CHAPTER 17: SOMETIMES

1115 Words
"Iba talaga charisma ng kapatid mo Dean, lahat napapatulala at napapangiti pag nakita sya" "Syempre, mana sakin eh" yabang nyang sagot, kakapal ng mukha, sobrang ganda kasi ni Kira, para talaga syang prinsesa tapos bagay na bagay sa kanya yung suot nya. "Ang ganda naman ng princess" sabi nung studyanteng lalaki na MC. "May boyfriend ka na ba?" tanong pa nung isa "Putolin ko ulo nyo eh" biglang imik ni Bryce dito sa may katabi ko kaya napaigtad ako sa gulat. "Kelan ka pa dyan?" "Kanina pa" asar nyang sagot sakin "Bat asar na asar ka?" tanong ko "Wala!" matipid nyang sagot "Tinanong lang kung may bf si kira naasar ka na,bakit kayo ba?" tanong ko "Hindi" sagot nya, hindi naman pala, eh bakit asar na asar ,maya maya pa nagsimula na yung drama play, medyo nakakaiyak yung theme ng drama nila, kaso yung pinahihintay hintay ko na scene, hanggang ngayon hindi pa din nangyayari, kaya napatingin ako kay Bryce, nung isang gabi kita ko sila na nakatayo mag kikiss, nung isang gabi nakahiga, mukhang ako yata ang matatalo sa pustahan namin ni Dean ah. Hanggang sa natapos yung drama, walang nangyari na bed scene at kissing scene, kaya habang napalakpak hindi ko maalis mata ko kay Bryce, ngayon ko lang sya nakita ngumiti ng ganto, so ibig sabihin? Sila kaya ni Kira? Kagabi magkahawak kamay pa silang umuwi, kita ko nung sumilip ako sa bintana, tapos ang dami pang pagkain na iniuwi. "Hoyy!!" sabi ni Dean sabay snap ng kamay sa may mata ko "Bat tulalang tulala ka dyan sa kapatid mo?" dagdag nyang tanong "Wala" sagot ko na lang sa kanya. *CYRUS POV* "Dapat pala hindi na nila tinanggal yung kissing scene no?" pabiro kong bulong kay Kira "Haha buang" "Ang ganda mo" seryoso kong sabi sa kanya kaya napalingon sya sakin "Thankiiieee" nakangiti nyang sabi, bigla naman nagtitibok puso ko, cyrus wag mo sabihin na naiinlove ka din kay Kira, makikisama ka pa kay Kevin at Bryce. "Once again the drama club" sabi nung MC kaya nagbow ulit kami. "Dun sa princess, drop your number" pabirong sabi nung MC "Sorry, Taken" pabiro ko ding sabi dun sa MC "Ayyy? Sayang" sabi nung MC, napalingon naman ako kay Bryce, tatango tango sya ng kilay sakin. Pagkababa namin ng stage... "Sino Boyfriend mo Kira?" tanong nung lalaki sa kanya na kasama nila Bryce at Mam Ace. "Ah, Cyrus kuya ko ngapala" pakilala ni Kira "Ay hello po, nice to meet you po" nakangiting sabi ko "Taken ka na? Kanino?" tanong nung kuya nya "Yan kay Bryce, Boyfriend ko yan ah" sabi ni Kira kaya pare-parehas kami napatingin sa kanya. "Boyfriend? With space or without space" tanong nung kuya nya "With space, Boy space friend" paliwanag ni Kira "That space hurts" kinig kong bulong ni Bryce. "Ah, kala ko naman nagkainloveban na kayo eh" pabirong sabi ng kuya nya sabay tingin kay mam ace, napatingin din si mam ace sa kuya ni Kira. "Akayin na kita papunta sa Dance club" sabi ni Bryce, tapos ngumiti si Kira at nilagay kamay nya sa braso ni Bryce. Bumalik naman ako dito sa Drama club para magpalit, manonood pa ako ng sayaw nila Kira, gusto ko makita reaksyon ni Bryce habang nagsasayaw si Kira at Kevin. Pagkatapos ko magpalit, papunta na sana ako sa Dance club nung nakasalubong ko si Bryce. "San ka papunta? Sasayaw na sila Kira ah" tanong ko sa kanya. "Magpapalit, ako daw mag eem-c dun, salip na ayaw ko manood ng sayaw nila eh" asar na sabi ni Bryce kaya napatawa ako, sinamahan ko na lang sya papunta sa Music room, andon kasi mga gamit namin. Pagkapalit nya ng damit, bumalik na kami sa Dance club, inabutan naman si Bryce agad ng mike. "Hello, good afternoon folks, im your man Bryce, the cute and handsome MC today" pabiro nyang sabi, napangiti na lang sila Mam ace sa pinag sasasabi ni Bryce. "Andito po tayo ngayon para saksihan ang sweet and cute performance ng Dance Club" sabi nung kapartner nyang MC. "Wag na natin patagalin, mag gagayak pa tayo para sa Seniors night mamaya eh" pabiro ulit sabi ni Bryce, naalala ko may seniors night ngapala mamaya, isasayaw ko pala mamaya si Kira haha. "Now please welcome, the dance club" sabi nung isang MC, napatingin naman ako kay Kira, ang ganda ng suot nya, all white dress na hanggang tuhod lang, lahat sila all white dress, ngiting ngiti naman dumaan sa gitna din si Kevin, tapos kita ko si Bryce ngumiti kay Kira nung dumaan na si Kira sa gitna, ganda ngitian ni Bryce, mamaya tulala yan sa selos, pagkapwesto nila Kira dun sa kabilang stage. /SOMETIMES/ (For the step kindly search Sometimes MV by Britney Spears) "Awwwwwww" sabi nung mga ibang studyante nung nagsimula yung intro nung kanta, napahawak naman ako sa puso ko kasi ang ganda nung kanta, bagay na bagay kay Kira at Kevin, talagang damang dama nila yung sayaw at bawat hipo nila sa kamay ng isa't isa. Napapangiti naman ako kasi sobrang cute nung sayaw nila, parang mas bagay yata si Kevin at Kira. "Ang cuuuteeee" sabi nung mga students na nasa likuran ko. "I agree" mahina ko sabi, ang cute kasi tignan ni Kira at Kevin, ay hahaha kakanood ko nakalimutan ko si Bryce kaya agad ako tumingin sa kanya.. Kaya napatawa ako dito sa pwesto ko, tuwing may sweet moves si Kira at Kevin napapa 'awwwwwww' yung mga nanonood, pati na din sila Ate Ace at Kuya ni Kira nakangiting nakangiti habang nanonood, well actually lahat lahat dito nakangiti sa performance nila, si Bryce lang ang hindi, ang cuteee talaga kasi nila tignan, mga 5 pairs silang nasa stage, main pair si Kira at Kevin, see parehas pa pala K ang una ng pangalan nila. Parang mas boto na yata ako kay Kevin ah. Nung nasa may part na ng step na akala mong yayapos si Kevin kay Kira napapasigaw naman yung mga nanonood, kahit ako nadadala na din, hutek yan. Sino ba nagturo ng step sa kanila at masakal, nakakakilig. Ngayon lang ako kinilig sa sayaw, ang sweet pa ng tugtog kaya lahat ng andito nadadala. Dapat pala nag Dance Club na lang ako, para ako ulit kapartner ni Kira, well malas ni Bryce, para naman kasi syang nirarayuma pag nasayaw,akala mong lolo na hindi nakainom ng flanax ng isang taon. Hindi ko alam na ganto kaganda sayaw nila Kira, hindi ko kasi sila napapanood nung practice, for sure magiging couple ng campus to si Kevin at Kira dahil dito sa sayaw nila, pustahan lagi sila pagtatambalin sa mga events na ganto. Tsk tsk! Kawawang Bryce. Malakas na palakpakan naman ang nangibabaw dito sa buong Dance club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD