isang puting Kuwarto ang namulatan ko ng magising ako mula sa malalim na pagkakatulog, nakahiga ako sa isang kama sa gitna ng kwarto, hindi ko maigalaw ang aking kaliwang braso at kamay nagtataka man ay pinakiramdaman ko na muna ang sarili ko pumikit akong muli at pilit na inalala ang mga nangyare.
Oo nga pala niyaya siya ni abby nagpunta sila sa isang napakagandang hotel sa makati.. sa isang restaurant ng hotel ay biglang dumating ang don at binigyan c abby ng credit card at atm at inabutan din siya ng sobre na naglalaman ng pera.. matapos ay nag enjoy sila sa pagkain.. nakaamoy siya ng kakaibang pabango at sinundan niya ng tingin ang nakatalikod na lalaki, ng mawala sa kanyang paningin ay nagpatuloy lang siya sa pagkain ngunit, biglang nanikip ang dibdib niya kaya naisipan niya na mag banyo.. sinunod niya ang direksyon na binigay sa kanya ng waiter ngunit nakita niya ang likuran ng lalaki na pinagmasdan niya, habang papalapit ang kanyang paa sa nakatalikod na lalaki ay nalanghap niyang muli ang mabangong amoy nito, ngunit ng tangka niya itong kausapin ay bigla nalamang siyang bumgsak at unti unting nagdilim ang paningin, ang huli niyang naaalala ay nahawakan siya ng lalaki ngunit hindi niya makita ang mukha.. ang tanging na aaninagan niya ang letrang M na malapit sa mukha nito.. matapos ay nilamon na siya ng dilim.
napadilat siya ng maramdaman niya na may pumasok sa pintuan..
"Maeee... " nagaalalang wika ni Abby ng lumapit sa kanya..
"Abby..A-aanong nangyari..?" namamalat ang boses na wika ko..
Kasunod na pumasok ni mae ay ang daddy at mommy nito at isang nakaputing doktora
"im sorry, bakit di mo sinabi sa akin na may allergy ka pala..." mangiyak ngiyak na wika nito..
"Huh?!" naguguluhan na wika ni Mae..
"Ms. Lozano, are you aware that you have allergies?" tanong ng nakaputing doctora sa akin
"Allergy po? "umiling lamang ako at naguguluhan na napatingin sa mga tao na nasa paligid ko..
my kinuha ang doktora sa kanyang dibdib at pinindot ito, hinawakan niya ang ilalim ng mata ko at ibinaba.. at saka itinapat ang maliit na flashlight sinilip niya din ang lalamunan ko, may pumasok na nurse at may inabot na mga papel sa doctora.. matapos na basahin ito ng doktora ay tumingin sa akin at lumapit.
"lumabas dito sa ilang laboratory result mo may allergies ka nga.. madalas mo ba itong nararamdaman?" tanong ng doctora
"ngayon lang po.. " medyo may panghihina kong sagot.
"lagi ka bang kumakain ng maaanghang..?"
"H-hiindi poo, hindi po kassii ako mahilig ssa maanghang dahil pagkatapos ko minsan makakain ay S-summasakit ang sikmura ko.."
napatango tango ang doktora at kinuha ang nakasabit sa leeg nito.. inilagay nya sa magkabilang tainga at may tinapat sa dibdib ko at may pinakinggan
"inhale.. exhale.. " paulit ulit na pnagawa sa akin ng doktora..
"i suspect that you have allergies sa spicy foods, but we need to get more tests pa..para malaman mo kung saan ka pa allergic.. pwede ka namam ng umuwi kapag naubos na iyang dextrose mo, bumalik na lamang kayo for your follow up checkup, bibigyan ko na lamang siya ng mga gamot para hindi na siya mahirapan pang huminga at mawala ang ibang rashes niya sa katawan. " wika ng doctora at magiliw itong ngumiti..
"May allergies poo ako..? kaya pala kapag kumaakaaiin ako ng maanghanng sumaasakit ang siikmuraaa ko.."
"Yes, kung dati ay pananakit lang ng sikmura ngayon.. ay na develop na ng husto ang allergy mo, siguro ay na expose ka na sa iba't ibang uri ng pagkain kaya nag trigger na ang allergies mo, kaya be careful sa mga kakainin.. ok? kailangan may gamot ka dn lagi na dala just incase na aksidente na makakain ka ng maanghang.."
"may mga bawal pa din po ba siyang kainin.." tanong ng mommy ni abby
"Sa ngayon iwasan mo muna ang mamantika na pagkain at malansa habang may mga pantal ka pa, eat more fruits and veggies, at uminum ng maraming tubig.."
napatango tango kami at may mga ilang bagay pa na sinabi at bilin ang doctora,
"babalikan ko na lamang kayo after maubos itong swero mo.. at pwede na kayong umuwi.." nakangiting wika ni doctora..
"Ok po doc saalamat.."
"Thankyou doc" wika din ng mommy at daddy ni abby ng makalabas na ang doctora ay napatingin ako sa swero ko, kaya pala hindi ko maigalaw ang mga kamay ko..
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni abby..
"O-ok na aakkoo.. kkaailanggan ko laang siguro magpaahingaa.."
"were sorry Hija, hindi natin pare pareho alam na may allergies ka pala.. " ang ama ni abby
"Oo nga nagulat na lang ako sa hitsura mo pulang pula yung mukha mo, at namamantal ka .."wika ni abby
"Huwag ka ng mag alala, bibilhan ka namin ng gamot para may maiinum at maitatabi mo kapag inatake ka ulit ng allergies, basta magiingat ka na sa susunod.."
"S-saalamaat po... Ttittoo ttiita..." wika ko
"wag ka na masyado magsalita hija.. makabubuting magpahinga ka na lamang at ng manumbalik ang lakas mo.." malambing na wika ng mommy ni abby.
"Ung ibinigay nyo po sa akin na peeraa.. yun na lamang poo ang ipang babayad ko dittoo sa O-osppital.."
" hay naku! Huwag mo na ngang Problemahin un.. " wika ni abby
"Everything is settled Hija.. magpahinga ka na lamang at ipapahatid ko kayo ni abby pag uwi, kami ay may fllight pa bukas ng maaga.."
"Oo nga pala dad, its already 11pm na po.. i can manage na you can go to hotel na para makapag pahinga na kayo mom.. dad.."
"Sigurado ba kayo na kaya niyo na dito?"
"Anjan naman si mang domeng mom.. Just incase na may problema, ay tatawagan ko din naman po kayo agad," wika ni abby..
"Oh paano ba iyan Mae, babalik na kami sa Hotel, maaga pa ang flight namin bukas.." wika ng daddy ni abby
"Maaaramii poong ssaalamat Tito, Tita, O-ok na po kami pasensiya na po sa abaalaa.."
"Magpagaling ka at magpalakas.. hija.. "
"Maraming salamat po magiingat po kayo.." wika ko..
ng makaalis na sila don gustavo ay hinayaan lang ako ni abby at hindi na kinulit pa.. ilang sandali pa ay unti unti ng nanunumbalik ang lakas ko, unti unti na din na nawawala ang pamamantal at pamumula ng aking katawan.. pasado alas 3 ng madaling araw ng makarating ako sa dorm, pinaliwanag ni abby sa aking kasera ang mga nangyari kung bakit anong oras na ako nakauwi at kung bakit matamlay ako at inaalalayan pa ni abby, binilinan niya ako na huwag na lamang pumasok at iaabot na lamang dw ni abby ang medical certificate na galing sa hospital na katinayan na may sakit ako..
laking pasasalamat ko kay abby sa pagalalay at pag aasikaso niya sa akin, hindi niya ako pinabayaan tinrato niya akong tunay na kapatid..
habang nakahiga na sa aking kama ay naalala ko ang lalaking humawak sa akin ng ako ay nagdedeliryo kanina . ramdam na ramdam ko pa din ang init ng katawan niya.. naaalala pa dn ng katawan ko ang kuryente na dumaloy sa katawan ko ng magdikit ang balat namin.. hindi pa dn maalis sa akin ang mabangong amoy niya..
"hindi ko man lamang nakita ang mukha niya.."
pabaling baling lang ako sa kama ng sandaling iyon.. laman pa din ng isip ko ang lalaking sumalo sa akin kanina.. hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog sa kakaisip sa isang estranghero na lalaki.
2 araw akong hindi nakapasok at si abby ang nagpaliwanag sa mga profesor ko kung ano ang nangyari, dinadala niya ang kopya ng mga aralin na hinihingi niya sa mga guro ko at hinahatid sa dorm. . sobrang alaga ako ni abby na di dinadalhan pa ako ng pagkain at laging nakaalalay kung may gamot pa ba ako o wala na..
"Sure ka ba kaya mo na pumasok bukas?" tanong ni abby sa akin kasalukuyan kaming nasa kwarto ko habang nag memeryenda kami dala ang tinakeout nitong pagkain.
"Kaya ko na nga kaninang pumasok, pinigilan mo lang ako.. "
"Mas mabuti na yon, dahil aatakihin ako sayo sa puso ng makita kita na habang kalong kalong ka ng gwapong lalaki.."
natigilan ako sa sinabi nito..
"Nakita mo ang itsura niya?"
"Yess! at alam mo ba? ang gwapo gwapo niya.. ang swerte mo, hihimatayin ka lang e sa gwapo kapa bumagsak.." nakangiting wika ni abby
"Anong itsura niya?"
"Hindi mo ba talaga siya nakita??"
"Hindi e, kasi nung malapit na ako sa kanya, ay biglang nawalan na ko ng malay.. pinipilit ko siyang aninagin pero para akong nalulunod ng oras na yon.. at blurred lahat."
"Sayang naman alam mo para siyang isang adonis na bumaba dito galing langit..ang sabi niya sa akin bigla ka na lang daw nawalan ng malay at bumagsak sa harapan niya, mabuti n lamang daw at nasalo ka niya agad.. ma take.mo yun!! "
"nakausap mo siya?"
"Hindi masyado.. dahil natataranta na kami pare pareho nuong makita ka namin na nawalan n ng malay.. "
"hindi ko naman kasi alam na magkakaganon.. ang sarap pa ng kain ko, muntik ng maging last suffer ko yon.. "
"alam mo ba yung mukha ni Mr.pogi habang kalong ka niya .. ginigising at hawak niya ang pisngi mo.. "
"Hinawakan niya ang pisnge ko?"
"Oo! ginigising ka nga niya e.. nag aalala din siya sayo nakita ko sa ekspresyon ng gwapo niyang mukha.." kinikilig na wika nito
"ewan ko sayo by, "
"Hindi ba sabi ko sayo .. pakiramdam ko makikilala mo na ang Prince charming mo.. baka siya na yon!! "
gusto ko man kiligin sa sinasabi ni abby pero, pinigilan ko ang sarili ko, hindi ko din naman nakilala ang lalaki.. at alam ko sa sarili ko na kung may magugustuhan iyon ay paniguradong c abby yon..
"prince charming.. nagulat nga lang siya di ba kaya siguro ganon reaksyon niya.. "
"Ay! basta.. hayaan mo, babalik tayo doon. malay mo makita at makilala natin siya.!"
napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ng aking kaibigan ngunit sa isang bahagi ng puso ko ang d maipaliwanag na pakiramdam kahit ako ay umaasa na makita at makapagpasalamat man lamang sa lalaki na yon.
ng makaalis si abby ay inaral ko ang mga dinala nyang kopya ng mga aralin ko na dala ni abby galing sa aking mga profesor.. ng matapos ko ang mga gawain ay naligo at nagayos ako para magpunta sa bahay ng aking mga kapatid sa concepcion para makapag abot ng pera sa kanila. ang pera na galing sa mga magulang ni abby at kinita ko sa mga raket ko ang ibbigay ko na pangkain ng tatay at kapatid ko na walang trabaho sapagkat maliliit pa lamang ang anak nito, tumutulong lamang siya tindahan ng kapatid namin sa ina at inaabutan na lamang siya ng kahit na magkano na nakakatulong naman sa pangangailangan nilang magiina. hindi naman ako inoobliga ng pamilya ko, hindi ko lang talaga matiis ang ama at kapatid ko lalo na ang maliliit kong pamangkin kaya nagpapakahirap akong kumayod na sinasabay ko sa aking pag aaral.
"Titaaa.....!!!" masayang salubong ng dalawa kong pamangkin na sina Cj anim na taong gulang at A.j na 4 na taong gulang pa lang kasalukuyan silang nakaupo sa labas ng tindahan ng aking kapatid sa ina at hinihintay ang mama nila na nagwawalis sa labas ng tindahan..
niyakap ko ang dalawang maliit na bata at pinugpog ng halik..
"Friday ngayon.. kaya, May dala akong Burger at spaghetti.. " masaya kong wika sa dalawa at iniangat ang mga plastik na dala na binili ko sa isang fastfood na aking nadadaanan kapag umuuwi ako dito sa concepcion.
"Yehhhheeeyyy..." nagpalakpakan ang dalawang bata at iniabot ko dito ang aking pasalubong.
"Naku busog nanaman kayo.. magtira kayo para mamayang hapunan.." wika ng aking kapatid na si ayiee na tinigil ang pag wawalis at lumapit sa amin..
"Hayaan mo na sila ate.. bbili na lng tayo ng Fried chicken na ulam nyo para mamaya.."
"Salamat Mae.. " nahihiyang wika ng kapatid ko, iniwan siya ng kanyang batugan na asawa na walang ginawa kung di ang mag sugal at uminum.. sumama ito sa isang matrona at pinagpalit silang mag iina.
"Hi mae, san ka galing?" bati ng aking kapatid sa ina na si ate tina. hiwalay din ito sa kanyang asawa at kung kani kanino nakikipag nobyo.. pagmamay ari niya ang tindahan kung saan tumutulong ang aking kapatid na si ayiee. maayos ang pakikitungo nito sa amin kahit na kapatid lamang kami nito sa ina.. may dalawa pa kaming kuya na kapatid din namin sa ina na may sarili ng pamilya at nasa probinsya
"Hi ate.. galing lang ako sa dorm.. namiss ko itong dalawang ito e..kumain ka na ba ate.." tanong ko dito.. kinuha ko sa isang supot ang styro na may lamang spaghetti at binigay dito.
"Wow.. salamat, hindi pa nga e, ang dami kasing tao kanina.. nag break ang mga nag tetraining kaya dinumog kami di ba ayiee.." wika nito tumango naman si ayiee na kasalukuyang inaalalayan sila aj at cj sa pagkain.. ang tindahan ni ate ay malapit sa training center ng mga seaman.. madami mang ibang tindhan na gumaya sa kanila ngunit si ate ang dinudumog nila dahil sa magiliw at pala kaibigan ang mga kapatid ko.
nag bibiruan kaming magkakapatid ganito naman kami malapit sa isa't-isa.. walang kaso sa amin na magkaiba ang aming tatay.
maya maya pa ay dumating ang aking ama..
"pa, .. kumain knb?
"mamaya na ako anak. maaga ka yata nagpunta wala ka bang pasok ngayon?" nagtatakang wika ng aking ama. hindi ko na lamang binanggit na nagkaron ako ng sakit at pihadong magaalala lang sila. sisishin nanaman kasi ng aking ama ang sarili niya kung bakit wala siyang maitulong sa amin dahil sa mahina na ang katawan niya.
"wala kaming proffesor pa. kaya maaga ako nakauwi sa dorm kaya ngayon ko na ibibigay ang allowance nyo.. " wika ko..
" baka wala naman matira sa iyo anak.. may pera pa ako hindi ko msyadong nagalaw dahil ang pinangkain namin ay ang grocery na naipamili mo, at binibigyan kami ng ulam ng ate tina mo.."
napatingin ako kay ate tina at nginitian ko ito.. at binalik ang tingin sa tatay ko,
"Ipunin nyo na lang ito papa.. " wika ko, kinuha ko ang pitaka sa aking bag at iniabot ang dalawang libo sa aking ama.
"malaki ito anak..baka wala ka ng pera jan.."
"huwag ka mag alala.. malaki ang kinita ko ngayon " inabutan ko din ang kapatid ko ng pera, alam kong kailangan niya ito para sa mga pamangkin ko.
"Nakakahiya namam sayo mae.. pati kami ay kinakargo mo na.. alam ko naman na kung ano anong ginagawa mo na pagkayod. " wika ng aking kapatid na si ayiee..
"Hay naku wag mo akong intindihin.. ang gusto ko lang ay, maging maayos ang mga pamangkin ko.. at huwag mo ng babalikan ang hudyong ex mo!!" wika ko dito.
"ay naku! baka ibalik ko pa siya sa tiyan ng nanay niya!! ok na ok na kmi ng mga anak ko.."
"Hyaan mo konting konti na lang.. kapag naka graduate na ako at maganda na ang naging traaho ko.. pagtatayo din kita ng sarili mong tindahan.. " wika ko..
"Tama yan ayie.. d ka naman pwedeng pabayaan ni mae.. kami.. nandito lang kami aalalay sayo.. " wika ni ate tina.
"salamat sa inyo mga kapatid.. makakabawi din ako sa inyo.."
inabutan ko din kahit papaano si ate tina ayaw man niyang tanggapin ay pasasalamat ko na lang dahil sa malimit din naman niyang bigyan cla ate at ang tatay ko.. wala na kming ina.. pumanaw na din ang tatay nila ate tina.. kaya kami kami na lamang ang nagtutulong at nagdadamayan.
nagtagal pa ang paguusap at kasiyahan namin, dinala ko din sa groceey ang aking mga pamangkin at kapatid at hinayaan na kuhain nila ang kanilang gusto, naubos man ang laman ng pitaka ko ay sobra at umaapaw naman ang kaligayahan ng puso ko dahil una sa lahat pamilya ko ang dahilan ng paghihirap ko sa pagkayod at pagsusumikap ko na makapagtapos ng pagaaral.
pasado alas nueve na ng makabalik ako sa dorm.. pagpasok ko sa aking kuwarto ay nakita ko si lhea sa kabilang kama, siya ang kahati ko dito sa kwarto iskolar din siya ngunit magkaiba kami ng unibersidad na pinapasukan. kagagaling lamang niya sa probinsya at dalawang linggo siya doon na naglagi.
mabait at magaan kasama si lhea, wala akong naging problema sa kanya.. tulad ko kapos din siya sa buhay kaya kasabay ng pagaaral ay pumapasok siyang kahera sa isang fastfood chain. dati siyang namamasukan bilang katulong sa mansyon ng pumanaw ang kanyang ina na labandera at siya ang pumalit, ngunit likas na mabait ang kanyang amo kaya minabuti nitong pagaralin siya at gawing iskolar
"Kamusta sa nueva ecija lhea?" wika ko
"Ok naman namiss ko ang buhay probinsya, tahimik pero.. " natigilan na wika ni lhea..
"Bakit?" nagtataka akong napatingin ky lhea.
"may dumating doon sa mansyon na hambog na mayabang nakakainis ang paguugali.. bastos pa!! " wika nito na halata ang sobrang pagkainis.
napakunot noo ako
"Sino naman yon?"
"Pamangkin daw ng aming mayordoma.. na si nanay lucia.. hindi ko alam kung saan impyerno nanggaling iyon napaka gaspang ng ugali.."
"Huh? bakit ano bang ginawa sayo?"
"pinahiya niya ako sa harap ng maraming tao at pinagkakalat niya na may gusto dw ako sa kaniya.. dahil sa nakita niya akong nakatingin sa kanya.. ang kapal ng mukha ng hansel na yon!!" wika ni lhea
"Hansel ang pangalan niya?"
"Mismo.. tulad ng biskwit diba? nakakainis talaga.. "
"bakit ka ba kasi nakatingin sa kanya..?"
natigilan si lhea sa aking naging tanong
"hindi ako nakatingin..napatingin lang ako sa gawi nila ng mga trabahador sa mansyon, hindi lamang ako makapaniwala na.. may kamaganak pala si nanay lucia kasi ang hitsura niya.. at galing siya dito sa maynila e" sabi ni lhea..
"ano bang hitsura niya?"
"nakakabwisit" nakasimangot na wika ni lhea
"hayaan mo na.. hindi mo naman na ulit un makikita.."
"binisita ko kasi ang Senyora.. dahil laging nagkakasakit nitong nakaraan sabi ni nanay lucia.. ayaw ko pa ngang umalis at gusto ko muna siyang alagaan dahil para ko na din syang magulang "
napangiti na lamang ako at patuloy kaming nag kwentuhan ni lhea tungkol sa nangyari sa kanya sa probinsiya at ang lalaking kinaiinisan nito na dalawang araw pa lamang daw niyang nakasama sa mansyon ay na peste na ang kanyang buhay.. ngayon ko lamang nakita na ganito ang reaksyon ni lhea na naging kaibigan ko na din..
matapos ang kwentuhan namin ay naglinis lamang ako ng katawan at inayos ang mga gamit na dadalhin ko kinabukasan sa aking klase ng lingunin ko si lhea ay natutulog na ito kaya napangiti ako sa mga kwento ni lhea sa akin, sa tingin ko sa kaibigan ay talagang asar siya sa kinukwento nitong lalaki.. speaking of lalaki naalala nanaman niya ang estranghero na kumalong sa kanya noong nakaraang araw.
sa isang maliwanag at nag niningning na lugar ko natagpuan ang aking sarili suot ang isang napakaganda at mahabang bestida palingon lingo lang ako sa aking kapaligiran dahil sa kagandahan nito na animo'y isang paraiso.. maya maya pa nga ay napansin ko ang isang lalaki na nakatalikod
"sirr nasaan po ako..? anong lugar po ba itoo?"
ngunit hindi ako pinansin ng lalaki.. lumakas ang kaba ko.. parang pamilyar ang lalaking nakatalikod sa akin..
"sir excuse me... sirrr.. ssiiirrrr..." wika ko sa lalaking nakatalikod..
habang papalapit ako sa kanya ay lumalakad siyang papalayo..
"Missterrr sandaaaleeeee... anong pangalan mo.? pwede ba kitang makita?"
akmang lilingon ang lalaki paharap sa kanya ng makaramdam ng kasabikan ang puso ni mae..
"makikita ko na siya.."
"Mae!!!"