CHAPTER 1: THE BETTING
I have this girl na friend na sobrang adik sa mga RPG Games, tapos minsan napunta pa sya sa mga cosplaying events, her name is Kira, sa amin sya ng ate ko nakatira kasi bestfriend ng ate ko yung kuya nya, kesa nga naman daw umupa pa ng apartment bakit hindi na lang samin and guess what, hati pa kami sa kwarto, minsan kahit sobrang sarap na ng tulog ko dahil sa lakas ng boses nya kakalaro magigising ka na lang, minsan tinatago ko na nga keyboard nya, minsan yung mouse,then 1 time nawalan ng kuryente 24hrs. Halos mabaliw baliw na sya dahil hindi nakaka paglaro, parehas din kami ng pinapasukang school, hanggang isang araw pinagbawalan na sya ng kuya nya mag laro dahil napapabayaan na nya yung pag aaral nya, kinumpiska ng Kuya nya mga gamit nya sa paglalaro ng RPG.
Dahil dun, ako naman ang napag tripan nya, lagi nya ako pinaprank. Minsan gabi na ako nakauwi galing school, pagkabukas ko ng ilaw ng kwarto naming dalawa halos malaglag yung puso ko dahil ginaya nya lang naman yung the nun, hanggang minsan hindi na ako nakatiis dahil ako ang napapag tripan nya lagi..
"Kira!
"Ano?". mabilis nya namang sagot habang nakaupo dun sa kama nya at naglalaro sa cp nya.
"Gusto mong laro?".tanong ko,napatigil naman sya sa pag cecellphone at humarap sakin.
"Anong laro?".seryoso nyang tanong sakin
"Madali lang to, ikaw mismo ang magiging characther dito sa laro na to". sabi ko habang tinatanguan ko sya ng kilay
"Anong laro nga? Magkano?".tanong nya agad
"Libre lang to" sagot ko
"Sige, ano?".tanong nya ulit.
"Love Game".agad kong sagot
"Love game?". confuse nyang tanong
"Madali lang mechanics ng game nato, dapat hindi ka mafafall dun sa tao na kalaban mo, pero pag na fall ka talo ka". paliwanag ko, kumunot naman noo nya sakin
"Oh sige,pano ko naman malalaro yan?". tanong nya
"Tayong dalawa". sagot ko sa kanya habang nakangiti, napaisip naman sya
"Anong premyo?". tanong nya
"Pag nanalo ka, mag mamakaawa ako sa kuya mo na ibalik lahat ng laro mo ,pati na yung ps4 mo, pero kapag ako ang nanalo, umuwi ka na sa inyo". paliwanag ko
"Okay sige,yan ay kung matatalo mo ako". pag yayabang nyang sabi
"Hindi mo din alam". sagot ko naman
"Fyi Bryce, legend tong kinakalaban mo". sabi nya tapos inirapan nya lang ako at bumalik na sa paglalaro.
Hanggang sa lumipas ang ilang buwan, focus kaming dalawa sa laro namin. Naging close na din kami, hindi naman pala ganun sya kahirap pakisamahan, pero kahit ano mangyari hindi ako papatalo sa kanya, haler mag mamakaawa sa kuya nya? Katayin pa ako nun eh, Inembento ko lang naman larong to para hindi na nya ako iprank.
KIRA POV
"Oy Kira, bilisan mo! Malalate na tayo". sabi ni Bryce kaya nag dalian ako sa pag lilipstick, pag kalabas ko ng kwarto.
"Ano yan?". tanong nya sakin sabay turo sa lips ko
"Lisptick". sagot ko naman agad habang tinatabi ko yung lipstick ko sa bag ko.
"Okay tara na".dagdag ko sabay tingin kay Bryce, nakatitig lang sya sakin, tapos umiling sya.
"Bakit?". tanong ko, kinuha nya yung panyo nya sa bulsa nya at pinahid yung lipstick ko
"Hindi bagay". sabi nya, sabay talikod at lakad pababa ng hagdan
"Potragis ba neto! Sayang yung lipstick". reklamo ko sa kanya.
Habang nag lalakad na kami papasok sa campus, hindi naman ako magkaige sa paglalagay ng lipstick ulit habang naglalakad habang nakatingin sa salamin.
"Tigilan mo na nga yan!".asar na sabi sakin ni Bryce.
"Pakealam mo ba, hindi mo naman nguso to!".reklamo ko din sa kanya.
"Ayaw ko nga nagpapa ganda ka".sagot nya kaya napatigil ako sa paglalagay ng lipstick.
"Luh sya! Kahit hindi ako mag lipstick maganda na ako". sagot ko din sa kanya
"Exactly!". sabi nya sabay tigil sa paglalakad at harap sakin kaya napatingin din ako sa kanya, halos tumagal din ng 30 seconds titigan naming dalawa.
"Wag ka na ulit maglagay ng lipstick, ayaw ko napapansin ka ng iba, gusto ko ako lang makakapansin sa ganda mo". sabi nya, kaya medyo bumilis t***k ng puso ko.
"Ayieeeeeeee, pafall". agad kong sagot sa kanya, medyo pinipigil pa nya ngumiti para di sya mahalata.
"Ay sus Bryce, di ako mahuhulog sa paganyan-ganyan mo". sabi ko ulit kaya tumawa sya.
"Ang tigas mo talaga". sabi nya, kaya napatawa ako.
Sa loob ba naman ng ilang buwan naming pag babatuhan ng mga hugot at sweet lines, hindi pa ba ako masasanay. Hinding hindi ako papatalo sa kanya.
"Pag natuloy swimming natin sa sunday, entrance pa lang nakahubad na ako". sabi nya kaya napatawa ako
"Siguraduhin mo lang yang mga sinasabi mo ha!". sagot ko sa kanya, kahit kelan abnormal talaga tong tao na to.