bc

Til my Heartaches End.

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
possessive
second chance
tragedy
twisted
disappearance
first love
virgin
love at the first sight
addiction
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng babae, na may simpleng pangarap sa buhay yan si Mae Joy Lozano, kinakaya nya ang lahat ng hirap para lang makapagtapos siya ng pag-aaral.

hanggang sa dumating sa buhay niya si John Migo Montecillo. isang lalaking handang ibigay ang langit at lupa para sa kanya mahalin lamang niya ito.

Ngunit papaano nila lalabanan tadhan kung buhay at kamatayan ang kanilang kailangan na harapin.

samahan natin si Mae at JM sa kanilang naiibang istorya ng pag-iibigan.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Lakad takbo ang ginawa ni mae habang tinatahak ang kahabaan ng corridor ng unibersidad na pinapasukan niya. Katatapos lang ng huling klase para sa araw na iyon. Alas singko na ng hapon noon ng makatanggap siya ng mensahe galing sa matalik na kaibigan na si abby. "I need you.. waiting here at the locker.." ang mensahe na kanyang nabasa sa kanyang cellphone na de keypad nakaramdam siya ng kaba para sa kaibigan, madalas kasi itong mapaaway at siya ang taga ayos ng gusot na napapasukan nito. pagpasok pa lamang ng locker room ay ginala niya ang paningin sa mga upuan na nakahilera, dun lang naman sila madalas na maghintayan ng makita niya na nakayuko ito ay nagmamadali niyang pinuntahan agad. "huy! anong nangyari??" tanong ko agad dito nilapag ko lamang ang mga bitbit kong mga folder at libro sa isang sulok at umupo ako sa tabi ng kaibigan ko. unti-unti siyang nag-angat ng tingin at tinanggal ang earphone na nasa tenga, kasalukuyan pala itong nanonood ng music video sa mamahaling cellphone nito "What happen bakit ka hingal na hingal?!" nagtatakang tanong nito sa akin "Huh?! nagtext ka sakin na u need me di ba? may nakaaway ka nanaman ba?" "Haaaay ang O.A mo girl, " tumirik pa ang mata nito at nangingiti sa itsura kong pawis na pawis at hinihingal.. ng mapagtanto ko na maayos naman pala ang kaibigan ko at walang problema ay napasandal na lang ako at natatawa na dn dahil mahaba haba din ang nilakad at takbo ko dahil ang locker room ay may kalayuan sa building ng huling subject ko, "Eh nag aalala lang ako akala ko kung napano ka na naman tulad ng nangyari noon nakaraan" wika ko.. noon nakaraang linggo kasi ay napaaway si abby sa isang grupo ng mga kababaihan sa labas ng eskwelahan dahil sa nakatanggap si abby ng rosas mula sa nobyo ng babaeng kumompronta dito. ang ending hindi siya nakapasok sa kanyang huling klase. "hahahahah relax im ok? magpapasama lang ako sayo ngayon dahil naka hold pa din ang Credit card ko, nag credit limit na ako remember? sabi ni daddy bibigyan niya ako ng new credit card and Atm for my allowance.." wika nito at tumayo lumapit sa locker niya at nag ayos ng sarili sinundan ko na lamang siya ng tingin at napailing, paano ba naman hindi siya mag ke credit limit, kuntodo ang shopping, salon, at night out at nitong weekend na nagdaan ay nag out of town kasama ang mga pinsan inaaya nga niya ako ngunit tumanggi ako dahil sa kailangan ko kumayod.. mabuti na lamang at wala akong raket ngayon wala din akong schedule bilang assistant sa library ng unibersidad dahil sa 4 na beses lamang ang duty ko sa isang linggo, may sahod din ako don na kahit papaano ay malaki ang tulong sa gastusin ko, nakakatipid din ako dahil advantage sa akin ang libro na nahihiram ko at nakakagamit ng libreng computer at di na kailangan pang mag renta sa labas, ngayon araw balak ko na lamang sana na mag divisoria at mamili ng mga pinabibili sa akin at pinapahanap ng ilan kong kaklase at kakilala. sa ganitong paraan kumikita ako kahit nakakapagod ang pagiikot at paglibot ay tinitiis ko kahit papano ay iniisip ko ang kikitain ko. tumayo na din ako at nagpunta sa locker ko na d kalayuan sa locker ni abby, naisip ko na samahan na lamang si abby tutal ay maililibre naman ako ng hapunan nito. "Mae, ito ang suotin mo, " may kinuha siyang isang supot at iniabot sa akin, "ano to'?" tinanggap ko ang supot at binuksan "Damit malamang, bagay yan sayo.. binili ko lastweek." "Ano ka ba naman madami ka ng damit na naibigay sa akin at saka Ok naman itong uniform natin ha?" "Ano ka ba? malay mo, doon mo makilala ang prince charming mo dali na at naghihintay sila daddy..." mapanuksong wika ni Abby sa akin inilabas ko ang damit sa supot at ng makita ko ay isang maganda at mamahalin na bistida ang tumambad sa akin, Puff sleeves at Vneck ang tabas at above the knee ang haba kulay pastel pink ito at halata sa tela at pagkakayari na hindi lang kung saan nabili ang damit. nilingon ko si abby at nakangiting nakatingin sa akin. "I know u like it.. you're welcome.. " wika ni abby "ikaw talaga .. Thankyou.. ang ganda nito at mukhang mamahalin pa.. " "Just shut up get dressed and aayusan pa kita.." "kailangan pa ba abby?" medyo naiilang kong sabi "ano kaba! suot mo na yan, alam kong bagay na bagay yan sayo.. malakas talaga ang pakiramdam ko na ngayong gabi malikilala mo siya.." "Huh??!! sino..?" "Ang slow mo, edi ung prince charming mo, " "Hay naku abby, alam mong wala sa utak ko ang prince charming na yan.. " " Oo na sige na,edi wla na .. basta suotin mo na lang yan.. " nagtungo ako sa isang cubicle ng c.r kung saan pwedeng maligo at makapag bihis.. naiilang man ay sinunod ko ang kaibigan ko.. ilang sandali pa ay lumabas na ako at ang laki ng ngiti ni abby ng makita ako.. " Oh... Loko!!! bagay na bagay sayo diba? ikaw kasi ayaw mo makinig sa akin.. " naglakad ako palapit kay abby at naiilang na tinakpan ang bandang dibdib ko.. may kaunting cleavage kasi na nakalabas dahil sa uri ng tabas ng bistida ngunit hindi naman bastos tingnan.. sumasabay din ang tela ng bistida sa paglalakad ko, fitted ang taas ng bestida kaya lalong lumabas ang kurba ng aking katawan at ang ibabang tela ay ay bagsak at maluwag kaya sumasabay habang naglalakad ako na lalong nagpaganda dito.. "Sure ka ba abby? alam mong hindi ako sanay na magsuot ng ganito.. naiilang ako, " " bagay na bagay nga sayo, huwag kang mailang.. ito ang isuot mo, " iniabot niya sa akin ang 3 inches heels at umalis siya sa harapan ko dala ang damit na susuotin niya tiningnan ko ang kabuuan itsura ko sa salamin.. nanlaki ang mata ko, "totoo ba ito..? ang ganda nga.. " napangiti ako sa naging ayos ko, hindi ko sukat akalain na babagay pala sa akin ang bestida na yon, madalas pantalon at simpleng tshirt lamang ang sinusuot ko kapag umaalis, ang ibang binibigay ni abby ay nasusuot ko lamang kapag may mga okasyon at kapag iniimbitahan niya ako sa mga party na dinadaluhan niya o kaya kapag makikipag kita siya sa mga magulang niya. paglabas ni abby ay isang maxi dress na lampas tuhod , turtle neck na sleeveless at kulay pula ito. kitang kita ni mae ang magandang hubog ng katawan ni abby para itong super model sa kaseksihan at kagandahan na taglay "grabe,!!! ang sexy sexy mo.." wika ko " duh??! dalawa kaya tayo.. inayusan ako ni abby manipis lang ang makeup na nilagay niya saakin. "wow mae, kapag inaayusan kita mas lalo kang gumaganda.." "ewan ko sayo kung ano ano nilagay mo sa mukha ko, hindi naman ako sanay jan.pero, Thankyou tlga.." natawa na lamang si abby at nagpatuloy silang magayos, pinalugay sa kanya ang buhok niya at kinulot ito ni abby, ng matapos sa kanilang ginagawa ay tinawagan ni abby ang driver niya at nagbigay ng instruction kung saan sila susunduin. Paglabas nila sa locker room ay tinahak nila ang daan papuntang parking lot. madami dami ang estudyanteng napapatingin at napapa second look habang naglalakad kami.., may ilang grupo din ng kabataan ang nadaanan namin at kitang kita sa kanila ang paghanga sa amin. ang ibang kababaihan naman ay napapataas ang kilay kung ang pakiramdam ko ay ilang at hiya, si abby naman ay taas noo na naglalakad at walang bakas ng hiya o kaba.. parang isa siyang modelo sa loob ng eskwelahan na iyon "Hi baby.." "Hi ladies..." "Sexy..." "ang ganda..." "pre tingnan mo," "Chika babes.." mga ilang kataga na narinig ko habang naglalakad kami palabas.. ng makarating kami sa parking lot ay nakaabang na si mang domeng, sinalubong niya kme kinuha ang bibit ko na paper bag na pinaglagyan ko ng suot ko na uniform at ilang mga libro at folder .. pinag buksan niya kami ng pintuan ng sasakyan at umalis na Dinala ako ni abby sa isang Mamahalin na Hotel sa may makati, sa mga ganitong pagkakataon ay nakakaramdam ako ng saya at kaba..saya dahil sa napakaganda ng lugar, malinis at mabango malamig dahil sa aircon mga bagay na malayo sa lugar na kinalakihan ko.. kaba ilang panliliit sa sarili dahil doon ako nakakakita ng mga mamahalin, mayayaman at nkakaangat sa estado ng buhay na mga tao na malayong malayo sa sitwasyon ng buhay ko. sa entrada pa lamang ng Hotel ay may sumaludar na saamin na mga staff, si abby ang kumausap dito inihatid kami ng staff sa isang mamahalin at sosyal na kainan ng Hotel pag bukas ng pintuan ay madami ang tao sa loob, tahimik at disente ang mga nandirito.. natigilan ako at inilibot ko ang paningin sa mga tao na kumakain, may mga nagtatawanan, mga naguusap kumakain nagkakasiyahan.. "Reservation for Mr. Alcantara" Nadinig ko na wika ni Abby. "This way madam. " wika ng maganda at matangkad na staff na sumalubong sa amin, Sa loob ng kainan na iyon na puro salamin at nag kikinangan na chandelier habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid ko, hindi ko mapigilan mamangha kahit na may ilang beses na din akong naisama ni abby sa ibang mga hotel o restaurant masasabi kong ito ang pinakamaganda sa lahat ng pinagdalhan sa akin ni abby, malawak ang kainan na yon.. ultimo kubyertos ay kumikinang, ang liliwanag ng mga ilaw at magagandang muwebles doon na para lamang sa mayayaman, ang carpet na inaapakan ko ay malinis na animoy hindi naman nadudumihan.. ang mabango na amoy ng kainan at ang malumanay na tugtugin na masarap sa tenga ang nagpahanga lalo sa akin ng mga oras na iyon, ng makaupo na kmi ni abby ay binulungan niya ako.. "Maganda dito ano?" "Sobrang ganda abby... pangarap ko na madala dito ang pamilya ko..grabe parang palasyo dito.." "Lalo na ang mga kwarto sa itaas.. grabe ang gaganda.." "paniguradong mahal dito.." "55thousand isang gabi.." ""What??!" medyo napalakas na sambit ko.. sobrang gulat ang naramdaman ko, na naka agaw ng atensyon ng iilang tao at napalingon sa amin ang ibang kumakain natatawa naman si abby sa reaksyon ko.. "First class hotel to ano ka ba? kaya nga nakabihis tayo ngayon ng bongga.. " "grabe abby.. ang yayaman pala ng tao dito buti na lamang maayos ang hitsura ko at binihisan at inayusan mo ako.. " "i told you.." pagmamalaking wika ni abby. "Ang yaman ng mga tao dito, lalo na siguro ang may ari nito.." "totoo ka jan.. ang mga montecillo ang may ari nito.. madami silang Hotels Hospitals at super market di lang sa pilipinas kundi sa buong asia. " "Montecillo? ka apelyido nila ang namamahala sa school natin ngayon ah.." "Hindi malabong related sila sa isa't isa.." wika ni abby.. nagkibit balikat na lamang siya.. may lumapit sa amin na waiter at inabutan kami ng menu, medyo nanlaki ang mata ko sa presyo ng pagkain, 1,055 sa isang putahe lang..350 mga juices sa mga salad ay umaabot ng 600 to 900 per serving.. napalunok ako at napatingin kay abby na kasalukuyan na nakatingin sa menu.. lumapit ako ng bahagya sa kanya at binulungan para hindi madinig ng waiter.. "Grabe naman ang mahal dito by, 1k lang nga ang budget ko sa loob ng 1 month, dito isang kainan lang.." "Hayaan mo na hindi naman tayo ang magbabayad.." " wala ba ng katulad dati mas mura kasi un.. 350 lang .. " "omorder ka na jan kung ano ang gusto mo, huwag ka ng mamroblema sa babayaran .. " "ito na lang medyo .. mura 999 lang mukha pang masarap nakakatakam.." napangiti na lang si abby at sinunod ang sinabi kong pagkain patuloy ang pagmamasid ko sa lugar na iyon. hindi ko kasi mapigilan na hindi humanga sa ganda ng lugar na kinaroroonan ko. "daddy.. ! Wika ni abby at tumayo sinalubong niya ang paparating na si don Gustavo Alcantara ang daddy ni abby, "Hija.. how's your day..?! " malambing na wika ng ama at niyakap si abby, napangiti ako "ang swerte talaga ni abby." bulong ko sa aking sarili "Im Good dad, How about you? how's work? where's mom? sunod sunod na tanong ni abby at tiningnan kung nakasunod ba ang ina sa likod .. "may ka video meeting pa sa taas ang mommy mo about sa negosyo natin sa palawan.." bumaling sa akin ang don at kinamusta ako "Oh! you're here hija! how are you..? kamusta ang pag-aaral you look good nice dress.. ?" puri sa akin ng don.. tumayo ako at nakipag shakehands .. "Mabuti naman po Don gustavo.. galing po ito kay abby.. " "Don gustavo? you're to formal hija just call me tito.. " sabay sabay kaming naupo at naiilang akong nakangiti habang pabalik balik ang tingin sa mag ama sa aking harapan.. "sige po tito.. " nahihiyang wika ko.. "naka order na ba kayo ng pagkain niyo hija?" "Yes dad.., wait Hindi pa ba matatapos si mom daddy?" "I don't know hija.. ang sabi niya ay umakyat na lamang kayo kapag hindi pa natapos ang meeting nila.. " "aalis nanaman kayo dad kaya nandito kayo sa hotel?" "Yes! were leaving tommorow, we need to go to hongkong hija, may kaunting problema sa branch natin doon ..hindi puwedeng magsawalang bahala baka lumala ang problema." "lagi na lang kayo umaalis dad, hindi ko na kayo halos nakakasama sa bahay, " nagtatampong himig ni abby, "Hija, ka buwanan na kasi ng asawa ng kuya Dave mo, hindi siya puwedeng umalis sa tabi ng asawa niya.. kaya naman kami ang nagaasikaso ng ating negosyo, hayaan mo kapag nakaraos naman ang mag asawa ay babalik na si dave sa pagpapalakad ng negosyo.." si dave ang nakakatandang kapatid ni abby dalawa lamang silang magkapatid ito ang namumuno ngayon sa kanilang kumpanya na construction supplies ngunit dahil sa maselan na pagbubuntis ng asawa nito ay napilitan sa bahay na lamang mag trabaho nakabukod ito ng bahay kaya sa mansyon ay si abby lamang ang malimit na naiiwan. "namimiss ko lang kasi ang bonding natin.. i miss kuya dave too.." "i hope you understand hija.. in time.. you will understand things .. " nagpatuloy sa paguusap ang mag ama sa aking harapan, "by the way, here's your new Credit card hija.. inaayos pa yung luma mo, and please mag hinay hinay ka naman anak.. pang ilan na iyang credit card mo.. " wika ng don sa kanyang anak. iniabot nito ang isang sobre "Anjan na din ang atm mo incase you need a cash.." "Thankyou dad.. naglilibang lang naman ako dahil naboboring ako sa bahay at wala kayo ni mom" "just please nextime ay magiingat ka na.. and to you.." bumaling sa akin ang don.. "po...?" nagtatakang napatingin ako sa mag ama.. "Here's a little help .. " iniabot sa akin ang isang sobre nagtataka akong tinanggap ang sobre malakas man ang kutob ko sa laman niyon ay sinilip ko pa din.. nanlaki ang mga mata ko at may iilan libo ang laman " naku don gustavo.. hindi ko po ito matatanggap malaking halaga po iyan.." wika ko.. ibinalik ko sa don ang sobre kung noon ay inaabutan lamang ako ng 500 o isang libo ng don, ngayon ay masyadong malaki na nasa limang libo yata. minsan nga ay ayaw ko tanggapin dahil sa hindi naman nila kailangan na bigyan pa ako.. totoo ang pakikipag kaibigan ko kay abby at hindi ako nanghihingi ng kapalit. pero lagi nilang sinasabi na tulong nila ito para sa akin.. "Hija.. i heard na ipinagtanggol mo ang anak namin ng mapaaway siya noon nakaraan.. this is my way to say thankyou hija at tulong ito para sa pag aaral mo.. " " pero, hindi naman po ako nanghihingi ng kapalit sa pag alalay ko kay abby.." "No.. hindi ito bayad oh kapalit.. tulong namin ito sa iyo.. hija, huwag mo sana itong masamain.. " napatingin ako kay abby tumango lamang siya at nakangiti.. sinenyasan niya ako na tanggapin ko ang sobre .. ngunit ng hindi ako kumilos para tanggapin ay kinuha nito ang sobre sa kanyang daddy at nilagay sa mga kamay ko.. "pag tinanggihan mo yan.. magtatampo ako.." wika nito at nakipag apir sa daddy niya.. "Pero abby, ang laki kasi nito.. " "Ayaw mo yon.. makakapg pahinga ka ng ilang araw hindi mo kailangan magpunta sa divisoria. may maibibigay ka na sa pamilya mo.. at masasamahan mo pa ako sa bahay.. " nakangiting wika nito.. "pero..." "wala ng pero pero.. ok? " wala akong nagawa kung di tanggapin ang binigay sa akin ng mag ama.. dahil sa mapilit si abby ay hindi ko kaya ang kakulitan nito.. "sobrang salamat po don gustavo..abby.." "Don gustavo?.. i told you tito na lang hindi ba.. " wika ng don sa akin.. " sorry po tito.. pero sobrang Thankyou po talaga.. " "Dont mind it.. masaya akong makatulong sa iyo.. hindi ka na iba sa amin malapit kang kaibigan ng anak namin.." nakangiting wika ng don.. "Abby thankyou.. " wika ko.. "Ok lang ikaw pa.." "promisee abot langit pasalamat ko sayo.." "basta samahan mo ako bukas ha.." "Saan tayo pupunta.." "Kailangan magamit ko itong credit card nangangati ang kamay ko na mag shopping.." "Nanaman??" napailing na lamang ako at nagkatinginan kami ni don gustavo, nagkatawanan nalang kami dahil alam na ng don na mag wawaldas na naman ng pera ang kanyang anak. "Hahaha im just kidding.." wika ni abby habang naguusap ang mag ama ay iniiwas ko ang atensyon ko sa kanila at ibinaling sa ibang tao sa hotel.. nagpalingon lingon lang ako hanggang sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla na lamang ako napatingin sa isang lalaki na kadadaan lamang sa harapan ko at nilampasan ang lamesa namin.. nakatalikod ito sa gawi ko, nanuot sa akin ang pabango niya, parang na magnet ang mga mata ko na sinundan ng tingin ang nagdaan. "grabe, ang bango, siguro guwapo ito .. nakatalikod pa lang guwapo na e.." wika ko.. hindi ko man lamang nasilayan ang mukha at nahihiwagaan man ako ay naiwan sa akin ang mabangong amoy ng lalaki. "Ang lakas naman ng dating non.. " bulong ko sa sarili, hanggang sa nawala na sa paningin ko ang lalaki na sinundan ko ng tingin. dumating na ang pagkain namin at tahimik kami na nag salo salo sa masarap na pagkain na nakahatag nagpadagdag pa ng ilan pagkain ang daddy ni abby.. sinulit ko ang bawat pagkain na nasa harapan ko. natutuwa naman sa akin ang mag ama dahil sa katakawan ko.. " pasensya na po kayo tito.." wika ko ng mapansin na nakatingin ito sa akin at natatawa.. " it's ok hija.. masaya nga ako at sinamahan mo si abby, atleast mapapanatag kami ng mommy niya na ikaw ang kasama niya.." "Salamat po tito, wag kayong mag alala sa anak niyo, lagi ko po siyang aalalayan.." nagpatuloy ang salo salo namin halos pumutok na ang tiyan ko sa kabusugan.. maya maya pa ay.. medyo nakakaramdam ako ng paninikip ng dibdib uminum ako ng tubig at medyo nanlalamig ang pakiramdam ko, pinagpapawisan na din ako kahit na malamig naman dahil airconditioned ang lugar. . nararamdaman ko ang seryosong paguusap ng mag ama tungkol sa negosyo nila at kung gaano kalaki ang malulugi kapag hinayaan nila ito, "excuse po punta lang ako sa comfort room.." singit ko..para mabigyan na din ng pribadong paguusap ang mag ama.. hindi na din ako nagpahalata sa paninikip ko ng dibdib tumango na lamang sila abby at nagpatuloy sa paguusap.. hindi ko na inistorbo ang mag ama para magtanong kung nasaan ang banyo nitong restaurant, naiilang man ako ay naglakad ako sa malawak na restaurant at naghanap ng mapagtatanungan.. may mangilan ngilan akong napansin na napapalingon sa akin at sinusundan ako ng tingin habang naglalakad ay nararamdaman ko ang unti unting pag init ng pisngi ko, lumapit ako sa isang waiter na bahagya pang nagulat ng nilapitan ko, kasalukuyan na nagliligpit ito ng pinagkainan sa isang lamesa.. "Kuya ssan pooo bbaanda ang Comfoort roommm ?" wika ko na medyo hirap sa pagsasalita " iyon po ang bar counter, kumaliwa po kayo mapapansin niyo po kaagad ang comfort room madam" turo ng waiter na napagtanungan.. sinundan ko ng tingin kung saan ang direksyon ng kamay ng waiter at napakunot noo ako.. nakita ko ang nakaupo at nakatalikod na lalaki sa bar hindi ako nagkakamali ang likuran ng lalaki na kanina ko pa pinagmamasdan habang nakatalikod at naglalakad. "Ssalamatt pooo kuuuyya," "Mam ok lang po ba kayo.. namumula po kasi ang mukha ninyo. " "poo? naamumulllaa poo..?" mahinang sambit ko hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko tumindi ako paninikip ng dibdib at panlalamig ko.. hinawakan ko ang magkabilang pisnge ko mainit nga pero ang kamay ko sobrang lamig.. "Opo mam.. " "Ok lang po ako.." parang lasing kong sabi.. napapikit ako ngunit pagdilat ko ay nanlalabo ang aking paningin.. pinilit ko maglakad papalapit sa bar counter agad kong naamoy ang pabango ng lalaking kanina ay tinitingnan ko.. lumapit at huminto ako sa likuran ng lalaki hindi ko na namalayan ang sumunod na pangyayari.. naramdaman ko na lang na may matitipunong bisig na may hawak sa katawan ko.. ramdam ko ang init ng kanyang katawan dahil sa klase ng paghawak niya sa akin at ang mumunting kuryente na dumadaloy sa mga balat namin.. ang isa sa nagpapagising sa sabog kong diwa.. pinilit ko na dumilat pero malabo ang lahat.. para akong nalulunod hindi ako makahinga.. hindi ko maintindihan ang mga nagsasalita , nagsasalita ang lalaki nababanaag ko na nagsasalita siya pero malabo sobrang labo.. hindi ko maintindihan.. pero ramdam ko ramdam na ramdam ko na ang lapit lapit niya sa akin.. "yung amoy na yon.. siya ung lalaki na tinitingnan ko.. alam ko siya ang may hawak sa akin" sa isip ko.. pinilit kong dumilat ngunit isang malabong imahe ng matipunong lalaki ang tangi kong na aaninagan.. malabo sobrang labo.. "ano itong.. M malinaw kong na aaninagan ang letrang M .. siya yung na aamoy ko hindi ako pwedeng magkamali.. ang lapit lapit niya sa akin.. " at tuluyan ng sinakop ng dilim ang paningin ni mae.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook