CHAPTER 19: SPEECH

836 Words
"Well, Mr. Dean ano masasabi mo kay Little sister, nalove in the air na din" tanong nung MC. "Actually love is not on the air, oxygen and hydrogen is" pabirong sagot ni Kuya Dean kaya nagtawanan lahat ng andito. "Sabagay totoo naman" pabirong sabi din nung MC "Okay, handa na kami pakinggan ang iyong speech" sabi pa nung isang MC, kaya pumunta na silang dalawa sa sulok at si Kuya Dean na ang naiwan sa gitna. "Well, lahat naman tayo dito nakaranas na mainlove diba?" tanong nya "Yessssssssss" sagot nung mga students. "Ang iba ginagawang laro ang pag- ibig, ang iba naman ginagawang pampalipas oras at may iba din na ginagawang negosyo, paswertehan na ngayon kung makahanap ka ng taong totoong mag mamahal sayo, minsan napapatanong na tayo sa sarili natin, sino kaya ang para sakin? Asan kaya sya? Ano kaya ginagawa nya?. So, sa pag-ibig hindi pwedeng hindi ka makakaranas ng sakit, lalo na kung minsan makita mo yung taong mahal mo may kasamang iba, o kaya naman makita mo magkahalikan sila, di ba ang sakit nun. Para sakin hindi masakit mag mahal, alam nyo yung masakit? Yun ay yung mag mahal ka ng maling tao, hindi ka naman masasaktan kung nasa tamang tao ka. Alam nyo guys, minsan tama rin na sumuko, hindi dahil mahina ka kundi dahil ayaw mo na madagdagan yung mga sakit na dinadanas mo" paliwanag ni Kuya, luminga linga naman ako, asan na kasi si Bryce, dapat makinig sya dito sa speech ni Kuya Dean, para sa kanya to hinayupak sya. "Sino dito ang hindi makaamin sa mga crush nila?" tanong ni Kuya Dean, nag turuan naman yung mga ibang students. tangna kasi ni Bryce bagay na bagay talaga sa kanya to. San na ba kasi pumunta yun? Hindi naman sa lips nag kiss sa cheeks lang naman. "Yan, guys payong kapatid ko lang to sa inyo, alam nyo minsan dagdagan nyo self esteem nyo, kung gusto mo talaga yung taong yun, umamin ka, wag ka matakot mareject, kung ayaw nya sayo, ipilit mo pa din, pwede yon" pabirong sabi ni Kuya kaya nagtawanan, pati ako napapatawa na din. "Hindi joke lang guys, kung ayaw nya sayo wag ka na magpilit dahil ikaw lang masasaktan, wag nyo ipilit yung sarili nyo sa taong ayaw sa inyo, dahil hindi sila yung taong nakatakda para sa inyo, lahat tayo nasasaktan pagdating sa love, sino ba naman ang hindi, kung may tao kayong gusto at feeling nyo sila na yung tamang tao para sa inyo, umamin Na agad kayo, dahil baka pagdating ng araw pagsisihan nyo lahat, hanggang hindi pa huli, gumawa ka na ng paraan, dahil baka bukas bukas yung taong para na pala sa inyo mapunta pa sa iba" paliwanag ulit ni Kuya "Cyrus, nakita mo ba si Bryce?" tanong agad ni Kira sakin. "Hindi ko nga alam eh, lumabas na lang kanina, ang dami na nainom nun" sagot ko. "So now guys, Change the perception that you may have from love being painful to love being all that is wonderful. Love is happiness, acceptance, joy, excitement, growth, passion and complete freedom to be yourself. Do not deprive yourself of the real deal when it comes to love. The moment we start believing that love does not in fact go hand in hand with pain is the moment we will settle for the best and only the best. And ladies and gentlemens, that is what all of us truly deserve" pagtatapos na speech ni Kuya sabay palakpakan. "Wow, sige aamin na ako dun sa crush ko" pabirong sabi nung mc kaya nagtawanan ulit mga andito sa stadium. "So Mr. Dean,hindi naman matatapos gabi natin kung hindi mo kami bibigyan ng isang naglalagablab na performance" sabi nung MC "Ah haha, wala ako talent napunta lahat sa kapatid ko" pagbibiro ni Kuya "Ay kahit isang kanta lang" pagpipilit nung MC "Kung gusto nyo ko pakantahin, isusugo ko kapatid ko" sabi ni Kuya "Putragis na yan" sabi ni Kira "Bahala sya!!!" dagdag nya tapos unti unti ng naurong si Kira palabas dito sa stadium ng-- "Kira Alonzo, i saw you there, halika dito" sabi ni Kuya habang kakaway kaway kay Kira, napakamot naman si Kira ng ulo. "Asan si Bryce?" tanong naman sakin ni Kevin "Awan ko, umuwi na yata" "Ha? Ang aga pa ah" sabi ni Kevin "Masama yata pakiramdam" palusot ko na lang. "Sige, uuwi na din ako, sobrang pagod ako ngayong mag hapon eh" sabi ulit ni Kevin "Sige tol, ingat" sagot ko, tapos tinapik nya muna balikat ko saka lumabas. "Okay Ms.Kira,sugo ka ni brother mo, bigyan mo kami ng isang performance na talagang tagos sa puso para dun sa mga hindi makaamin sa crush nila" pabirong sabi nung MC, napakamot naman ulit si Kira sa ulo nya kaya napatawa mga nanonood. "Kaya mo yan baby ghorl" sabi nung MC, tinapik tapik naman muna ni Kuya Dean si Kira sa balika bago pumunta dun sa sulok, tapos bumulong si Kira dun sa controller ng sound system kaya pagkasimula nung tugtog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD