CHAPTER 2: PORTRAIT AS LIQUI

1430 Words
*BRYCE POV* "Alam mo Bryce may mga pagkakataon na halos muntik muntikanan na ako bumigay sayo". sabi nya kaya bahagya ako napatingin sa kanya habang naglalakad kami, may mga time din na parang minsan yung mga sinasabi nya sakin pakiramdam ko totoo na. "Gaya kanina, lumakas t***k ng puso ko, pano kaya kung hindi laro to no? Pano kaya kung totoo?". tanong nya sabay tingin sakin, seryoso yung mukha nya, kaya bahagya din tumibok yung puso ko, hindi naman ako makaimik, hindi ko alam kung ano sasabihin sa kanya, pakiramdam ko ang pula na din ng mukha ko. "Totohanin na kaya natin?". tanong nya ulit, kaya mas lalo nagtitibok yung puso ko, seryosong seryoso mukha nya habang nakatingin sakin. "Ako tigilan mo Kira!". sagot ko sa kanya "Seryoso ako". sagot nya, kaya mas lalo ako kinabahan, tapos yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko. "Seryoso ka talaga?". tanong ko "Oo". matipid nyang sagot, hindi ko naman alam kung ano sasabihin ko. "Tigilan mo ko Kira, hindi mo ko madadaan sa mga paganyan ganyan mo". sagot ko, bigla naman sya tumawa. "Ano ba yan? Pano ba kita mapapabigay!". sabi nya, yung feeling na gustong gusto mo sya batukan kaso hindi mo magawa, sabi ko na eh, arte lang yun, gaya ng gantong pagkakataon kung hindi ako mag pipigil, matatalo ako ng wala sa oras. "Hindi mo ko matatalo!". sagot ko na lang sa kanya, kaya tawang tawa sya. "Sa lahat ng nakalaban ko sa laro, ikaw pinakamatibay, well sabagay in real life naman kasi tayo". sabi nya, hinding hindi talaga ako papatalo sa kanya. "Ano ba first subject nyo?". tanong ko na lang sa kanya "Science". sagot nya pero yung mukha nya annoyed. "Oh? Masaya naman ang science ah, favorite subject ko nga yun eh". sagot ko din sa kanya. "Oo, masaya nga wag lang makikicollab ang math". sabi nya kaya napatawa ako. "Hindi nakakatuwa, quiz namin mamaya". sabi nya ulit. "Kawawa ka namang bata ka, sige na. Antayin kita dito mamaya tapos date tayo". sagot ko na lang sa kanya. "Date mo mukha mo!". sagot nya din sakin, minsan talaga ang sarap nya batukan yung tipong sasayad ulo nya sa lupa. "Libre ko!". sabi ko ulit. "Naman pala eh, linawin mo kasi". sabi nya tapos lumihis na sya ng dadaanan, hindi kasi kami magkaklase, nasa higher section ako, matalino naman sya eh kaso sa katangahan nya lang ginagamit. "Kira!". sigaw ko bago pa man sya makalayo "Ano?". asar nyang sagot "Kiss ko?". agad ko sabi, naglakad naman sya pabalik tapos kiniss ako sa pisngi at saka nagtatakbo papalayo, napahawak naman ako sa pisngi ko habang pinapanood ko sya tumakbo dito sa may hallway, nagtitibok din ng malakas puso ko. Pagkapasok ko naman sa room ... "Titanic made me realize na kapag magaling ka mag drawing, makakakita ka ng dede". sabi ni Kevin, kamember ko sa banda namin, leader ngapala ako ng isang band. "At pano mo naman nasabi?". sagot ko sa kanya habang naupo sa desk ko "Totoo naman, tignan mo yung mga nasa Art Department, nag dradrawing sila tapos model nila hubot hubad". sabi nya kaya napatawa si Cyrus. "Eh di dapat art kinuha mo kung gusto mo makakita ng dede". sabi nya kaya napatawa na din ako "Yun nga eh, nasa music ang talent ko wala sa Art, kaya malas ko na lang". sabi nya. "Dami mong alam, may practice ngapala tayo mamaya Bryce". sabi ni Cyrus kaya tinanguan ko sya "Bryce, may boyfriend na ba si Kira? Balita ko sa inyo daw pala nakatira yun ah". tanong ni Kevin sakin "Sinong Kira?".tanong ko "Yung cosplayer na gamer pa". sabi nya ulit "Wag ka na mag maang maangan, yung kaibigan mo!". medyo asar na nyang tanong "Alam mo si Kira walang panahon sa mga pag boboyfriend, mas gugustohin nya pang mag laro mag hapon kesa makipag date, saka naku wag na sa kanya, sobrang kalat nya sa gamit, saka walang ibang alam gawin yun kundi tumutok sa ps4". sagot ko *CYRUS POV* "Pakilala mo naman ako sa kanya". pangungulit ni Kevin kay Bryce, napatingin naman ako sa may pintuan nung pumasok si Kira dito sa room namin na may dala dalang papel, palapit na sana sya kay Bryce kaso-- "Naku, binabalaan talaga kita Kevin, ligawan mo na lahat ng babae wag lang si Kira, hindi marunong mag luto, bobo sa math, walang pakealam sa mga kasamahan, puro laro, sobrang kalat, saka sobrangggggg matiisin hindi naliligo". paninira nya kay Kira, kaya kita ko si Kira napahawak sa baywang nya, agad naman sya lumapit sa likod ni Bryce at binatukan. Napahawak naman si Bryce sa ulo nya sabay tingin kay Kira. "Ay huta! Kanina ka pa dyan". nakangising tanong ni Bryce sa kanya "Kinig na kinig ko lang naman lahat ng sinabi mo hayop ka!, At kelan pa ko hindi naligo? Fyi, pag naalis ka saka ako naliligo kaya hindi mo nakikita, makapagsalita ka dyan kala mo naman araw araw ka naliligo, pag naman malamig nakakatagal ka ng isang linggo hindi maligo". asar nyang sabi kaya napatawa kami ni Kevin. Actually, kilala ko na si Kira since 1st year, kaklase ko kasi sya unang pasukan, matalino naman sya kaso hindi nya ginagamit, mas nag fofocus sya sa laro at pag cocosplay kesa sa mga school activities nya. "Ahm, Kira matagal mo na ngapala akong fans, nice to meet you". pakilala ni Kevin sa kanya, yes fan na fan talaga sya ni Kira, lahat ng accounts ni Kira nakafollow sya, kaya update na update sya. Agad naman kumamay si Kira sa kanya, napatingin naman si Bryce sa kamay ni Kira at Kevin habang magkahawak tapos nag b***h face sya. "Kira, bakit ngapala nitong mga nakaraang buwan hindi ka na nag uupload sa social medias mo ng gameplay mo?". tanong ko, napatingin naman sakin si Bryce at Kevin "Kilala mo si Kira?". tanong ni Bryce sakin "Fan ka din nya?". tanong naman ni Kevin "Hindi, magkaklase kami nung 1st year".sagot ni Kira "Sinamsam ni Kuya ps4 ko saka computer ko". dagdag nya "Ayan kasi". sagot ko na lang "Ano ngapala ginagawa mo dito?". tanong ni Bryce sa kanya "Oh! Pinabibigay ng ate mo". sabi nya sabay abot dun sa mga papel, instructress kasi ate ni Bryce dito sa school namin. Pagkakuha ni Bryce dun sa mga papel, umalis na si Kira. "Hmmmm, ganda nya talaga". sabi ni Kevin habang pinanonood umalis si Kira. "Winarningan na kita". sabi ni Bryce, alam ko naman kay Bryce na crush si Kira, halata naman, pasimple pa sya nasulyap kay Kira, lalo na kapag may ibang lalaking kausap. *KIRA POV* Pagkatapos ng klase namin, hinanap ko naman agad si Bryce, yung pangako nyang ililibre nya ako hindi ko palalampasin. Pagkadating ko dito sa room nila. "Si Bryce?". tanong ko agad dun sa mga kaklase nyang nasa room pa. "Wala na Kira, nakinig ko may practice sila eh". sagot nung isa. "San daw kaya ang practice?". tanong ko "Yun lang ang hindi ko alam, basta derederetsyo sila lumabas nila Kevin kanina". sagot nung isa "Ah sige salamat, hahanapin ko na lang" Habang hinahanap ko sila, sinalubong ako nung mga senior. "Ikaw si Kira no? Yung Cosplayer". tanong sakin nung isa "Oo bakit?" "Taga opera club kami, pwede ka bang mag portrait as Liqui sa gaganaping play this coming saturday?". tanong nila sakin "Bakit ako?" "Ikaw lang kasi ang perfect na pwede mag portrait eh, nakita ko mga post pictures mo, actually fan mo ako hehe". sabi nung lalaki "Sige na, ikaw lang talaga pwede eh". pangungumbinsi sakin nung babae, may gig ako sa sabado eh, banamanyan! "Sige na Ms.Kira, wala na kami ibang mahanap na fit na fit na mga chinese cosplaying eh". sabi nung isa "Don't worry, babayadan ka naman namin". sabi pa nung isa, kaya tumagingting tenga ko. "Magkano?" agad kong tanong, maige ng sigurado "Yung new monster hunter world game" sagot nung isa, kaya mas lalong namulaklak tenga ko, kahit ang tagal na nun inilabas wala pa ako cd nun kasi hindi ako binibigyan ni kuya ng pambili, ang dami ding school project kaya yung mga iniipon ko nagagastos ko din "Oh sige" sagot ko na ikinatuwa nila "Pwede ka ba ngayon? Mag papractice?" tanong nung lalaki, naalala ko may usap ngapala kami ni Bryce ngayon na hindi ko pwede palampasin, minsan lang manlibre yun eh, sasamantalahin ko na. "Pwede bang bukas na lang kasi may lakad ako ngayon eh, importanteng importante lang" sabi ko, pumayag naman sila na bukas na lang ako sumama, pagkaalis nung mga taga opera club, pahop hop pa akong naghanap kela Bryce hanggang sa nakita ko si Cyrus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD