TAKOT

1859 Words
RED HARMONY VENTURA "Kilala mo ang binatang 'yon..." Mula sa bibig ni mommy ay narinig ko. Hindi iyon tanong bagkus ay isang kompirmasyon. Nagkibit-balikat ako. "Yeah. A nightmare in my past." Matabang ko na saad. "Sana isama natin si ate kahit ngayon lang." Pag-iiba ko ng paksa. Kahit medyo maingay sa hallway ng hospital ay hindi nagmintis sa pandinig ko ang paghugot ng malalim na buntong hininga ni mommy. "Sa tingin mo?" Tanong n'ya. "Yeah. We all know that how much she's eager to see the world and besides it's her birthday..." Sa mga nagdaang taon ay kuntento na kami na sini-celebrate ang birthday ni Red sa bahay lang. Walang bisita. Kami lang talaga na pamilya kasama ang mga kasambahay. "Papayag kaya si daddy mo?" Nagliwanag ang mukha ko sa sagot n'ya. "The truth is, sa'yo lang din po dume-depende si daddy tungkol sa bagay na 'yan. Hindi naman sa in favor ako kay dad, ano lang kasi mom, ikaw talaga ang pinaka-strict sa inyo ni dad." "Now you're telling me that, young lady..." Nagtawanan kami. "Ako na ang susundo sa ate mo. Ikaw naman ang bahala sa daddy mo. Sa mall na lang tayo magkita." Sumaludo ako sa kanya, "You're the boss ." Hinatid ko na muna s'ya sa sasakyan n'ya bago ako umalis. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan na isipin si Zach. Maraming tanong ang bumabagabag sa akin subalit hindi ko mabigyan ng kasagutan. "Bakit naman kaya s'ya nagpakalasing?" Hindi ko maiwasan na maibulalas sa bibig ko. Naantala ang pag-iisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Si Red. Gumamit ako ng headset for safe driving. "Hi," pinasigla ko ang boses ko. "Asan ka, Marie?" I can sense the sadness of her voice, alam ko na ang dahilan. "Papunta sa office ni daddy, why?" "Sasabay ka kay daddy?" Sumigla ang boses n'ya. "Akala ko nakalimutan mo na birthday ko ngayon." "Magagawa ko ba naman 'yon? Makalimutan ko na lahat, 'wag lang ang mahahalagang araw ninyo nila mommy at daddy." "How sweet of you, Marie. Magkita na lang tayo rito, okay? Ibababa ko na 'to para makapag-focus ka sa pagmamaneho mo. I love you, Red." Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa sinabi n'ya. Madalas naman n'ya akong tawagin na Red pero iba ang dating sa akin nito ngayon. May dalang kilabot din sa akin ang pagsabi n'ya ng I love you. "Marie?" Untag n'ya, marahil sa pananahimik ko. "Are you alright?" Nagtanggal ako ng bara sa lalamunan. "Hmm, ahh, yeah, yeah.. Magkita na lang tayo, ha? I love you. Bye. " "Bye," at naputol na ang tawag. After her call ay tinawagan ko si mommy. Sinabi ko na susunduin na lang namin sila ni daddy para sabay-sabay na kaming magpunta sa mall. Hindi ko alam kung bakit napa-paranoid ako. Marahil ay sa hatid na takot na naramdaman ko kani-kanina lang. Dumaan ako sa isang sikat na coffee shop at nag-order ng isang kape para kay daddy. He's into coffee just like Red. Nasa labas na ako ng opisina ni daddy nang makarinig ako ng tila nagtatalo. Hindi naman kalakasan subalit dama ko ang diin at galit sa boses ng sino man na kausap ni daddy. Kumatok muna ako at dere-deretso na pumasok. Natahimik sila. Sabay pa si daddy at ang bisita n'ya na lumingom sa gawi ko. Manolo Saldana!? What the heck are you doing here?! Umakto ako nang natural. "I didn't know na may kausap pala kayo, dad." Lumapit ako kay daddy at ibinigay ang kape matapos ay binigyan ko ng pansin si Manolo. "Hi, sir." "Anak mo, Mr. Ventura?" Tanong n'ya kay daddy pero nasa akin pa rin ang paningin n'ya. "Yeah. Her name is Red. Red, meet Don Manolo Saldana." Sa tinig ni daddy ay tila nahahapo s'ya. Inabot ko ang kamay ko kay Manolo upang sana ay makipagkamay ngunit walang babala na hinalikan n'ya ito. "Hindi mo sinabi na may napakaganda ka pala na anak, Mr. Ventura." He said while still holding my hand. Tumikhim ako at kinuha ang kamay ko. "Nice to meet you, sir. I've heard so much about you." Aral na ang pagkilos ko at pagngiti. Subalit alam ni daddy na sa likod ng mga ngiti ko at gusto kong pilipitin ang leeg ng kasama namin ngayon. "I hope na magandang mga balita tungkol sa akin ang narinig mo, Little Missy." Ngumiti lang uli ako. Nang wala nang nagsalita ay kusa na s'yang tumayo at nagpaalam. Hahawakan n'ya na sana ang doorknob nang huminto s'ya at lumingon sa amin. May kinuha s'ya sa bag at iniabot sa akin. "A daughter of my friend will be celebrating her birthday," inabot ko ang naturang imbitasyon. Isang kulay puting eleganting imbitasyon. Margareth Cortez... "Are you sure about this?" Who would have thought that there's no need for me to gate-crash a party? "Of course. Ipapadala ko na lang ang isusuot mo—" Hindi ko na s'ya pinatapos sa pagsasalita. "Wait, what? Why? Hindi ko ba pwedeng isuot ang gusto ko na damit?" Tahimik lang si daddy na nakikinig sa amin. Ilang segundo rin bago nakasagot si Manolo. "Of course, you can wear anything you want. So, see you at the party?" "Si Señor. Gracias." "De nada, señorita," tumango muna ito sa amin bago tuluyan na lumayo. "Where's your mom, honey?" "Nasa bahay na dad, naghihintay sila ni ate." Mula sa ginagawa n'ya ay lumingin s'ya sa akin. "Finally?" "Finally," ulit ko. "It's her birthday, bakit hindi natin ibigay sa kanya ang araw na 'to, 'di ba? Nandito ako, babantayan ko kayo." Sa sinabi ko ay binigyan ako nang makahulugan na tingin ni daddy bago n'ya ipinagpatulog ang ginagawa n'ya. May inihabilin muna s'ya sa secretary n'ya bago kami tuluyan na umalis. Habang nagmamaneho ako ay inuubos naman ni daddy ang kape na dala ko sa kanya. "May sinabi ba sa'yo ang mommy mo, honey?" Mula sa pagkakatutok sa kalsada ay bahagya ko na nilinga si dad. "Wala naman po, tungkol po ba saan?" "Mas mabuti na mamaya na lang nating pag-usapan pag-uwi natin." Seryoso ang boses n'ya kaya malamang ay seryoso ang magiging paksa. "Anak..." "Dad?" "Hindi naman sa pinapakialaman kita, I know that you have your own agenda, pero may mga bagay na gusto rin namin na malaman ng mommy mo. Nag-aalala kami sa'yo." Naka-red ang stop light kaya huminto muna ako. Pagkakataon din upang lingunin ko si daddy. Nasa mukha n'ya ang pag-aalala. "'Di ba at nangako po ako sa inyo? Tinupad ko po 'yon. Hindi ako gumagawa ng mga bagay na labag sa kalooban n'yo." "Sino 'yong nababalita sa tv na may pinapatumba na mga tao?" "Trust me dad, it wasn't me..." Nag-green ang light kaya nagmaneho uli ako. "Mga kakilala ko sila na naghahanap din ng hustisya. At alam mo po kung paaano ako kumilos, hindi ba?" Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang pagtango ni daddy. "Hindi ikaw ang nababalitang pumapatay?" Paninigurado n'ya pa. "Tinitiyak ko iyon sa'yo dad. Pero..." Huminto ako sa pagsasalita. "May ginagawa pa rin po akong hakbang lalo na ngayon at nalaman ko ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni daddy." "What do you mean, hija?" Ikwenento ko sa kanya ang nangyari sa bar. 'Yong tungkol kay Margareth. Tungkol sa mga narinig ko na sinabi n'ya. "I still want my revenge. Kung mamarapatin nga lang ay nakipagkita na ako kay mommy.." "B-bakit hindi mo gawin ang alam mo na makabubuti sa'yo?" Umiling lang ako. "Ginagawa ko po ang alam ko na mas makabubuti sa karamihan. Kapag nalaman nila na buhay ako, maaari kayong mapahamak dahil kayo ang kumupkop sa akin. Inaaalala ko rin si mommy lalo pa at wala na si daddy." "Naiintindihan ko, anak. Pero kapag hindi mo na kaya ang mga pasanin mo, sabihan mo lang kami ng mommy mo, ha? Naghihintay lang kami sa'yo." "Opo." Pakiramdam ko ay may mainit na kamay na humaplos sa puso ko. Ramdam ko ang pagmamahal nila kahit hindi nila ako tunay na kadugo. Pagdating sa bahay ay nakabihis na sila mommy at Red. The happiness is visible in her eyes. Tila isa s'yang ibon na unang beses na makakawala sa hawla n'ya. "You look so beautiful in that red dress. Buti at isinuot mo 'yan." "Thanks, Marie. Isusuot talaga 'to ni ate dahil bigay mo 'to." "Are you ready, girls?" Si daddy, nakabihis na rin s'ya. "Yes, dad. I'm so eager to see the world," may kislap sa mga mata ni Red habang nagsasalita. Ang kislap at saya sa mga mata ni Red ay hindi nabawasan lalo na nang tinatalunton na namin ang pinakasikat na mall sa bansa, ito rin kasi ang malapit kaya roon namin napagpasyahan na pumunta. Singhap at purong "wow" ang naririnig ko sa kanya. "You should see the nightlights when the Christmas is approaching, mas makulay kaya mas maganda. 'Wag kang mag-alala, ipapasyal kita." "Talaga? May lugar ba na maaaring puntahan na maliwanag kahit ganitong buwan?" "Sa Antipolo overlooking. Mula sa kalsada ay makikita mo ang liwanag sa mga bahay sa baba, maihahambing mo sila sa mga bituin sa lupa." Si daddy, nakangiti habang nakatingin kay Mommy. Pinaparinggan n'ya ito. "Pwede mo ba akong dalhin doon, Red?" "Gusto mo bang puntahan natin 'yon mamaya?" Napasinghap si Red sa tanong ni mommy. "Yes, mom, please," "Kaya mo ba? Hindi ka ba mapapagod?" Tinanggal ko ang pag-aalala sa boses ko. "Yup, magdala rin tayo ng popcorn para kunwari ay nanonood tayo ng sine," humagikhik s'ya sa sarili n'yang suhestyon. Nang makarating sa mall ay kumain na muna kami sa isang steak house. "Thank you for this opportunity, mom and dad," with her teary eyes, she said. "Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to dahil nakasama ko kayo. Pangalawa 'to sa pinakamasayang araw ng buhay ko." "Pangalawa lang?" Dinaan ni daddy sa biro ang tanong, pilit pinapagaan ang usapan. "Yeap," tumingin sa akin si Red na nakangiti. "Dahil ang pinakamasayang araw ng buhay ko ay noong dumating sa buhay natin si Red. Dahil sa'yo, nagkaroon ako ng kapatid, kaibigan at kahit pa wala namang umaaaway sa akin, pakiramdam ko ay safe ako kapag nandiyan ka. Sa t'wing magka-usap tayo at kine-kwento mo sa akin ang mga karanasan mo sa araw-araw, pakiramdam ko ay kasama mo na rin ako. Maraming salamat. Wala na akong mahihiling pa dahil kayo ang pamilya ko." "Ohh, baby," tumayo si mommy at yinakap si Red habang umiiyak. Tumayo na rin kami ni daddy at yumakap sa kanila. "'Wag mo kaming iiwan, Marie, ha? Kahit pa mahanap mo na ang mga magulang mo?" Nakikiusap ang boses n'ya kaya para akong nahihirapang huminga. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Masaya ako dahil totoo ang pagmamahal nila sa akin. Nasasaktan ako dahil kahit hindi ipinapakita ni Red, alam namin na nahihirapan din s'ya. At ang huling emosyon ay hindi ko inaasahan na muling uusbong sa dibdib ko. Akala ko ay matagal ko nang nilipol ang emosyon na 'to. Pero nandito pa rin pala. Nagtatago lang sa sulok at pilit na kumakawala at kinakain ang sistema ko. At aaminin ko... NATATAKOT AKO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD