CHAPTER 3: THE T IN SUPERMARKET

1445 Words
"Cyrussssss!!". agad kong kaway sa kanya kaya napalingon sya sakin "Nakita mo ba si Bryce?" tanong ko "Ah, magkasama sila ni Kevin, nagpunta lang sa cafeteria" sagot nya "Ah sige, salamat puntahan ko na lang" "Wag na, magpapakapagod ka pa pumunta dun, antayin mo na lang dito, babalik din naman agad sila" sabi nya. "Anong meron? Bakit may hawak kang mike?" "Ah, Program sa saturday ah, di ka inform?" sagot nya "Ahh, mag peperform din ba kayo sa saturday?" "Oo, nood ka haha". sagot nya "Gusto ko sana kaso may drama sa opera club eh" "Kelan ka pa napunta sa opera club?" tanong nya "Pinakiusapan nila kasi nila ako kanina na mag portrait as Liqui, yung princess, ako lang daw perfect eh" sagot ko naman kaya napangiti sya "Bakit?" tanong ko "So ikaw kapartner ko? Pinakiusapan din nila ako kanina na mag portrait as prince casper" sabi nya, kaya nanlaki mata ko sa kanya "Heol? Kelan ka pa napunta sa opera club? Di ba sabi mo may perform din kayo sa saturday?" tanong ko "Oo, kaso pagkatapos pa naman ng music club yung perform para sa opera club" sagot nya "Whoow, di mo naman agad sinabi" "So bukas daw practice?" tanong nya sakin "Oo, dapat nga sana ngayon, inaakit nila ako kaso may lakad kami ni Bryce" "Aminin mo nga, kayo ba ni Bryce? Bakit parang close yata kayo?" intriga nyang tanong sakin "Hindi, may laro kasi kaming dalawa" "Laro?" pagkatataka nyang tanong "Love Game". sagot ko "Love game?"  tanong nya ulit "Oo, mechanics nun kung sino una mafall saming dalawa sya ang talo, pag nanalo ako magmamakaawa sya kay kuya na ibalik ps4 ko sakin, pag ako natalo uuwi ako samin" sagot ko kaya napatawa sya "Alam nyo ang dami nyong kabuangan sa buhay, pano pag natalo ka?" tanong nya sakin "Neva! Imma legend" pagyayabang ko sa kanya "Kira, sa love kahit gano ka kagaling kapag mahina ka, matatalo at matatalo ka" sagot nya sakin kaya napatawa ako "No Cyrus, ilang buwan na kami nagpapatigtigan ni Bryce" sagot ko  "How many months?" "Almost 2 months?". sagot ko kaya ngumiti sya "Taga mo sa bato Kira, minsan magigising ka na lang mahal mo na sya, kung ako sayo ititigil ko na yan" sabi nya "Naku Cyrus taga mo din sa bato, hinding hindi mangyayari yan" "Pustahan?" alok nya "Game!" agad kong sagot "Pag nagkatotoo lahat ng mga sinabi ko isusurrender mo sakin nintendo mo, pag ikaw nanalo bibilhan kita ng bagong ps4" alok nya kaya napatingin ako sa kanya habang nanlalaki ang mata "Seryoso????" tanong ko "Oo seryoso" seryoso nya ding sagot "Bakit parang ang laki ng pusta mo kesa pusta ko" "Dahil alam kong hindi ka mananalo" sabi nya, kaya sinamaan ko sya ng tingin ano akala nya sakin weak? "Alam mo Kira, pag usapang Love hindi mo masasabing legend o pro ka, oras na makapasok ka na dyan mahihirapan ka na lumabas, hindi naman yan katulad ng mga laro na kapag natalo ka pwede mo ulitin, sa Love kapag natalo ka, hinding hindi mo na pwede ireset kasi feelings mo ang kakalabanin mo dyan, sarili mo,hindi ibang tao, ikaw mismo kakalaban sa sarili mong nararamdaman, naiintindihan mo ba sinasabi ko? Kaya kahit pumusta ako ng isang milyon dito alam kong hindi ka mananalo" paliwanag nya sakin na wala akong naintindihan kahit isang word sa sinabi nya, kaya napakamot ako sa ulo, napabuntong hininga naman sya sakin. "Alam mo, maiintindihan mo din yung sinasabi ko sayo, basta winarningan na kita, wag ka makaiyak iyak sa harapan ko pag dumating yung araw na yun" sabi nya "Anong araw?" tanong ko "Mukhang seryoso usapan nyong dalawa ah" sabi naman ni Kevin "Share share naman, ano yun?" tanong ni Bryce, kaya napatingin ako sa kanya. "Wala, usapang maganda at gwapo lang, di kasama kalabaw" sabi ko kaya napatawa si Kevin "Nagsalita ang mukhang tyanak" sabi naman nya kaya napatawa si Cyrus "Sige lang" sagot ko na lang "Antayin mo na lang ako, magpapractice pa kami" sabi ni Bryce, kaya inirapan ko na lang sya at umupo sa isang sulok, at naglaro laro, halos tumagal din ng ilang oras pagpapractice nila. Nauna naman lumapit sakin si Bryce habang dala dala yung gitara nya. "Bili na lang tayo ng kakainin natin sa Supermarket, tapos magluto na lang tayo sa bahay". sabi nya sakin habang nilalagay sa guitar bag yung gitara nya, tumango tango naman ako sa kanya "So pano ba Kira, kita tayo sa practice bukas" sabi ni Cyrus bago umalis "Anong practice?" tanong ni Bryce habang balik balik tingin nya sakin at kay Cyrus "Para sa Drama club" sagot ni cyrus "At kelan pa kayo naging member ng drama club?" tanong ni kevin "Ngayon lang, wag kayo masyado madami tanong" asar na sagot ni Cyrus "Mauna na ako, Kira kita na lang tayo sa garden bukas,sabay na tayo pumunta sa drama club" dagdag ni cyrus tapos tuluyan na sya umalis. "Ahm, Kira busy ka ba sa Sunday?" tanong naman ni Kevin sakin "Hindi naman bakit?" sagot ko "Ohoyy! Anong hindi? May lakad tayo sa Sunday ah" kontra naman ni Bryce "Luh? At kelan pa tayo nagkaschedule sa Sunday?" tanong ko sa kanya "Kasasabi ko lang kagabi sayo? Ayan kasi laro ng laro, hindi nakikinig sa sinasabi ko" asar nyang sabi, ay luh? Wala ako matandaan na sinabi nya kagabi. "Pwede naman mag group date na lang tayo" suggest ni Kevin "Date??" sagot ni Bryce "Oo aakitin ko sana mag date si Kira eh" sabi ni Kevin kaya napangiti naman ako sa sinabi nya, finally may nag akit din sakin makipag date, tumingin naman sakin si Bryce. "Yung lakad natin Bryce kung ano man yun, postpone muna natin, sa next sunday na lang tayo" sabi ko "Ay luh! Ayaw ko! Nauna ako sayo kagabi eh" asar nyang sabi "Wow sa nauna ha! Para namang may sinabi ka nga sakin kagabi ano?" asar ko ding sagot sa kanya "Sige ganito na lang, kung ano man yung lakad nyo sa Sunday, yun muna unahin natin after nun tayo naman Kira" suggest ni Kevin na ikinakunot ng noo ni Bryce. "Wag mo sabihin na ayaw mo?" tanong ko kay Bryce "Kasi naman, ako nauna kagabi magsabi eh" asar nyang sabi ay luh parang bata eh "Oh sige na nga, sa monday na lang tayo Kira, holiday naman eh walang pasok" sabi ni Kevin "Ah oo nga no? Sige sa monday na lang tayo" sagot ko. "Oh okay na, sa sunday tayo" sabi ko kay Bryce na maarte. "Oh sige, kitakits na lang bukas ha" sabi ni Kevin sakin, tapos umalis na sya "Bakit sayo lang nagpaalam yun? Andito naman ako?" complain ni Bryce, inirapan ko na lang ulit sya at lumakad "Antayin mo ko!" reklamo nya sakin Pagdating namin dito sa mall. "Bryce, naiihi ako" "Tara, samahan kita sa CR" sabi naman nya "Ay luh! Bawal ka dun" "Tanga! Hanggang labas lang ako" asar nyang sagot, natanga pa nga. Iniwan ko naman si Bryce dun sa may entrance nitong Womens Cr,  pagkatapos ko umihi, nag retouch muna ako ng presspowder ko at lipstick, paglabas ko ng CR wala na si Bryce kaya napakamot ako sa ulo. San na naman pumunta kalabaw na yun? Kaya kinuha ko yung cellphone ko sa bag. "Hello?" sagot nya sakin "Asan ka?" tanong ko "Nakatayo sa tapat ng T" sagot nya sakin sabay baba ng cellphone, anong tapat ng T? Agad ko naman hinanap yung stall na T, hilong hilo na ako kakalakad at kakapaikot ikot pero kahit anong ikot gawin ko      walang T na stall. "Excuse po" sabi ko dun sa saleslady nitong mendrez "Yes po mam?" sagot nya sakin "San po kaya yung stall na T?" tanong ko napakunot naman noo sya sakin "Maam wala pong T na stall dito" sagot nya sakin, kaya nginitian ko na lang huta talaga nitong si Bryce, nakakahiya magtanong. Napasandal naman ako dito sa may barricade ng 2nd floor, tinatry ko tawagan ulit si Bryce kaso hindi nasagot, napasabunot na lang ako sa buhok ko sa asar sa kanya, makita ko lang talaga to may batok to sakin, pagkatingin ko sa may 1st floor, nahagip na ng mata ko si Bryce, nakatayo, kaya agad ako nagtatakbo pababa ng escalator. "Kanina pa kita inaantay bat ang tagal mo?" reklamo nya sakin "Kanina pa din ako hanap ng hanap sayo andito ka lang pala!" asar ko ding sagot sa kanya "Sabi ko tapat ng T ah" sabi nya sakin sabay turo sa taas kaya napatingala ako, napahawak na lang ako sa noo ko at napapikit, ngaun ko lang napagtanto na ang tinutukoy nyang "T" ay yung letter T ng SUPERMARKET. "San ka ba nang galing?" tanong nya sakin   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD