Tanong ko.
"Oo, eh. Mas cool pa sa akin manamit. Pero hindi tipong pang-tibo manamit. Ang angas at ang lakas ng dating pero sobrang ganda, kaso..." Nag-aalangan na saad ni April.
"Kaso?" I don't know, pero bumangon ang kuryusidad sa akin. At kung su-swertehin ay tama ang hinala ko.
"Ice water ata ang nananalaytay sa ugat noon. Walking refrigerator.." si May na ang sumagot.
"Enough, guys. It's not polite to talk someone, especially kung wala sa paligid 'yong pinag-uusapan n'yo. Nakagawa nang kabutihan ang dalagang iyon kaya dapat pa nga na magpasalamat tayo." Natahimik ang dalawa sa sinabi ng padre de pamilya namin.
Sabay kaming napatingin sa pintuan nang bumukas ito. Inuluwa ng dahon si August.
"Mabuti naman at gising ka na, how are you feelin'?"
"Ok na," pinakiramdaman ko ang sarili ko bago nagsalita uli. "Mas ok na kesa kaninang paggising ko. Saan ka galing?"
"May inasikaso lang." Binalingan n'ya ng tingin ang kambal at si mommy. "Sa tingin ko po ay kailangan n'yo nang umuwi. Sabay na kami ni daddy pag-uwi, may pag-uusapan lang kaming tatlo."
Nakakaintindi naman na tumayo si mommy at yinakag na ang dalawa kong kapatid.
"Any improvements, son?"
Nagtaka ako sa tanong ni daddy. "About what, dad?"
"About your case, son."
Mas kumunot ang noo ko sa sinagot n'ya.
Lumapit sa amin si August at naupo.
"What happened that night, Zach?" Seryoso ang boses n'ya kaya ibig sabihin ay may problema nga. Problemang ako mismo ang nasangkot!
Nagkwento ako ng mga bagay na naalala ko.
"After mong tawagan si Seiko upang pauwiin ako ay nagpunta ako sa isang bar. Nandoon nga rin si Margareth. Past 12 ata noong napagpasyahan ko nang umuwi." Huminto ako upang alalahanin ang mga sumunod na nangyari.
Pilit ko na inalala ang mga bagay at rumihestro sa akin ang isang tagpo. Ikwenento ko sa kanila ang nangyari habang nagbabalik-tanaw.
I was too drunk to the point na may pumipintig na sa ulo ko dahil sa kalasingan. Pero, ito ang gusto ko. Magpakalunod sa alak kesa malunod ako sa mismong kalungkutan ko.
"This life is full of shits!" Hindi ko ugali ang mag-mura pero hindi ko lang talaga mapigilan ang maglabas ng hinanakit sa puso ko. "So, this is heartaches? No one warned me about this... Walang nagsabi sa akin na ganito pala 'to kasakit!" Sa totoo lang ay gusto kong umiyak pero kahit mga mata ko, tina-traydor ako.
"Sir?" Marahan akong luminga. S'ya 'yong binabae kanina. "Ipapahatid ko na kayo sa bouncer namin." Alok n'ya subalit tinanggihan ko na lang s'ya at ngumiti.
I plastered a warm smile. "D-don't bother," suminok ako. "Thanks anyway." Tinapik ko s'ya at tuluyang tumalikod.
Nang nasa tapat na ako which is the bar's garage, may narinig akong mga yabag ng sapatos. Luminga ako at saktong paglinga ko ay sinalubong ako ng kamao!
Sapul ako sa mukha!
Dahil na rin sa lasing na ako ay agad akong natumba at bumalandra sa kung saan. Hindi pa man ako nakakatayo ay magkasunod na tadyak na ang dumapo sa iba't-ibang parte ng katawan ko.
Tumigil sila ...
May humawak sa kwelyo ko at walang kahiraphirap na ini-level n'ya ako sa mukha n'ya.
Pamilyar s'ya sa akin.
"Kumusta, Fortalejo?!" Isang nakakalokong ngisi ang pinakawalan n'ya subalit nakikita ko ang poot sa mga mata n'ya. "Natatandaan mo pa ba ako?"
Tumawa ako. "Castro! Tingnan mo nga naman at buhay ka pa pala!" Ito ang dating ako—the younger version of me. Iyong batang sa kalye lumaki kaya ang ugali at pananalita ay pangkalye.
"Aba't gago ka palang talaga!" Walang babala n'ya akong itinapon. Dahil sa laki ng katawan n'ya, ay nagmistula akong eroplanong papel na lumanding sa sementadong sahig.
Nilapitan nila ako.
Ilan nga ba sila?
Apat... Hindi, lima... tama, lima lahat sila.
Tadyak.
Sapak.
Lahat ng 'yan inabot ko sa kanila sa loob ata ng sampung minuto.
Nakapikit na ang kaliwang mata ko at alam ko na ang mismong dugo na umaagos sa mukha ko ay galing sa ulo ko.
Isang malakas na tadyak pa ang naramdaman ko sa tagiliran ko. Naramdaman ko na tila nabali ang buto ko.
Gumapang ako at pilit na isinandal ang likuran ko sa kotseng napuntahan ko.
"Tuluyan na natin 'yan, boss!" Narinig ko na saad ng isa.
Nakarinig ako ng kasa ng baril.
Yumuko ako.
Naghihintay sa katapusan ko.
Naaalala ko ang tunay kong pamilya.
Tila rumihestro pa sa balintataw ko ang mukha ng kinikilalang kong pamilya ngayon.
Naalala ko si Marie at Padre Antonio.
Gustuhin ko man na lumaban subalit hindi na kaya ng katawan ko.
Yumuko ako at hinintay ang pagtama ng bala sa katawan ko.
1 segundo.
2 segundo.
3 segundo.
Hanggang sa makarinig ako na may mga lumagapak sa semento.
Pagtingin ko, isang naka-black-ninja suit ang papalapit sa akin.
Dahil sa kalasingan, hilo at pagod, sinalubong na ako ng kadiliman bago ko pa masilayan ang mukha ng tumulong sa akin.
"Si Castro?!!" August is mad. No... He's raging mad!
Si daddy, may galit din sa mga mata n'ya pero nang titigan n'ya ako. May nabanaag akong lungkot at pag-aalala sa mga mata n'ya.
Tumayo si August at may tinawagan. Si Hubert, 'yong kaibigan n'yang pulis.
"Si Castro! Yeah! Gusto ko na hulihin n'yo ang grupo nila... Ngayon din!" Malakas at pinal ang mga salitang binitawan n'ya.
"August?" Tawag ko sa kanya. "Hayaan mo na."
Bigla ang naging paglingon n'ya sa amin, ganoon din si daddy.
"Are you insane?!"
Umiling ako. "Let me handle this one. Please."
Tumingin ako kay daddy. Nanghihingi ng tulong.
"Hayaan mo na ang kapatid mo, August." Malumanay subalit may awtoridad sa boses ni daddy. Kaya ang ginawa ni August ay kinausap uli si Hubert para 'wag nang ituloy ang operasyon.
Bumukas ang pinto.
Si Doc. Michael Solajes.
Malapit s'ya sa pamilya namin.
May kasama s'ya. Doktor din na tulad n'ya.
Hindi ko alam kung nililinlang lang ako ng aking paningin o mas bata lang talagang tingnan ang ginang kesa sa totoo nitong edad.
"How are you, hijo?" 'Yong kasama ni Michael ang nagtanong.
"I'm doing fine, doc. Thank you." Ngumiti ako.
"Magpasalamat ka at ang anak ni Doktora Ventura ang nakakita sa'yo at nadala ka kaagad rito."
Naguluhan ako.
"Ha?" Gusto ko sanang magtanong pero 'yong dalawang letra lang ang lumabas sa bibig ko.
"Red, my daughter, brought you here, hijo. Nakita ka raw n'ya na walang malay sa parking lot ng isang bar."
Red? What a name. Tsk.
Naaalala ko ang sinabi ng kambal na maganda raw ang naghatid sa 'kin dito sa hospital.
Halos manlaki ang mata ko nang mapagtanto ang isang bagay. At bago ko pa man mapigilan ang bunganga ko ay naibulalas ko na ang mga katagang: "You're the owner of this hospital?"
Natawa ang ginang. Napangiti rin ang iba pa namin na kasamahan. Samantalang ako, nakaramdam ako ng pagkapahiya dahil sa inasal ko.
"Oo. At anak ng may-ari ng hospital na 'to ang sumaklolo sa'yo." Si Michael.
Mula sa may pinto ay may tumikhim at nanoot sa ilong ko ang amoy ng pabango ng bagong dating.
Baby flo. The blue one.
Paano ko ba hindi malalaman, ganoon ang pabango ni April.
"Mom?" 'Yong boses n'ya ay pamilyar. Plain and simple. Hindi malaki, hindi maliit. Natural ang boses n'ya. Hindi nga lang rin malambing.
Narinig ko ang papalapit na yabag. Hindi ko pa nakikita ang nagmamay-ari ng boses dahil natatabunan ito ng mga kasama ko.
Nang nakalapit naman ito ay si Dr. Ventura agad ang hinarap nito at may ibinulong bago n'ya pa kami harapin.
"Kumusta ka na?" Wala sa tono n'ya ang pag-aalala. Mas nasa tono n'ya ang napipilitan lang na mangumusta.
Hindi ako sumagot agad.
Kamukha nga s'ya ng isang artista sa Hollywood.
Matangkad at balingkinitan.
Elegante ang mukha.
Napakaganda n'ya kahit walang kolorete sa mukha. Sa tingin ko rin ay natural ang kilay n'ya. Hindi tulad ng iba kong kakilala na binabawasan ang kilay upang magkaroon ng korte.
"You look familiar." Matapos ng pag-inspiksyon ko sa mukha n'ya ay nasabi ko.
Ngumisi s'ya.
Para sa akin, magandang tingnan ang ginawa n'ya.
"Tapos ka na bang pag-aralan ako?" Walang kagatol-gatol n'yang tanong.
Napahiya ako.
Alam n'ya pala ang ginawa ko.
"Sa susunod mag-i-ingat ka na. Nakakamatay pa naman ang pagiging lampa." Matapos n'yang sabihin 'yon ay binalingan n'ya sila daddy at ngumiti. Totoong ngiti ang nakita ko. "I'll wait for you outside, mom," saad n'ya at tuluyan na na umalis.
"I'm sorry about that, hijo." Punong-puno ng sinseridad ang boses ni Doctor Ventura kaya ngumiti ako.
"Okay lang po, Doc."
Matapos na siguraduhin kung ayos lang ako ay nagpaalam na ang butihing doktora.
Ang tatlong kasamahan ko na lalaki ay nagtatawanan habang nakatingin sa akin. Napapailing pa si dad habang pinipigilan ang matawa.
"Why?"
"Kaya naman pala tila galit sa'yo ang anak ni Doktora Ventura, eh."
"Huh?" Nalilito ko pa rin na tanong.
Si Doc. Michael ang sumagot. "Si Red? Mabait 'yon, hindi nga lang halata." Tatawa uli. "Ilag lang talaga s'ya sa ibang tao. Kumbaga, kapag tinanong mo, sasagot, kapag hindi naman, 'di mo rin s'ya makakausap. Kahit nga magkakilala kayo, kapag nagkasalubong kayo sa kung saan, kung hindi mo unahan ng bati, babalewalain ka lang pero mabait s'ya. " Hindi ko talaga alam ang ipinupunto ni Doc. "Naikwento sa akin ni Doc. Ventura ang nangyari sa bar—ang nangyari sa inyong dalawa."
Napamulagat ako. "Walang nangyari sa amin, ah!" Why so defensive, Zach?
"Hijo," si daddy. "Hindi iyon ang ibig sabihin ni Michael. Na-kwento raw kasi ni Red na dahil sa kalasingan mo, nasubsob ka raw sa dibdib noong bata."
Natawa ako sa huling sinabi ni dad. "Bata talaga, dad?"
At napuno ng halakgakan ang loob ng silid ko.
Dahil na rin sa mapilit ako. Nang gabi na 'yon din ay umuwi akong kasama si August at si daddy.