"Hutangina ka pala eh! Malay ko bang literal na tapat na T ang tinutukoy mo" asar kong sagot
"Alam mo namang Supermarket tayo pupunta eh" sagot nya sakin
"Eh di dapat sinabi mo na nasa tapat ka ng supermarket hindi T" asar kong sagot
"San ba tayo nakapwesto?" tanong nya
"Entrance ng Supermarket!" asar kong sagot
"San ba ako nakatayo?" tanong nya ulit, kaya napatingala ako, sa T nganaman.
"Ewan ko sayo!" sagot ko na lang at pumasok na lang ako dito sa supermarket
"Sabi ko naman sayo nakatayo ako sa tapat ng T, akala ko ba gamer ka, simple instructions, you cannot follow" pang aasar nya sakin.
"Alam mo Bryce, ikaw na talaga!!!" asar kong sabi sabay talikod kinig ko namang tumawa sya.
"Joke lang haha, ano gusto mo?" tanong nya sakin sabay akbay, sanay na ako sa kanya, mahilig sya umakbay yung tipong kahit sino kasama nya aakbayan nya, halos 2 years na din ako nakatira sa kanila, bago pa lang mag simula ang klase pinalipat na ako ng ate nya dun para itutor.
Pagkatapos namin namili ni Bryce, umuwi agad kami at niluto yung mga pinamili namin, pagkatapos namin kumain, habang andito sa couch kasiping ko yung aso nya..
"Kira, matagal na ba kayo magkakilala ni Cyrus?" tanong nya sakin kaya napatingin ako sa kanya
"Oo, first year pa lang" sagot ko
"So nauna pa pala kayo mag kakilala?" tanong nya
"Malamang, saka kung hindi naman ako lumipat dito sa inyo hindi tayo mag kakakilala eh" sagot ko
"San ka ba nakatira nung 1st year ka?" tanong nya
"Sa unit ni Kuya, kaso nung natapos contract nya bumalik na ulit sya samin, kaya napilitian ako nun mag commute, sobrang hirap kelangan ko gumising ng alas singko para makarating ako sa school ng saktong 6:30 kasi flag ceremony ng 7, buti na nga lang at kakilala ni Kuya ate mo" paliwanag ko.
"Bakit mo ngapala natanong?" sabi ko, lumihis naman sya ng tingin sakin
"Wala lang, akala ko kasi ako lang kakilala mo sa campus eh" sagot nya sakin
"Lol! Dami ko kakilala sa campus" sagot ko
"Hindi what i mean, ako lang pinakaclose na kilala mo" sagot nya din
"Well, ikaw lang naman talaga, hindi naman kami ganun kaclose ni Cyrus, pero for sure sa practice magkakilala kami ng maayos, partner ko daw sya eh" paliwanag ko, agad naman sya napatingin sakin
"Partner?" tanong nya
"Oo, ako princess sya yung prince" sagot ko.
"Nood ka ha" dagdag ko din
"Tungkol ba saan play nyo?" tanong nya ulit
"Kung ako si Liqui, its all about princess na ipinagkasundo ng parents nya para magpakasal kay Prince Casper which is si Cyrus" paliwanag ko
"So ibig sabihin may kissing scenes?" agad nyang tanong
"Sa libro, madami sila kissing scenes pero hindi ko alam kung isasama nila sa play" sagot ko.
*BRYCE POV*
"Kung ako si Liqui, its all about princess na ipinagkasundo ng parents nya para magpakasal kay Prince Casper which is si Cyrus" paliwanag nya, bakit kasi kelangang si Cyrus pa makasama nya dun, well bakit kasi kelangang sya kuhain para mag portrait dun sa characther na yun.
"So ibig sabihin may kissing scenes?" agad kong tanong sa kanya
"Sa libro, madami sila kissing scenes pero hindi ko alam kung isasama nila sa play" sagot nya, kaya nanlaki mata ko sa kanya, magkikiss sila ni Cyrus??
"Bat nanlalaki mata mo dyan?" tanong nya sakin.
"San nakakabili ng libro nyan?" tanong ko
"Ikwekwento ko na lang" sagot nya naman
"Hindi, dito ka na lang mag practice satin, ako kapartner mo" suggest ko sa kanya, hindi ko alam pero ayaw ko ng may ibang lalaking nalapit sa kanya, kahit pa si Cyrus o kaya si Kevin, asar na asar na nga ako kay Kevin pati ba naman si Cyrus.
"Luh sya! Hindi naman natin alam kung ano isasali na part at hindi eh, kaya kelangan ko mag practice dun kasama ni Cyrus" sagot nya sakin, medyo naasar naman ako dun sa sinabi nya
"Bakit kasi kelangan pa na ikaw mag portrait dun sa Liqui? Hindi ka naman Drama Club ah" asar kong sabi
"Bat ba asar na asar ka dyan?" tanong nya sakin, oo nga no? Bakit nga ba?
"Wala na ba sila iba makuha?" tanong ko
"Wala na daw eh, ako lang daw pinakaperfect, ininstalk nila yung social media ko, alam mo naman dami ko pic na naka hanfu dun" sagot nya sakin, sa totoo lang madami nga, lagi ko tinitignan gabi gabi yun, di ko alam kung bakit.
Habang andito sa kwarto, pinapractice nya yung ibang scene sa libro..
"Oh aking sinta, ikaw lang ang iibigin ko hanggang sa katapusan ng mundo" acting nya sabay kunwaring hahalik kaya napairap ako, kung sa ganun may kissing scene nga sila. Bakit kasi pumayag payag sya, tumayo naman ako saka lumapit sa kanya.
"Bakit?" tanong nya sakin
"Practice tayo" suggest ko sa kanya
"Sige, ganto gagawin natin, pagkasabi ko nung line, hawakan mo lang yung mukha ko" sabi nya, medyo kinabahan naman ako, sa tinagal tagal ng pagsasama namin dito sa kwarto ngayon ko lang sya mahahawakan sa mukha.
"Oh aking sinta, ikaw lang ang iibigin ko hanggang sa katapusan ng mundo" sabi nya, tapos medyo dinagdagan ko yung sinabi nya, hinawakan ko sya sa beywang nya at nilapit sakin sabay hawak sa mukha nya, nagtitibok naman ng malakas puso ko nung tinitigan ko sya sa mata ng malapitan, nagyelo naman bigla buong katawan ko nung tumingin din sya sa mata ko, bigla naman nablanko yung utak ko, napakagat naman ako sa labi ko nung napatingin ako sa labi nya, bakit feel ko gusto ko ako mauna humalik sa kanya bago pa man sya mahalikan ng iba. Unti unti ko naman nilapit mukha ko sa kanya, sobrang tahimik nya habang nakatingin sa mata ko, 2 inch na lang ang layo namin sa mukha ng isa't isa, sobrang lakas ng t***k ng puso ko, hindi ko mapigilan sarili ko. Ilalapat ko na sana yung labi ko sa labi nya kaso bigla bumukas yung pintuan ng kwarto namin. Agad naman kami nag hiwalay ni Kira.
"Susko! Pasensya na kung nakaistorbo ako" sabi ni ate kaya napahawak ako sa leeg ko, konting konti na lang eh, lalapat na eh.
"Nag papractice lang po kami ate ace" sagot naman ni Kira
"Nag papractice? Mag halikan? Ganun?" pang aasar ni ate samin
"Ah hindi po ate ace, para po sa drama play sa Saturday" sabi ulit ni Kira
"Ahhhh, akala ko naman kung ano na, akala ko nagkakainloveban na kayo" pang aasar ulit ni ate
"Ay haha ate, hindi po mangyayari yan, never in my life" sabi ni kira kaya medyo naasar ako, hindi ko alam kung bakit.
"Oo nga, wag mo bigyan ng malisya ate" sang ayon ko na lang.
"O'sya kung ganun sige, sasabihin ko lang naman na maaga ako aalis bukas, hindi ko na kayo mapapagluto ng breakfast, sa cafeteria na lang kayo kumain" sabi ni ate
"Okay po ate" tugon naming dalawa
"Oh sige, tuloy nyo na kiss nyo" pang aasar nya sabay sara ng pinto, nagkatinginan naman ulit kami ni Kira, nilihis nya agad yung mata nya.
"Matutulog na ako" sabi nya sabay higa at taklob ng kumot, kaya napakamot na lang ako sa ulo, malapit na eh, dapat pala sinunggaban ko na.
Kinabukasan..
Naglalakad na sana ako papunta sa Drama club para manood ng practice nila Kira nung nakita ko si Cyrus na papunta pa lang din.