Agad naman ako lumapit sa kanya at umakbay.
"Wag ka nga kung san san nasulpot!" reklamo nya sakin
"Bakit ikaw yung kinuha nila para mag portrait na Prince Casper?" tanong ko sa kanya
"Perfect daw buhok ko eh" sagot nya kaya napatingin ako sa buhok nya, well para nga namang buhok ng mga prinsipe yung style ng buhok nya
"May kissing ba daw na magaganap?" tanong ko
"Hindi ko alam, pero kung meron, why not?" sabi nya sabay ngiti
"Crush mo ba si Kira?" tanong ko agad
"Ikaw ba?" balik nyang tanong sakin
"Luh? Bakit ko naman magiging crush yun" sarcastic kong sagot, napaismid naman sya sakin
Pagdating namin sa Opera Club, andun na agad si Kira, hindi ko ba alam kung sumabay sya kaninang umaga kay ate ng pagpasok kasi pag gising ko wala na sya.
"Finally, prince casper, kanina ka pa inaantay ni princess liqui" sabi nung mga seniors, ngumiti naman si Cyrus, habang nag papractice sila, may mga pag hawak hawak pa sa kamay na nalalaman, magpapahaba din ako ng buhok na katulad ng kay Cyrus para pag may ganitong play ako kukunin nila.
"Mukhang seryoso na seryoso ka dyan ah?" sabi ni Kevin habang naupo sa katabi ko
"Mukhang mas bagay sila kasi saming dalawa" dagdag nya
"Lol! Mas bagay kami" mahina kong sabi "Ano?" tanong nya sakin
"Wala, sabi ko bakit inaya mo sya makipag date sa lunes?" tanong ko
"Ah wala lang, balak ko kasi ligawan sya, okay lang naman siguro sayo diba?" tanong nya sakin kaya napalingon ako sa kanya
"Wala naman problema" sagot ko, huta! "Well kung ganun, itutuloy ko panliligaw sa kanya, sana sagutin nya ako" sabi nya ulit.
*CYRUS POV*
"Mukhang gusto ako katayin ni Bryce, kung makatingin sakin akala mo naman gf ka nya" bulong ko kay Kira habang magkayapos kami, meron kasi sa scene namin na magkayapos
"Lels, as if naman kung gusto nya ako no" sagot nya, bahagya ko naman hinawakan ulo ni Kira habang magkayapos kami tapos bahagya ako tumingin kay Bryce, umirap sya sakin.
"Sa tingin ko meron" sabi ko ulit kay Kira "Malabo" sagot nya ulit sakin
Maya maya pa umupo sa katabi nya si Kevin, may pinag uusapan silang dalawa na sa pakiwari ko ay kinasama ng mood lalo ni Bryce, ano kaya sinabi ni Kevin sa kanya. Makalipas ang ilang oras na pag papractice.
"Kain muna tayo" akit ko kay Kira, ngumiti naman sya sakin at tumango.
"Oy kayong dalawa? Sasama ba kayo?" tanong ko kay Bryce at Kevin, agad naman ngumiti at tumango si Kevin habang si Bryce, nakasimangot na tumayo.
Habang nakain dito sa cafeteria..
"Oyy, may kissing scene daw ba kayo?" nakangising tanong ni Vincent.
"Meron daw" sabi ko, agad naman napatingin sakin si Bryce na nanlalako ang mata
"Oh talaga? Meron daw?" gulat na tanong din sakin ni Kira
"Meron kaso dampi lang" sagot ko ulit sabay inom ng coke
"Dampi lang? Ni lalang mo yun? Atleast kiss pa din yun" galit na sabi ni Bryce, kaya napatingin kaming dalawa ni Kevin sa kanya, bat parang affected na affected sya dun
"Makaasta ka naman dyan kala mo gf mo si Kira ah" sabi ko, tumingin naman si Kira sa kanya kaso iniwas nya agad yung tingin nya.
"Hindi ah, nagulat lang ako" palusot nya, sus~
"Sigurado ka ba talaga na payag ka na ligawan ko si Kira?" tanong ni Kevin kaya napatigil ako sa pag inom ng cola.
"Manliligaw ka sakin?" gulat na tanong ni Kira, tumingin naman si Kevin sa kanya at ngumiti
"Oo eh, kung okay lang sayo" sabi ni Kevin
"Syempre naman okay lang, alam mo ikaw first man na manliligaw sakin" tuwang sagot pa ni Kira,
"Heol Kira? You mean wala ka pa nagiging boyfriend?" tanong ko, umiling iling naman sya sakin
"So ibig sabihin wala ka pang first kiss?" tanong ni Kevin, umiling naman si Kira sabay inom ng juice
"Whoo~ di ibig sabihin ako magiging first kiss mo?" tanong ko, well well well, sa waka makakakiss din ng virgin lips.
"Oo, kaya nga nagulat ako kanina nung sinabi mo na meron eh, kahit dampi lang yun atleast sabi nga ni Bryce, kiss pa din yun, naglapat lips natin eh" sagot nya kaya napangiti ako
"Hoyyy!" asar na sabi sakin ni Bryce "Ngingiti ngiti ka dyan!" dagdag nya
"Eh ikaw? Bakit asar na asar ka!" sagot ko naman sa kanya
"Pero okay lang yun, para sa play lang naman yun eh, pero alam mo, as your man maiinggit pa din ako kay Cyrus" sabi ni Kevin
"As your man?" tanong ni Bryce
"Bakit ba badtrip na badtrip ka dyan?" tanong din ni Kevin sa kanya
"Hindi ah, nagtatanong lang ako" sagot nya
"Andito lang pala kayo, punta kayo sa room ko mamaya after nyo kumain,
may sasabihin ako" sabi ni mam ace, ate ni Bryce, tapos umalis na sya.
"Ano na naman kaya sasabihin nun?" tanong naman ni Bryce.
Pagkatapos namin kumain, agad na kami pumunta sa room ni mam ace..